Mga Sumasampalataya

Sep 23, 2006

ENTRY 54: NANALO KAMI!!!



Simula alas-4 kahapon, hindi na ako nakaupo hanggang bandang alas sais ng gabi... Ang dahilan...

Game 3 ng finals ng San Beda at PCU!!!
At nanalo kami!!! Pagkatapos ng 28 napakahabang taon, ang tagtuyot ay natapos na... Nakapag-uwi na ang kolehiyo ko ng tropeo para sa men's basketball!!!
Sobrang dikit ng labanan... Last quarter, ang lamang naming bente napalapit sa 1... sinuwerte talaga kami kahapon... Kung naipasok ni Belga yung huli niyang tira, malamang di isasara ang Mendiola mamaya... 1 lang ang lamang... ISA!!!
Worthy opponent talaga ang PCU... Sinong mag-aakala na pagkatapos bumulusok ng SBC sa 3rd Quarter, eh 6 lang ang maipupuntos nila sa huling sampung minuto ng laro... halos lahat pa nun eh free throw...
Pero di na mahalaga lahat yun... Ang mahalaga NANALO KAMI!!! Woooohhh!!! YES!!! Kung pwede lang ako pumunta sa Mendiola mamaya, gagawin ko!!! Ang galing nilang lahat... si Aljamal, Angeles (na pamatay ang buzzer-beater na 3 point shot nung 2nd quarter), Ekwe at Escobal... Hanga ako... Kahit nung bandang huli eh medyo sumablay ang ilan sa inyo, hanga pa din ako!!! Kudos din syempre kay Coach Koy Banal, ang galing mo!!! Sayang wala ako sa Araneta!!! Ang saya!!! Animo San Beda!!! Ang dami kong tinype na exclamation point sa entry na'to!!!

1 comment:

Earl - bluethehero said...

sayang, sana pumunta ka ng mendiola, inuman blues hanggang 4am ata, hehehe.

http://earlmacabulos.blogspot.com