Mga Sumasampalataya

Sep 26, 2006

ENTRY 55: ANONG MERON ANG TAONG HAPPY?

Di ko alam kung bakit, pero masaya ako ngayon... Siguro dahil maganda ang performance ng programa ko... dahil natapos ko na yung Season 2 ng Grey's Anatomy... dahil malapit na akong bumili ng bagong cellphone... dahil malapit na ang Octoberfest... o dahil tapos na ang tag-ulan (kahit medyo umaambon-ambon pa)...

Wala akong tulog nuong linggo... Tinapos ko ang buong season ng Grey's Anatomy, mula alas-dose ng tanghali, hanggang alas-dose ng gabi... tuluy-tuloy kong pinanuod yung palabas... AStig... nakakatawa... tapos may mga episode na nakakaiyak (pero di ko ginawa yun... umiyak)... pero mas madami ang nakakatawa... Buong buod sa palabas isusulat ko mamaya o bukas...

Ang isang naging dragging lang sa weekend ko eh nung nalaman ko na hiwalay na ang katrabaho ko sa girlfriend niya ng halos walong taon... Malungkot... pero ganyan talaga ang buhay...

Masaya pa rin ako!!! Dapat lang para hindi bumilis yung pagtanda ng hitsura ko... Gusto ko na lagi akong mukhang bata... Nung linggo kasi, sabi ng isang dati kong ahente na mukha daw akong sobrang ngarag... Di kasi ako nagsuklay... kaya ngayon... todo pomada ito!!! Harhar...

No comments: