Mga Sumasampalataya

Aug 21, 2013

KUNG MAGMAMAHAL KA NG BLOGGER

Hindi naman sa hindi ko gusto ang magmahal ng blogger. Kung alam niyo lang kung gaano karami ang kras kong mahuhusay na manunulat sa mundo ng blogosperyo, hindi mo aakalain na nagkaroon ako ng failed relationship sa isang kapwa blogero.

Pero marami ring dapat pagnilay-nilayan kung sakaling dumating ang panahon na magdesisyon ka na magmahal ng blogger.  Maraming dapat paghandaan.


  • Hindi dahil lahat ng hinahanap mo sa isang tao ay nakita mo sa mga sinulat niya ay yun talaga ang personalidad niya. Lahat ng tao, blogger o hindi, kailangan ibenta ang sarili para magkainteres sa kanya ang mga taong gusto niya. Dapat bago ka pumasok sa relasyon sa isang manunulat ay kilalanin mo muna siya ng todo todo. Hindi yung dahil nagmeet na kayo ng isang beses, nagkatext o nagtatawagan araw-araw ay pwede nang maging kayo.
  • Dapat maintindihan mo na hindi lang ikaw ang nagkakacrush sa crush mo. Kung ikaw ang maswerteng nilalang na napili ng blogger crush mo, kailangan handa kang sumailalim sa mapanghusgang mga mata ng "fans" ng kablog mo. Handa kang machismis. Handa kang malait. At kung sisiraan nila ang "mahal" mo, ay dapat tanggap mo kung ano ang mga maririnig mo.
  • Siguraduhin mong hindi ka magiging kabit. Totoong, kung kabit ka, mas marami kang maisusulat na mga interesanteng bagay. Siguro mas sisikat ka. Siguro mas mahal ka niya. Pero at the end of the day, kabit ka. May sinasaktan ka. At maraming tao ang mag-iisip na medyo tanga ka. Tandaan, sa panahong ito, ang KARMA ay digital na.
  • Kapag blogger ang mahal mo, masarap na mababasa mong sinusulat niya ay tungkol sa'yo. Pero pagdating ng panahon na wala na kayo, dapat handa ka na mabasa na kahit siya ang may kasalanan kung bakit kayo naghiwalay, ikaw pa rin ang magiging kontrabida. Na ang isusulat niya tungkol sa inyo, sa kanya mapupunta ang simpatya ng kanyang mga mambabasa. Dapat handa kang basahin sa blog niya lahat ng mga pagkukulang mo. Dahil blog niya yun, siya dapat ang bida... kahit siya ang may sala. Mayroon nga, aminadong plagiarist pero nagawa pa niyang paikutin ang kanyang mga salita at kahit papaano, siya pa rin ang kawawa.
  • At higit sa lahat, kung sakaling hindi na kayo, darating ang panahon na ang isusulat niya ay tungkol sa bago niyang nakilala. Ang bagong nagpapatibok ng puso niya. Ang tunay na "the one" para sa kanya. Dapat handa kang basahin iyon, kahit ikaw hindi pa nakaka move on.
Hindi ko sinasabing masamang magmahal ng isang manunulat. Tatlong taon na kami ni Kasintahan, at sa palagay ko ay masaya pa rin kami. At hindi lahat ng blogger ay ganyan, maraming tahimik pagdating sa pag-ibig. Dahil sa totoo lang, mas masayang hindi nailalathala ang lahat ng tungkol sa isang relasyon.  

Masarap talagang magmahal. Sa blogger man o hindi.

Basta wala kang nasasaktan, at masaya ka, walang masama na magmahal.

Aug 19, 2013

10 MINUTONG LAKAD SA WALKWAY

Naglalakad ako mula sa aking condo nang makita ko siya.

Stranded. Nakikisilong sa ilalim ng payong sa harap ng kainan. Walang payong, hindi handang sumuong sa gitna ng malakas ng ulan. 

"Miss, tatawid ka? Malaki ang payong ko, pwede ka sumabay." Laking pasasalamat ko na yung espadang payong ang nakuha ko ngayon. Pwede ko siyang isilong sa ilalim ng aking payong.

"Thank you," nakangiti niyang sagot.

Sabay kaming tumawid. Lalong lumakas ang ulan, pero ayaw kong magmadali ayaw kong matapos ang sandaling ito. 

Napahawak siya sa kamay ko. Tila nais bilisan ang mga hakbang para kami'y makatawid. 

"Aakyat ka rin ng walkway?" tanong ko.

Tumango siyang nakangiti. May pagpapasalamat ang nakabakat sa maganda niyang mukha.

"Okay lang ba na sumabay sa'yo? Walkway din ako. I could use the company," hiling ko.

"Sure." ang nakangiti niyang sagot.

"Jessie pala. My name's Jessie," inabot ko ang aking kamay sa kanya.

"Celine." Kinuha niya ang kamay ko.

Biglang uminit ang loob ko kahit nasa gitna kami ng napakalakas na ulan. Hindi ako makapaniwala, nakakausap ko na siya ngayon. Araw araw ko siyang nakikita, pero ngayon nahawakan ko na ang kamay niya at nakasabay ko pang maglakad.

"Hanggang sa dulo ako, ikaw ba?" panimula niya. 

"Yeah, same. Saan ka ba nagwowork?" sagot ko.

"Ahhh. Uhmmmm... Sa call center sa may Solaris."

"Ah talaga, pero umaga na ah? Diba normally panggabi ang mga call centers?"

"Well most of them. The company I work for, services Australia, kaya dayshift ako."

"Ahhh, G'day mayt!!!" bati ko sa pinakamahusay kong paggaya sa Australian accent.

Natawa siya ng malakas. Ang cute niya. Mukhang sopistikada. Mukhang anak ng mayaman. Maputi. Petite. Alam niyang hindi na kailangan ng kolorete sa mukha, dahil kahit wala nito, lumalabas ang ganda ng kanyang hitsura.

"Your Australian accent sucks!" biro niya. 

Hindi man sadya, pero nakuha niya ang accent ng mga Australyanong pilit kong ginaya. Lalo siyang gumanda sa paningin ko. 

Ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Nakatingin siya sa taas. Sa mga grafitti art na nagkalat sa walkway ng Makati. Kahit sino talaga mapapatingala sa ganda ng mga nakapinta sa dingding ng walkway. 

"Ang ganda no?" banggit ko.

"Yeah. It really shows na marami pa ring creative na Pilipino. Kahit yung mga simpleng art, it's full of life and shows kung paano ang buhay ng mga dumaraan dito sa walkway. Shows life of a yuppie. City life. Life in Makati."

"May paborito ka?" usisa ko.

"That one." Turo  niya sa isang drawing ng babaeng natutulog. Isang simpleng likha. Hindi nagstand out sa tabi ng maraming mahuhusay na likha.

"Huh. It's simple. Far from what I expect you'd like."

"Yeah. Well, that's because I like to sleep. I can relate to the drawing." ngiti niya. "Hey, don't get me wrong, I'm not the artsy type. I just appreciate pretty things."

Mabuti naman. Akala ko mapapasubo ako kung sakaling si Celine ay yung tipo ng babaeng sopistikada.

"Ikaw, where do you work?" tanong ni Celine sa akin.

"Walang work. May business ako ng buy and sell ng mga kotse. I don't think na kaya kong umupo sa opisina ng 9-5."

"Is there good money in what you do?"

"Tama lang. May pera pag may buyer. Nganga pag wala." 

"Yeah? Honestly, I've been looking on venturing into business, pero I don't know if kaya ko. I'm almost 30, and I really don't want to see myself 5 years from now still taking calls and servicing rude customers." paliwanag niya.

"YOu can make money doing what you like. Ako, ever since puberty mahilig talaga ako sa mga kotse. I worked for 7 years para magkaroon ng puhunan. Tapos, yun sinuwerte and tuluy tuloy na."

Napabuntong hinga si Celine. 

"Ano ba ang mga passion mo?" tanong ko.

Napaisip siya ng konti. "I can bake. Masarap yung cupcake recipe ni mom. I just haven't found the time to bake."

"Wow! Parang gusto kong makatikim ng cupcake mo."

"Sure. Sige if I find the time, I'll bake you one. I mean every now and then nakikita kita where you saw me earlier."

Napangiti ako. Hindi sa pangako niya, kundi dahil napapansin din pala niya ako. Pareho kaya kami ng naiisip? Gusto din kaya niya ako?

Nasa dulo na kami ng walkway. Ibig sabihin ilang saglit ko na lang siyang makakausap. 

Nauna siyang bumaba sa akin. 

Lalo ata akong na-in love sa kanya. Ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Oo, madalas ko siya nakikita, pero ngayon ko lang talaga siya tiningnan ng ganito. Iba talaga ang nagagawa kapag ang isang tao ay tinitingnan mo lang, at kapag nakakahalubilo mo na siya. 

Lalo siyang gumaganda. 

Hinabol ko siya.

"Uhhh Celine..."

"Sorry, malelate na pala ako. Tagal ko palang nastranded kanina. I lost track of time."

"Ahh, okay."

"Hey, thank you sa payong. And for the company. It was really nice."

"It was nice to know you too."

Mawawala na ang pagkakataon mo Jessie. Tanungin mo na ang number niya. Humingi ka ng pagkakataon na lalo siyang makilala. Gawin mo na ngayon na!!!

