Mga Sumasampalataya

Aug 8, 2011

WALANG SPOILER: ANG BABAE SA SEPTIC TANK

Bibihira na lang yata ang mapapanuod mong pelikulang tagalog na makapagpapaaliw sa'yo.  Kung manunuod ka ngayon, puros romantic comedy na lang ang pagpipilian mo. Tatak ito na bumagsak na ang pelikulang Pilipino.

Sa mga indie films ka na lang yata makakakita ng mga kakaibang kwento. Pero kahit ang mga ito, ay maraming temang magkakatulad. Kung kwentong pag-ibig sa mainstream na mga pelikula, tungkol naman sa kahirapan o kaya nama'y kabaklaan ang sa mga indie.

Kaya minsan nakakawalang gana manuod ng pinoy na mga pelikula.

Pero minsan, may mga dumarating na direktor o manunulat na maghahatid ng isang pelikulang kakaiba. Hindi lang mamumulat ang iyong mga mata, pero sobrang maaaliw ka pa. Yan yung naramdaman ko nang mapanuod ko ang "Ang Babae Sa Septic Tank" ni Marlon Rivera.

Without getting to the specifics, isa itong parody kung paano gumawa ng isang indie movie. Kung tutuusin, wala siya talagang kungkretong kwento. Kung meron man, tungkol ito kung paano in-imagine ng direktor, producer at production assistant ang kanilang obrang pinamagatang "Walang Wala" na pagbibidahan ni Eugene Domingo.

Ang husay. Sa totoo lang, ito lang ang masasabi ko tungkol sa pelikula. Henyo ang pagkakasulat nito. At sobrang galing ng bidang si Eugene Domingo. Bagay nga na nakuha niya yung award bilang pinakamahusay na aktres para sa pelikulang ito. Sumakit ang tyan ko.

Ang pinakapaborito kong eksena eh yung part kung saan in-imagine nila kung paano ang magiging hitsura ng pelikula kung ibang artista ang gumanap nito. Dito ako sobrang napahanga sa pelikula. Napaka-creative. Mapapabilib ka sa husay ng imahinasyon ng nagsulat (Chris Martinez) at nagdirehe nito.  Di ko na sasabihin kung sino-sino ang mga artistang nagcameo pero kaabang-abang ito. At dito mo marerealize na bagay nga talaga si Eugene para dito.

Ang dami kong natutunan sa pelikulang ito. Ang tatlong klase ng pag-arte (ito yata ang pinagbasehan ng pagkapanalo ni Eugene). Meron din akong natutunan sa paggawa ng pelikula gaya ng "the shakier the camera, the better the film." 

Sobrang tumatak din ang ilang bida sa pelikula, sina JM de Guzman at Kean Cipriano ay magaling din. Kahit yung Production Assistant, kahit wala siyang linya, ay mapapansin mo din. Ang paborito ko yung kupal na direktor na kinaaasaran nila. Dun sa eksenang yun yata muntik nakong mapautot sa kakatawa.

Kung meron man akong pupunahin, dun lang siguro sa musical number ng pelikula. Masyado siyang humaba.

Pero all in all, mataas ang marka para sa akin ang pelikulang ito. Hindi man ito yung tipo ng pelikulang pwedeng ipanglaban sa mga international film festivals (ika nga ni Kasintahan masyado kasi siyang rooted sa Philippine Culture kaya baka di ito magets ng mga banyaga) ay sulit naman ang ibabayad mo dito. Kalaban man nito ngayon sa sinehan ang mga pelikulang Rise of the Planet of the Apes, Harry Potter at Captain America, ito muna umpisahan ninyo.

PAALALA LANG: MINSAN NA LANG PO TAYO MAGKAROON NG MATINONG PELIKULA, SANA SUPORTAHAN NIYO NAMAN AT WAG MAMIRATA!!!
RATING: 9.5 out of 10

20 comments:

zeke said...

I would love to see this film na.. Kaya lang, walang oras lagi. hahah. sasabay ko na lang sa zombadings. :)

Unknown said...

I enjoyed the movie too. Lalo na yung last scene, though medyo masyadong matagal ang litanya ni Eugene, yung reaksyon niya nung nasa septic tank na ang the best! Ang mukha ng shock, unbelief, hopelessness and acceptance, kuhang kuha niya. Ang galing niya sa part na yun. She's really a great actress.

=supergulaman= said...

inde ko yan napanood...hinakot nyan film na yan halos lahat ng award sa cinemalaya...ayos...nahihirapan akong makahanap ng copy ng indie film na lokal...ang hirap mamirata lols... :))

kikilabotz said...

matagal ko nang nababalitaan na maganda nga daw ito.kaya balak ko talga panuorin siya kasi yung mga ganitong pelikula bihira lang lumabas sa pirated na dvd. hehe

khantotantra said...

mahabs nga ang musical.

ang 3 klase ng pag-arte, elevator, tv patrol and as-is-as-is ata

EngrMoks said...

Dpat papanoorin din namin to nung natapos na yung Planet of the apes... Kaso nalate kami sa screening at gagabihin na.

Plano namin ngayobg weekend. Tama ka maganda ang movie nato marami ang nagsasabing kwela si eugene. Parang kulang pa nga daw ang ibinayad mo sa sinehan sa ganda.

Call Me Xander said...

Sobrangf ganda ng palabas na ito.. super tawa to the maximum level.. haha. Hanggang ngayon pag naaalala ko ang movie natatawa pa din ako

YOW said...

Parang ngayon lang naging positibo ang review ah? Haha. Wow. Lalo tuloy ako naexcite at naengganya manood. May nabasa kasi ako na wala daw kwenta. Magkakaaward ba kako kung walang kwenta? Nawalan tuloy ako ng gana. Haha. I wanna watch et like now na.

John Marx Velasco said...

Panonoorin ko na talaga 'to this weekend!

Mac Callister said...

kawawa naman kaming mga nasa abroad huhu wala pang linaw if papalabas dito! haha

Ms. Chuniverse said...

Sabi nila patama daw ito sa mga producers/directors ng mga indie films na walang ginawa kundi i-exploit ang kahirapan ng mga Filipino para lang magkaroon ng mga international awards at recognitions. Poverty porn ika nga.

I haven't seen the movie, pero i'm looking forward. With that rating of yours... I MUST!

Thanks! :)

eMPi said...

magagandang feedback ang naririnig ko dito. hmmm. mapanood nga.

Anonymous said...

i wish they'd show this in gensan. ugh!

L said...

nakapag-book na kami nito last week sa greenbelt. kaso pina-cancel namin nung last minute kasi nagka-emergency. baka pwede na namin 'tong mapanood this week.

pinakamalupet nga raw 'to sa lahat ng sumali sa cinemalaya kaya hinakot halos lahat ng parangal. ang siste pa, biglang naki-ride on ang punyetang star cinema dahil nga sobrang ganda raw nung movie. okey lang kasi kung maganda nga talaga 'to, dapat lang na gawing mainstream para mapanood ng mas maraming pilipino.

oo nga pala, gagawan ko rin 'to ng movie review pag napanood ko na.

aajao said...

puro good reviews ang inaani ng produksyong ito. itinataga ko sa bato: bibili ako ng ORIGINAL DVD nito. ;)

FerBert said...

Binoto ko ito 'nung nanood ako ng Cinemalaya. Humihilera na siya sa Temptation Island (1981 hindi yung kina Marian), Crying Ladies at Jologs na paboritong pelikulang Pilipino ko. Hihi

Unknown said...

ganun ba talaga kaganda to? kasi ang pinanood namin e Capt America at Rise of the planet of the Apes e.. teka.. bigyan ko nga din ng chance.. ^^

Raft3r said...

maganda ba talaga ito?
mabili nga sa dvd
hehe

Karl said...

palabas pa ba? makahabol nga.

McRICH said...

napadaan po ulit, ang alam ko panlaban natin to next year sa oscars, sana makapasok sa finalists, gang ngayon di pa rin namin napapanood, siguro pag uwi na lang saten.