Mga Sumasampalataya

Jun 30, 2009

ENERO HANGGANG HUNYO 09

Maganda ang simula ng linggo ko kahapon dahil nakasabay ko nanaman si epol op di eye ko. Nais ko na siya sana kalabitin upang magpakilala, pero di ko nagawa sapagkat nasa likod ako nakaupo sa fx habang siya naman ay nasa gitna. Hindi ko nasilayan ang mukha niya dahil hindi siya lumilingon. Di niya ata alam na magkasabay kami. Masaya ako dahil after 2 weeks nakita ko na siya ulit... Major stalker mode nanaman ako...

**********
Ngayong araw na 'to magtatapos ang buwan ng Hunyo. Kalahati na ng 2009 ang nagdaan. Wala pa ring nangyayaring masyadong significant nitong taon na ito. Maraming nangyari, pero walang nakakapagpabago pa ng buhay ko. Pero mahaba pa ang taon, di natin alam kung ano ang mangyayari. Malay natin baka itapon nanaman ako ng kumpanyang ito pabalik ng New Zealand (I wish!!!).

Marami namang nangyari ngayong taon, kung ikukumpara ko ito sa 08 na medyo ilang buwan akong tambay at nakatengga lang sa bahay. Nagpapasalamat pa rin ako na kahit papaano, eh nasa mas mabuti akong estado ngayon kumpara sa nakaraan.
  • Una, sa unang pagkakataon, nakapasok ako sa isang gentleman's bar... at sinayawan ni Ana... Margarita (na kamukha ni Mystika).
  • Pangalawa, nagkabati kami ng isa kong kaibigan na hindi ko nakakausap sa loob ng dalawang taon (syempre mas importante pa rin sa akin si Ana... Margarita!!!)
  • Pangatlo, masaya ang naging kaarawan ko, dahil kahit wala masyadong magarbong party, kasama ko naman ang pinakamalapit kong mga kaibigan.
  • Pang-apat, bumalik ako sa dating scene ngayong taon. Pumalpak nga lang kasi isa akong malaking manhid at tanga.
  • Panlima, narealize ko na hindi ako dapat nagpapakakupido dahil sarili kong lovelife hindi ko maayos. Sa ngayon, inaayos ko pa ang buhay ko.
  • Pang-anim. Marami akong nakitang mga kaibigan na ang TAGAL ko nang hindi nakikita (sabi ko nga... building/rebuilding relationships/friendships ang tema ng taon na ito para sakin).
  • Pampito. May ilang mga kapwa blogero akong nakilala na sa personal, at di lang sa blog. (Congratulations nga pala kay Kuya Jon sa kanyang baby girl!!!).
  • Pangwalo. Sabihin na nating walang kwenta pero marami akong nabili para sa sarili ko ngayong taon (Xbox 360, DVD Player, MP3 Player, Armani Code, Lacoste Red, cellphone... shit ang gastos ko, tapos wala man lang akong nabiling bagong damit para sa sarili ko!!!)
  • Pansiyam. Nakakapag-Tagaytay na ako ngayon... para magkape.
  • Pangsampu. May epol op d eye ulit ako.

Medyo maganda mood ko ngayon. Sana magtuluy-tuloy na 'to. Sana sa susunod na magpost ako ng ganito, mababasa niyo nang...

"alam ko na ang pangalan niya..."

Jun 27, 2009

KWENTONG MICHAEL JACKSON


December 1996: Buong araw excited ang mga kaklase ko dahil alam nilang darating sa ospital sa tabi ng paaralan namin si Michael Jackson. May bibisitang international na star sa may amin at lahat kami ay may pagkakataon na makita siya. Hindi na namin kailangan pang lumabas ng Pilipinas makakita lang ng artista.

Halos lahat sa amin excited baka daw dumaan siya sa school namin kasi nga all boys kami, alam naman ng lahat na mahilig si Jacko sa mga little boys. Naaalala ko, noong mga panahon na iyon, tinatakot namin yung mga maliliit na mga batang tinututoran namin na ibibigay sila kay Michael Jackson kapag hindi nila tinapos yung homework nila.

Alas tres ng hapon, uwian. Paglabas ko ng campus sinalubong ako ng sobrang dami ng tao. Huling nakita kong napuno ang La Huerta Parañaque eh nung pumunta ang ilang Ms. Universe contestant sa may school namin para manuod ng komedya o sagala ba yun. Akala mo may EDSA Dos sa bayan namin sa sobrang dami ng tao. Hindi pa dumarating si Michael Jackson noon, marami nang tv crew na nakaparada sa amin. May mga artistang isa-isang dumarating. Si Mayor Joey Marquez paikut-ikot sa kalsada may kausap sa malaking cellphone niya noon o walkie-talkie ba yon.

Bawat artistang dumating, ang mga tao nagsisigawan. "Si Janice de Belen!!! aaaaah" "Si John Estrada!!! Eeeeeh" "Si Loren Legarda!!! Oooooh" "Yung anak ni Janice kay Aga!!! Ba't ang panget?!"

Alas tres y medya ata ng hapon yon nang dumating ang puting van na sinasakyan ni Michael. Umingay ang paligid. Lahat ng tao nagsisigawan. "Andyan na si MJ!!!" "I love you Michael!!!" "Michael Jacksooooon!!!" "Michael ibalik mo ang anak ko!!!" Nagtitilian ang mga kapitbahay naming mga Paulinian. Lalong sumikip ang paligid. Lumabas na lahat ng mga tao sa palengke. Kahit yung mga guro namin na hindi pa tapos ang mga klase tumungo sa tapat ng Parañaque Community Hospital (nakalimutan ko na yung pangalan ng ospital sa tabi ng school namin).

Nakapula yatang polo si MJ nun. Yung usual na get-up niya. Noong una, hindi ko nasulyapan ang singer. Pumasok agad sa ospital yun. Kasama niya pa nga ata si Loren Legarda nun. Tapos ilang saglit pa, nakita ng lahat si Michael sa may bintana ng ospital ito, at kumaway sa aming lahat. Parang napakalakas na kulog ang sigawan ng mga tao. Lahat ng tao sumisigaw na ng Michael!!!

Wala pa yatang 30 minuto ang inilagi ni Michael doon. Umalis din siya agad. Noong hapong iyon, lahat ng tao siya lang ang pinag-uusapan. May naguwgwapuhan sa kanya. May nagsasabing parang multo siya sa kaputian. May mga nanghihinayang na hindi nila nakita. Meron ding mangilan-ngilan na nagyayabang at nahawakan daw nila yung sinakyan ni Michael. May iba ding mga gago sa school namin na nagsabing di daw sila pinansin ni Michael nung kinindatan nila ang singer.

Mga limang segundo ko lang atang nasulyapan ang mang-aawit. Nakalimutan ko na ngang nangyari yun.

Naalala ko lang ulit kanina. Alas syete, kakagaling ko lang ng lunch. Lahat ng andito sa opisina nakatutok sa TMZ.com. Patay na daw si Michael Jackson. Heart attack daw.

Paalam Michael Jackson.
**********
Photo courtesy of mjismagic.

