Mga Sumasampalataya

Aug 9, 2011

PARANG HAYSKUL LANG

"Dali na kasi, pahawak na ng kamay," hiling ni Bert kay Adelle matapos isara ang pinto.

Hinila ng babae kamay palayo sa kasama.

"Asuuuuuuus, nagpapakadalagang pilipina ang sinta ko," tukso ng lalake.

"Yiiiii, may mga tao sa labas Bert baka marinig tayo," babala ni Adelle.

"Bakit ba matatanda na tayo Adelle. Wala ng pakialam yung mga yan kung anong gusto nating gawin. Wala na rin naman tayong mga magulang na magsusuway satin." Pilit nilalapit ng lalake ang mga labi sa babae.

"Anubaaaaa! Baka biglang bumukas yung pinto Bert," umiwas ang babae.

"Nakakandado na yang pinto, wag kang mag-alala," kinindatan ni Bert si Adelle.

"Sigurado ka?" tanong ng babae.

Tumayo si Adelle, dahan dahang lumapit sa pintuan at tiniyak na nakakandado nga ito. Pagtalikod niya'y biglang may humawak sa baywang niya. Niyakap ito ng mahigpit.

"Ano ba Bert, nakikiliti ako!!! Hihihihihi!" pilitin man ni Adelle ay hindi  maitago ang kilig.

Nagpupumigil man ang kapareha, alam ni Bert na nagugustuhan ni Adelle ang ginagawa niya. Hinalikan niya ito sa leeg. Hinalikan ng maraming beses habang nakakapit ito sa baywang. Alam ni Bert na wala nang kawala ang kapareha. Bibigay din siya.

"Bert!!! Tama na!! Hihihihi." hagikgik ng babae.

"Asuuuuuuus Adelle. Wag ka na magkunwari alam ko naman gusto mo 'to diba?" pinaliguan ni Bert ng maraming halik sa leeg ang kapareha.

Tok tok tok.

May kumatok sa pinto.

"Sino yan?" dismayadong tanong ni Bert.

"Looooloooo, inom na daw po kayo ng gamot ninyo sa rayuma!!!" sigaw ng isang bata sa kabila ng pintuan.

"O siya apo... Lalabas na." sagot ng matanda.

"Halika na Adelle, mamaya na lang ulit tayo magkulitan." kinuha ng matanda ang kamay ng asawa at sabay na lumabas at binati ang bata.

********************
Sinisipag akong magsulat ngayon. Hayaan niyo na, minsan lang ito.

15 comments:

EngrMoks said...

Adik ka gillboard! Akala ko nanay o tatay lang sila.

Parang natural naman sa magulang ang ganyan sabi ko sa sarili ko habang nagbabasa. Takte lolo at lola na pala. Parang HS nga.

zeke said...

Pagkaharot-harot ni Adelle akala mo sweet sixteen! hahaha :D

YOW said...

Nag-mumurang kamyas. Hahaha.

Pero ang sweet. Ganyan sana lahat tayo pagtanda, sweet pa din sa mga asawa. Haha. Ang cute. :) Ikaw na Kuya!

Ms. Chuniverse said...

Hahaha!


Very nice.


:)

eMPi said...

landi ni lolo at lola... akala ko mga estudyanteng naglalandian sa kwarto. hahaha

Anonymous said...

hhahaha parang gumuho imagination ko sa part ng "Looooloooo, inom na daw po kayo ng gamot ninyo sa rayuma!!" hahaha

Sean said...

lol! ang cute naman nito! :)

Anonymous said...

naman...akala ko talaga mga teenager eh..nawindang naman ako sa "Looooloooo"...haha..di bali na, salamat at napangiti ako ng sinulat mo..::))

Anonymous said...

Toinks!
Uhm, kapag nagbabasa ako ng kwento malalim at malawak ang imahinasyon ko. Nabigla ang shifting ng utak ko sa teenager tas biglang kulubot na balat...

an_indecent_mind said...

malandi ka!!
di ikaw GB, si adelle! hahaha!

takte sa iinom ng gamot sa rayuma! may sayd epek ba yun sa gamot sa pampatigas? (just wondering...)

Anonymous said...

awwww...after reading this, I started singing kahit maputi na ang buhok ko :P

_Gaspard_

Analie Casuncad said...

Naalala ko tuloy yung hayskul life ko. 40 na di na bumabata e... Hayst. - Ana

glentot said...

Mukhang hindi naman na kailangan ng gamot ni Lolo dahil ang lakas nya.

escape said...

kulit ah. pero magaling ka talaga magsulat.

Raft3r said...

bakit nga pala adelle pangalan nya, ha?