Kung maglilibot ka sa blogosperyo ngayon, eh medyo madedepress ka. Maraming mga tao ngayon ang sawi sa pag-ibig. Merong iniwan. May nang-iwan. May niloko. May binasted. May nambasted. Meron din namang wala lang, gusto lang magkwento ng malungkot (misery loves company daw kasi). May mga suicidal. At meron ding mga taong nagpasya na kasabay ng pagiging malungkot nila, eh isasara na rin nila ang blog nila. Basta, maraming medyo wasak ang puso. Kahit nga sa ym meron din eh. Lam na niya kung sino siya, di na ako magsasalita. It just means the rainy season just begun.
Hindi ko pipilitin ang mga taong ito na magpakasaya. Mahirap yon. Hindi madaling mag move-on. Madali lang sabihin. Alam ko yon. Yung taong minahal ko at di ko nakatuluyan, 2 taon bago ko tuluyang nakalimutan. Hanapin niyo na lang yung Goodbye Letter na post ko.
Nakakadepress nga, sa mga ganitong pagkakataon, hindi mo maiiwasang tanungin ang sarili mo, ano ba ang kulang sa'yo? Bakit hindi ka magawang mahalin ng iniibig mo? Kahit pa siguro hitsura mo, kukuwestyunin mo. Panget ba ako kaya walang nagmamahal sa akin?
Gusto ko sanang ipost dito lahat ng quotes sa cellphone ko tungkol sa pagiging broken hearted, kaya lang baka isipin niyo na propesyonal ako sa pagiging basted, kaya hindi na lang. Iniipon ko lang yun, kasi maganda naman ang mensahe nila. Hindi bitter.
Siguro ito na lang ang maibabahagi ko para sa mga taong medyo malungkot sa panahon na ito.
ANG PAGTATAPOS NG PAG-IBIG HINDI IBIG SABIHIN KATAPUSAN NG MUNDO. Alam ko, maraming ganyan ang pakiramdam. Marami ngang nagsusuicide attempt dahil dito. Hindi ko sila masisisi, malamang binigay nila ang buong puso nila dun sa taong minahal nila, pero sa huli'y di rin pala magkakatuluyan. Ang sarap kayang mabuhay. Ang daming lugar na dapat makita. Mga taong dapat makilala. Bagay na dapat gawin. Ang hindi naiisip ng mga taong ito, na minsan may mga bagay na gusto mong gawin dati at hindi mo magawa dahil pinipigilan ka ng kasama mo, kaya ngayon maaari ang tamang panahon para gawin ang mga nais mong magawa. Dapat lang tandaan, lumayo sa tali, blade, kutsilyo, pills at baril.
DITO MO MAKIKILALA KUNG SINO ANG MGA KAIBIGAN MO. Merong mga panahon noong may kapartner ka pa, na hindi mo na madalas nakakasama ang iyong mga kabarkada. Alam ko, pag malungkot ka, mas nanaisin mong mapag-isa. Pero trust me, higit kailanman, ito ang panahon kung kailan mo kailangan ang iyong mga kaibigan. Hindi lamang dahil kaya ka nilang pasayahin, pero dahil hindi ka nila bibigyan pa ng dahilan para maging malungkot. Oo, minsan pagtatawanan ka nila, kasi naging tanga ka, pero kailangan nating mabatukan paminsan-minsan.
ISIPIN MO ANG SARILI MO. Sabi ko nga kanina, sa mga panahong ito mo itatanong kung ano ang kulang sayo. Kung ano ang mali sa'yo. Ayus lang yan. Importante yan para lalo mo makilala ang sarili mo. Pero don't dwell too much on the negative. Isipin mo, lalo kung wala kang makitang mali sa mga ginagawa mo, na baka hindi ikaw ang dahilan kaya kayo hindi nagkatuluyan. Baka siya yung may problema. Ang isipin mo na lang, paano mo pa mapapabuti ang sarili mo, at paano mo mamahalin ang sarili mo, para hindi na maulit ang nangyari sa inyo.
Totoong mahirap magmove on. Sabi nila, kadalasan hindi natin nakakatuluyan ang ating greatest love. Pero ang isipin niyo na lang, kung dun sa taong hindi para sa atin ay naging maligaya tayo, paano pa kaya kapag nakilala na natin yung babae/lalake na inilaan para sa atin.
26 comments:
Dumating ba sa puntong pag-ibig talaga ang sentro ng lahat? O isang simpleng paghahanap lamang ng balikat na maiiyakan?
Pag-ibig ba ang dahilan ng pagsusubok magpakamatay? O isang simpleng dahilan ng hindi pagtanggap sa mga kahinaan?