"Hey Celine!" tawag ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin? Tinuro ang braso. Senyales na wala nang oras at tumakbo papunta kung saan siya nagtatrabaho.

Napahinto ako.

Pinanuod siyang pumasok sa building kung saan siya nagtatrabaho.

Napasilip siya sa akin at nakita ako. Sorry. Hindi ko man narinig, pero yung ang nabasa kong sabi niya sa akin. 

At tuluyan na siyang nawala.

Nagvibrate ang bulsa ko. May nagtext sa akin.

"Where are you. Dito na kami lahat. Ikaw na lang nawawala." Text ng kaibigan ko.

"15 minutes" reply ko.

Tumalikod ako at naglakad pabalik sa walkway. 

Papuntang mall sa kabilang dulo ng aming nilakaran.

*********************
Dahil nainspire ako ng ulan at ng kwento ni Celine at Jessie sa Before Sunrise, Before Sunset at Before Midnight.

Oo. At ako na ang sinisipag magsulat nitong mga nakalipas na araw.

Aug 15, 2013

GANITO PA RIN BA ANG MGA BLOGGERS NGAYON

Hindi ako masyadong napapaikot sa mundo ng blogosperyo, pero minsan may manaka-nakang mga post na nagpapaalala sa akin kung bakit ko minahal ang mundong ito.

Nakakatuwang magbasa ng mga blog ng kabataan, dahil naaalala mo kung paano ka rin dati. Ewan ko kung dahil ba ito sa edad ko, o dahil iba na ang kalagayan ko ngayon.

Medyo matagal na rin akong di nakakapagsulat ng mga napapansin ko sa mga makabagong manunulat. Pero gaya ng sabi ko noon, parang cycle lang ang blogging. Umiikot. Umuulit. Iba nga lang ang nagsusulat.

Naaalala mo pa ba noong nagsusulat ka.

ANG LUNGKOT NG BUHAY DAHIL SINGLE AKO
Nalulungkot ka tuwing umuulan. Nalulungkot tuwing Pasko. Umiiyak kapag araw ng mga puso. Nagsummer vacation ka mag-isa kaya depressed ka. Nagbibirthday ka at ang nag-iisang hiling mo ay ang magka girlfriend o boyfriend. Ang goal mo tuwing bagong taon ay magkasyota. Ang buong mundo mo ay hindi iikot hangga't single ka. Magpapakaplastic ka minsan, at sasabihin mo masaya ang single blessedness, pero ilang linggo matapos, ay magmumukmok ka dahil mag-isa ka.

ANG SAYA NG BUHAY DAHIL MAY SYOTA/ASAWA AKO.
Ipopost mo ang anniversary ninyo. Ipopost niyo ang monthsary ninyo. Ipopost mo ang weeksary niyo. Ipopost mo ang daysary ninyo. Ipopost mo pag nag-away kayo. Ipopost mo kapag nagkabati kayo. Ipopost mo kapag namimiss mo siya. Ipopost mo ang dates ninyo. Ipopost mo yung pagmamahal mo sa kanya. Medyo nakakasuka. Pero mahal mo, bakit ba. Oo. Ako yan.

WALA NANG NANGYAYARING MAGANDA SA BUHAY KO.
Magkukwento ka ng kwentong masalimuot tungkol sa buhay mo. Kung ano ang hirap na dinanas ninyo. Kung paano ka niloko at iniwan ng minamahal mo. Magkukwento ka kung paanong sinira ang buhay mo ng bulok na sistema ng bahay niyo, eskwela, trabaho o pamahalaang Arroyo at Aquino. Hindi ka nakikinig sa mga nagsasabing maganda ang buhay. Ikaw lang ang may karapatang magdrama sa mundo. At kapag may nagbibigay ng payo na hindi mo gusto, gigyerahin mo ito.

IKAW NA ANG TAMA. IKAW LANG.
Ikaw na ang nagbibigay ng tips kung paano maghandle ng pag-ibig. Kung anong klaseng girlfriend/boyfriend ang dapat hanapin ng mga mambabasa mo. Nagbibigay ka ng payo kung paano maghandle ng hiwalayan. Ng away ng mag-asawa. Minsan pa nga, gumagawa ka ng post para sagutin lahat ng tanong ng mga mambabasa mo. Ikaw na si Charo Santos Concio ng blogging. Pero sa totoo, disi-otso ka lang at di pa nagkakasyota.

IKAW NA ANG GUSTONG SUMIKAT.
Aktibo kang magkumento sa mga tahanan ng mga sikat na blogger hoping na yung mga nagbabasa doon ay mapapadaan din sa bahay mo ang mga mambabasa nito. Gumagawa ka ng kung anu-anong pautot masabi lang na in ka. Makikijoin sa mga tag na post ng iba. Gagawa ng kung anu-anong badge para sa kanila. Mamimigay ng award. Ililink mo lahat lahat sila kahit hindi mo binabasa. Magsusulat ka ng kung ano ang in. Makikisawsaw sa isyu o sa mga nagbablog war. At araw araw kang nagsusulat para ikaw ay sumikat.

IKAW NA MAHILIG UMINOM NG SPRITE.
Ikaw yung nagpapakatotoo. Yung isusulat ang tunay na damdamin mo. Wala kang pakialam kung may nagbabasa o wala ng mga sinusulat mo. Minsan isang sentence lang ang ipapublish mo. Hindi mo hangad na magkaroon ng bagong kaibigan. Ng syota. Ng kung ano pa man. Basta nagsusulat ka dahil dun ka masaya. Minsan ikaw lang nakakaintindi sa mga sinusulat mo. Pero ikaw yung gustong kaibiganin ng mga tao. Mayroong kokontra sa mga paniniwala mo, pero dedma ka lang dahil nirerespeto mo ang opinyon ng ibang tao.

********************

Ang dami nang nagsusulat sa mundo. Nakakatuwa kadalasan. Nakakainis at nakakalungkot kung minsan. May mga pagkakataon na gusto mong ihinto pero nahihirapan kang tigilan.

Masaya eh. Nakakatanggal ng stress.

Ang hirap iwan.

Ikaw, naaalala mo ba noong nagsusulat ka? Sino ka sa kanila?

Aug 7, 2013

ANONG KLASENG BADING KA

Dahil sa My Husband's Lover nagiging uso  ngayon ang mga bading (uso talaga). Sabihin na nating gumagawa ng ingay. At dahil wala pa akong Post ngayong Agosto, ito na lang ang isusulat ko. Hindi man hinihingi ng mga tao, hindi man tama pero nagclassify ako ng mga bading na kakilala/nakilala/naamoy/nabalitaan ko.

Kung bading ka, saan ka kaya nalilinya sa mga ito?

THE SPECIAL KIND

The Special Kind of gay. Sila na ang gifted. Sila na ang mga mabubuting ehemplo. Ang mga bading na ipagmamalaki mo. Sila yung bumuo ng stereotype na ang matinong bading ay matalino, witty at may silbi sa lipunan. Out and proud. At may dahilan para dito. Sila yung mga ipinaglalaban ang karapatan ng mga nabibilang sa LGBT community. Sila yung mga nakarating sa rurok ng kasikatan. Sila yung mga bading na naging boss mo. Sila yung mga bading na hindi lang nakakatawa, pero alam mong may laman din ang kukote nila.

THE PA-MACHO KIND

May iba-ibang uri ng mga macho. Ito ang una. Pa-macho dahil malalaki ang katawan. Sila yung araw-araw nakikita mo sa gym, nagbubuhat ng mga mabibigat na barbel. Sila yung nakikita mo yung mga profile pic ay katawan lang, walang ulo. Lalaking lalaki ang pangangatawan, pero pag nagsalita na... huli ka!!! Bading na bading pala. Maaaring out and proud. Pero kadalasan, sila yung in denial. Yung tipong alam na ng buong mundo na bading sila, pero di mo pa rin mapapaamin, at sa katawan itinatago ang pagka-pink ng dugo nila. Yung tipong pag tinanong mo, "are you gay?" ang sagot nila "I'm BI" (always bullshit BTW). Sila yung maaaring confused pa ang state of mind pagdating sa kanilang sekswalidad. Eto rin yung mga kaklase mo noong high school na noon ay nakikita mong lantarang ginagawang gown ang props ninyo na kumot na aakalain mong pagtanda eh yung magpapaputol ng ari nila at papalitan ng artificial pechay, pero ngayon ay kalbo na at mas malaki pa ang katawan sa bouncer o gym instructor.

THE ALMOST PARLOR KIND

Ang mga tunay na out and proud. Sila yung pinakacommon na bading. Yung alam ng lahat na gay sila. Na walang pakialam sa iisipin ng mga tao. The loud kind of gay. Yung paborito nating panoorin o kausapin dahil sila yung talagang nakakatawa kausap. Yung masarap kaibiganin dahil sila ang nagpapagaan ng araw mo sa kakulitan nila. Sa kanila mo natututunan yung gay lingo. Almost parlor, dahil sila yung tipong parang parlorista ang kilos pero matino ang hitsura. Maaaring parlorista rin naman ang hitsura, pero matitino naman sila.

THE DARAGISTA/PARLORISTA KIND

No offense meant, wala lang ako sigurong maisip na description para ganitong uri ng bading. Sila yung tipikal na makikita mo sa parlor. Sila rin minsan yung nakikita mo sa mga stand-up comedy bars. Yung mga bading na minsan ay laman ng dyaryo dahil sila yung napatay o nanakawan ng mga boylet nila. Ang mga drag queens na nagkalat noon sa Malate o gay bars.

THE STRAIGHT KIND

Hindi ito katulad ng mga pa-macho. Sila talagang macho. Lalakeng lalake ang tindig at pananalita. Maaaring sila yung mga nahihilig sa sports, may mga chicks sa side pero kung tatanungin mo sila aamin sila na bading sila.  Yung tipong kapag nalaman ng ibang tao ang totoo sa kanila babagsak ang panga nila. Hindi mo aakalaing bakla pala. Ika nga, sila ang straight man... who likes to sleep with other men. Hindi banidoso, naniniwalang ang tunay na lalake ay walang abs. Yung mga bading na seryoso, hindi madalas nakakatawa. May angking kakulitan, gaya ng sa mga tunay na lalake. Pwedeng mapagkamalang paminta, pero open naman sila sa sexuality nila. Yung tipong di mo na kailangan ipangalandakan sa lahat na bading ka dahil hindi naman ganun ang kilos mo pero kung tatanungin mo, aamin sila..

THE PANGET NA NGA PANGET PA ANG UGALI KIND

Iba iba ang ganitong klaseng bading. May mga tolerable. Meron din naman na offensive, at minsan kriminal. Sila yung mga tipong nagbabahid ng di magandang kulay sa LGBT community. Yung mga ginagamit ang charm ng isang bading para makapangutang sa mga kinaibigan, tapos bigla na lang mawawala pagkatapos makangulimbat ng maraming pera. Yung mahilig magkalat ng tsismis.  Yung mga bading na hindi masaya kausap dahil wala ng ibang sasabihin sayo kundi mga ka-negahan sa buhay. Yung mga nakukulong dahil nangrerape ng mga batang lalaki. Yung mga nanlalasing ng mga kabarkada para tsansingan/bosohan ang mga ito. Pwedeng hindi sila panget, kaya aahasin nila ang boypren mo. Basta lahat ng bading na masama ang ugali, dito nakaclassify.

Marami pang iba. Andyan yung mga dating lalaki, pero may pechay na. Yung mga bading lang kumilos pero lalaki talaga. Yung mga babae kumilos kahit mas mukha pa silang lalake sa tatay nila at marami pang iba.

So, sino ka sa kanila?

Jul 30, 2013

MCDONALD'S TVC

Tanghali.

Mahaba ang pila sa McDonald's.

Isang ama nakaupo sa tapat ng manliligaw ng kanyang anak.

TATAY: Alam mo hijo, si militar, natuto akong magbasa ng mga tao. Kaya kong alamin kung nagsisinungaling ang kausap ko o hindi.

Mapapalunok ang manliligaw. Ngiti lamang ang naisagot sa ama ng nililigawan.

TATAY: Sagutin mo ako. Gusto mo ba ang anak ko?

Titingin ang ama sa likod ng manliligaw. Sa isang babaeng may kasamang bata. 

MANLILIGAW: (Sasagot ng may paninindigan) Opo gusto ko po.

TATAY:  Tanggap mo kung sino at kung ano ang meron siya.

MANLILIGAW: Tatango at magsasabi ng "Opo."

TATAY: Hindi mo lolokohin ang anak ko?

MANLILIGAW: Hindi po.

TATAY: Mapapanindigan mo ba siya?

MANLILIGAW: Yes sir!

Darating ang anak na babae na may dala ng order nila at tatabi sa kanyang ama.

BABAE: Dad, here's your favorite... Quarter Pounder.

Mapapangiti ang ama. 

TATAY: Well hijo, in that case... I give you permission...

May parating na lalake.

TATAY: To date my son.

Mapapangiti ang manliligaw. Sabay darating ang lalaki, uupo sa kanyang tabi at ibibigay ang inorder na Big Mac.

ANAK: What's that all about? (may pagtatakang tanong ng anak)

Isang malaking ngiti ang ibibigay ng isa pang lalaki.

M

*****************************************************************
Kathang isip lamang. Nadala lang ng commercial ng McDo. Noong isang araw ko pa ito naisip, ngayon ko lang naisulat.

Kailan kaya magkakaroon ng ganitong ads dito sa Pilipinas?

Jul 12, 2013

PAGDATING SA TRABAHO

Nais ko lang ilabas... baka sakali makatulog ako pagkatapos.

Mga bagay na natutunan ko sa sampung taon ko sa trabaho.


  • Kapag ang teammate mo ay medyo nahuhuli sa mga trabaho, imbes na mag-ipon ng ebidensya para ma-escalate ang taong ito, subukan mong saluhin ang trabaho. Minsan baka kaya nakakaligtaan ito ay dahil subsob na ang teammate mo sa dami ng kanyang inaasikaso.
  • Kung sakaling may sama ka ng loob sa katrabaho mo, one time big time kausapin mo to. Baka sakali lang magbago. Wag mo syang sisiraan sa ibang katrabaho niyo. Hindi produktibo kung lahat ng tao galit sa kanya kahit wala namang kasalanan ito dun sa ibang tao.
  • Sa pagkakataon naman na ang isang myembro ng team mo ay hindi na nakakatulong sa inyo dahil sa isang bagay lang nakatutok, imbes na punahin ninyo yung pagkukulang niya sa team ninyo, subukan niyong mag-alok ng tulong. Minsan may mga taong nahihiya talagang humingi ng tulong kahit kailangan niya ito.
  • Kung sakaling dumating ang panahon na nabulyawan ang isang myembro ng team ng ibang departamento sa kumpanya ninyo dahil napabayaan ito. Hindi tama na pagtawanan at sabihing buti nga sa'yo.
  • Kung puros ka reklamo pero nung bigyan ka ng pagkakataon na gawin ang trabaho ng nirereklamo mo, gawin mo to. Kung ayaw mo dahil ayaw mong sumakit din ang ulo mo, wag kang magreklamo.
  • Kung pupunahin mo ang kateam mo dahil sa oras ng trabaho ay natutulog siya, nanunuod ng dinownload na palabas sa tv o pelikula, siguraduhin mong hindi ibabalik sa'yo yung mga paratang mo.
  • Tanggapin na hindi lahat ng tao ay kayang maging robot na trabaho lang ang gagawin sa opisina. Minsan kailangan ding magpahinga. Minsan kailangan mag-internet, magcandy crush o kaya magbabad sa telepono. Ang importante, pagkatapos ng araw, nagawa na nito ang lahat ng dapat niyang trabaho.
  • Mag-ingat sa mga Negatron. Nakakahawa ito.
  • Kapag ang isang tao ay nagkamali, umamin sa pagkukulang, humingi ng paumanhin at pilit tinama ang pagkukulang niya.... mag move on na kayo. Tapos na dapat ang issue. Past is past. Hindi ka liligaya kung nabubuhay ka na nakikita mo lang sa isang tao ay ang kakulangan nito. 
  • Kung pag-uusapan at hihiritan niyo ang mga kamiyembro niyo na hindi niyo gusto, siguraduhin niyo na di malalaman ng pinag-uusapan niyo yung mga sinasabi niyo. Darating ang panahon na kayo rin ang pag-uusapan na gaya ng ginagawa ninyo. At kung ano mang baho ang nasabi niyo sa isang tao maaaring bumalik din sa inyo. 
  • May mga tao na kaya nagtityaga sa mga taong negatibo ay dahil mahal nila ang trabaho nila. Kung sakaling dumating ang panahon na mawala ang pagmamahal nila sa ginagawa nila, hindi sila ang dapat sisihin kundi kayo. May mali sa pagpapalaki sa inyo ng magulang niyo.
  • Kung may ituturing kayong kaibigan sa trabaho, yun ay ang mga taong sa harap mo sasabihin ang maling ginagawa mo at tutulungan ka na magbago. Hindi yung mga katsismisan ninyo na pagdating ng panahon na kailangan niyo ng tulong, ay silang mauunang humahatak pababa sa inyo.
Ang tanda ko na. Isang dekada na pala akong empleyado.

Pero marami pa rin kailangang matutunan.

Jun 18, 2013

REVIEW: THE LAST OF US

Game of the year.

Best game of 2013.

The scariest and most moving story in video gaming history.

These are some of the descriptions being thrown out by everyone who has played the game. And true to those descriptions, The Last of Us delivered the same quality that has often been expected of games coming from Naughty Dog.

It is not fair to compare this game to the company's other best seller Uncharted because they are two different genres. While Uncharted is brimming with action and wit, this new game is full of suspense and drama. With The Last of Us, you don't go out guns ablazing killing off infected, you have to play it smart.

But I'm already talking forward, let's back up a little and start from the beginning: the story. This is set twenty years after a fungal infestation spread all over the world. The Infected (sort of like zombies only creepier looking) litter the entire nation. Joel, a smuggler, who experienced a tragedy when the infection began was forced to transport a 14-year old girl out of Boston to a militia camp on the other side of the country. Thus begins the tale of morally gray men and women of The Last Of Us.

If there are acting awards given to video game characters, Joel and Ellie deserve the trophy. You can really see the desperation in their eyes whenever they are forced to kill someone. And the voice work of both Troy Baker and Ashley Johnson are just superb. They're really effective. The emotions shown on screen by both computer generated characters are way better than the ones from LA Noire which was supposed to be a game about analyzing people's emotion.

Thankfully, the gameplay is easy to figure out. Watching demos on youtube got me worried at first that this is going to be a difficult game, but when I finally got my hands on it, it felt like home. While you are allowed to go guns blazing fighting either the Infected or your fellow survivors, stealth is more favorable. You see, this is 20 years after apocalypse. Bullets and whatever stash you can have are rare finds. So you really have to play this game smart. This is bad for me as I'm someone who'd rather fight and kill everyone on sight rather than hide. So I really had a hard time playing this game. Fortunately, you'll get invested with your characters that I never thought, not even once on giving up on the game.

The environment, what can I say... it's definitely prettier than the one I played in Skyrim. Set pieces are large enough that you'd really want to wander around and scavenge for supplies or trinkets or comic books. The post apocalypse America is so beautiful you'd forget this is a survival horror game. Heck, I'm surprised that the PS3 can still release pretty games at the end of this console generation's life cycle. And the AI is really good too. Sometimes, I'd just hide and let my  companions do the fighting for me.

The next generation of video game consoles will be coming out by the end of the year. And if you're an owner of a PS3, then you can't pass on this game.

The first three sentences on this review are perfect descriptions of what this game is. It's more actually.

Bravo Naughty Dog. I can't wait to play your next game.

After I play The Last Of Us seven more times.

RATING: 10 out of 10 stars 

May 29, 2013

OA COUNTRY

Kung ikaw ay aktibo sa social media, medyo mapapansin mo na dumarami ang mga issue na ang pinaghuhugutan ay mga walang kakwenta kwentang bagay.

Si Dan Brown tinawag ang Manila na Gates of Hell.

Yung joke ni Vice Ganda kay Jessica Soho sa concert nito.

Take note, national issue itong mga ito. Tipong headline sa mga pahayagan. Umabot pa na sulatan ng pinuno ng MMDA ang manunulat para punahin ang sinulat.

Napaisip tuloy ako, napaka-OA nating mga Pilipino. Fiction at Joke pinapatulan natin. Pinag-aaksayahan natin ng oras. Napakasensitive naman natin na kapag ang isang taong overweight ay pabirong tinawag na baboy, magiging emotional tayo. Nagiging bayolente.

Wala na bang magawang matino ang mga Pilipino na pati ganun kababaw na bagay pinagkakaabalahan natin? Ganun ba kataas ang tingin natin sa sarili natin na hindi tayo tatanggap ng anumang hindi maganda na sasabihin satin o sa bansa natin?  In denial ba tayo na hindi talaga "It's More Fun In The Philippines"?

Kung babasahin mo ang libro ni Dan Brown, noong nasa Maynila si Sienna Brooks, muntik na siyang ma-rape. Tinulungan lang siya ng isang matandang babae na bingi.  Hindi nabanggit yun noong lumabas ang issue ng "Gates of Hell".

Si Vice Ganda, sumikat sa panlalait ng mga pangit. Doon siya nakilala. Sa estilo niyang yun kaya pinipilahan ang mga palabas niya. Sa pagiging mapanlait niya kaya siya ang may hawak ng pinakakumitang mga pelikula sa bansa (kahit wala naman talaga itong kwenta). In short, naging ganyan siya kasi sinuportahan natin siya.

Nakakatawa na kung magtanggol tayo sa mga sinusuportahan natin, ay tayo mismo ay nagiging mas malala pa sa mga tinatawag natin na bully.

Kaya siguro hanggang ngayon ay nananatili tayong Third World Country. Imbes na magtrabaho tayo, maghanap ng pagkakakitaan, eto tayo pumapatol sa mga issue nina Vice Ganda, Dan Brown, Kris Aquino at Ai Ai delas Alas.

Pwede tayong lahat maging artista.

Ang dami nating Over Acting.

Apr 25, 2013

SPOILER FREE: IRON MAN 3 REVIEW



Movie trailers' purpose is to make people want to watch a movie. It whets the appetite of casual film goers, fans and geeks. I lined up the first day of showing of Iron Man 3 expecting this grand showdown between Tony Stark and the Mandarin. Little did I know that I should not come in with expectations about this film.

I'm not saying that Iron Man 3 is a bad film. Far from it. It's I think the best outing for Tony Stark (after Avengers of course). But it was totally far from what I expected. And it was good!!!

The film is loosely based on Warren Ellis and Adi Granov's Extremis storyline. A virus has been created that can enhance any man, and those who cannot regulate the virus turns into a Weapon of Mass Destruction. I was curious as to how they would add The Mandarin into the story, seeing as he is Iron Man's greatest nemesis.

Honestly, the change of director was initially worrisome to me. Sometimes it can go either way. I have never heard of Shane Black before this movie so I didn't want to bring my hopes up just to be disappointed in the end. Fortunately, the movie delivered. And it delivered in spades.

This is the first film where I thought that the super villains are really formidable. You will genuinely fear for the life of Tony Stark and those around him. Guy Pierce was really nasty in this one. I think he was a great choice for Aldrich Killian. And Ben Kingsley... wow!!! His Mandarin was something I never expected. It was awesome!!!

As usual, Robert Downey Jr. proved he's the best fit for the character. I honestly can't see anyone else who'd fill in his shoes if ever he decides to quit playing the part. And I don't know, I think this is the sexiest he's ever been playing the role of our heroic billionaire.

Just like the tradition, the movie is packed with equal portions of action, drama and laughs. I really loved Tony's interaction with a kid midway through the film. And there were significant developments for Pepper's character as well.

So the summer movie blockbuster's officially started with Iron Man 3. And honestly, this is the best way to start the season.

By the way, the post credit scene was hilarious. Predictable, but hilarious!!!

Bring on Avengers 2!!!

RATING: 9.5 out of 10 stars

Mar 23, 2013

NAALALA KO LANG

We were on our way home from our man-date in Tagaytay when we arrived on an intersection.

The light was red. We stopped.

It was an awkward moment. The first time we went out after the big friendship fallout. Save for the music playing on the radio, we just kept silent. Everything that need be said, was said. Except for that one thing.

“How did you feel when I told you I love you?” I asked.

Joy laughed. This was the first time we talked about it, since we became friends again. I thought the topic was taboo, as there was too much drama that happened after the huge revelation.

"Honestly bro, I felt betrayed. During that time, ang bigat ng loob ko diba, with the whole break-up thing, and ikaw yung isa sa mga nagbibigay lakas sakin nun. And then you had to do that."

He was already moving on when that incident happened. He was going out on dates again. I thought that I was losing him. And one drunken evening I made the mistake of texting him how I felt.

But he didn't have to know that. It's all over. Behind us. What we're doing, why we went out is rebuilding the friendship. It's been two years since we last saw each other, there's no need for drama.

"I'm sorry," I ended.

He smiled. Punched me in the arm and stepped on the gas. "Don't worry about it."

Suddenly, it's not awkward anymore.

*********************
There are two guys that I write alot about here in my blog. One's of course "Kasintahan." And the other one is Joy.

To those who are new here, Joy was the one who got away. The love that was not meant to be (well he's straight, that's why). The friend I almost lost. One of my best friends.

Feb 24, 2013

31

1. Naaadik na ako sa mga consoles. At some point, nagkaroon ako ng PS1, PS2, PSP, Gameboy Advance, PS3, tatlong XBox 360 at ang huli ay PSP Vita. Sana, ngayong taon ay magkaroon ako 3DS at PS4 o yung bagong XBox.

2. Adik din ako sa mga aso. Mayroon kami ngayong 2 beagle,  2 shih tzu, 1 dachshund at 1 yorkie. Hindi sakin yung yorkie. Pero samin nakatira.

3. Ngayong buwan ay mayroon akong increase. Akala ko malaki, kasi medyo mataas ang sweldo ko. Tas naalala ko, ang sweldo ko ay may kasamang bonus na nakuha ko bilang isang modelong empleyado. Ngayon ko lang narealize, mas lumiit pala ang sahod ko dahil sa tax. huhuhu

4. Sobrang laki ng crush ko kay Georgina Wilson na handa akong maging lalaki para sa kanya.

5. Tatlong taon na po akong in a relationship. Di man ako nagkukwento, pero kami pa rin ni Kasintahan.

6. Hindi ako artistic. Pero medyo marunong ako ng kaunti magdrawing. Ngalang, yung mga artwork ko, walang awang nilapa ng mga tuta ko.

7. Hindi ako magaling sumayaw, pero may mga kanta sa Dance Central 3 na kinakaya kaya ko lang. Pero hindi ako talaga magaling.

8. Sa edad na trenta, tumigil na ako sa pagbili ng mga comics. Natuto na kasi akong magdownload ng mga comics. Namimiss ko bumili nito, pero wala na talaga sa budget ko ang comic books.

9. Ang paborito kong laruing video games ay mga Role Playing Games. Isa akong malaking geek. Pero ni minsan, hindi sumagi sa isip ko ang sumali sa mga Cosplay. May katiting na kahihiyan pa rin ang nananalaytay sa katawan ko.

10. Marami akong kwentong commute dahil mahilig akong magbus. Sa sampung taon kong pagcocommute papasok at pauwi sa trabaho, marami na akong naranasan. Pero nagpapasalamat  ako dahil ni minsan ay hindi pa ako nananakawan.

11. Noong isang taon, nangarap akong maging isang manunulat sa pelikula. Hindi ako natanggap.

12. Nagtatago ako sa mga kaibigan ko ngayong taon, dahil umiiwas ako sa gastos. Ipapagawa ko kasi ngayong taon yung bahay namin.

