Mga Sumasampalataya

Jun 9, 2009

EPIC FAIL: KWENTONG KRAS

Ang isip ko'y nalilito ngayon, merong dalawang ideya na nagnanais lumabas sa utak ko, at gustong maitala dito sa blog ko. Kung nabasa ninyo ang titulo, malamang alam ninyo kung sino yung nanalo sa dalawa.

Normal lang naman sa isang tao ang magkakras (o crush kung magpapakacoño ka), minsan sila yung nagiging inspirasyon nating pumasok sa eskwela, o sa trabaho. Sila yung minsan dahilan kung bakit tayo gumigising ng may ngiti sa mukha. Minsan din, sila ang naiisip natin tuwing tayo'y nagba- balot ng regalo. Iniimagine natin minsan kung ano ang magiging tunog ng pangalan nila na kakabit ang apelyido natin (kung sa babae nakakabit yung apelyido nila sa pangalan ninyo).

Marami na akong naging mga kras sa buhay ko. Kung ililista ko lahat malamang kulang ang isang post.. scratch that, kulang ang blog na ito para maisulat lahat ng mga pinagnasa.. este kinagiliwan ko. Ganun kadami ang mga hinangaan ko. Ganun ako kababaw.

Pero kung gaano kabilis ako malibu... humanga.. ganun din kabilis yun mawala. Hindi ako stalker. Hindi ako mabilis maobsess. at hindi rin ako adik. Kung nagtataka kayo bakit hanggang ngayon single ako... malamang dulot yun ng karma sa mga pinaggagagawa ko sa buhay ko... Read on...

SI THURSDAY
Noong nasa kolehiyo pa ako, sobrang late sa gabi ang uwian ko... Di naman talaga late, alas-9, pero para sa isang nerd na kagaya ko, late na yun dahil di nako nakakapanuod ng mga paborito kong palabas sa tv. Mabalik tayo sa kwento... noong 4th year ako, may isang sem na isa lang ang subject ko sa buong araw at maaga akong umuuwi. At dahil may pagkaloser ako kung minsan, hindi na ako tumatambay sa school at diretso uwi ako agad.

Dun ko nakilala si Thursday. Kavillage ko siya. Thursday ang tawag ko sa kanya dahil tuwing araw na iyon ko lang nakakasabay sa pila ng fx at nakakasabay siya umuwi. Talagang nung nakita ko siya nung una, nagfull stalker mode ako. Di ko talaga tinigilan yung village namin, tuwing weekend, nababike ako sa village sa pagnanais na makita ko siya. Nagtagumpay naman ako, isang beses nakasalubong ko siya habang nagiiscooter siya.

Ano ba meron kay Thursday? Wala naman, feeling ko kasi perpekto siya para sakin. Mas matangkad pa nga ata yun, parang model. Meron nga lang siyang isang kapansin-pansin na nunal sa kanyang pisngi. Pero ayus lang, di iyon distracting para sa akin. Kras ko pa rin siya.

Sobrang madalas kami magkasabay ni Thursday na minsan nginingitian na namin ang isa't-isa pag nagkakasabay kami sa FX pauwi. Pero sa loob ng 2 buwan na nagkakasabay kami, ni minsan hindi pa kami nag-usap. Hindi ko pa naririnig ang boses niya. Hanggang nung isang gabi... Hindi Huwebes pero nakasabay ko siya. Medyo late na nun at hindi puno yung sasakyan.

Kaming dalawa lang yung tao dun sa likod. At dahil parang magkakilala na, madalas magkrus ang aming mga tingin. Ngiti dito, iwas tingin dyan. Pero hindi kami nag-uusap. Hindi ko minanyak si Thursday. Mga lopsided grin lang ang ibinabato namin sa isa't isa. Hanggang magring ang phone niya. Nanay niya ata, pinauuwi na siya. Yung mga iniimagine kong buhay namin pag naging kami, bigla na lang naglaho. KABOSES NIYA SI MAHAL!!! Naisip ko pano pag naglalaro na kami sa kwartong walang ilaw, boses lang niya maririnig ko... Parang pumatol ako sa unano... Naisip ko, paanong sa tangkad at ganda niyang iyon, eh nagawa niyang maging kaboses eh isang napakaliit na babae.

SI PEANUT AT MIMI
Naikwento ko na sa inyo noong nakaraan ang Love Triangle namin ni Peanut at Mimi. Grade 3 ako noon, nang makilala ko silang dalawa. Kaschool bus ko sila. Magkapatid na Paulinian, parehong maganda, parehong malandi.