Pag-ibig ba talaga ang nararamdaman? O minamahamal at nagmamahal dahil sa pagwawaging pakiramdam?
isa ata akoh sa pinapatamaan nang post na toh ah... lolz... hi kuya Gilbert! na-miss koh ren tong haus moh... =)
nde naman akoh totally brokenhearted... hmm... kinda sad lang... kc nag-akalang sya na pero nde naman palah... hayz... but yeah i'll be fine... at least nalaman koh na ang sagot as early as diz stage bago pa man tuluyang magdugo ang puso koh... naks naman sa term eh noh... magdugo.. lolz... pero nde... wala lang... teka nga... first paragraph pa lang nababasa koh ang dme koh nang sinabi... tapusin koh muna magbasa...
teka... kakadepressed bah 'ung post koh?... wehe... la lang... sensya nah... kababalik lang sa mahimbing na pagtulog... palulungkutin koh pa ang ilan ilang nagbabasa nang page koh... tsk!... lolz... pero may point kah don.. 'ung ibang sawi sa pag-ibig... kasama nang pag-goodbye sa taong mahal nilah eh pagsarah nang blog nilah... ba't bah dinadamay ang blog noh?... nagsalitah akoh eh noh... i guess gusto lang nang symphathy... or siguro they think makakatulong ang nde nilah pag-blog... pero i think nakakatulong nga ang blogging in times like dat... kc u get to express ur emotions and may mga taong handang damayan at bigyan ka nang mga advice... basta ganonz...
totoo nde madaling mag-move on... but eventually u will... lalo pag natagpuan moh na ang taong makakasama moh habang buhay... feelin' koh masyado akong makata minsan sa mga term koh eh noh... lolz...
tsk! sayang pinost moh sana ang mga quotes... 'la lang.. para aliw lang... wehe...
true itz not the end of the world... we are so blessed that we are still alive... totoo ang dmeng wonderful opportunities out there... there are so much places to travel... teka.. parang inuulet koh lang sinabi moh ah.. lolz.. pero i luv ur point... and while single eh take dat opportunity na gawin ang mga things na gusto mong gawin cuz onced pamilyado na eh iba na ang magiging priorities sa buhay... don't wori akoh 'la balak magsuicide... life is a gift... kinda maemo lang minsan but daz about it...
true etoh ang mga panahon na dapat u go out there keysa magmukmok... pero sometimes kc mas madaling magpakalungkot eh... magkulong sa kuwarto.. tumingin sa kisame... umiyak... mag-emote... tapos non.... ayos nah... ikain na lang... naubos ang energy kaeemote... lolz..
yup don't dwell on d' negative instead focus on d' positive and focus on all His wondeful blessings to us...
"Pero ang isipin niyo na lang, kung dun sa taong hindi para sa atin ay naging maligaya tayo, paano pa kaya kapag nakilala na natin yung babae/lalake na inilaan para sa atin. "--- naks! i luv d' line... wow... galing sa quote ni kuya Gilbert ahh...
salamat sa iyong magandang post... ingatz lagi kuyah...
GODBLESS! -di
ouch....
Pero minsan, naiisip ko din ang sinasabi ni pareng Mike. Pag-ibig nga ba? o duwag lang tayo sa pagtanggap ng ating kahinaan..
hmm..kaya siguro me blogspot para makapaglabas ng hinanakit.At habang natutugunan nito ang kanyang layunin, patuloy na mabubuhay ang mundo ng isang blogger na katulad ko.
"mas madali magmahal kaysa magmove on"
napakahirap nga talaga magmove on sa taong minamahal mo...yon ay dahil sobra mo siyang minahal na halos binigay mo na lahat lahat ang love mo sa kanya. para sa akin, yon ang dahilan kung bakit mahirap magmove on.
hindi naman siguro sa physical appearance o anuman pa man ang dahilan kung bakit kayo nagkakahiwalay... siguro dahil hindi talaga kayo match sa isa't isa... ibig sabihin nyan may babae/lalake pa na darating sa buhay mo na mas higit kang maging masaya sa piling niya.
let go mo lang ang bagay na di para sayo... wag pilitin!
aray aray naman gil!
hmmmm...
actually weakness ko yung paglelet-go sa past relationships that I had...
nakkadepress while you're in the process of healing...
feeling mo you're not worthy enough to love again...
you're not capable of loving again..
natatakot ka nang magmove forward and forget him/her dahil yung memories nyo na lng together yung natitira sayo kasabay nung pag-alis niya...
pero one thing's for sure..
ang mundo..iikot at iikot pa din..
and dapat kasabay nito..
magmove forward din tayo and focus in making our lives better than before..:D
gillboard > salamat! salamat!
