Mga Sumasampalataya

Sep 14, 2006

ENTRY 50: EULOGY SA CELLPHONE KO

Kung nabasa niyo yung huling entry ko, nalaman niyo na nawala yung cellphone ko sa Enchanted Kingdom... Ninakaw siya ng walang kaluluwang nilalang na hindi ko malaman kung bakit isinilang pa sa mundo... Ngayon ako magpapakabitter, para matapos na lahat ito... ilalabas ko lang yung sama ng loob ko... Pagpasensyahan niyo na po ako...

Nung pasko nung nakaraang taon, ipinakita ko sa inyo yung nabili kong cellphone... Sony Ericson k750i... Minahal ko yun ng halos 9 na buwan... Halos lahat ng mga paborito kong kanta nakastore sa mp3 player nun... At ang mga PICTURES!!! yun ang pinakanakakapanghinayang... Hindi ko man lang nai-upload yung mga larawan ko at ng mga katrabaho ko sa email ko...

Nanggigigil ako... di ko alam kung paano nakuha yun... pero tapos na siya... I've let go... I'm moving on... Kailan kaya ako makakabili ng kapalit ng phone na yun? Gusto kong bilhin yung Cybershot phone ng Ericson... Pero medyo mahal pa siya... Hihintayin ko muna maging mura yung phone, saka ko bibilhin... Sana dumating na yung increase ko, nang matigil ako sa kakatipid... Hindi siya healthy para sakin...

Ang mabuti na naidudulot ng pagkawala ng phone ko ngayon... eto...
  • Nauuto ko ang mga agents ko na gawin lahat ng gusto ko (kunwari nalulungkot ako)
  • Napagbibigyan akong iextend ang mga utang ko dahil nga kunwari depressed ako...
  • Naipagluto ako ng magulang ko ng paborito kong pagkain nung linggo
  • Lahat nakikisimpatya sa pagkawala ng phone ko (concerned sakin agents ko... awwww)

Ok na ako... Move on..

2 comments:

Anonymous said...

Pisces, kapag may nawala siguradong may kapalit na mas maganda.ang mga larawan ay hindi mahalaga kung ang mga alaala ay mananatiling nasa puso. ang pagmamahal ng mga nasa paligid ay mararamdaman kung hahayaan ang sarili na maramdaman ito. Mabuhay kang nagsasaya.
- Madam Charing

aajao said...

hi. ok naman features nung new mobile phone ko. nandun din sa post ko yung link ng features. check mo na lang po kase baka mapuno ko itong comments box pag nilagay ko lahat features nya rito. hehe..