Mga Sumasampalataya

Jun 23, 2008

BALIKBAYAN


2 lang ang ibig sabihin sa akin ng salitang balikbayan: 1) maraming pasalubong at 2) tataba nanaman ako...

In a way, gusto ko na may balikbayan na bumibisita sa aming tahanan, kasi minsan ako ay nakakapag tour guide. Libreng biyahe patungong probinsya, o kaya naman ay raket sa iba't ibang mall. ANg punto ko eh, kahit papaano ay nabibiyayaan ako ng maliit na halaga sa pagiging likas na utu-uto ko. Tapos ibig sabihin din nito ay makakalibre nanaman ako ng either a) bagong t-shirt b) bagong pabango o kaya nama'y c) libreng toothbrush kit mula sa airline na sinakyan ng aming bisita. May isang beses pa nga, ako'y nabigyan ng headset na may tatak na Northwest (wala akong pagsusuksukan nun kasi tatlo yung panusuk dun sa adaptor).

Natutuwa din ako kasi nagiging maingay ang tahanan namin, lalo na kapag may batang kasama. Naaaliw akong panuorin ang nanay ko, pinsan, lola at kung sinu-sino pa na halos dumugo na ang ilong sa kakatry mag-inggles (have you been eaten already?). Kahit na minsan ang bisita nami'y mas magaling pa sakin magbisaya.

Nakakatuwa rin na may nakikilala akong mga kamag-anak na bago pa man dumating ang mga kapamilya namin eh hindi ko alam na nabubuhay pala. Kasi madalas eh may party sa bahay para sa mga bisita. Nakakatuwa siya kasi nga, minsan ang mga kamag-anak na iyon eh may kaya pala at pwede kang ipakilala sa mga taong dapat mong makilala. Pero minsan din eh nakakainis, kasi kahit ako na hindi balikbayan ay inaarboran ng mga taong ito. May mga ambisyoso pa na pati pabangong bigay sa akin eh hinihingi pa (pasensya na pero madamot talaga ako sa pabango).

Medyo nakakatakot lang kung ang bisita eh isang binata na kapareho ko ng hilig dahil ibig sabihin nito ay hindi ako makakatulog dahil sila'y nasa kuwarto ko at naglalaro ng video games buong magdamag. Noong Bagong Taon nga, ilang araw din ako lumiban sa trabaho ko dahil sa puyat dahil ang mga pinsan ko na ang goal sa pagbisita sa'min eh tapusin ang Gears Of War at Dead Rising... nang hindi nagpapahinga!!!

Pero di lahat ng tungkol sa pagkakaroon ng bisita mula sa ibang bansa ay nakakatuwa. Minsan kasi, ito ang dahilan na ako ay tumataba. Paano ba naman, kelangan araw-araw ay espesyal ang hinahain na pagkain sa mga ito. Kaldereta, beef with mushroom, grilled chicken, pork steak, pasta, cake, ice cream (mga pagkaing usually kapag Pasko lang hinahanda). Idagdag mo pa ng sandamakmak na tsokolate, cookies at kung anu-anong imported na palaman. Sabay kapag paalis na sila... sasabihan nila akong "papayat ka ha, tumataba ka na!" Eh kasalanan niyo to!!! Sanay akong adobo at minsa'y tinapay lang ang kinakain ko sa bawat araw!!! Tapos kayo nagbibigay ng ilang supot ng tsokolate na nakapangalan lang sa akin, na parang wala kayong ibang kamag-anak!!! Sino naman ang pagbibigyan ko nun?!

Tapos nandyan pa ang walang katapusang katanungan kung may girlfriend na ako at kung kelan ako mag-aasawa. Pakialam niyo ba?! Di ko naman kayo imbitado kapag nangyari yun. Atsaka para namang gagastusan niyo ang araw na yun, di ba? Pero di ko pwede sabihin yun, kasi baka sampalin ako ng nanay ko.

Hindi ako nagrereklamo... Gaya ng unang sinabi ko, maligaya ako na madalas tirhan ng mga balikbayan ang aming tahanan. Wala rin naman akong gustong baguhin sa ugali at pakikitungo sa akin ng mga taong ito. Sino ba naman ako para magreklamo eh ako na nga ang nabibiyayaan nga ming mga bisita. Napapansin ko lang yung mga pangyayari sa tuwing tumatanggap kami ng mga bisitang matagal nang di nakakarating sa ating bayan.

3 comments:

. said...

Nagkakaroon lang kami ng balikbayan these past few years kapag may namamaalam akong kaanak. :(

Pero masarap maging tour guide. Tama ka dun.

Bullfrog said...

yeah, it works! hehe.. so magpakalonely-lonely ka na.

oi, opening na pala ito ng mga kahon ha. gimme gimme some! :D

gillboard said...

mugen: yup, libre biyahe tapos at the end of the day may tip ka pa... :D

f.jordan: di ba parang mas mapapalakas ka pa kumain kasi ala ka naman kahati sa kanin at ulam? hehe... sige dami ko chocolate dito!!! hahaha