Alam niyo naman ang mga pakialamerong bakla sa schoolbus, mahilig magpares ng mga kaschoolbus. Fortunately for me, ako yung natripan nilang ipares kay Mimi. Kasing edad ko kasi sya at kaparehong Grade 3, habang si Peanut ay Grade 5. Hindi namen parehong gusto ang isa't isa dahil una, iba yung kras ni Mimi, at ang sakin naman eh yung ate niya.

Hindi talaga kami magkasundo ni Mimi, minsan pag kaming dalawa lang ang naiiwas sa service, tahimik talaga ang paligid. At nasa magkabilang dulo kami nakaupo. Siya, naglalaro ng stickerbook niya, habang ako... natutulog. Tampulan kaming dalawa madalas nga ng tuksuhan dahil pareho naming ayaw ang isa't isa. Parang yung mga umpisa ng mga romcom na tagalog lang. Pero wala talaga.

Isang maulan na hapon, medyo naistuck kaming lahat sa gitna ng Sucat dahil baha. Napagtripan nanaman kami ng mga pasaway na kasabay. Laglagan daw ng kras. Totohanan. Walang istiran. Sa isip ko, eto na ang pagkakataon na tigilan na kaming tuksuhing dalawa, dahil nararamdaman kong namumuo na yung poot ni Mimi sa akin. Kaya nung dumating na sa akin yung pagkakataong umamin, sinabi ko yung pangalan ng ate niya... si Peanut!!! Naghiyawan ang mga baklang kaskulbus. Napikon yung magkapatid. Sa isip ko.. sa wakas tapos na ang panunukso, bagong kalove team na ito... at hindi na sa babaeng ayaw ko.

Pero hindi rin nangyari yung pinapangarap ko. Kasi kinabukasan, iba na yung schoolbus na sumundo kina Peanut at Mimi.

**********
Dalawa lang muna, para hindi ako maubusan nang maikukwento. Marami pang ibang nagdaan sa aking paningin. May ibang kras lang talaga, merong naging infatuation, may isang naobsess ako, at meron din namang mga naging tunay na kaibigan ko.

Bakit nga ba nagpapakasenti ako ngayon? Di ko alam, pero siguro kasi 2 araw ko nang nakakasakay sa aking pag-uwi yung bagong apple of the eye ko... Insert devilish grin!!!

28 comments:

EǝʞsuǝJ said...

hahaha...

astig si Thursday...
:)
sabi nga nila..
pag maganda yung boses,hindi yun maganda sa personal...
ngayon naman kung maganda sa personal...
asahan mo na..
kapintas-pintas yung boses..

hahaha...

Joel said...

eh bakit si mahal? bagay ang boses nya sa sukat nya?

naiimagin ko tuloy kung pano umungol si mahal.. tsk!

The Gasoline Dude™ said...

Nung grade school ako, meron akong crazz, pangalan niya Wensday. Totoong pangalan niya 'yun. LOL

Kaso me asawa na daw siya ngayon.

eMPi said...

ahh yon naman pala... kya ka nakapag-sulat dahil may bago kang apple of the eye... hehehe!

ituloy ang kwento... mukhang mgandang yong naobsess ka... hehehe!

ORACLE said...

Natawa naman ako kay Thursday? Seryoso ba yun? Hahaha!

Lesson! Pag kras kausapin na agad aba! Simulan na sa bagong mansanas de mata. Hehehe! :)

DRAKE said...

Hays, may pagkatorpe ka pala bro, saka pihikan.Kwento ko lang yung isang niligawan ko. Maganda yun seksi at model sya (totoo yun), mapapasagot ko na sya, pero nung minsan nagdinner kami nakita kong iniluwa nya yung kendi inilapag sa mesa tapos kinain nya ulit parang bigla akong nagulat sa kanya. Tapos nung nag-uusap kami bigla syang bumahing na may kasamang sipon! Kitang kita ko yun! At nanlaki talaga yung mata ko.
Kaya medyo di ko na tinuloy panliligaw ko! Hindi dahil feeling ko babastedin na ako pero talagang nadisappoint lang ako. (Pero pwamis sasagutin nya na ako!!)

dylan dimaubusan said...

Wahaha! Torpedo.
Pero mas okay nga yun kesa sa masyadong malaki o mataas ang kumpyansa sa sarili, opinion ko lng naman.

Pinaalala nito ang mga kapilyahan ko noon.. Sana may lakas ako ng loob na ikwento sa blog.. hehe..

len said...

Nostalgic ang post mo.

