Mga Sumasampalataya

Aug 15, 2011

CHOOSY AKO MAY REKLAMO

Sa totoo lang, pasensyoso ako. Hindi ako iritable. Hindi ako madaling mainis. Pero tao lang ako. Minsan madaling mapikon. Minsan kahit walang dahilan, may kaiinisan. Gaya na lang ng mga ito. Tao nga ako, hindi ako santo. Meron talagang mga bagay na nagbibigay ng dahilan para sakin na magtaas ng kilay.

Hindi ako perpekto, pero ayaw ko talaga sa mga ito...

FEELING CONIO
Papasok sa opisina, sa schedule ko, hindi mo talaga maiiwasang may makasabay na mga Call Center people. Ito ang nangungunang source para sakin ng mga taong feeling conio. Naiintindihan kong sa mga call center, uso ang English Only Policy. Pero sana nilalagay sa lugar. Magaling ang tenga kong maka-spot ng tunay na conio at nagkuconio-coniohan.

Gaya ng nakasabay ko sa bus, nung isang linggo. Dalawang babae, medyo maingay na nagkukwentuhan. English. Eh may bumangga kay ate nang hindi sinasadya. Biglang napasigaw si ate, "What's the fuck?!"

Naman. Alam na!!!

GRAMMAR / SPELLING NAZI AKO
Hindi naman ito sa lahat. Naiintindihan ko na nakakalito ang Grammar, yung mga subject-verb agreement. Kahit ako, hirap dito. Kaya nga tagalog ang blog na ito. Medyo mahilig ako sa redundant words. 

Anyway, ang mga kinaaasaran kong mga bobo sa grammar ay yung mga mas nakakaangat sa akin. Sa trabaho at mas lalo na sa mga nag-aangat-angatan. Yun bang mga feeling magaling. Mga napromote lang akala mo na lobo sa laki ng ulo, pero pag nagsulat ng mga business letters ay walang-wala. Maeengganyo ka bang magtrabaho kung makakakuha ka ng sulat na gaya nito:

"Please take a look at the order. Indorsing this to your division."

FEELING CLOSE
Eto lang sa akin. Hindi ko naman nilalahat. Gaya nga ng sabi ko dati, oo judgemental ako. Pero kapag may isang tao na hindi ko pa masyadong kilala, at tinatawag akong "friend" ay lumalayo na ako. Yung tipo na kung kausap ako ay ganito sinasabi: "uy friend, halika dito tikman mo ito."

Hindi ko alam ha, sa akin lang 'to. Pero ang tingin ko sa mga taong ganun, medyo epal at hindi mapagkakatiwalaan. Ewan ko. Personal na opinyon lang naman ito. Feeling ko, susunod nilang sasabihin sa'yo "uy friend, pautang naman" o kaya "uy friend, bilhin mo na 'to, mura lang, kaluluwa mo lang kelangan mong ibayad."

Siguro nadala lang ako sa mga taong sinasabihan ako ng ganyan. Either nauutangan ako (at tinatakbuhan) o kaya'y nabebentahan ng mga bagay na di ko naman kailangan dahil napilit ako. Off lang talaga sakin ang nakakarinig ng ganun lalo na kung hindi ko naman friend.

Choosy kasi ako.

Kayo, anong ugali ang kinaiinisan ninyo?

14 comments:

YOW said...

Natawa ako sa una, what's the fuck ha? Haha. Ako, yung pagiging judgmental ko napupunta sa tawa. Pag narinig ko yang ganyan, literal kong pinagtatawanan sabay tingin. O di ba mas masama ang ugali? Haha. Sa una lang yun.

Hindi din ako magaling sa grammar shits kaya di ako mahilig mag-magaling. LOL. Takot ako mapahiya. Haha.

Ako naiinis naman ako sa taong asal kalsada tsaka sobrang yabang na wala naman ipagmamayabang. LOL

Rah said...

Naiinis ako sa mga prof na akala mo ang galing, mali mali naman ang grammar, mukhang gago na, ang panget pa ng ugali.

Sana mamatay na sila. Papaparty pa ako.

Usually hindi ako ganito. sa kanila lang.

Dhianz said...

gusto moh tlgah malaman kung anong ugali ang kinaiinisan koh??? may time ka makinig??? lolz... hwag nah... btw binasa koh ren pati 'ung naka-link na entry... so yeah... peace out... Godbless!

Dhianz said...

parang nde akoh nagkoment sa entry moh noh... lolz... 'un nah 'un =P

Ka-Swak said...

lahat naman tayo choosy depende sa kung anong ichochoosy mo.

kumbaga kani-kaniyang perception yan sa tao.

Anonymous said...

bigyan mo naman ako ng kalahati ng pasensiya mo gb, hehe. apir ako sa lahat ng sinabi mo. pero hindi naman ako sobra naiinis sa ganiyan, mas oks lang kung hindi sila ganiyan. :)

kikilabotz said...

hahaha kailangan ko na talgang ayusin ang english ko. hehehe..

an_indecent_mind said...

hahaha! parehas tayo.. guilty.. takte! meaning choosy din ako??? LOL

ayaw ko ng maarte nang wala sa lugar... pag cute ka, nakakatuwa pag nagiinarte ka... pero kung... never mind! :p

AkosiUNNI said...

what's the fuck lol~ c ate talga haha..
im no good in english lol,,,parang adik lng,,,kaya d ako nagmamagaling pag dating sa mga ganyang bagay~..
usually ang mga nagmamagaling sa mga ganyan ung mga feelingero at feelingera lng~~hehe
napadaan dito sa bahay mo~

Chyng said...

ayoko sa masyadong affected kasi di naman sya dapat maapektuhan. at opcors, ayoko ng nagmamarunong! haha

Anonymous said...

Hmmm.. pareho tayo sa grammar at spelling. di rin naman ako perpekto pagdating jan. Pero yung mga sa tingin ko eh commonly used eh dapat alam na nila.

Maraming Briton ditong may degree pero halos di marunong sa spelling. Ewan ko kung bakit.

Anyway, I easily get annoyed at people who are arrogant, insensitive, palamura at walang table manners.

Raft3r said...

what's the fuck?!
nyahaha

Charles said...

ah marami haha pero my motto now is hate moderately eh nyehehe

Louchi Sen said...

ay parehas tayo lalo na yung huli.. hehehhe