Mga Sumasampalataya

Aug 3, 2011

KWENTONG MRT

Isang gabi, pauwi ako sa bahay namin sa katimugan ng syudad, sumakay ako sa huling byahe ng MRT. Ayokong magbus dahil nakakatakot maglakad sa Cubao. Mga mandurukot dun kahit mukhang dukha na gaya ko ay pinapatulan at ninanakawan. At ang tagal ng byahe. Mabilis at safe sa MRT para sakin.

Maluwag ang mga huling byahe. Tuwang tuwa ako nun dahil maraming bakanteng upuan. Hindi siksikan. Hindi ako mahihipuan.

Pagdating namin ng Santolan, may isang mama ang pumasok. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa kabila ng kaluwagan ng tren at dami ng bakanteng upuan, si kuya ay tumayo sa harap ko.  Mukha siyang macho dancer. Naaalala ko nakaitim na see-through na sleeveless shirt siya. Amoy pinaghalong Safeguard at baby powder. Oo, ako na ang judgemental.

Natatakot akong tingnan siya. Baka ano ang gawin sakin. Sino ba namang matinong tao ang tatayo sa harap mo kahit na maluwag ang tren? Yung mga may masasamang intensyon lang, sa isip-isip ko.

Dumaan ang Ortigas, ang EDSA Central, maraming nagbababaan. Lalong lumuluwag, pero si Kuya di natitinag, parang rebultong nakatayo sa aking harapan. Natatakot akong tingnan siya baka kung ano ang isipin ni Kuya.

Pero isang saglit ay ako'y napasulyap sa kanya. Nagkita kami ng mata sa mata.

Mukhang may balak nga si kuya, dahil hindi niyia pinalampas ang pagkakataong iyon. Nang ako'y nakita niyang tumingin sa kanya, ako'y nginusuan niya. Shet, gusto niya ba akong halikan?! Mukha ba akong bading? Mukha ba akong pumapatol sa mga nakikilala ko sa tren na amoy Safeguard at baby powder?!

Walang takot, pinakita ng mukha kong nandidiri ako sa ginagawa niya.  Pero matigas si Kuya, nginusuan niya ako ulit. At sa pagkakataong ito, nakaturo ang nguso niya sa pagkalalaki ko.

Kahit anong angas mo, gawan ka ng ganun ni kuya, at hindi ka lasing, matatakot ka. Mabilis na lumipat ako ng upuan. Nakakakilabot na.

Pagdating ng Ayala Station, halos wala na talagang mga tao. Sampu na lang siguro kami dun. Tumabi sa akin si Kuya.

Pinagpapawisan ako. Gusto ko magwala sa loob ng tren. Pero natatakot ako, mas malaki katawan niya.

Linapit niya ang mukha niya sakin at bumulong, "bukas zipper mo at butas brief mo."

Nginitian niya ako at bumaba ng Magallanes.

Ahhhh yun pala ang tinuturo ni Kuya.

Akala ko pa naman ang pogi ko na.

Yun lang pala.

20 comments:

caloy said...

akala ko naman erotic story to. hahahaha! joke! :p

maldito said...

nagwala ka nalang sana..mas mild naman siguro un keysa malaman na butas ang brief mo..wahahahahaa...kidding.

Leo said...

hahaha! winner ang ending. i love stories like this... i was enticed to read from beginning to end. :)

Chyng said...

una sa lahat, congrats sa promotion for the nth time! ikaw na!!!


then - bakit ka nasa cubao? work mo ay sa makati, nakatira ka sa Pque.. so ano ginagawa mo sa cubao?!?! haha!

salbehe said...

Wala naman akong ibang gustong sabihin kundi, Hahahaha! Like!

KikomaxXx said...

hahaha.. weee di nga.. hahaha

egG. said...

napatawa ako sa kwnto... kaloka..... kala ko kung ano na...

anyway.. congrats... :)

rah said...

hahaha in this case, the ends justify the means. :)

Pero hindi mo ba naisip na pwede paring double meaning yon. :)

Skery parin.

khantotantra said...

lols.... iisipin ko bang mabait si koya na sinabihan kang bukas zipper mo o sa tagal na yun, inispatang ang brip mo. lols

an_indecent_mind said...

Hahahaha!! basta natawa ako!

ikaw na ang pogi! hahaha!

YOW said...

Hahahaha. Nakakatawa! Medyo napapangiwi na ako at kinakabahan sa nangyayari sayo. Hahaha. Akala ko kung ano na Kuya Gibo. Hahaha.

rudeboy said...

Hehehehehehe bata pa ako, problema ko na yan.

Ang paglalakad-lakad sa kalye na bukas ang zipper.

Kaya nga ang tawag sa kin ni Kane eh "The Boy with The Open Fly."

FREEDOM! I say! IBAGSAK ANG DIKTADURANG ZIPPER!

PALAYAIN ANG MGA IBON!

Raft3r said...

alam ko kung san ka busy...


kaka-buffet!
hehe

dong ho said...

Nang ako'y nakita niyang tumingin sa kanya, ako'y nginusuan niya. >>> nginusuan pa talaga. pero sa huli may tama naman pala siya. hahaha...

glentot said...

hahaha at least may concern sya para sa iyo.

the green breaker said...

bat ngayon ko lang to nabasa? haha. grabe. natawa ako. lol

Dhianz said...

lolz =P

prinsesamusang said...

nginusuan? parang ang hirap itype nun! hahaha gb promoted na naman ang yaman na talaga! hahaha

Dylan Dimaubusan said...

Hanep! Akala ko naman rereypin ka na.
Oo, ikaw na! Ikaw na ang judgemental!
Hahahahaha!

Raft3r said...

nyahaha
nagpapahipo ka pala, ha
hehe