Jun 25, 2009

REVIEW: TRANSFORMERS REVENGE OF THE FALLEN

The last time I wrote a review for a movie was what, January... Slumdog Millionaire?! I'm not really sure. That just basically means that I haven't seen a really good film that made me so excited and giddy and inspired me to write in a long time. Up was great. I love Up, but I'll make a proper review for that one once the film hits the country's shores which is next month. And probably Harry Potter as well.

In any case, the first film this summer that I feel is worth writing about is Transformers: Revenge of the Fallen. Star Trek was unexpectedly cool too, but this is Transformers!!! Who hasn't seen te cartoons when they were small? Probably the kids of today, but that doesn't matter, they'd still watch the movie anway.

This is a heavily hyped up movie. People weren't expecting alot when the first film came out, but it was really good. So coming from that movie, the expectations are really high. The good news is Michael Bay delivered!!!

This is one of the best action films I've seen since the first one came out. It's hilarious. There are alot of edge-of-your-seat-grabbing scenes. It's sexy... well Megan Fox and Isabel Lucas are both hot!!! Everything you loved about the first movie is back, and it's got more robots!!!

Thousands of years ago, some of the ancient robots arrived on Earth and they created a weapon that would suck out our sun. That's what the Decepticons are looking for right now. You see in order for their race to survive, they need that energy, and that basically means our planet's toast. Meanwhile Sam goes to college and the government's working with the Autobots to seek and destroy Decepticons that arrive on the planet.

You'll be glad to know that alot of the characters from the original film came back for this one. Sam, Mikaila, Lennox, Agent Simmons, Sam's parents and all of the autobots from the first film. I'm a little bit disappointed though that the pretty hacker from the first one isn't in this one. But what's even better are the new characters. I love the reimagined Soundwave. Jetfire was awesome. The Constructicons are really menacing. Leo, the sidekick was funny. Alice the hot new girl was well... hot. And the twins... god I love the twins!!!

Michael Bay really put in everything in this movie to top the original one. That's understandable, this film's got greater expectations than the first one. He throws in moments after moments after moments of cool that you won't have time to digest one awesome moment before another one comes in. That's fine... this is a summer film. You don't need to put your thinking caps on when you're watching it. That's how you enjoy movies like these. Turn off your brain for 2 and a half hours.

As much as I want to put spoilers on (I really do... I want to write as many awesome scenes in this post), I know at this time, alot of people still haven't seen this. Probably, I'll just give you some things to look forward to when you see the movie. I love Sam's mother. The taser scene is hilarious. I also like the bad ass Optimus Prime fight scenes. Bumblebee's still my favorite autobot. But the twins, I'm not sure what happened to them in the end but they're in the running for second place autobots. The Constructicons vs the twins... OMFG!!! What else? Oh yeah Megan Fox's curves (I'm drooling)!!!

This is probably just all the adrenaline talking and a second look may not warrant the same opinions. But I like this movie. I think that this is better than the first one. And I'm definitely going to buy the original DVD for this one once it is released.

I'm a kid at heart.

Jun 24, 2009

BAGO ANG MGA EPIC FAIL

Sa mga matagal nang nagbabasa ng blog ko, siguro alam niyo nang medyo matagal tagal na rin akong single. Merong panaka-nakang nakakalusot na kadate (na sablay) at meron din namang mga dumarating na hinahangaan.

Nagdadalawang-isip ako kung isusulat ko ba itong post na ito, baka isipin ng mga tao na nagpapakadesperado nanaman akong maghanap ng syota. Hindi naman. Gaya ng sabi ko noong nakaraan, minsan kahit pa masaya ka na, may oras na maghahanap ka ng kilig sa buhay. Hindi mo kailangan ng nililigawan para maranasan iyon.

Hindi naman lahat ng panahon, eh single ako. Hindi rin lahat ng niligawan, kinrushan ko at naging syota ko eh sablay. Mayroon din namang tama doon sa mga naging mali. Ikukwento ko lang, kasi baka isipin niyong wala akong tamang ginawa sa mga bagay na ganito. Puros palpak na lang ang mga nababasa ninyo, baka isipin niyo prinsipe talaga ako ng sablay. Paminsan minsan naman kasi, may mga nagagawa din naman akong tama.

***********
Tatlong linggo kaming magkaibigan sa telepono ni Love (una ko... oo na, once upon a time pumatol ako sa isang nagngangalang Lovely... pangkatulong na pangalan!!! no offense...). Nagkagaanan na kami sa isa't-isa kaya't naisip namin na finally magkita.

Bago pa lang ang SM Southmall noon at yun ang pinakahip na tambayan ng mga kagaya kong taga-South. Isang buwan na baon ang inipon at ginastos ko para sa lakad na iyon. Ginawa ang lahat para maimpress siya. Nagpatawa. Dumaldal. Nanlibre (kahit mas matanda siya sa akin). Nagpakasweet. At kung anu-ano pa.

Maganda si Love at maraming katangian na hahangaan at gugustuhin ng mga lalake. At dahil nga mas maganda at mayaman siya, ayoko naman na magmukha akong desperado kaya noong gabi pagkauwi namin mula sa aming date, naisip kong wag muna siyang tawagan.

May normal na oras kami nagtatawagan, alas nuwebe. Noong gabi na yun, nagring yung telepono namin, alam ko na siya yun. Pero nahiya ata siya kaya pagkatapos ng isang ring naputol. Ganun din ang ginawa ko, pinaring ang phone nila ng isang beses at binaba ito. Siguro tatlong beses naming ginawa ito noong gabing iyon. Kaya noong tinawagan ko siya, hinintay ko nang sagutin niya.

Hindi siya sanay na natutulog nang hindi pa kami nagkakausap sa gabi. Kaya kahit pa nagkita kami noong araw na iyon, hanggang hatinggabi pa rin kami nagtelebabad.

***********
Yung tungkol sa huli naman, nangyari yon noong Bisor pa ako sa dati kong trabaho. Noong bago pa lang itong batang ito, napansin ko na siya agad. Kaunti lang naman kasi ang ipinapasok sa programa namin na may hitsura. So noong bago pa lang siya, eh apple of the eye ko na siya.

Di ako normally sumasagot kapag may mga nagtetext sa akin na nagpapaalam na liliban sa trabaho, dahil trabaho iyon ng mga TL nila. Pero nung gabing nareceive ko yung text niya, sumagot ako ng ok.

Dalawang araw ata siya lumiban noon, at nung mga panahon na wala siya, doon ko sinabi sa mga katrabaho ko na malapit na akong umalis sa kumpanya. Noong araw na bumalik siya, nakareceive ako ng thank you text mula sa ahente kong iyon. So naisip kong sagutin yung thank you niya.

Sabi niya kasi, natuwa siya dahil sinagot ko yung paalam niya na liliban, dahil daw naririnig niya mula sa mga katrabaho namin na di ko daw gawain iyon. Feeling niya special daw siya. At nalulungkot daw siya nang malaman niya yung balita na aalis na nga ako ng kumpanya. Dahil mababaw lang ako, natouch ako dun sa sinabi niya, kaya naisip kong pahabain pa yung usapan. Tanghali nun, nung magkatext kami, pagdating ng hapon parang magkaibigan na talaga ang turingan namin sa isa't-isa. Nalaman ko ang kwento niya. Ang buhay niya, mga ex niya, naging trabaho. Halos lahat. Lagi na akong tumatambay kung saan sila nakapwesto kapag nagtatawag para makita siya.

Matapos ang isang linggo, naging kami na.

***********
Iyong una, walong buwan ang itinagal naming dalawa. Tapos itong huli ay isang buwan lang. Wala pa akong tumagal ng isang taon, at merong iba na talagang itinuturing na mga pagkakamali. Pero kahit pa siguro napakapanget ng kinahantungan ng aking mga nakaraan, di ko ipagkakaila na kahit papaano merong mga magagandang nangyari doon. Ako naman, kahit pa gaano ako nasaktan ng isang tao, ang tumatatak palagi sa isipan ko eh yung mga bagay na hindi dapat kalimutan. Yung mga masaya, makulit at cute na pinagdaanan. Yung mga tama.

Minsan, di kailangan ng ibang tao para magkaroon ng kilig. Kahit alaala lang, pwede na.

Jun 22, 2009

REPOST: YOUR LIFE IN 6 WORDS

Because I'm bored but can't seem to think of a good topic to write today, I'm going to just repost something I wrote about a year ago. Please note that the 6-word description I posted back then doesn't necessarily describe how I am today...

I'll think of some new ones once I get my game back on (meaning after work!!!).

It's from a project from smithmag for a book or something. Anyway, the object is to tell your story in six words.

Here are some cute ones:

"I like big butts, can't lie"
"Joined army. Came out. Got booted."
"Cursed with cancer. Blessed by friends."
"No wife. No kids. No problems."
"Was lost. Then found. Now both."
"Love my job. Make no money."
"They hate me 'cause I'm awesome."
"Looked up. Saw sky. Bird pooped."
"Degree in English. I sell furniture."
"Life's instruction manual. Every page blank."
"Clever with numbers. Not with men."

As for me:
"Wanted adventure. Saw computer. Blogged instead."
"Wanton sex god. Needs some loving!!!"
"Single. Needs to get laid more."

Describe your life in six words?

Jun 21, 2009

CRAZY

I haven't had the chance to ride with you on my way home from the office this week. So I never got to see your face. I don't know why, but I miss it... Seeing your smile.

I hope last week won't be the last time we'll see each other. That was actually the first time you smiled at me. It was probably the familiarity, getting to ride with you on our way home for consecutive days. It was either that or something else.

Finding out what it is, that would be nice. I'll have to admit I'm attracted. You're one of the reasons I'm excited to go home from work. Thinking that there'll be a chance that I'll get to ride with you on my way home is reason enough for me to come to work. Well, that and paying my bills of course, but you know what I mean.

I really hope I'd get to see you again soon.This week. I promise I'll gather all the courage to talk to you. Don't worry, I'm not a creep, nor am I a stalker.

It's just that there are some people that you know you'd instantly like even if you haven't met them at all.

It might seem crazy, but that's how I am. I'm crazy, and I like what I see. There've been moments where we look at each other and I just know. There's possibly something there.

I hope I'd get to ride with you again.

But if not...

My name is Gil.

***********
I'm not obsessing. It's a silly crush. Don't be creeped out or anything. At least I'm distracted.

Jun 18, 2009

KWENTONG TATAY

Dahil nalalapit na ang Araw ng mga Ama, eh nais ko nang maunang magpost tungkol dito dahil wala namang online na blogger kapag Linggo. Tsaka baka mawala pa yung mga naiisip kong isulat kapag pinatagal ko pa ito.

Hindi ako masyadong close sa tatay ko dahil lumaki ako na ang nanay ko madalas ang kasama ko, dahil labingdalawang taon din siya sa Saudi nagluluto bilang isang cook. Wala ako masyadong alaala sa kanya noong bata pa ako, dahil kadalasan nga eh nasa ibang bansa siya, at kung andito naman siya sa Pilipinas, kadalasan ay dun siya sa probinsya namamalagi. Sa tingin ko, alam naman niya ang mga pagkukulang niya kaya nung nagdesisyon siyang magretiro, eh bumawi naman siya sa akin. Siya ang naging tagahatid ko sa eskwela buong high school ko, at tuwing meron kaming di pagkakasundo ng nanay ko, sa akin siya kumakampi. Wala lang... Pero ang tatay ko, mas nakikilala ko ngayon...

*************
Frustrated singer yang tatay ko. Gabi-gabi nagcoconcert yan. Tipong mula alas onse hanggang ala-una ng madaling araw. Ewan ko, kaming 3rd generation sa angkan namin eh halos lahat marunong kumanta, hindi nga lang namin alam kung saan namin nakuha yung talentong iyon, kasi judging sa boses ng mga magulang ko... wala talaga. Ang tatay ko boses syokoy na paos!!! Basta masakit sa tenga pakinggan boses nun, pero pag nagcoconcert siya kelangan talaga nakafull speaker. Kaya minsan putol ang tulog ko. Mahilig pa yan, pag may bisita, siya mamimili ng ipapakanta sa mga pinsan/pamangkin ko, pero pag ayaw nila siya kakanta... kesehodang Strangers In the Night pa yan o kaya'y Hit Me Baby One More Time ni Britney. Buti na lang mababait mga bisita... at mga kapitbahay namin.

**************
Ang tatay ko, siguro nasa Top 100 na fans ni Manny Pacquiao. Meron siya lahat na pirated na DVD ng lahat ng laban ni Pacquiao, kahit simula pa nang mukhang uhuging bata pa si Manny, meron siya. Hindi talaga siya papatalo sa mga pumupuna sa kanya. Muntik na nga niyang isumpa yung pinsan ko dati nang sabihin ng pinsan ko na luto ang laban ni Pacquiao at ni dela Hoya. Palagi pag may bisita kami, kung hindi nakasaksak yung Magic Sing, ang dibidi ng huling laban ni Pacquiao ang palabas sa tv namin. Kahit pa puros babae ang bisita. Noon pa ngang hindi pa ako bumibili ng sarili kong dvd player eh lagi kami nag-aagawan ng ipapalabas. Naaalala ko pa nga na inggit na inggit siya nang malaman niyang nakapasok yung nanay ko sa mansyon ni Pacquiao sa Mindanao. Nakaframe yata yung pichur ng bahay ni Manny sa wallet niya.

***************
Ang tatay ko, lagi akong sinesermonan kapag may binibili akong bago. Matuto daw akong mag-ipon. Malapit na yata akong palayasin sa bahay, dahil madalas na itong magparinig kung bakit dun pa rin ako sa bahay namin nakatira. Anyway, pero kahit ganun lagi ang sinasabi sa akin ng aking ama, pag nakikita niya yung mga pinamimili ko, pagkatapos lumamig ang ulo niya, namamangha siya. Kagaya na lang nung bumili ako ng Xbox 360 ulit, pinagalitan ako tapos ng makitang kamukha talaga ni Pacquiao yung sa Fight Night... ako pa nagsara ng bibig niya. O kaya nung bumili ako ng MP3 player, pagkatapos litanyahan ng tungkol sa krisis, hiniram ito't tinanong kung mas marami pang lamang kanta yung player kesa dun sa binili niyang 100 in 1 cd ng chacha.

