Mga Sumasampalataya

Jun 30, 2009

ENERO HANGGANG HUNYO 09

Maganda ang simula ng linggo ko kahapon dahil nakasabay ko nanaman si epol op di eye ko. Nais ko na siya sana kalabitin upang magpakilala, pero di ko nagawa sapagkat nasa likod ako nakaupo sa fx habang siya naman ay nasa gitna. Hindi ko nasilayan ang mukha niya dahil hindi siya lumilingon. Di niya ata alam na magkasabay kami. Masaya ako dahil after 2 weeks nakita ko na siya ulit... Major stalker mode nanaman ako...

**********
Ngayong araw na 'to magtatapos ang buwan ng Hunyo. Kalahati na ng 2009 ang nagdaan. Wala pa ring nangyayaring masyadong significant nitong taon na ito. Maraming nangyari, pero walang nakakapagpabago pa ng buhay ko. Pero mahaba pa ang taon, di natin alam kung ano ang mangyayari. Malay natin baka itapon nanaman ako ng kumpanyang ito pabalik ng New Zealand (I wish!!!).

Marami namang nangyari ngayong taon, kung ikukumpara ko ito sa 08 na medyo ilang buwan akong tambay at nakatengga lang sa bahay. Nagpapasalamat pa rin ako na kahit papaano, eh nasa mas mabuti akong estado ngayon kumpara sa nakaraan.
  • Una, sa unang pagkakataon, nakapasok ako sa isang gentleman's bar... at sinayawan ni Ana... Margarita (na kamukha ni Mystika).
  • Pangalawa, nagkabati kami ng isa kong kaibigan na hindi ko nakakausap sa loob ng dalawang taon (syempre mas importante pa rin sa akin si Ana... Margarita!!!)
  • Pangatlo, masaya ang naging kaarawan ko, dahil kahit wala masyadong magarbong party, kasama ko naman ang pinakamalapit kong mga kaibigan.
  • Pang-apat, bumalik ako sa dating scene ngayong taon. Pumalpak nga lang kasi isa akong malaking manhid at tanga.
  • Panlima, narealize ko na hindi ako dapat nagpapakakupido dahil sarili kong lovelife hindi ko maayos. Sa ngayon, inaayos ko pa ang buhay ko.
  • Pang-anim. Marami akong nakitang mga kaibigan na ang TAGAL ko nang hindi nakikita (sabi ko nga... building/rebuilding relationships/friendships ang tema ng taon na ito para sakin).
  • Pampito. May ilang mga kapwa blogero akong nakilala na sa personal, at di lang sa blog. (Congratulations nga pala kay Kuya Jon sa kanyang baby girl!!!).
  • Pangwalo. Sabihin na nating walang kwenta pero marami akong nabili para sa sarili ko ngayong taon (Xbox 360, DVD Player, MP3 Player, Armani Code, Lacoste Red, cellphone... shit ang gastos ko, tapos wala man lang akong nabiling bagong damit para sa sarili ko!!!)
  • Pansiyam. Nakakapag-Tagaytay na ako ngayon... para magkape.
  • Pangsampu. May epol op d eye ulit ako.

Medyo maganda mood ko ngayon. Sana magtuluy-tuloy na 'to. Sana sa susunod na magpost ako ng ganito, mababasa niyo nang...

"alam ko na ang pangalan niya..."

27 comments:

ORACLE said...

Napaisip ako dito aba! ambilis talaga ng panahon aba! Oo nga, half of 2009 tapos na. Ang saya! ahihihihi....

Well, abangan ko yan. Goodluck parekoy kay epol of the eye mo! Yakang yaka mo yan! kaw pa! Huwag lang papaka manhid. lolz... Ingat! enjoy!

A-Z-3-L said...

sino kaya ung apple of the eye mo gayon?

sya na kaya?!?!?!

sana...

all the best gil!

Joel said...

congrats at nagbalik sa paningin mo ang epol of da i mo.. sana magtuloy tuloy na nga yang magandang mood mo..

yngat lagi gill.. gb!

EǝʞsuǝJ said...

wuiiii...

hehehe
congrats :D

eMPi said...

hmmm... sige sige parekoy... aabangan namin kung anong pangalan ni apol of da eye mo.... hehehe!

ayos... nagtagaytay para magkape... hehehe...

Herbs D. said...

naaalala ko tuloy si Edward cullen from school. makalaglag panty talaga siya shettttttttt

kung iisipin mo, wala talagang mararating ang hiya hiya na yan. don't make the same mistake that i did.

:-p

SEAQUEST said...

@ least may sense ang buhay mo on the half of this year, hope next month nakalagay na sa post alam ko na pangalan nia hehehe..Goodluck & Godbless

EngrMoks said...

half year down..another half to go...

escape said...

dami mo ngang nabili. galing ka pala dati sa new zealand. sana nga ipapadala ka ulit dun. siguradong mas malaki ang sweldo dun.

The Scud said...

ayos! ganyan din ako dati. gadgets na lang o dvd inatupag. buti nga ikaw damit lang, ako pati underwear di nakabili. hehe.

Badong said...

kalahating taon na ba yun? parang ang bilis ng panahon pero kung iisipin lahatng mga nangyari, mas maganda atang itanong na, kalahating taon LANG ba yun?

naway mas dumami pa ang mga ana margarita mo! hehe

Iriz said...

hindi ka naman masyadong kinikilig nian gillboard?
tama yan, wag lang puro gadgets ang isipin. masaya ako at nakita mo ang epol op di eye mo . binasa ko pa siya ng ilang beses bago ko ma-absorb na apple of the eye pala yun. mejo nagiging slow na ata ako.kalahating taon na nga, sana bago matapos ang taon na 'to alam mo na ang pangalan nia.

nice day!

MkSurf8 said...

psst ang epol, hindi lang tinitingnan ng eye.

bite the epol na!

gillboard said...

mksurf8: pag nangyari yun... epol of the mouth na siya.. hehe

iriz: sana... kaya lang, baka magbago schedule ko.. pag nangyari yun... goodbye epol na... goodbye social life na rin...

badong: totoo... marami nangyari sa akin ngayon na di ko napansin na ilang buwan na rin pala ang nakalipas...

gillboard said...

the scud: di pa nga rin ako nakakabili ng bago nun... sa sweldo.. for sure.. pag may bonus ako!! yun uunahin ko.. lolz

the dong: sana sa ibang bansa naman... ayus na sakin yung halos isang buwan kong stay dun... UK naman sana.. hehe

mokong: thats right.. 6 mos. na lang 2010 na.

gillboard said...

seaquest: i hope so too... makapunta nga ng St. Jude.. hehehe... hingi lang ng lakas ng loob.

herbs: ewan.. di ko kasi gawain yung makipagkilala sa strangers.. lolz

marco: di na ngayon... tipid mode na muna... hehehe

gillboard said...

jen: wala pa namang dapat icongrats... ikaw nga dapat kinocongratulate.. hehehe

kheed: kelan ba pumanget mood ko? kahit depressed ako.. ayus naman mood ko.. kelangan lang ilabas...

azel: i don't think so.. it would be nice... source of kilig ko lang siya ngayon.. hehehe

oracle: we learn from our mistakes.. now.. shut up na ako.. hehehe

Kosa said...

congrats sa numero bilang 9 at 10 mo. simple pero malaman at makabuluhan!

na-curious tuloy ako kay apol op di eye mo parekoy...sa susunod kunan mo ng litrato...

gravity said...

eeeeh! sige next time dapat alam mo na name nya. dare! hehe

wow andami mong nabili! big time ka talaga haha.

Mugen said...

abangan ko kuwento niyo ni apol of da eye mo. Hehehe.

ZaiZai said...

wow, good luck kay apol of de eye:) at good luck sa ating lahat this remaining half of 2009 :)

Dhianz said...

ang bilis nga nemen tlgah nagn panahon... january lang tapos july na naman... tsk.... tapos pasko na naman then another new year... tapos july uletz.. then pasko uletz... ang bilis koh magskip noh.. lolz.. well we are happy for u kc naging ayos ang takbo nang taon moh so far.. God is good... ingatz lagi kuyah.. and pa-haller na lang kmeng lahat sa new apple of d' eye moh... ingatz! Godbless! -di

ACRYLIQUE said...

Naks!

Magpapasko na! wishing you all the best with yuor epol apol! :)

Theonoski said...

so many things to thank for!god is good to you bro =D.

gillboard said...

theonoski: indeed. kaya nga di na ako masyado nagrereklamo ngayon.

acrylique: salamat... dami ko supporters!!! hahaha

dhianz: ihehello ko kayo.. kung sakali na matuloy na makilala ko siya diba.. malabo naman ata yun.

gillboard said...

zaizai: salamat... good luck nga sa ating lahat!!!

knox: naku.. kung may kwento... sige isusulat ko.. haha... kung meron..

gravity: may premyo ba pag nagawa ko yung dare...

kosa: ang hirap nga kunan ng stolen pichur... gising palagi.. hehehe

Raft3r said...

natawa ako sa mystika reference
i met her once
sa dating kong employer
ang kulit nya
sobra
at parang adik
dididiretso sya sa salamin ng building akala nya exit
nyahaha
tagal ang kuko
hehe