2013 na pala!!! May isang buwan na akong hindi nakakapagsulat...
At dahil dyan, halo halong kung anu-ano ang mababasa ninyo sa post na ito...
2013 FINANCES SPLAT
Hindi ako umaasa na may maiipon na ako ngayong taon. Inaasahan kong pagdating ng Disyembre, ay bagsak nanaman ang magiging grado ko sa pinansyal na aspeto ng buhay ko. Ito ay gawa ng ako ay tutulong sa pagpapagawa ng bakuran at pagpapaayos ng bahay namin. Pero hindi ko inaasahan na Enero pa lang ay marami na ako agad na gastusin. Apat na linggo pa lang ang dumadaan ngayong 2013, mayroon na akong binayarang 3 video games, isang aso at noong Biyernes ay napa-oo ako sa pagbili ng PSP Vita. Idagdag mo pa na inenroll ko ang aking mga magulang sa aming HMO sa kumpanya. Hindi sapat ang increase ko sa lahat ng gastos ko.
PADRE DAMASO
Kaninang hapon, napuno ang twitter feed ko ng mga tweets tungkol sa sentensya kay Carlos Celdran. Sa mga hindi nakakakilala, siya yung nagprotesta sa simbahan noong isang taon dahil sa kanyang adbokasiya tungkol sa RH Bill. Ito rin ang dahilan ng kanyang pagkakakulong. Nakikisimpatiya ako sa kanya. Pero sa aking palagay, tama lang na siya ay makulong. May karapatan tayong lahat na magprotesta o ipaglaban ang sa tingin natin ay tama, pero may tamang lugar at paraan naman para ipahayag natin ito. Sabihin na natin na may mga taong makikitid ang utak sa simbahan, pero hindi tayo doon dapat nanggugulo. Hindi lang bilang respeto sa Diyos, pero respeto na rin sa mga tao na nandoon para kausapin ang Panginoon. Mayroon si Carlos Celdran na punto sa mga ipinaglalaban niya. Kung tutuusin, may tama naman siya. Pero yung ginawa niya, para sa akin, mali talaga eh. At kung palalampasin lang natin ang mga bagay na ganyan, hindi magtatagal, lahat ng yan, mapupunta sa tinatawag na anarchy.
Medyo kanina pa ako nangangating sabihin yan, lalo na sa twitter, kaya lang kulang ang 140 characters.
DOGGY DADDY
Kung hindi ka pa napapadpad sa isa kong bahay, dito ko na lang ikukwento. Ako po ay ama na sa apat na nagkukulitang mga aso. 2 shih tzu 1 beagle at 1 dachshund. Hindi understatement ang nagkukulitan dahil naknakan silang lahat ng pasaway. Katulad kanina, dahil natural silang malilikot, buong araw silang nakatambay sa terrace namin. Meron sila dung pagkain at tubig para hindi na mahirap iakyat baba ang lalagyan kapag kainan na. So anyway, dahil maliliit naman silang mga aso, iniwan ko sa lamesa yung lalagyan ng pagkain. Pag-akyat ko kagabi, yung lalagyan ng pagkain nakakalat na sa sahig. ubos ang laman, at lahat ng tuta ko, malalaki ang tyan. Goodbye 500 pesos worth ng Eukanuba.

7 comments:
about sa carlos celdran thing.... May point nga talaga sya sa reklamation nia kaso hindi din talaga tama ang eskandalosong way nia to protest.
ang daming dogs! picture naman next time! :)
buti pa sa ibang company kasama automatically sa health card ang family members - sa amin din kasi, gaya sa inyo, kailangan pa i-enroll ata bayaran.
agree with Khants - sana naging mas maayos ang pag express ni Mr Celdran, hindi yung naging scandalous para di sya nakasuhan.
Wala ka man savings, pero malaking bagay na na-enroll mo ang iyong magulang ng HMO. Para sa akin, isa yung malaking tagumpay. Welcome back. :)
Okay lang mag invest ng HMO lalo na sa magulang. Hmmm, nagkaron tuloy ako ng ideya.
Welcome back ginoo!
Hmm si hindi pinatawad si Carlos Celdran ng Catholic Church... LOL
Buti na lang napadpad ako sa blog mo now. Actually bc din ako at nabasa ko na lang about kay carlos celdran sa news sa net. I agree sa sinabi mo.
About sa mga aso mo... penge ng tuta pag me puppy ka na... =) gusto ko rin ng beagle.
hahaa .. ang babait ng mga alaga mo. dapat ata nasa safevault ang pagkain nila para hindi nila magalaw.
Post a Comment