***************
Si tatay eh madalas din akong litanyahan tungkol sa pagmamaneho ng tama. Mapabisikleta, scooter o kotse. Ang ratio ng aksidente naming dalawa sa mga sasakyan... 10:1. Sampung beses na siyang nabangga, tumilapon sa sasakyan at naaksidente, habang ako eh isa. Actually 1/2 nga lang yung sa akin kasi muntik lang ako bumangga nun sa rumaragasang sasakyan.

****************
Noong mga araw naman na wala akong trabaho, dalawang beses sa isang buwan niya ako kung lecturan sa pagmamahal sa trabaho. Medyo kapag ganito na ang usapan, nagbibingi-bingihan ako. Paano ba naman labingdalawang taon lang siya nagtrabaho sa Saudi. Labinglimang taon na siyang tambay sa amin. So... nakikita niyo naman siguro kung ano yung di tama dun sa pangungusap na yon, di ba? Hindi ko nga alam kung san niya nakukuha yung mga pinambibili niya ng mga pinamimili niya eh... Sa tingin ko, may nakatagong kayamanan yang tatay ko eh..

*****************
Isa pa, yang tatay ko lagi akong pinapagalitan pag hindi ako humaharap sa mga bisita. Kung nagkukulong ako sa kwarto, talagang hihilahin ako niyan palabas para ientertain ang mga bisita nila. Tapos pag baba ko, mga ilang saglit lang, pagtingin ko sa likod ko wala na siya. Ang tatay ko na ang nagtago!!! Lilitaw lang yan ulit pag gusto na niyang isaksak yung Magic Sing o kaya yung mga dibidi niya ng mga laban ni Pacquiao.

Marami pa akong mga kwento dyan. May pagkapasaway talaga yang tatay ko. Buti na lang di ako masyado nagmana sa kanya...

HAPPY FATHER'S DAY sa lahat ng mga tatay diyan!!! Sa mga magiging tatay!!! At sa mga tatay ng mga wala pang anak!!!

Jun 15, 2009

SARAP MAGING ADULT

Merong mga panahon na gusto nating bumalik sa pagkabata. Sino nga ba naman ang ayaw nun? Mababaw pa ang kaligayahan natin. Hindi tayo nadedepress kapag wala tayong pera. Ayos lang na single tayo. Hindi uso yang mga quarter-life at half-life bullshit. At ang pinakamalaking problema lang natin eh kung pano takasan yung pagtulog sa hapon para maglaro sa kalsada.

Pero looking back, marami rin akong ipinagpapasalamat na matanda na ako. Ganito kasi yun, isa akong batang jologs noon. Batang kalye. Basang sisiw pag tag-ulan. Pwedeng bata sa commercial ng Tide kapag may field trip. At hari ng kakengkoyan. In short abnormal na bata.

Bago nga pala ipagpatuloy 'to, nais kong magpasalamat kay Raft3r sa pagbibigay sakin ng ideya na isulat to. Wala mang pahintulot pa niya, eh ginaya ko na siya. Habang ang kanyang post na Growing Pains ay tungkol sa pinagbago niya mula ng puberty, ako naman buohin ko na. Kasi isa talaga akong malaking batang sablay noon. Halimbawa...
  • Hindi ako marunong magsuklay.... hanggang high school.
  • Tuwing may lakad outside school, isa lang ang get-up ko... Lolo polo tsaka faded maong.
  • Namumulot ako ng upos ng yosi tapos titikman.
  • Mahilig ako mamulot ng echas ng aso para ipatikim sa mga kalaro.
  • Boses babae ako pag kumakanta... pagnagduduet kami pinsan ko, ako daw si Princess Jasmin, tapos si Aladdin yung ate ko!!!
  • Hangga't di nasisira yung sapatos ko, hindi ako mabibilhan ng bago.
  • Sobrang salbahe ko noong bata ako... lalo na sa mga kuting...
  • Palagi akong una sa pila ng mga pelikulang gaya ng Haba Baba Doo, Puti Puti Pooh, Tong Tatlong Tatay kong Pakitong Kitong, Petrang Kabayo, Roller Boys, at kung ano pang jologs na pelikula noong 90s.
  • Memorize ko ang lahat ng version ng Ikaw Pa Rin (Sai gono iwaki, my one and only...)
  • Dumaan ako sa stage na isang linggong bahag ng igorot lang ang suot ko, wala nang iba.
  • Kamukha ko si Einstein sa grad pic ko noong Grade 6.
  • Nag-aaral ako ng Math!!!
  • Dahil tatanga-tanga, laging sinasalo ng mukha ko ang kamao, goma, at bala ng airsoft ng mga kalaro ko.
  • Lahat ng t-shirt na panlakad ko, hanggang tuhod ang haba. Panlakad ko yung mula Grade 5 hanggang 3rd year high school.
  • Isa akong malaking sinungaling NOONG bata pa ako.
  • Mahilig ako sumama magcaroling sa mga batang 4-6 years old kahit 10 na ako, para ako lagi may pinakamalaking hati ng napagcarolingan.
  • Ipinapangako ako ng nanay ko sa mga anak na babae ng mga amiga niya, na yung iba, sana ngayon ay tinotohanan nila!!!

Meron talagang mga bagay na ayaw ko nang balikan, kahit kailan!!!

Jun 13, 2009

PARA DUMAMI ANG BLOG HITS NIYO

Gaya ng napapansin ng karamihan, maraming mga blog ang nagsusulputan sa world wide web ngayon. Mayroong mga blog kung saan nilalathala ng mga manunulat ang ginawa noong araw na yon ng iniistalk nilang artista. Meron ding mga makabayan. Maraming nagpupumilit na maging kagaya ni Bob Ong magsulat. May mga bumabalik mula sa pansamantalang pagkawala. At merong mga manunulat na naglalabas ng kanilang tunay na saloobin.

Matagal tagal na rin akong nagsusulat dito at naisulat ko na rin lahat ng mga napapansin ko tungkol sa mundong trip na trip kong balikan tuwing nagtatrabaho ako. Pero eto lang napapansin ko, lalo na sa mga baguhang mga blog... kadalasan sa kanila ay nais agad na sumikat sa blogosperyo. Yung tipong mahalaga ang bilang ng hits sa isang araw. O binibilang ang dami ng kumento sa kanilang post.

Hindi ko sila pupunahin, dahil minsan naging ganun din ako. Naging mahalaga ang mga numero para sa akin. Di pa rin nawawala yung ebidensya, dahil di ko pa tinatanggal yung hit counter ko hanggang ngayon. Actually, tutulungan ko pa nga sila sa pamamagitan ng post na 'to. Gaya ng titulo... eto ang kelangan niyong gawin para tumaas ang hit ng blog ninyo.