13. Ang pangarap ko ngayon sa buhay ay maging isang dog breeder. Sa totoo lang ang gastos nitong karerang ito. Halos tatlo hanggang limang libo kada buwan ang gastos ko sa mga alaga ko.

14. Proud akong sabihin na hindi nako maarte sa pagkain. Kumakain na ako ng gulay. Pero allergic pa rin ak sa seafood... except sa tahong... sa baked tahong. Hindi tahong na babae ha... yung tahong talaga.

15. Madalas akong titigan ng mga kasabay ko sa fx dahil mahilig akong magconcert habang bumibiyahe. Dati maganda ang boses ko, pero ngayon medyo sira na siya. Di ko na kayang bumirit gaya noon.

16. Huling taon ko na sa kalendaryo ngayong 2013. Next year laglag nako.

17. Ito na yata ang pinakatahimik kong birthday. Walang party. Walang meetups. Walang pakulo. Ako lang at ang pamilya ko tsaka si Kasintahan. Kaya ko pala. I like this.

18. Opo ngayon po ang aking ika-31 kaarawan.

19. Malandi akong lalaki. Hindi ako kagwapuhan, pero nakakatuwa na meron paminsan minsan na nagsasabi sakin na crush nila ako. Well, obviously now hindi ko pinapatulan. Pero nakakataas lang ng ego. Hehehe

20. Slow akong tao. Madalas hindi ko nagegets kapag kunwari nagbibiro ang mga kaibigan ko. Ako palagi ang nambubuko kung may pinagtitripan sila dahil shunga ako.

21. Ngayon ko lang narealize, pati DVD at blu ray disc, ay hindi na rin pala ako bumibili. Kaya taimtim ang aking pagdarasal na sana ay hindi mawala ang mga torrent sites ng mga pinagkukunan kong mga pelikula.

22. Nag-iisip ako ng negosyo na maaari kong itayo kung sakali mang dumating ang panahon na ayaw ko nang maging taong grasa. Mayroon na akong kapartner, pero wala lang kaming maisip kung saan namin gagamitin ang pera niya.

23. Nag-iisa akong anak at simula nang napanuod ko ang Shameless, minsan napapanaginipan kong kapatid ko sina Fiona, Lip, Ian, at lahat ng mga Gallagher siblings. Ganun ata pag only child ka.

24. Nasubukan ko nang mag marijuana. Wala siyang epekto sakin. As in wala!!! Disappointing.

25. Hindi ako mapaboritong tatay sa mga aso ko, pero paborito ko yung mga shih tzu ko. Sila kasi yung malalambing sakin. Kaya lang yung isa ang hilig markahan ng teritoryo yung Xbox ko.

26. Naranasan ko nang mahulog sa bangin. Masakit siya.

27. Kung sakaling may mabait na nilalang dito sa blogosperyo, ang nais ko pong regalo sakin ngayong kaarawan ko ay isang Nintendo 3DS XL. Nagbabakasakali lang naman. Sana meron.

28. Sa tanang buhay ko, tatlong beses akong nabigyan ng surprise (party). Una, noong 9th birthday party ko. Ikalawa, noong 1st year college salamat sa mga kaklase ko. Ikatlo, noong isang taon, salamat sa mga katrabaho ko.

29. Namimiss ko na ang blogging.

30. Minsan iniisip kong mag-out sa facebook. Tutal marami na naman ang nakakaalam kung ano ako. Pero naiisip kong, marami akong kamag-anak dun. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nila.

31. Natutuwa ako nung binuksan ko ang Google page ngayon, ang Google Doodle ay isang pagbati para sa kaarawan ko ngayon.

Jan 29, 2013

BLAH BLAH BLAH

2013 na pala!!! May isang buwan na akong hindi nakakapagsulat...

At dahil dyan, halo halong kung anu-ano ang mababasa ninyo sa post na ito...

2013 FINANCES SPLAT
Hindi ako umaasa na may maiipon na ako ngayong taon. Inaasahan kong pagdating ng Disyembre, ay bagsak nanaman ang magiging grado ko sa pinansyal na aspeto ng buhay ko. Ito ay gawa ng ako ay tutulong sa pagpapagawa ng bakuran at pagpapaayos ng bahay namin. Pero hindi ko inaasahan na Enero pa lang ay marami na ako agad na gastusin. Apat na linggo pa lang ang dumadaan ngayong 2013, mayroon na akong binayarang 3 video games, isang aso at noong Biyernes ay napa-oo ako sa pagbili ng PSP Vita. Idagdag mo pa na inenroll ko ang aking mga magulang sa aming HMO sa kumpanya. Hindi sapat ang increase ko sa lahat ng gastos ko.

PADRE DAMASO
Kaninang hapon, napuno ang twitter feed ko ng mga tweets tungkol sa sentensya kay Carlos Celdran. Sa mga hindi nakakakilala, siya yung nagprotesta sa simbahan noong isang taon dahil sa kanyang adbokasiya tungkol sa RH Bill. Ito rin ang dahilan ng kanyang pagkakakulong. Nakikisimpatiya ako sa kanya. Pero sa aking palagay, tama lang na siya ay makulong. May karapatan tayong lahat na magprotesta o ipaglaban ang sa tingin natin ay tama, pero may tamang lugar at paraan naman para ipahayag natin ito. Sabihin na natin na may mga taong makikitid ang utak sa simbahan, pero hindi tayo doon dapat nanggugulo. Hindi lang bilang respeto sa Diyos, pero respeto na rin sa mga tao na nandoon para kausapin ang Panginoon. Mayroon si Carlos Celdran na punto sa mga ipinaglalaban niya. Kung tutuusin, may tama naman siya. Pero yung ginawa niya, para sa akin, mali talaga eh. At kung palalampasin lang natin ang mga bagay na ganyan, hindi magtatagal, lahat ng yan, mapupunta sa tinatawag na anarchy.

Medyo kanina pa ako nangangating sabihin yan, lalo na sa twitter, kaya lang kulang ang 140 characters.

DOGGY DADDY
Kung hindi ka pa napapadpad sa isa kong bahay, dito ko na lang ikukwento. Ako po ay ama na sa apat na nagkukulitang mga aso. 2 shih tzu 1 beagle at 1 dachshund. Hindi understatement ang nagkukulitan dahil naknakan silang lahat ng pasaway. Katulad kanina, dahil natural silang malilikot, buong araw silang nakatambay sa terrace namin. Meron sila dung pagkain at tubig para hindi na mahirap iakyat baba ang lalagyan kapag kainan na. So anyway, dahil maliliit naman silang mga aso, iniwan ko sa lamesa yung lalagyan ng pagkain. Pag-akyat ko kagabi, yung lalagyan ng pagkain nakakalat na sa sahig. ubos ang laman, at lahat ng tuta ko, malalaki ang tyan. Goodbye 500 pesos worth ng Eukanuba.


Dec 25, 2012

THE BEST OF 2012

Given that I don't blog as much as I would like, I thought to just post my best of the year today.

And before I continue, let me just say thank you to everyone who still visits, leaves a comment, and just drops by even if the favor has not been returned. I can't say it as much but I really do appreciate everything. Words are not enough to return the appreciation.

BEST MOVIE (International)
LAST YEAR: The Help
This year gave us a lot of adaptations. From books, plays to comic books. And they have all been brilliant. It is unfortunate that we don't get to watch all of the films the same time that it goes out in the US. This is the time when all good films come out. Given my opening line, I'd say that the best film of the year is The Perks of Being a Wallflower. I loved the book. Maybe that's why I'm a bit biased with this decision. This made me cry on the same scenes that I read from Stephen Chbosky's novel. I love Charlie. I love his friends. I love the book. And I love this movie.
RUNNER-UP: Dark Knight Rises, The Avengers


BEST MOVIE (Local)
LAST YEAR: Zombadings, Patayin sa Shokot si Remington
Because of all my expenses this year, I neglected to see  more Filipino films than I would like to. I resorted to the usual rom coms that was released by Star Cinema. There were a lot of quality films that came out during the Cinemanila Festival, and I missed all of that. So now, I'm going with a film that at least made me smile after I left the cinema. It's not a bad film, I tell you.  It's a riot. It's not filled with cliche. At least for a Filipino film. Unofficially Yours is my pick for best film this year simply because I'm a fan of John Lloyd's movies. Maybe I'm a blind follower. But I'm shallow. And Angel Locsin is hot. Yes, Denoy. Angel Locsin is HOT!
RUNNER-UP: The Healing


GAME OF THE YEAR
LAST YEAR: The Elder Scrolls V: Skyrim
There is no game this year that I have not stopped playing until I finished it... Twice other than Mass Effect 3. I have played this game a total of I think 3 times. Each time, my experience is different and elevated. I love the story. I love the art. I love everything about this game. The ending was a bit lacking, but it's enough to make it worth my while. Plus gay sex scenes!!! Whether you're a gay man or likes to see girl on girl action, you will find this game satisfying. This game made my fantasy come true since the original Mass Effect. Kaden Alenko and Commander Shepherd got it on!!! I'm not a pervert.
RUNNER-UP:  Max Payne 3, Kingdom of Amalur, Dishonored



BEST OF TV
LAST YEAR: Game of Thrones
This show has been in my runner up list 3 years now, but this year is different. The show improved by a hundred percent on it's third season. It has a tighter story. Great pacing. And some of the best action scenes to be found in television at the moment. Season 3 of The Walking Dead is the Best Television Show of 2012. The prison gave us some of the best moments in the comic book series, and I'm happy that it's being translated to the show. I would've preferred to see Michonne's torture scenes on tv though, but what we got is enough. I can't wait for February for the conclusion of this season.
RUNNER-UP: Suits, Don't Trust The B**** In Apartment 23, New Girl


