Mga Sumasampalataya

Jun 7, 2009

TUWING UMUULAN

Di ko alam kung ano ba dapat isulat ko ngayong araw. Gaya ng sabi ko, medyo boring buhay ko ngayon dala ng tag-ulan. Di ko alam kung bakit habang tumatanda ang tao, lalo niyang hindi naaappreciate ang panahon na 'to. Bakit ang dala ng panahon eh kalungkutan? Na sa panahong ito lalo mo narerealize na mag-isa ka.

Noong bata ako, di naman ako ganito. Paborito ko ang tag-ulan kasi ibig sabihin nun walang pasok. Malaya akong makakatulog hanggang anong oras na nanaisin ko. Na hindi ko makikita ang mga guro ko sa Trigonometry, Geometry, Physics at kung anu-anong klase na hindi ko naman gagamitin pagtanda ko. Dahil makakapaglaro ako sa baha sa kalsada namin, manghuhuli (at mangtotorture ng mga suso... snail... hindi yung sa babae), gurami, hito at kung ano mang isdang bukid na mapapadpad sa amin. Malakas ang loob ko maligo sa ulan dahil pag nagkasakit ako, hindi ako papasok at wala akong magiging assignment para irewrite ang buong history ng mundo.

Ang saya ng tag-ulan noon, bakit hindi na ngayon?

Dahil ba kahit na nasa gitna na ang bansa ng pinakamalakas na bagyo, kailangan mo pa ring pumasok sa trabaho dahil hindi ka mababayaran kung hindi ka magtatrabaho. Na napakapanget tingnan kung nagdadala ka ng payong, lalo pa't mukha akong bumbay. Para lang nagpapautang. Dahil na rin siguro na kahit na masarap matulog, maiinis ka't unan ang kayakap mo't hindi isang mainit na katawan. Malungkot din siguro dahil kapag may dala kang payong, maiinggit ka pag nakakakita ka ng mga pares na pinagkakasya ang mga sarili nila sa payong na pang isang tao lang, habang ikaw ay nag-iisa sa payong na pandalawahan. Makakapanuod ka ng mga patalastas sa tv ng mga taong ang saya saya sa gitna ng ulan, habang ikaw ay nag-iisip bakit hindi nangyayari ang mga ganung eksena sa buhay mo.

Why is it, than when it's raining, you realize that despite you're surrounded by good friends and family, you still feel isolated and alone.

***********

High pa rin ako sa paste, glue at katol.

Di ako malungkot, wala lang akong maisulat.

AYAW KO NG TAG-ULAN!!!

26 comments:

Joel said...

naka based ako dito, anong premyo?

bakit nga ba madalas na emo ang mga tao tuwing umuulan? hindi ko din alam eh.. kahit ako minsan nalulungkot tuwing tag-ulan. iba talaga ang hatid ng ulan..

hindi halatang nakarelate ako sa entry mo noh?

ayun! sana lang gill makahanap ka na din ng taong mayayakasp mo sa oras ng tag ulan, at taong makakasama mo sa ilalim ng payong na dala dala mo.. yngat lagi. gb!

gillboard said...

kheed: sumasang-ayon ka lang sakin... RAINY DAYS SUCK!!! hehehe

Dhianz said...

tuwing umuulan.. bumubuhos ang langit.. sa iyong mga mata... ahehe.. ganon bah 'un? lolz.. teka... pabasa... nde pa akoh nagbabasa eh... adik lang na humihiritz.. hehe... =)

Dhianz said...

haha.. naaliw naman akoh sa hiritz moh na para ka lang bumbay na nagpapautang... hehe.. kaya naman hwag ka na magpayong... magkapote ka na lang.. or kaya naman magpa-ulan ka na lang... lolz..

oo nga non excited den akoh sa ulan... kahit konting ulang lang sasabihin koh walang pasok.. yahoo!.. hehe...