1. MAKISAKAY SA ISYU
Tuwing may bagong balita na sasabog sa bansa o sa mundo, tiyak sikat ang mga yan, at maraming mga taong maghahanap ng mga balita tungkol dun.. sa google na lalo. Kaya pag may lumabas na bagong iskandalo, bagong virus, o kaya'y mga isyu sa showbiz isulat ninyo. Kahit wala kayong alam tungkol sa problema sige go lang, lumabas lang sa link sa google yung blog ninyo. Tiyak ko madami bibisita senyo.

2. KUMENTO LANG NG KUMENTO
Magblog hop kayo tapos magkumento kayo sa mga post ng mga binisita ninyo. Kahit di niyo na basahin yung sinulat nila, magsabi lang kayo ng "nice blog... visit mine..." siguradong may bibisita sa inyo... eventually. Kung tinatamad ka namang magclick ng mga comments page kasi masyadong pahirap magpacomment ang ibang mga blogger, eh maghanap ka ng cbox at dun ka maglagay ng mga mensahe mo gaya ng "just checking your blog... visit mine too". Wag kakalimutan ilink yung blog mo... At habang andun ka na rin at naglalagay ng comment, itanong mo na rin kung pwede kayo mag link exchange... kahit di mo ilalagay yung sa kanya, makasiguro ka lang na nalink sa blog niya yung page mo... Dadami talaga magiging mambabasa mo, lalo na kung sikat yung pinagpaalaman mo.

3. PAGANDAHIN ANG BLOG
Lagyan mo ng kung anu-anong widget yang blog mo. Decoratan mo ng kung ano-anong litrato, makaattract ka lang ng mambabasa. Kahit tig-isang paragraph lang mga sinusulat mo, ayos lang basta maganda tingnan yung blog mo. Lagyan mo ng pichur ng mga hubad na artista. Tapos ikabit mo na rin yung twitter widget mo, para masabi ng mga tao na techie ka at hindi nahuhuli sa uso. Lagyan mo rin ng mga kanta yang blog mo. Para hindi boring at masaya basahin pag may naririnig na musika. Kung fan ka nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ilagay mo litrato nila... yung mga nakahubad para panalo talaga.

4. MAGKWENTO KA TUNGKOL SA $3X
Aminin man ng karamihan o hindi MARAMING MAKAKATI sa blogosperyo. Kahit wala ka pa karanasan... isulat mo na lang yung mga pantasya mong mangyayari sa'yo ng kras mo o ng pinagpapantasyahan mo. Kung may mga bidyo kang nahagilap ilink o kaya naman ipost mo dyan. Kung gusto mo naman, bidyohan mo ang sarili mong nagsasarili o may kasama at ilink mo dun sa blog mo. Maaaring kumita ka pa. Isa sa pinakamadalas hanapin sa Google eh mga kwentong ganun. Siguro 3/4 ng nakakarating sa blog ko yun yung hinahanap, kaya nakatitiyak ako na pampataas ng hits mo yan.

5. MANGHAMON NG AWAY SA IBANG BLOG
Hindi lang darami ang mambabasa at bibisita sa blog mo, pag-uusapan ka pa. Nothing brings more hits to your blog than a good controversy. Punahin mo ang grammar ng ibang blogero o kaya'y salungatin mo ang paniniwala ng isa pa, siguradong di lang kontrobersya ang papasukin mo, sisikat ka talaga!!! Madami nga lang makakaaway mo... pero for the sake of hits, sulit naman ito.

Malamang merong mga tinamaan nito. Di ko nais na mang-away o mamuna. Naiintindihan ko kayo. Gaya ng sinabi ko, ako man dumaan sa ganyang stage. Pero over time, pag may mga naging kaibigan ka na. Kapag meron nang regular na bumibisita sa iyo, o kapag may mga nawawalang mga mambabasa, marerealize mo, di nila binibisita yung tahanan mo kasi maganda yung mga larawan na nakapost dito. O kaya'y naghahanap din sila ng magkukumento sa mga sinusulat nila. Bumabalik sila kasi nakakarelate sila sa sinusulat mo. Minsan pa nga, nagkakaroon ka ng mga tagahanga.

Sa mundo ng blogosperyo naman, hindi mahalaga ang sikat ka. Darating din ang point na dadami ang magbabasa sa blog mo, basta naging totoo ka lang sa mga sinusulat mo. Ang tunay na dahilan naman talaga kaya naimbento ang blog ay para ilabas ng isang tao ang saloobin nito. Hindi para pasikatin ang sarili, kundi upang gawing outlet ng mga frustration, kaligayahan, lungkot, galit at kung anupamang hindi kayang sabihin sa real world.

Ang hits... darating din yan... Hindi mahalaga na napakaganda ng blog mo.. kung ang nakasulat naman walang laman. Parang lobo lang na magandang tingnan pero hangin lang ang laman.

Jun 11, 2009

MY TOP FILMS: PIXAR

If there's one film outfit that never disappointed me, that'd be Disney's Pixar. From it's initial offering until the latest one, they never failed to blow me away. Whether it's the high end graphics or the heartwarming story, it's just wow! Computer animated films are mostly hit and misses, but Pixar's always a hit for me. And they don't need to bring in big named stars like Jack Black or Mike Myers or Cameron Diaz, but it's still very good.

And alot of these films are genuinely funny. I don't normally laugh hard when watching films in the cinema, but when I watch Pixar movies, I can't help it. It's really hilarious.

Anyway, yesterday I saw the pirated version of the film Up. I'm not going to write a review about it, but suffice to say I LOVED the movie!!! I don't support buying pirated films but it's just disappointing that the country won't show this movie until next month. It should've been shown here just like every other summer blockbuster movies... on the same day it's shown in the US. I'll see this film again on the big screen... or at IMAX where the 3D thing will be much better.

Having said that, Pixar's finally released 10 films. So I thought, now might be the best time to rank my favorite Pixar movies.

10. A BUG'S LIFE
Just because this film's in the bottom of the list, doesn't necessarily mean that this isn't a good movie. As a matter of fact, during the time it was shown, this was one of my favorite film of that year. I got addicted playing the Playstation version of the game. The film's about Flik a weirdo ant who went off to find an army of soldier insects to save his colony from grasshoppers, but instead found an army of circus clowns. I love Heimlich the caterpilar who turned into a beautiful butterfly, and Francis, the ladybug. They're funny!!!

9. WALL-E
Many people hail this as one of the best Pixar film of all time. Granted that this is a very intelligent film, funny and actually relevant. But I think it was too smart for me. But that doesn't mean I didn't like it. I like Wall-E. He's a loveable little robot, and he's got a really good supporting cast. I just didn't like the main villain of the film. Anyway, I also love the obese characters in the movie, they're funny. But what I really adored about this film... for a movie about robots, it showed alot of emotion. Wall-E and Eve are one of my favorite love teams of all time...

8. CARS
This is one of the few animated movies that I feel was made for the boys. It's about Cars and racing for cripe's sake!!! I liked this movie. Critics are saying that this was the worst offering from Pixar, but I disagree. This was actually wonderful. It's funny, touching, has some of the most wicked car scenes and it's really beautiful. Radiator Springs has the calming beauty which was opposite from the rushing race stadium from the start of the film. And tell me whose heart wasn't tugged during the scene when they showed how Route 66 changed Radiator Springs from a bustling city to the deserted town it came to be?