BEST OF PINOY TV
LAST YEAR:  100 Days To Heaven
Who knew that a tv version of Good Manners and Right Conduct, a show without a villain and no recurring teleserye cliche would make it to my Best List.  Be Careful With My Heart is exactly that, and those are actually the same reasons why this is the best Pinoy tv show of the year. No missing children, no affairs, no nothing. It's just a show about Sir Chief and Maya's chemistry with each other. Yeah, the acting sometimes looks like it came out from a high school play, but whatever. My heart was captured by this little morning show.
RUNNER-UP: Princess & I, A Beautiful Affair


COMIC EVENT OF THE YEAR
LAST YEAR: The Dark Angel Saga
I guess this would be my default choice as I don't really remember any other events this year. Avengers Versus X-Men is Marvel's event of the year pitting the Avengers against a Phoenix powered X-Men.  The event was a bit uneven, sometimes it has clunky logic, sometimes it is just pure brilliance (Spider-Man Vs Phoenix powered Colossus and Magik). In the end, this event has moved the entire Marvel Universe into the Marvel Now era. An era that brought us some really good storylines and comic books. This may be a default winner, but it did bring some sweeping changes.
RUNNER-UP: The Night of the Owls, The Walking Dead 100


BEST COMIC SERIES
LAST YEAR: Detective Comics
Taking a consecutive win is new for this list. Well, technically, these are two different series, but when you think of it, it's from the same writer/artist combo that gave us the brilliant comic book of last year. Scott Snyder's Batman is one of the most engaging series of not just this year, but ever. He writes Batman with an eloquence and intelligence that I've never read in a Batman series before. The book is as dark and just as brilliant as the films crafted by Christopher Nolan. Batman is simply one of the most sophisticated comic books that's being published this generation. A literary classic, if it's possible to call it one.
RUNNER-UP: Amazing Spider-man, Wolverine and The X-Men, Daredevil, Hawkeye

BEST IN MUSIC
LAST YEAR: Zia Quizon
I was tempted to choose Psy's Gangnam Style for this year's Best Song, but that would be a cop out, because there were quite a number of good music that came out in 2012. Some of them may not be famous like Psy's 1 billion youtube views hit, but these are songs that I will never get tired of listening to. I am not a huge fan of this band, but I love a lot of their songs. It's different. It's catchy. And my pick for Song of The Year is just easy on the ears. Just as I like it. Muse's Madness.
RUNNER-UP: Psy's Oppa Gangnam Style, KZ Tandingan, Gotye

NEWS OF THE YEAR
LAST YEAR: Positive Philippines
I would like to continue the highlight of every positive things that we Filipinos have. We are indeed a country of heroes. A country of hopefuls. A country of winners. We know how to stand up after a fall. We see the good things inspite of calamities, tragedies and uncertainties. We just need to highlight our successes more than our shortcomings as a country. We have a lot to be proud of. We just have to be consistent. Some of the highlight of our year: Impeachment Trial, RH Bill, Nonito Donaire's win, Jessica Sanchez's American Idol journey, and our 1st place finish in the recently concluded Ms. Universe.


BLOG OF THE YEAR
LAST YEAR: Same Shit Different Day
Three years as a runner-up isn't really deserving for this blogger. He is a brilliant writer and a hilarious one at that. His posts, although seldom never failed to crack me up. This is a prime example of what a Humor Blog should be. You'd think that it's offensive, but it really is not. It's the kind of brutal honesty that we don't want to hear, but would like to listen to or read all day. He is a blogger who a lot of bloggers try to imitate but cannot copy. There is just something in his humor that is distinctive to this writer only. It's the type of humor that is smart, and not just slapstick. So, without further ado, my blog of the year for 2012 is Wickedmouth.
RUNNERS-UP: K is for Kabit, Human All Too Human


So, these are my bests of 2012. What are yours?

*****************************************************
MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR TO ALL OF YOU!!!

Dec 1, 2012

2012 REPORT CARD

Yeah I know, kakaumpisa pa lang ng December. May 30 araw pa bago matapos ang taon. Masyado pang maaga para magpost ng mga ganitong bagay. Pero ano magagawa ko, di naman ako madalas magsulat ngayon, kung di ko pa to gagawin, wala nang pag-asang magawa ko ito.

Apat na taon ko nang ginagawa ang kalokohang ito, kaya ituloy na natin bago pa tuluyang magunaw ang mundo.

CAREER 80% (2011 - 88%)
Wala atang taon sa tanang buhay ko na sobrang na-stress ako na maikukumpara sa taon na ito. Isa pa rin akong Subject Matter Expert. At kalakip sa posisyon na ito ay sangkaterbang trabaho, isyu, problema, at kung ano-ano pang di ko na gustong isulat dito.

Hindi naman sa nagrereklamo ako, dahil ginusto ko ito. Tinanggap ko ang posisyon. Pero siguro namiss ko lang talaga ang maging petiks. Yung magagawa kong manuod ng mga series habang nagtatrabaho. Pero syempre ayos na rin to. Kesa naman walang nagtitiwala sakin. Ok naman ako.

On the bright side, kaya hindi masyadong malaki ang binaba nito, ngayong taon ko narealize kung ano ang pwede kong pasukin na larangan pagkatapos ko magpaalam sa corporate world ilang taon mula ngayon. Opo, nais kong magtayo ng sarili kong negosyo. Marami akong idea sa business na ito. Sana lang matuloy.

SOCIAL LIFE 70% (2011 - 73%)
Ano na nga ulit ang ibig sabihin ng Social Life? Trabaho, bahay at love life na lang ata ang buhay ko ngayon. Iilan lang ang mga bagon nakilala ko ngayong taon. Hindi ako nakalabas ng Maynila.  Hindi natuloy ang trip to CDO at Singapore ngayong taon at kahit ang ilang out of Manila lakad ay hindi rin nangyari. Ang pinakamalayong napuntahan ko ata ngayong taon ay ABS-CBN station sa QC.

Wala masyadong Dance Parties. Hindi nga ata kami nagkita ng mga barkada ko ngayon. Hindi ako sinipot ng mga kaibigan sa ilang mga yaya ko. Ano pa ba?

Basta in short, wala akong naging Social Life ngayong taon. Hopefully next year, meron na ulit.

LOVE LIFE 95% (2011 - 95%)
Wala naman nagbago dito.

Ang maganda siguro na bata ang Kasintahan ko ay maraming mga special moments siya na naging kasama ako. Unang trabaho. Unang lipat bahay. Unang disappointment sa karera. Ano pa ba? Marami pa.

Ngayong taon kami nagcelebrate ng aming ikalawang taon na magkasintahan. Tanggap naman siya dito sa bahay. Parang anak na rin ang turing sa kanya ng aking mga magulang. Hindi ko na iniisip kung alam ba nila o hindi kung ano kami talaga, ang mahalaga maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't isa.

BLOG LIFE 75% (2011 - 85%)
Pansin niyo man o hindi, eh ngayong taon hindi na ako masyado nagsusulat. Hindi na masyadong nakakapagbasa sa mga kapitbahay ko. Kahit meetups sa mga kapwa bloggers, wala din. Tatlo lang ang nakilala ko ngayong taon, yung mga pumunta sa bahay ko noong kaarawan ko.

Kahit ang mga kaibigan ko sa blog, hindi ko na rin masyadong nakakausap. Kasalanan ko na rin siguro, dahil wala talaga akong oras na lumabas. Hindi ako mangangako na magbabago ito sa susunod na taon. Sa totoo lang baka lalo pa nga itong lumala, pero kahit paano, gumagawa ako ng paraan na magsulat pa rin.

Kaya hindi rin masyadong bagsak na bagsak ang blog life ko, mayroon kasi akong tinayong dalawa pang blog. Isa para sa aking mga alaga. At isa, yung english / pop culture blog ko.

SAVINGS 74% (2011 - 70%)
Hindi dahil sa tumaas ito eh ibig sabihin ay may ipon na ako. Wala pa rin. Pero at least ngayong taon, kahit marami pa rin ang aking mga gastusin, alam kong may patutunguhan ang lahat ng ito.

Marami akong gastos, may dalawang aso akong binili ngayong taon. At buwan buwan ay medyo malaki ang aking nailalabas na gastusin para buhayin ang tatlo kong anak-anakan.

Ngayong taon, pagkatapos ng sampung taon, tumigil na ako sa pagbili ng comic books. 2000 to 4000 a month ang gastos ko sa mga ito, kaya nagkaroon na ako ng kaunting budget para sa mga dates at para sa sarili ko. Natuto din akong magbenta ng kung anu-ano ngayong taon. Ang huli ay ang Shell Lego Ferrari sets na medyo naging malakas ang kita ko.

Knowing this, confident ako na kaya kong tustusan ang pagpapaayos sa bahay namin sas susunod na taon.

HEALTH 72% (2011 - 75%)
Mababa talaga ang grado ko dito, kahit pa malaki ang pinayat ko noong unang kalahati ng taon, bumalik ako sa dati kong timbang. Opo tumaba ulit ako.

Pero hindi yun ang dahilan kung bakit mababa ang Health score ko. Ngayong taon, sa loob ng syam na taon kong pagtatrabaho, naubos ang Sick Leave ko.