pero true minsan ngaun pag umuulan parang nakakaemo... parang ang lungkot nang paligid na nde moh maintindihan... minsan nalulungkot ka lang nang walang dahilan... wala nga bang dahilan? lolz..

hayz mga sweet chorva na yan.. naman... hehe... devaleh may ka-chorva naman akoh sa mind koh... pero feeling koh kung nasan man sya pagod na sya... maghapon magdamag bah naman na tumakbo sa isip koh... wehehe... linya lang sa you changed my life in a moment... wehe...

at least kaw kuya Gilbert nakakasulat madalas... akoh minsan poem na lang kc feeling koh minsan wala naman akong matinong maisulat... kung magsusulat naman akoh sa blog eh humahaba naman agn sinasabi koh... so 'unz...

bow... wehe.. devaleh nagpapabalance lang nang buhay ang ulan... ingatz. Godbless! -di

EngrMoks said...

Ako tol hindi sang-ayon..gusto ko ang tag-ulan...malamig kasi, presko ang hangin at nababawasan ang polusyon...
hirap nga lang pumasok pag umuulan kasi laging napuputikan ang laylayan ng pantalon at nadudumihan ang sapatos kong chuck taylor na puti..hehe

EǝʞsuǝJ said...

pareho tayo...

nalulungkot din ako pag umuulan...
ewan ko din bakit ganun
parang may kasama syang masamang hangin na bigla na lang papalibot sayo at sasabihan ka na "maging malungkot ka"..

hehehe...
high ka sa glue,paste at katol?
ako naman dinuduyan ng antok..wahahah

dylan dimaubusan said...

'Dahil na rin siguro na kahit na masarap matulog, maiinis ka't unan ang kayakap mo't hindi isang mainit na katawan.'

Kung isa-psychoanalyze kita, alam mo na malamang ang sasabihin 'ko.. ^__^
Sa age kasi nating 'to nasa stage tayo ng Intimacy vs. Isolation.

Ako, hilig ko ang tag-ulan. Kahit magmukha akong katawa-tawang naglalakad mag-isang nababasa. Dahil hindi ko rin trip ang payong.

Ikaw, gusto mo lang talaga ng kayakap! Nyahahahaha!

escape said...

hahaha... simula palang ng tag ualan ayaw mo na. kalaban din ng mga travel bloggers ang ulan. hirap kasi kumuha ng pictures at bumyahe. kaya pahinga na rin ako. hehehe...

ACRYLIQUE said...

Ayoko rin ng tag-ulan. Mahirap maglaba ng pantalon kapag naputikan. Lalo pa't maong ito o puting slacks. Hay. May kakaibang amoy rin ang mga damit dahil hindi naarawan sa sampayan. Natatandaan ko pa, biglang umulan. Orange ang t-shirt ko. Orange din pala ang payong ko. Resulta, isa akong ponkan na naglalakad. Na kumakatas ang basang sapatos at medyas. Hay ulit.

Try mo rin langhapin ang masarap na amoy ng Pentelpen... :)

APIR! :)

The Scud said...

putik! ako din. i don't like the rain. naiisip ko ang mga bagay na di dapat iniisip. and i feel so alone and lonely.

buti naman at umaayos na panahon. sana tuloy-tuloy na.

have a great week!

UtakMunggo said...

as we grow older, rain reminds us more of tears than of happy, carefree bathing in our birthday suits.

kaya nga mga bata ang pinakamaliligayang tao sa mundo eh.

also, that is why the best pick-me-up recipe during the rainy season is a hot cuppa chocolate: the endorphins make you high!

**nakakahigh pala ang paste? kinakain ko yan noong kinder.. buti nalang normal pa ako ngayon.**

Klet Makulet said...

Di ko pa nababasa ng buo ang entry mo pero pa-comment na...