7. RATATOUILLE
A cooking rat may not be the most attractive of plotlines for a movie. But I thought that the recipe Pixar cooked with this one was just perfect. It probably wasn't as exciting as the next films on this list because I honestly think that the movie wasn't as complete as it should be, but I'm satisfied. I was in awe watching the scenes where Remy was assisting Linguini. The leads and the story are both engaging that you'd really look forward to have Linguini find out the truth about his parentage. Good movie.

6. TOY STORY
Ever wonder what toys think about and would say to you if they could talk? Mine would probably curse me for having them do perverted things to each other. Or misplacing and/or losing alot of them. Toy Story answers that question much better. What would a cowboy doll do when a high tech and very popular space action figure comes into the picture. Tom Hanks and Tim Allen were really good in this film even if it's just their voices we're hearing. I actually think this is Hanks' best film. More than any of his live action films. Oh and this gets the prestige of being Pixar's first movie ever.

5. THE INCREDIBLES
I'm a superhero fanatic, so there's no way that this film's going to be at the bottom half of the list. Come on, it's better than half of the comic book films that have been released this decade!!! I love Mr. Incredible, Elastigirl, Dash, Violet and little Jack Jack. Even the villain Syndrome was actually likeable. This movie's really great, has great action, is VERY hilarious and is actually kind of sexy for a film made for toddlers and kids. But still, it's about super heroes, anything about that's great in my book.

4. TOY STORY 2
This is one of the rare times in movies where the sequel is much better than the original. Everything that made the first Toy Story good, Pixar improved. The story is much more engaging, the new characters are very likeable and the villains more menacing. Everybody's back and they introduced Woody and Buzz's family. I can't help but laugh everytime I remember Bullseye the horse and those little alien dolls. And tell me who didn't shed a tear during the scene where they told Jesse the cowgirl's story while listening to Sarah McLachlan's When She Loved Me.

3. MONSTERS INC.
Ahhh Mike Wazowski... Probably one of my most favorite Disney character of all time. I like his one eye and the way he talks and how hilarious this character is. And then there's Boo. She's adorable. She reminds me so much why kids her age, no matter how irritating they are, could still be the cutest thing you'll lay your eyes upon. This is probably the second funniest film I've ever seen from Pixar. I remember laughing hysterically during the apartment scene. Comedy gold!!!

2. UP
Crucify me. I know it's not right to buy pirated films, but I just can't wait very long to see this. I loved the trailer, I liked the reviews I've been reading about the film, and come on... it really looks very interesting. So I saw this movie yesterday, but I urge you to see this in the cinema. I think it's really good with all the 3D stuff and all. It'd be an experience. Anyway, just like any film from Pixar, this film is hilarious. And Up doesn't just have one cute creature, it's got two. Kevin the exotic bird and Doug the talking dog. I LOVE Doug, and all the dogs in the movie, cuz they really act like real dogs and not like a trained actor dog. It's really funny. And Kevin... Oh Kevin... find some clips of Kevin online, they're really funny. But more than that, I love the story's heart. Carl Fredrickson, is a balloon salesman who dreamed of adventure all his life. But when he's finally threatened to be brought to a nursing home, he thought it's bout the right time to go do what he wanted. So he tied about a gazillion balloons to his house and flew away. Unfortunately, a boy scout named Russell tagged along. And so the greatest adventure of their lives begin.

1. FINDING NEMO
Hands down, this is my favorite Pixar film of all time. It perfected all the elements that make up a great Pixar movie... and more than that, it made them all grand!!! Just like the ocean where this film is set. It's a nice father and son story that has alot of awesome characters. From the ones under the ocean to Nemo's friends in the aquarium. Everybody's just likeable. But my favorite's gotta be Dory. Ellen Degeneres was just perfect for this character. She actually was responsible for more than half of the comedy in this movie, and is the central part in the most touching scene in this film.

Jun 9, 2009

EPIC FAIL: KWENTONG KRAS

Ang isip ko'y nalilito ngayon, merong dalawang ideya na nagnanais lumabas sa utak ko, at gustong maitala dito sa blog ko. Kung nabasa ninyo ang titulo, malamang alam ninyo kung sino yung nanalo sa dalawa.

Normal lang naman sa isang tao ang magkakras (o crush kung magpapakacoño ka), minsan sila yung nagiging inspirasyon nating pumasok sa eskwela, o sa trabaho. Sila yung minsan dahilan kung bakit tayo gumigising ng may ngiti sa mukha. Minsan din, sila ang naiisip natin tuwing tayo'y nagba- balot ng regalo. Iniimagine natin minsan kung ano ang magiging tunog ng pangalan nila na kakabit ang apelyido natin (kung sa babae nakakabit yung apelyido nila sa pangalan ninyo).

Marami na akong naging mga kras sa buhay ko. Kung ililista ko lahat malamang kulang ang isang post.. scratch that, kulang ang blog na ito para maisulat lahat ng mga pinagnasa.. este kinagiliwan ko. Ganun kadami ang mga hinangaan ko. Ganun ako kababaw.

Pero kung gaano kabilis ako malibu... humanga.. ganun din kabilis yun mawala. Hindi ako stalker. Hindi ako mabilis maobsess. at hindi rin ako adik. Kung nagtataka kayo bakit hanggang ngayon single ako... malamang dulot yun ng karma sa mga pinaggagagawa ko sa buhay ko... Read on...

SI THURSDAY
Noong nasa kolehiyo pa ako, sobrang late sa gabi ang uwian ko... Di naman talaga late, alas-9, pero para sa isang nerd na kagaya ko, late na yun dahil di nako nakakapanuod ng mga paborito kong palabas sa tv. Mabalik tayo sa kwento... noong 4th year ako, may isang sem na isa lang ang subject ko sa buong araw at maaga akong umuuwi. At dahil may pagkaloser ako kung minsan, hindi na ako tumatambay sa school at diretso uwi ako agad.

Dun ko nakilala si Thursday. Kavillage ko siya. Thursday ang tawag ko sa kanya dahil tuwing araw na iyon ko lang nakakasabay sa pila ng fx at nakakasabay siya umuwi. Talagang nung nakita ko siya nung una, nagfull stalker mode ako. Di ko talaga tinigilan yung village namin, tuwing weekend, nababike ako sa village sa pagnanais na makita ko siya. Nagtagumpay naman ako, isang beses nakasalubong ko siya habang nagiiscooter siya.

Ano ba meron kay Thursday? Wala naman, feeling ko kasi perpekto siya para sakin. Mas matangkad pa nga ata yun, parang model. Meron nga lang siyang isang kapansin-pansin na nunal sa kanyang pisngi. Pero ayus lang, di iyon distracting para sa akin. Kras ko pa rin siya.

Sobrang madalas kami magkasabay ni Thursday na minsan nginingitian na namin ang isa't-isa pag nagkakasabay kami sa FX pauwi. Pero sa loob ng 2 buwan na nagkakasabay kami, ni minsan hindi pa kami nag-usap. Hindi ko pa naririnig ang boses niya. Hanggang nung isang gabi... Hindi Huwebes pero nakasabay ko siya. Medyo late na nun at hindi puno yung sasakyan.