Migraine, Pharingitis, Heart Burn, High Blood Pressure, Lagnat ang ilan lang sa dumapo sa akin na sakit ngayong taon. Kagabi nga lang absent ako dahil inatake nanaman ako ng migraine. Hindi ko alam kung ang sisisihin ko ba ay ang trabaho ko o yung pagtungtong ko ng 30.

Ewan ko ba. Stressed ako ngayong taon. Pero yun ang hula sa aming mga pinanganak ng Year of the Dog. Pinatunayan ko lang siguro na totoo yun.

AVERAGE 77.67%

**********************************

Mababa ako ngayong taon. Pero ganun talaga ang life, minsan nasa taas, minsan nasa baba.

Next year, kapag nagkatotoo ang lahat ng mga plano ko, I'm sure mas mataas na ulit ang magiging grado ko.

Kayo, kamusta naman ang naging 2012 ninyo?

Nov 13, 2012

PITONG TAON

Hindi madali ang magmaintain ng blog.

Mahirap maging spontaneous sa mga sinusulat.

Minsan mayroon kang masasabing hindi sang-ayon sa karamihan.

May mga pagkakataon na aawayin ka.

Pero nakakataba na kahit papaano.

Kahit gaano katagal ka nang nagsusulat.

At di masyadong nangangapitbahay,

Ay mayroon pa rin mga taong hindi nagsasawang bumalik sa tahanan mo.

Kahit walang kwenta ang sulat mo.

Kahit mismo ikaw na nagsusulat, ay di naiintindihan ang punto.

At dahil dyan,

sa lahat ng bumabalik dito sa tahanan ko

Maraming maraming maraming salamat sa inyo!!!

Pitong taon ninyong pinatataba ang kinokolesterol kong puso.

Oct 27, 2012

SA MGA DI KO KA-TWITTER

Medyo after 10 years lumuwag ang oras ko ngayong gabi sa opisina kaya may pagkakataon akong magsulat. Nagbabackread ako ng mga blogs na sinusundan ko at napadpad ako sa isang post ni Mugen kaya may naisip tuloy akong ipost. Gaya gaya lang.

Dalhin minsan mas mahaba ang totoong kwento kesa sa mga nipopost natin sa twitter.

Oct 25: habang nakapila ako sa cr sa jollibee... lolo: halika na sabay na tayo sa CR... me: erm... ok lang po, kaya ko pa po. thank you po.

Hindi naman sa naghihinala ako kay lolo ano, pero hindi ko talaga mawari kung bakit ako ni-offeran ni lolo nito. Minsan kasi bago ako umuwi dumadaan muna ako sa Jollibee o McDo para magCR o kumain (madalas magCR). Eh nung umagang iyon medyo may kahabaan ang pila, jumejebs ata yung ale na gumagamit ng banyo bago kami kaya nagkaroon ng pila sa banyo. Hindi naman talaga ako ihing-ihi noong panahon na iyon, kaya nagulat ako nang biglaang nag-aya si Lolo na sabayan siya sa CR. At medyo may 20 segundo ata siya nakatayo sa may pintuan at niyayaya akong pumasok na din. Pareho nga naman daw naman kasi kaming lalake. Medyo nakakaloka lang ang offer ni Lolo. Nawindang ako.

Oct 14: Just learned yung puppy sana na kukunin ko... She's dead. :(

Dahil tumatanda na ako, at hindi ko talaga gustong maging corporate slave buong buhay ko, ngayon ay nagpaplano na ako ng maaari kong gawing business. Dog breeding / pet breeding ang napili ko. Mahilig talaga ako sa mga hayop, at minsan sinuswerte naman kami na mahaba ang buhay ng mga alaga namin, kaya naisip kong pwede ko itong gawing business. Nag-uumpisa pa lang ako. Meron nako 2 shih tzu puppies kaya lang pareho sila lalake. Noong isang linggo dapat magkakaroon na ako ng babaeng tuta, kaya lang bago ko pa siya nakuha ay inunahan ako ni Lord. Namatay siya. Kaya sa susunod na lang. May darating naman akong isang pares ng beagle sa Disyembre at Enero. :)

Oct 10: Tanggap ko na na ang twitter ay kung san ako magcomment sa mga palabas sa tv

Ang hobby ko ngayon, aside sa mga aso at video games ko ay ang magdownload ng mga tv series. At dahil kakasimula lang ng fall sa Amerika, ibig sabihin ay nagbabalik na lahat ng magagandang palabas sa telebisyon. Medyo marami akong dinadownload ngayon, siguro may 20 shows din ito. Dahil wala na talaga akong oras para magblog, sa twitter ko na lang tuloy nishishare ang mga opinyon ko tungkol sa mga palabas sa tv. Although ingat naman ako magbigay ng spoilers dahil ayoko rin naman na pagalitan ako pag sinabi ko kung sino ang namatay or nabuhay sa mga palabas. Kasi mahilig ako sumaway ng mga nagbibigay ng spoilers sa mga social networking sites.

Oct 04: May 3 nanaman kami na kasabay na mandurukot sa bus kanina. Hay

Ewan ko ba kung bakit suki ako ng mga ganito. Nakakatakot siya sa totoo lang. Pero maswerte pa rin ako dahil ni minsan ay hindi pa ako nabibiktima ng mga ito. Alam mong mandurukot sila dahil ang hilig nilang lumipat ng upuan. Uupo sa harap. Tapos lilipat sa likod. Tatabi sa mga pasaherong natutulog. Yung isa, tumabi pa sa akin. Agad ko niyakap ang bag ko at maingay akong kumanta sa bus. Buti na lang talaga mukha akong kasama nila kaya ako'y di pa nabibiktima.

Sep 17: Natuwa naman ako kasi may mabait na nagshare ng payong sakin kanina #GoodSamaritan nainspire tuloy ako ngayon. :D

Sa panahon ngayon na maraming tandem bikers, magnanakaw, mandurukot, masasama ang ugali, isa talagang malaking sorpresa yung mga taong kahit hindi mo kilala ay tutulong sa iyo. Lalo na yung may hitsura at yummy. Maulan noong gabing iyon at nakasabay ko siya sa pila sa 711. Sa totoo lang, kahit di pa niya ako pinayungan nakatutok na ang mata ko sa kanya dahil nga cute siya (oo na ako na ang malandi). Sabay din kaming lumabas nun. At dahil nasa building namin ang 711 at umaambon pa nang pumunta ako di na ako nagjacket at payong. Kamalasmalasan ay lumakas ang ulan at para makalabas ka ng tindahan na tuyo ay kailangan mong mapayungan. Paglabas ko, ay nandun siya parang hinintay ako. Sabi niya "lika sabay na tayo." Biglang tumugtog ang kantang "Sukob Na" sa utak ko. Sayang nga lang at hindi kami pareho ng pupuntahan kaya di ko siya nakapiling ng mas mahaba. Hindi ko man lang siya napasalamatan. Kinilig ako. Ay may Kasintahan nga pala ako.


Yan lang muna for now... maghahanap muna ako ng mga nitweet kong gusto kong ikwento.

Follow niyo ako sa twitter @gillboard.

Salamat!!!

Oct 11, 2012

GUSTO KONG MAGKWENTO

  • Gusto kong magkwento tungkol sa namatay kong parrot.
  • Gusto kong magkwento tungkol sa tatlong taon naming pagkakaibigan ni Kasintahan.
  • Gusto kong magkwento tungkol sa naunsyaming bakasyon namin sa Singapore.
  • Gusto kong magkwento sa mga bago kong alagang hayop.
  • Gusto kong magkwento tungkol sa gabing napalibutan ako ng mga holdaper.
  • Gusto kong magkwento kung bakit wala na akong gana maglaro ng PS3 at XBox360.
  • Gusto kong malaman niyo kung bakit tinatamad na ako magbasa ng comics.
  • Gusto kong malaman ninyo na Grammar Nazi ako.
  • Gusto kong ikwento sa inyo ang mga paborito kong palabas sa telebisyon ngayon.
  • Gusto kong ibalita sa inyo ang tungkol sa pinaplano kong negosyo.
Pero busy ako.

Gusto ko lang malaman niyo na buhay pa ako kahit parang patay na ang blog na ito.

Magkwento naman kayo. 

Sep 21, 2012

MABILISANG PAG-IIBIGAN


Masarap ang magmahal no? Pero ang dami sa atin ang hindi makapaghintay sa pag-ibig. Marami ang nahihilig sa mabilisang romansa. Yun bang tinatawag na whirlwind romance. Yung tipong may nakilala ka ngayon, matapos ng ilang araw kayo na. Tapos, ilang linggo, o buwan lang, hiwalay na kayo.

May naisulat na akong ganito may ilang taon na rin ang nakakaraan, pero medyo dahil hindi na nga ako gala sa mundo ng blogosperyo, hindi ko alam kung laganap pa rin ang ganito.

Dati kasi marami akong nabasa tungkol dito. Isang pares, nagkasayawan lang sa isang bar, paglabas nila sila na. Mayroon naman nagkakilala lang sa text, nagkausap sa telepono ng limang oras, sa ikaanim magsyota na sila. May nakita ka sa mall na nakipagtitigan sa iyo, paglabas ninyo, magkaholding hands na kayo.

Hindi sa nagmamalinis ako, nangyari din naman sa akin ito. May nakachat, nagkausap sa telepono. Palibhasa nagkasundo sa unang usap, kinilig at pumatol. Pagkatapos ng ilang araw, mas nakilala ang pinatulan, marami pala siyang nakakairitang ugali. At marami din siyang hindi nagustuhan tungkol sa akin. Ilang araw makalipas, nasabihan akong hindi ako marunong magmahal.

Hindi ko alam kung bakit marami sa atin ang nagmamadali. Papatol tayo dahil sa umpisa ay masyadong kinilig, pero nagsisisi pagkatapos malaman na marami palang bagay sa kanila ang hindi natin mapagkakasunduan. Tapos, marerealize na lang natin, hindi pala natin talaga sila kilala.

Ano na ang nangyari sa getting-to-know-each-other stage? Ano na ang nangyari sa ligawan?
Bakit napakarami ng taong nagmamadaling ma-inlove?

****************************
Oo nga pala, meron akong isa pang bagong blog... tungkol naman sa pagiging tatay ko sa dalawang makukulit na mga tuta.

Pakibisita naman. Click niyo lang dito.

Aug 21, 2012

BLOG LIFE CYCLE

STAGE 1: DISCOVERY
Maaaring bored ka, naghahanap sa google ng mga kwentong bastos o kaya'y kwentong nakakatakot. Napadpad sa isang blog. Nagbasa. Natuwa. Napaclick ng link sa ibang blog. Natawa. Naaliw. Nainggit. Naisip na kaya ko rin magsulat ng ganyan.

STAGE 2: CREATION
Nadiscover na pwedeng iclick ang B sa Blogger o W sa Wordpress. Nag-isip ng magandang title. Dinisenyuhan ang blog. Nagsulat ng unang post. Naghintay ng may magbabasa. Wala. Nagbloghop sa mga binabasang blog. Nagkumento. Nagmensahe sa cbox sa gilid ng blog. Nagfollow ng bloggers sa twitter, facebook at anumang social media. Nagrequest sa mga batikang blogger ng "link exchange" o "follow me and I'll follow back". Nakareceive ng unang follower at unang commenter.

STAGE 3: FASCINATION
Tumaba ang puso sa unang kumento. Nagsulat ulit. Ngayon, mas kontrobersyal, para maging interesado ang maliligaw. Kinuwento kung paano nabigo o nasugatan ang puso. Nagpatuloy ng blog hopping at commenting. Minsan hindi na nagbabasa ng blog, kumento na lang agad para makakuha ng mambabasa. Nadagdagan ng commenters at followers. Sumunod sa mas marami pang blog. Natutong magsulat ng mas madalas.

STAGE 4: RISE TO STARDOM
Araw-araw nang nagsusulat para araw-araw ding may bagong commenters at followers. Naadik sa kakarefresh ng home page, lalo na pag bago ang post. Natutong wag lumapit sa mga sikat na bloggers. Kinilala at kinaibigan ang mga kasabayang bloggers. Naglagay ng mga kung anu-anong abubot sa gilid ng blog. Naglagay ng music sa blog. Naglagay ng stat counter. Namigay ng mga blog awards na isang tag post lang sa totoong buhay. Naging mas mapangahas sa mga sinusulat na post. Nagsimulang mapansin ng mga sikat na manunulat. Nagsimula na ring lumaki ang ulo.

STAGE 5: FAME
Naging sikat na manunulat. Nababanggit na ng ibang mga blogero sa ilang mga post. Nagkaroon ng sariling pakulo sa kanyang blog. Nagpakontest. Nang-interbyu ng kapwa blogero. Nag-oorganisa ng mga bloggers eyeball. Nagkaroon ng mga kaibigan. Nagkaroon ng mga kaaway sa blog. Naalipusta ng isang blogger. Nang-alipusta ng mga blogger. Nakakilala ng mas maraming kaibigan. Naligawan. Nanligaw. Nagkasyota.

STAGE 6: AND THEN...
Nagkasyota. Puros love life ang sinulat. Nagkaroon ng pasok sa eskwela. Nagkaroon ng bagong trabaho. Nablock ang internet sa opisina. Nakipaghiwalay sa syota. Binura ang lahat ng post tungkol sa ex. Napagkaisahan ng mga barkadang blogger. Nachismis. Nagancho ng blogger. Nawalan ng trabaho. Nawalan ng pambayad sa internet. Tinamad. Nag-anunsyo ng pag-alis sa blog. Nabuko na di nagsasabi ng totoo sa blog. Nagsimula ng bagong blog. Hindi kasing sikat nang naunang blog.

STAGE 7: DEATH
Bumalik sa unang blog. Hindi na masyadong pinansin. Nagkalove life ulit. Nawalan ng ganang magsulat. Naging ex ang bagong lovelife. Binura ang buong blog. Nakalimot ng password. Nakamove on sa blogging. Namuhay ng mapayapa sa labas ng mundo ng internet. Namatay.

*******************
Bato bato sa langit, ang tamaan wag magagalit. O kaya wag magrereact. O mag name drop (joke)

Gusto ko lang magsulat. :)


Aug 13, 2012

KWENTONG PETS

Dahil may bago akong puppy, naisip kong magkwento naman tungkol sa aking mga alaga.

Over the years, marami na akong naging alaga. Minsan nang naging parang zoo ang bahay namin sa dami ng pets namin.

Marami sa kanila, sumakabilang buhay na. Ito na lang siguro ang aking paggunita sa kanilang mga alaala.

LEONARDO / DONATELLA
Obviously sila ay mga pagong. Natuwa ako noong bata ako, dahil ang tawag sa kanila sa petshop ay "Red Eared Ninja Turtle" At dahil mura lang naman sila noon ay napilit ko ang nanay ko na bilhan ako ng alaga. Aaminin ko, noong bata ako, maikli ang attention span ko sa mga hayop. At dahil wala naman talagang ginagawa yung mga pagong, nanay ko na lang ang nagpatuloy sa pag-alaga sa kanila

MICKEY / TIM
Sila ang pinakaunang naaalala kong alaga namin na hindi aso. Mag-asawang kuneho sila. At sobrang mahal ko yung dalawang yun kasi binigyan nila kami ng napakaraming baby kuneho. Kaya lang napatay ko ang isang baby dahil katabi ko itong natulog at nadaganan ko ito noon. Yung ilan naman ay minassacre ng pusa ng kapitbahay namin. Pati ang nanay pinatay. Doon nagsimula ang malalim na galit ko sa mga pusa noon.

MICKEY / MINNIE
Sila naman ang unang aso namin na may lahi. Poodles. Mag-asawa sila, kaya lang maaga kaming iniwan ni Minnie. Nabaril siya ng tito ko. Si Mickey naman, sampung taon din nanatili sa amin. Sobrang iniyakan siya ng nanay ko nang ito'y mamatay dahil sobrang mahal kami ng asong iyon. Tuwing nilalapitan ako ng Tita ko para yakapin ay tinatahol ang Tita ko nito. Akala siguro sinasakal ako kaya pinuprotektahan ako. At dahil maliit, sinisipa lang siya ng Tita ko. Pero naappreciate ko ang effort ni Mickey.

KIYAW
Ang regalong myna ng Tito ko. Sobrang talino ng ibon, ang dali niyang maka pickup ng mga salita. Taho. Panget. Kumain ka na. Tunog ng motorsiklo ng tatay ko. Yung mga sipol ko. Lahat nagagaya niya. May tatlong taon din syang namalagi sa amin. Madrama ang pagkamatay nito. Mahal na mahal itong ibong ito ng nanay ko dahil sa sobrang bibo. May ilang buwan na hindi sila nagkita, at dun siya simulang nanghina. Nung sinabi ng kasambahay namin na malapit na itong mamatay, pinakuha si Kiyaw ng nanay ko sa isang bahay namin. Nailalabas namin siya sa kanyang kulungan, kaya ng pagdating niya sa bahay ay kinuha namin siya. Nagpaalam kami, at doon siya namatay sa dibdib ng nanay ko.

WOWIE
Mahal ko tong asong ito dahil siya yung unang aso namin na nanganak. Sobrang bait nitong asong ito na kahit noong habang nanganganak siya ay hinahayaan niya lang kami sa tabi nito. Mayroon kasing ibang aso na OA sa pagkaprotective sa kanilang tuta na lalapit ka pa lang nagwawala na. Si Wowie hindi. Sobrang gusto niya na lumalapit kami. At kahit nasa labas siya noon, hinahayaan niya akong matulog sa tabi niya para bantayan din yung tuta niya. Ngalang, isang gabi meron ata siyang nakita at nagwala siya hanggang sa mabitay siya dun sa leash niya. Dahil wala ring ina, sunod-sunod ding kinuha samin lahat ng tuta niya.

NEMO
Minsan na rin kaming nagkaroon ng clown fish. Nakakatuwa siya kasi ang ganda ng kulay. Kaya lang, hindi napapalitan yung tubig sa tirahan niya. Natakot ako na baka mamatay ito sa dumi ng tubig niya kaya naisip kong palitan ito. Naalala kong tubig alat pala ang kailangan nila  para mabuhay, at dahil wala naman akong alam na makukunan ng malinis na tubig alat, nilagyan ko na lang ng asin yung tubig sa gripo namin. Ayun, wala pang limang minuto patay na si Nemo.

Madami pa kaming naging alaga. Pero saka ko na lang ikukwento. Baka kasi lalo ninyo akong kamuhian.