Ang saya ng tag-ulan noon, bakit hindi na ngayon?

eh kasi noon, nakakaligo ka sa ulan (dun sa labas ng bahay nyo o sa kalye) ng hubo't hubad na walang sumisita sayo. Ngayon, subukan mo kundi kulong ang abot mo! hahahahah



Pasalamat na lang din tayo kasi may lamig naman siyang dulot. :P

gillboard said...

dhianz: kelangan talagang iquote si Sarah Geronimo... hehehe

moks: eto lang yan.. may asawa ka na kasi.. may kayakap ka na sa lamig... pano naman kaming kumot at unan lang? lolz

gillboard said...

jen: pareho tayo, yan din binubulong sakin ng hangin pag maulan...

dylan: oo na.. depress nako dahil single ako!!! hahaha... di rin... madami naman ako pinagkakaabalahan ngayon..

gillboard said...

the dong: maganda pichuran mga patak ng ulan.. di ko lang alam anong klaseng camera kailangan dun.

acrylique: ayaw ko ng pentel pen... nakakasuka... yung iba... merong mga pentel na scented.. yun sarap amuyin.. hehe

gillboard said...

scud: salamat, kaw din, have a great week!!!

munggo: sarap din champurado with matching tuyo!!! yum!!!

klet: masarap din yung malamig... pero nasabi ko kung bakit minsan di rin yun nakakatuwa.

Badong said...

try mong maligo sa ulan! Minsan masarap bumalik sa pagkabata. Tsaka ano yung gurami?

bampiraako said...

haha.pareho tayo parekoy..! dati, sobrang gusto ko ang ulan. masarap maligo lalo na sa probinsiya. pero simula na ang paborito kong ulan ay naging unos...

AYAW kO NA NG TAG_ULAN! kaya nagkaroon din ako ng I HATE RAINY DAYS entry..hehe

eMPi said...

darating din yong kapares mo parekoy... :)

Chyng said...

As the rain falls, so as the drama.

(pinalitan ko lang yung rain, word na alcohol dapat jan) hehe

Mugen said...

Aruuuu!! Maglaro ka kaya ng mga video games mo, makakalimutan mo ang init ng katawan ng iba. Ahahah. Iniintay ko lang na mareformat ang PC ko, ready na ako for Sims 3. Dun na lang ako magsisimulate ng aking pinapangarap na lovelife Lolz

DRAKE said...

Alam mo masarap ang tag-ulan pag nasa bahay ka. Kaya gusto kong umuulan ng sabado at linggo (basta anong mang araw na walang pasok).

Bakit gusto ko ang pag tag-ulan
1. Masarap kumain ng champorado at lugaw
2. Masarap matulog kasi malamig
3. Masarap maglaro ng bangka bangkaan
4.Masarap maligo sa ulan at tumapat sa alulod ng bahay
5.Masarap manood ng DVD, TV at makinig ng music

at higit sa lahat Masarap magbate....... ng itlog para iprito at ipalaman sa Hot Pandesal!hahaha!kala nyo na kung ano no...

Kosa said...

hahaha..
parekoy, hindi ka malungkot?
taena...
e anung tawag dyan?
reklamo?

sabagay, ganyan talaga ang buhay. minsan mapagkakamalan kang bumbay kahit hindi naman dahil sa iyung payong..

o di naman kaya mag-isa ka sa payong na pangdalawa kase ang size mo eh pangdalawa..hehehe jokeness..

hintayin mo lang darating din ikaw duuuuuunn..lols

kitakits

gillboard said...

badong: nung isang araw lang naligo ako sa ulan... la kasi akong payong.. it sucks!!!

bampira: kelangan siguro magkaroon ng i hate rainy days club... hehehe

gillboard said...

marco: i know... looking forward to that...

chyng: ganun ba yun... di naman ako nagdadrama... nagpapakaemo lang... rinig ko kasi uso yan ngayon... lolz

gillboard said...

knox: honga... tinatapos ko yung Resident Evil 5!!! Tapos nun, Star Ocean naman.. kaya ala ako social life ngayon eh.. hehehe

drake: pwede yan... ngayon may champorado dito.. kulang lang tuyo...

kosa: para bang ang desperado ko sa dating ng mga post ko? hehehe