Kaming dalawa lang yung tao dun sa likod. At dahil parang magkakilala na, madalas magkrus ang aming mga tingin. Ngiti dito, iwas tingin dyan. Pero hindi kami nag-uusap. Hindi ko minanyak si Thursday. Mga lopsided grin lang ang ibinabato namin sa isa't isa. Hanggang magring ang phone niya. Nanay niya ata, pinauuwi na siya. Yung mga iniimagine kong buhay namin pag naging kami, bigla na lang naglaho. KABOSES NIYA SI MAHAL!!! Naisip ko pano pag naglalaro na kami sa kwartong walang ilaw, boses lang niya maririnig ko... Parang pumatol ako sa unano... Naisip ko, paanong sa tangkad at ganda niyang iyon, eh nagawa niyang maging kaboses eh isang napakaliit na babae.

SI PEANUT AT MIMI
Naikwento ko na sa inyo noong nakaraan ang Love Triangle namin ni Peanut at Mimi. Grade 3 ako noon, nang makilala ko silang dalawa. Kaschool bus ko sila. Magkapatid na Paulinian, parehong maganda, parehong malandi.

Alam niyo naman ang mga pakialamerong bakla sa schoolbus, mahilig magpares ng mga kaschoolbus. Fortunately for me, ako yung natripan nilang ipares kay Mimi. Kasing edad ko kasi sya at kaparehong Grade 3, habang si Peanut ay Grade 5. Hindi namen parehong gusto ang isa't isa dahil una, iba yung kras ni Mimi, at ang sakin naman eh yung ate niya.

Hindi talaga kami magkasundo ni Mimi, minsan pag kaming dalawa lang ang naiiwas sa service, tahimik talaga ang paligid. At nasa magkabilang dulo kami nakaupo. Siya, naglalaro ng stickerbook niya, habang ako... natutulog. Tampulan kaming dalawa madalas nga ng tuksuhan dahil pareho naming ayaw ang isa't isa. Parang yung mga umpisa ng mga romcom na tagalog lang. Pero wala talaga.

Isang maulan na hapon, medyo naistuck kaming lahat sa gitna ng Sucat dahil baha. Napagtripan nanaman kami ng mga pasaway na kasabay. Laglagan daw ng kras. Totohanan. Walang istiran. Sa isip ko, eto na ang pagkakataon na tigilan na kaming tuksuhing dalawa, dahil nararamdaman kong namumuo na yung poot ni Mimi sa akin. Kaya nung dumating na sa akin yung pagkakataong umamin, sinabi ko yung pangalan ng ate niya... si Peanut!!! Naghiyawan ang mga baklang kaskulbus. Napikon yung magkapatid. Sa isip ko.. sa wakas tapos na ang panunukso, bagong kalove team na ito... at hindi na sa babaeng ayaw ko.

Pero hindi rin nangyari yung pinapangarap ko. Kasi kinabukasan, iba na yung schoolbus na sumundo kina Peanut at Mimi.

**********
Dalawa lang muna, para hindi ako maubusan nang maikukwento. Marami pang ibang nagdaan sa aking paningin. May ibang kras lang talaga, merong naging infatuation, may isang naobsess ako, at meron din namang mga naging tunay na kaibigan ko.

Bakit nga ba nagpapakasenti ako ngayon? Di ko alam, pero siguro kasi 2 araw ko nang nakakasakay sa aking pag-uwi yung bagong apple of the eye ko... Insert devilish grin!!!

Jun 7, 2009

TUWING UMUULAN

Di ko alam kung ano ba dapat isulat ko ngayong araw. Gaya ng sabi ko, medyo boring buhay ko ngayon dala ng tag-ulan. Di ko alam kung bakit habang tumatanda ang tao, lalo niyang hindi naaappreciate ang panahon na 'to. Bakit ang dala ng panahon eh kalungkutan? Na sa panahong ito lalo mo narerealize na mag-isa ka.

Noong bata ako, di naman ako ganito. Paborito ko ang tag-ulan kasi ibig sabihin nun walang pasok. Malaya akong makakatulog hanggang anong oras na nanaisin ko. Na hindi ko makikita ang mga guro ko sa Trigonometry, Geometry, Physics at kung anu-anong klase na hindi ko naman gagamitin pagtanda ko. Dahil makakapaglaro ako sa baha sa kalsada namin, manghuhuli (at mangtotorture ng mga suso... snail... hindi yung sa babae), gurami, hito at kung ano mang isdang bukid na mapapadpad sa amin. Malakas ang loob ko maligo sa ulan dahil pag nagkasakit ako, hindi ako papasok at wala akong magiging assignment para irewrite ang buong history ng mundo.

Ang saya ng tag-ulan noon, bakit hindi na ngayon?

Dahil ba kahit na nasa gitna na ang bansa ng pinakamalakas na bagyo, kailangan mo pa ring pumasok sa trabaho dahil hindi ka mababayaran kung hindi ka magtatrabaho. Na napakapanget tingnan kung nagdadala ka ng payong, lalo pa't mukha akong bumbay. Para lang nagpapautang. Dahil na rin siguro na kahit na masarap matulog, maiinis ka't unan ang kayakap mo't hindi isang mainit na katawan. Malungkot din siguro dahil kapag may dala kang payong, maiinggit ka pag nakakakita ka ng mga pares na pinagkakasya ang mga sarili nila sa payong na pang isang tao lang, habang ikaw ay nag-iisa sa payong na pandalawahan. Makakapanuod ka ng mga patalastas sa tv ng mga taong ang saya saya sa gitna ng ulan, habang ikaw ay nag-iisip bakit hindi nangyayari ang mga ganung eksena sa buhay mo.

Why is it, than when it's raining, you realize that despite you're surrounded by good friends and family, you still feel isolated and alone.

***********

High pa rin ako sa paste, glue at katol.

Di ako malungkot, wala lang akong maisulat.

AYAW KO NG TAG-ULAN!!!

Jun 4, 2009

DISTRACTION

Dahil hanggang ngayon ay apektado ang katinuan ko dala ng pabago-bagong bugso ng panahon, naisip kong kelangan ko ng sandamakmak na distraction para hindi ako tuluyang madepress. Maraming dahilan kaya topakin ako ngayon, at kelangan tong pigilan kung hindi, baka tuluyan bumigay ang diwa ko at maging isang super emo (with matching eyeliner at spike na buhok!!!).
Nariyan yung pagigins single, yung aking paglobo salamat sa sunud-sunod na pagparty at bisitang balikbayan, stress sa trabaho, kawalan ng pera at pagkabato sa bahay.