mike: ang daming tanong... di naman ako sawi... di ko rin alam kung ano yung sagot... hehehe
dhianz: ang haba.. parang mas mahaba pa yung comment mo sa post ko.. welcome back... namiss ko sa blog ko to...
bampiraako: iyon ang maganda sa blogging... kaya ang hirap talagang iwan nitong mundong ito...
marco: mahirap talaga magmove on.. easier said than done... kaya kapag may pinagdadaanang ganyan.. kailangan talagang may karamay tayo... to ease the burden.
jenskee: tinamaan ka? la naman ako pinapangalanan... pero tama ka sa sinabi mo... iikot pa rin ang mundo at darating ang panahon na magiging masaya ulit tayo.
scud: salamat saan? in any case... you're welcome... kung ano man yun...
kahit sinong tao ang tanungin mo, kapag nagmahal ka ng tunay talagang mahirap mag let go.
pero ganyan nmn talaga ang buhay,hindi lahat ay para sa atin.
minsan hihilingin mo puno ka na lang o kaya bato. pero ganun talaga para san ba ang puso? the moment you love a person asahan mo na!
bakit ka naman magpapakamatay? mahal kaya ng funeral package.
nice post gillboard!
madali lang magmove on.isipin mo lang na tlagang ganyan ang buhay pag-ibig may nasasaktan at masasaktan.
Dami ngang emo. pati kasama ko emo hehehe. Napansin ko din sa mga blogs na nasa daily reads mo may topic about emo. Life is beautiful. Enjoy lang!
very nice...
andami ng point mo na umaapir ako sayu parekoy...
iisipin ko yung Huli mong talata... yung ISIPIN KO ANG SARILI KO...
sana ma-absorb ko ng maayus
Ito yata yung hinihintay ko sa blog mo.parang naririnig ko yung boses ni Dr. Love.
Ibang Gill nakikita ko ngayon. ;)
hahaha!
iriz: naku, kung alam lang yan ng mga taong nagpapakamatay... ewan ko ba... pero lam ko mas mura pacremate.. hehehe
krizler: pero may mga taong dumarating na sana atin na lang.. pero kung di sayo.. di talaga... oh well..
ilocano: kung ganun kadaling gawin... hehehe
klet: ok lang yun.. kasi yun naman talaga ang silbi ng blog, yung ilabas ang lahat ng kaemohan natin sa buhay...
kosa: ang mahalaga naman talaga is mahal natin yung sarili natin bago tayo magmahal ng iba...
dylan: naku.. hindi rin... siguro pwede pa si balahura o balasubas... lolz
ang mas mahirap pare yung matagal na kyo mga 3 to 10 years...tapos biglang nasasawa ka na sa puro LQ..exhausted ka na sa pagfsasama mo..pero hindi mo magawang iwan dahil mahirap..dahil sa dami ng magagandang pinagsamahan nyo...yun ang masakit..habang tumatagal ang relationship lalong mhirap kumalas...
may plano din akong gumawa ng isang entry tungkol dito. pero ipinagpaliban ko dahil ayokong sabayan ang ka-emohan ng ibang bloggers at para mapanatili na rin ang balance sa blogosphere.
para sa isang taong dumanas na ng santamabak na "sakit sa puso", mas higit kong natutunan ang pahalagan ang aking sarili. minsan kasi pag sobrang mahal mo ang isang tao, wala ka ng paki ano man ang sabihin at gawin niya s'yo. kasi bulag ka na. siguro yun ang mas kauna-unahang dapat matutunan ng isang taong nagmamahal, ang pahalagahan ang kanyang sarili higit sa lahat.
nice post!
maraming maraming salamat gillboard!
support PEBA! boto na!!! puntahan mo ko para sa link!
(bakit wala kang c-box?)
"ANG PAGTATAPOS NG PAG-IBIG HINDI IBIG SABIHIN KATAPUSAN NG MUNDO.">>> this alone explains it and yes i too think it's normal to really feel bad. but the longer you spend worrying, the longer you'll recover.
First time here. Guilty as charged. Emo ako these days pero I'm moving forward. Anyway,thanks for posting this. Cheers.
ako aminado.
propesyunal sa pagiging basted.
two years ang pinakamatagal na move on window. sayang ang oras.
@26 still single.
tama lahat ng sinabi mo. ginawa ko na lahat yang mga yan apat na cycle na ang nakalilipas.
pero sa puntong ito. eto na lang idadagdag ko, walang ibang makakatulong sa atin kundi ang sarili rin natin.
kaya matutunang mahalin at pahalagahan ang sarili.
tama ka, rainy days are here. galing!
PERO
Enrico and I are soo OK. My entry was just a repost, nothing to do with us. hehe My bad for making a confusion.
kaloka yung entry ni dhian.. ;)
Post a Comment