Naalala ko rin tuloy ang mga naging crushes ko simula grade school. Iyong first crush ko ng grade 2 nakasabay ko rin pauwi minsan, muntik ko ng di makilala kasi mamang-mama na. hehe

gillboard said...

jen: naniniwala talaga ako na hindi binibigay ni Lord lahat sa iisang tao lang.. hehe

kheed: yung boses niya matining na maliit na ewan.. basta panget ng boses nya.. di bagay sa height niya...

gillboard said...

gas dude: ganun naman talaga, sa edad naten, medyo napag-iiwanan na tayo ng ilang mga kaklase naten... hehehe... mga di makapaghintay!!!

marco: di rin... ayoko nang balikan yun.. pero kwento ko.. balang araw...

gillboard said...

oracle: totoo... pero madaling sabihin at sobrang hirap gawin!!! lalo na pag kung nakaharap mo na kras mo't nanginginig ang tuhod mo...

drake: may nakadate na akong model... pero di nila alam na date yun!! hahaha

gillboard said...

dylan: SPILL!!!

len: una ko crush kinder ako.. nakwento ko na rin yun.. ulitin ko in the future.. pero ang naaalala kong pinakauna kong crush eh isang electrolux girl. may picture pa nga ako niya... hehehe

Raft3r said...

nyahaha
singlehood rocks
yun lang yon

btw, ang crush ko ay si marian rivera
have to go now
i'm drooling
hehe

EngrMoks said...

Inoque name, Thursday..merong Tuesday, wensday, at Mon (Monday)...
wala lang gusto lang umepal...

Anonymous said...

Waha! That would be a pride swallowing post. Kaya 'ko, oo..Kailangan ko lang talagang ilaglag ang sarili ko nyan..

Matagal ko na ring gustong isulat yun eh. ^__^

Klet Makulet said...

Hahaha katuwa naman yung tungkol kay Thursday. Na-turn off ka ba?

Yun kapatid ko parang ganyan. May pictures pa nga siya nung girl. Tapos nung sumali sa isang beauty contest at pang-bopols ang sagot, kasabay ng pagkawala ng chance na manalo sa contest ang pagkagusto ng kapatid ko sa kanya. Beauty na eh la lang brain hehehe

abe mulong caracas said...

the more the merrier daw eh

pero waga naman sanang hanggang kras lang ha!

bampiraako said...

pareho tayo..TORPE! hehe

aliw naman ako kay peanut at mimi na kwento.

abangan ko ang kwento ng bagong apple of the eye mo

gillboard said...

raft3r: kanya-kanyang kras lang yan.. hehehe

mokong: di ko alam name niya... hanggang ngayon... nakikita ko pa rin siya.. pero la nako balak magpakilala... lolz

gillboard said...

dylan: okay lang yan... kwento mo na.. past is past, ika nga...

klet: ako la ako pasensya sa mga slow, kahit gano pa kaganda yun... umiinit agad ulo ko sa mga ganyan!!!

gillboard said...

mulong: may mga taong sadyang pang kras lang.. merong dapat ligawan... inspirasyon lang...

bampira: ganun naman ata, mahirap lumapit pag gusto mo na isang tao... kahit pa gaano kakapal ang mukha mo.. hehehe

Badong said...

may kaparehas akong storya kat thursday! laagi k rin siyang nakakasabay sa jeep. pero siya ata yung nagi-i-stalk sa kin. kapal.

ACRYLIQUE said...

"Isip koy' litong-lito, di alam ang gagawin..."

Haha. AYOS!
Kras kung Kras!!


Musata na kaya ang mga krases na yan?


PS. di pa po ako Tatay. Nangangarap lang. Di pa ko nagbubuntis eh. Haha!

Dhianz said...

mas naaliw akoh sa kwento ni Thursday... wehe... oo nga minsan nakaka-T.O. ren ang boses... parang lang kapag 'ung guy macho macho.. tapos pag nasalitah... parang girly lang... 'la lang... wehe... hmmm... alam moh kuya Gilbert masarap kah magkwento sa blog.. kakaaliw basahin... yeah... parang akoh kc minsan la kwentz lang magkuwento... so 'unz.. and naks.. meron sya new apple of the eye... hihhee... ingatz lagi. Godbless! -di

Anonymous said...

haha. voice speaks something about a person daw.

parang kanta yung first few words sa intro mo. haha.

Mac Callister said...

sayang naman si thursday haha!

gillboard said...

badong: naks may stalker.. ako din ngayon meron.. kala siguro ang gwapo ko dun sa mga pinagsusulat ko dito... hehehe

acrylique: oooookay!!!

dhianz: salamat... yaan mo dahil sayo magkukwento pa ako... sa ibang araw... hehehe

gillboard said...

joshmarie: parang kanta ba.. la lang.. la maganda maisip na opening eh.. hehehe

maccallister: sayang talaga... oh well...