Pasensya na, may sumpong nanaman ako ngayon, kaya walang kwenta tong mababasa ninyo (para namang may kwenta yung mga nababasa niyo dito..). Para maiwasang maging magastos at maging suicidal, kelangan kong idistract ang sarili ko...
  1. Umiwas manuod ng mga makesong pelikula. Tigilan ang pagsaksak ng mga DVD ni John LLoyd, Bea, Sarah at kung anu-ano pang pelikulang may tema ng pag-ibig.
  2. Bumili ng DVD ng Hostel 2, Texas Chainsaw Massacre, House of Wax at lahat ng magagandang pelikulang may tema ng patayan, saksakan at kung anu-ano pang karumaldumal na mga torturan. O kaya porn!!!
  3. Maglakad pauwi. Mula opisina hanggang sa sakayan ng bus sa EDSA, at mula sa labasan ng village namin hanggang bahay para diretso tulog dahil sa kapaguran.
  4. Iwasang istalk ang mga crush sa facebook. Better yet, wag na magfacebook.
  5. Or kung magfefacebook, magcomment ng walang kwenta dun sa mga status ng aking mga kilala.
  6. Ipatago ang pera at wag ipasabi kung san inilagay para maiwasan nang bumili ng mga gamit na di kailangan (webcam, DVD player, cellphone... ngayon naglalaway ako sa isang mp3 player, treadmill at punching bag).
  7. Piliting may ginagawa habang gising... maglaro bidyo games, pag nagsawa, magbasa (kakabili ko lang ng Kapitan Sino kahit di ko pa tapos MacArthur na ngayon ko lang nalaman ang ibig sabihin eh taeng bumabalik)... kung wala nang mabasa, mag-internet... pag wala nang mabisita... mag ja... matulog ulit.
  8. Kulitin sa text lahat ng kakilalang nakasun.. Sayang naman ang libreng text at call sa buong buwan.
  9. Umiwas sa mga patalim, lubid, tuktok ng building, tulay, bangin o kahit saang pwede kang maaksidenteng magpakamatay....
  10. Maghanap ng syota... o ng sex life... anim na buwan ka nang tigang!!!
  11. Babuyin ang friendster... ilagay sa shoutout: ANG WALANG FACEBOOK... MAHIRAP!!!
  12. Magpakaworkaholic!!! Meaning magpakasawa sa internet sa opisina hanggang alas-tres ng hapon, bago umuwi.
  13. Dahil tag-ulan, manghuli ng mga naliligaw na tutubi sa amin. Pag gabi naman, mga alitaptap!!!
  14. Lubusin ang serbisyo ng DVDeoke, kantahin lahat ng alam na kanta sa songbook, with matching full volume ang speakers... kapag hatinggabi!!!
  15. Pangalanan lahat ng artistang may hindi makakalimutang pangalan... (eg. Dexter Doria, Bomber Moran, Jean Saburit... tangina adik!!!)
  16. Tumigil sa paghithit ng glue at katol!!!

Napakaloser ko talaga!!! Hahaha... sorry... magpapakatino na ulit ako...

Jun 2, 2009

CHASING PAVEMENTS

Ayoko ng mga long weekends. Hindi dahil sa ayaw ko ng bakasyon, pero normally, kapag walang nakaplano kapag mga araw na ganito, sa bahay sobrang nabobore ako. At ayaw ko ng nabobore ako dahil kapag nangyayari yung mga ganun, madalas may nagagawa akong hindi ko dapat gawin.

Tulad noong Linggo, bumili ako ng isang bagay na hindi ko naman talaga kailangan. Nagalaw tuloy ng big time yung Singapore fund ko. Actually, buong linggo last week, ang gastos ko. Noong Huwebes, bumili ako ng DVideoke, dahil nauto ako nung bading na salesman sa SM. Tapos nung Linggo, bumili ako ng cellphone.

Pero kahit meron akong pinagkakaabalahan, feeling ko, di pa rin ako kuntento. May kulang pa rin.

Alam ko, madami sa inyo magsasabi na nagiging desperado nanaman ako sa pag-ibig. Siguro may konting katotohanan yun, pero hindi naman kasi ako naghahanap.

Tanginang tag-ulan kasi yan!!! Dinedepress ako masyado... kahit walang dahilan!!! Nyeta..
**********

Ayun nga, nung Huwebes, nauto ako ni Kuya salesman na bumili ng DVD player. Wala naman talaga akong balak pa sa ngayon na bumili ng DVD. Ayos naman yung player namin dati. Kaya lang kasi may mga palabas na gusto kong panuorin na di ko magawa dahil laging may bisita sa bahay namin (hindi porn, okay... tipong gaya nung Mother's Day di ko natapos panuorin yung True Blood dahil nasa bahay yung mga pamangkin ko).

Napadaan lang ako nun sa appliances, wala lang, trip ko lang. Kaso mo, nung nagtanong ako ng presyo ng DVD player si Kuya di nako tinigilan. Ang ganda ganda daw nung features nung dvd kasi nagpeplay daw yun ng 10000 na videoke. Pwede daw yun sakin, kasi mukha daw maganda yung singing voice ko. Pang John Mayer daw. Syempre ako as usual, nagpauto naman. Dahil sa todo effort ni Kuya sa pag suck up sakin, pinatulan ko. Bumili ako ng DVD Player.
***********

Yung cellphone naman, sa totoo lang, buong linggo last week ko pinagnanasahan yung telepono na binili ko. Natutuwa ako kasi Qwerty yung phone. Tsaka mura lang.

LG siya, yung KS360. Kung tutuusin, hindi ko talaga kelangan ng bagong phone. Gastos lang yun, tsaka wala naman talaga akong mga textmate. Pero dahil napanuod ko na lahat ng nabili kong bagong DVD, para may pagkaabalahan ako nung Linggo, bumili ako ng phone.

Uulitin ko, hindi ako mayaman. Mura lang yung phone na binili ko!!! Mukha lang syang pangmayaman kasi ang slick ng design niya. Pero tama lang. Tamang pang text at call lang. Ang sakit lang sa tenga ng alarm niya. Papalitan ko mamaya yung alarm tone.
***********

Yung titulo ng post na ito eh pangalan ng kanta ni Adele. Narinig ko yung male version ng kantang ito sa youtube (One Take Sessions ata yun.. hanapin niyo na lang). Parehong maganda yung original version at yung take sa OTS, kaya dinownload ko agad yung kanta.

Tungkol siya sa tao na nagtatanong kung ipagpapatuloy niya ba yung pagpursue dun sa gusto niya, kahit na alam niya na walang patutunguhan yun. Hindi ako nakakarelate, pero dahil nga isa akong lyrics person, nagustuhan ko yung nabasa ko.

Di ko naman talaga maihahambing sa buhay ko yung mga nakasulat sa kanta. Malamig lang sa tenga kaya ko siya nagustuhan.
Heto ang lyrics.

Chasing Pavements
Adele

I've made up my mind
Don't need to think it over
If I'm wrong I am right
Don't need to look no further
This ain't lust
I know this is love, but

If I tell the world
I'll never say enough'
Cause it was not said to you
And that's exactly what I need to do
If I'm in love with you

Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste?
Even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere

I'd build myself up
And fly around in circles
Waitin' as my heart drops
And my back begins to tingle
Finally could this be it?

Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste?
Even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere, yeah

Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste?
Even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up
Or should I just keep on chasing pavements?
Should I just keep on chasing pavements?

Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste?
Even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere