Mga Sumasampalataya

Jul 12, 2006

ENTRY 29: PAGOD

Kakatapos ko lang na kausapin yung mga kliyente namin sa opisina at eto, nangangarag ako... Di naman ako nasabon pero wala kasi akong katulong na magbantay sa programa ko... Di ako pinasukan ng dalawang TL ko sa shift namin... (Hinala ko may sabwatan laban sakin dito...) Kung meron mang Carlson na nakakabasa nito, sabihin niyo sakin kung may nalalaman kayo... hahaha...

Ang hirap magpatakbo ng isang programa kapag wala ka talagang karamay... eto na lang magsulat ng blog sa tagalog dinudugo na ako... Mabuti na lang English-only ang policy sa floor. Kahit hindi ko sinusunod...

Ngayong buwan ng Hulyo e buong buwan kami mag-oovertime, at bilang pinuno ng programa namin, hindi ako pinapayagang lumiban sa trabaho... wala na nga akong buhay maliban sa opisina, tatanggalan pa ako ng pahinga... kawawa naman ako.... nagmumukha na nga akong matanda eh...

Hayy... kailan kaya darating yung unang milyon ko? Kapag nangyari yun, sigurado magbibitiw talaga ako sa posisyon ko...

Ang hirap magtagalog... ayoko na... tatapusin ko na itong kalokohan na ito...

No comments: