Yeah I know, kakaumpisa pa lang ng December. May 30 araw pa bago matapos ang taon. Masyado pang maaga para magpost ng mga ganitong bagay. Pero ano magagawa ko, di naman ako madalas magsulat ngayon, kung di ko pa to gagawin, wala nang pag-asang magawa ko ito.
Apat na taon ko nang ginagawa ang kalokohang ito, kaya ituloy na natin bago pa tuluyang magunaw ang mundo.
Hindi naman sa nagrereklamo ako, dahil ginusto ko ito. Tinanggap ko ang posisyon. Pero siguro namiss ko lang talaga ang maging petiks. Yung magagawa kong manuod ng mga series habang nagtatrabaho. Pero syempre ayos na rin to. Kesa naman walang nagtitiwala sakin. Ok naman ako.
On the bright side, kaya hindi masyadong malaki ang binaba nito, ngayong taon ko narealize kung ano ang pwede kong pasukin na larangan pagkatapos ko magpaalam sa corporate world ilang taon mula ngayon. Opo, nais kong magtayo ng sarili kong negosyo. Marami akong idea sa business na ito. Sana lang matuloy.
SOCIAL LIFE 70% (2011 - 73%)
Ano na nga ulit ang ibig sabihin ng Social Life? Trabaho, bahay at love life na lang ata ang buhay ko ngayon. Iilan lang ang mga bagon nakilala ko ngayong taon. Hindi ako nakalabas ng Maynila. Hindi natuloy ang trip to CDO at Singapore ngayong taon at kahit ang ilang out of Manila lakad ay hindi rin nangyari. Ang pinakamalayong napuntahan ko ata ngayong taon ay ABS-CBN station sa QC.
Wala masyadong Dance Parties. Hindi nga ata kami nagkita ng mga barkada ko ngayon. Hindi ako sinipot ng mga kaibigan sa ilang mga yaya ko. Ano pa ba?
Basta in short, wala akong naging Social Life ngayong taon. Hopefully next year, meron na ulit.
LOVE LIFE 95% (2011 - 95%)
Wala naman nagbago dito.
Ang maganda siguro na bata ang Kasintahan ko ay maraming mga special moments siya na naging kasama ako. Unang trabaho. Unang lipat bahay. Unang disappointment sa karera. Ano pa ba? Marami pa.
Ngayong taon kami nagcelebrate ng aming ikalawang taon na magkasintahan. Tanggap naman siya dito sa bahay. Parang anak na rin ang turing sa kanya ng aking mga magulang. Hindi ko na iniisip kung alam ba nila o hindi kung ano kami talaga, ang mahalaga maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't isa.
BLOG LIFE 75% (2011 - 85%)
Pansin niyo man o hindi, eh ngayong taon hindi na ako masyado nagsusulat. Hindi na masyadong nakakapagbasa sa mga kapitbahay ko. Kahit meetups sa mga kapwa bloggers, wala din. Tatlo lang ang nakilala ko ngayong taon, yung mga pumunta sa bahay ko noong kaarawan ko.
Kahit ang mga kaibigan ko sa blog, hindi ko na rin masyadong nakakausap. Kasalanan ko na rin siguro, dahil wala talaga akong oras na lumabas. Hindi ako mangangako na magbabago ito sa susunod na taon. Sa totoo lang baka lalo pa nga itong lumala, pero kahit paano, gumagawa ako ng paraan na magsulat pa rin.
Kaya hindi rin masyadong bagsak na bagsak ang blog life ko, mayroon kasi akong tinayong dalawa pang blog. Isa para sa aking mga alaga. At isa, yung english / pop culture blog ko.
SAVINGS 74% (2011 - 70%)
Hindi dahil sa tumaas ito eh ibig sabihin ay may ipon na ako. Wala pa rin. Pero at least ngayong taon, kahit marami pa rin ang aking mga gastusin, alam kong may patutunguhan ang lahat ng ito.
Marami akong gastos, may dalawang aso akong binili ngayong taon. At buwan buwan ay medyo malaki ang aking nailalabas na gastusin para buhayin ang tatlo kong anak-anakan.
Ngayong taon, pagkatapos ng sampung taon, tumigil na ako sa pagbili ng comic books. 2000 to 4000 a month ang gastos ko sa mga ito, kaya nagkaroon na ako ng kaunting budget para sa mga dates at para sa sarili ko. Natuto din akong magbenta ng kung anu-ano ngayong taon. Ang huli ay ang Shell Lego Ferrari sets na medyo naging malakas ang kita ko.
Knowing this, confident ako na kaya kong tustusan ang pagpapaayos sa bahay namin sas susunod na taon.
HEALTH 72% (2011 - 75%)
Mababa talaga ang grado ko dito, kahit pa malaki ang pinayat ko noong unang kalahati ng taon, bumalik ako sa dati kong timbang. Opo tumaba ulit ako.
Pero hindi yun ang dahilan kung bakit mababa ang Health score ko. Ngayong taon, sa loob ng syam na taon kong pagtatrabaho, naubos ang Sick Leave ko.
Migraine, Pharingitis, Heart Burn, High Blood Pressure, Lagnat ang ilan lang sa dumapo sa akin na sakit ngayong taon. Kagabi nga lang absent ako dahil inatake nanaman ako ng migraine. Hindi ko alam kung ang sisisihin ko ba ay ang trabaho ko o yung pagtungtong ko ng 30.
Ewan ko ba. Stressed ako ngayong taon. Pero yun ang hula sa aming mga pinanganak ng Year of the Dog. Pinatunayan ko lang siguro na totoo yun.
AVERAGE 77.67%
**********************************
Mababa ako ngayong taon. Pero ganun talaga ang life, minsan nasa taas, minsan nasa baba.
Next year, kapag nagkatotoo ang lahat ng mga plano ko, I'm sure mas mataas na ulit ang magiging grado ko.
Kayo, kamusta naman ang naging 2012 ninyo?
Apat na taon ko nang ginagawa ang kalokohang ito, kaya ituloy na natin bago pa tuluyang magunaw ang mundo.
CAREER 80% (2011 - 88%)
Wala atang taon sa tanang buhay ko na sobrang na-stress ako na maikukumpara sa taon na ito. Isa pa rin akong Subject Matter Expert. At kalakip sa posisyon na ito ay sangkaterbang trabaho, isyu, problema, at kung ano-ano pang di ko na gustong isulat dito.Hindi naman sa nagrereklamo ako, dahil ginusto ko ito. Tinanggap ko ang posisyon. Pero siguro namiss ko lang talaga ang maging petiks. Yung magagawa kong manuod ng mga series habang nagtatrabaho. Pero syempre ayos na rin to. Kesa naman walang nagtitiwala sakin. Ok naman ako.
On the bright side, kaya hindi masyadong malaki ang binaba nito, ngayong taon ko narealize kung ano ang pwede kong pasukin na larangan pagkatapos ko magpaalam sa corporate world ilang taon mula ngayon. Opo, nais kong magtayo ng sarili kong negosyo. Marami akong idea sa business na ito. Sana lang matuloy.
SOCIAL LIFE 70% (2011 - 73%)
Ano na nga ulit ang ibig sabihin ng Social Life? Trabaho, bahay at love life na lang ata ang buhay ko ngayon. Iilan lang ang mga bagon nakilala ko ngayong taon. Hindi ako nakalabas ng Maynila. Hindi natuloy ang trip to CDO at Singapore ngayong taon at kahit ang ilang out of Manila lakad ay hindi rin nangyari. Ang pinakamalayong napuntahan ko ata ngayong taon ay ABS-CBN station sa QC.
Wala masyadong Dance Parties. Hindi nga ata kami nagkita ng mga barkada ko ngayon. Hindi ako sinipot ng mga kaibigan sa ilang mga yaya ko. Ano pa ba?
Basta in short, wala akong naging Social Life ngayong taon. Hopefully next year, meron na ulit.
LOVE LIFE 95% (2011 - 95%)
Wala naman nagbago dito.
Ang maganda siguro na bata ang Kasintahan ko ay maraming mga special moments siya na naging kasama ako. Unang trabaho. Unang lipat bahay. Unang disappointment sa karera. Ano pa ba? Marami pa.
Ngayong taon kami nagcelebrate ng aming ikalawang taon na magkasintahan. Tanggap naman siya dito sa bahay. Parang anak na rin ang turing sa kanya ng aking mga magulang. Hindi ko na iniisip kung alam ba nila o hindi kung ano kami talaga, ang mahalaga maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't isa.
BLOG LIFE 75% (2011 - 85%)
Pansin niyo man o hindi, eh ngayong taon hindi na ako masyado nagsusulat. Hindi na masyadong nakakapagbasa sa mga kapitbahay ko. Kahit meetups sa mga kapwa bloggers, wala din. Tatlo lang ang nakilala ko ngayong taon, yung mga pumunta sa bahay ko noong kaarawan ko.
Kahit ang mga kaibigan ko sa blog, hindi ko na rin masyadong nakakausap. Kasalanan ko na rin siguro, dahil wala talaga akong oras na lumabas. Hindi ako mangangako na magbabago ito sa susunod na taon. Sa totoo lang baka lalo pa nga itong lumala, pero kahit paano, gumagawa ako ng paraan na magsulat pa rin.
Kaya hindi rin masyadong bagsak na bagsak ang blog life ko, mayroon kasi akong tinayong dalawa pang blog. Isa para sa aking mga alaga. At isa, yung english / pop culture blog ko.
SAVINGS 74% (2011 - 70%)
Hindi dahil sa tumaas ito eh ibig sabihin ay may ipon na ako. Wala pa rin. Pero at least ngayong taon, kahit marami pa rin ang aking mga gastusin, alam kong may patutunguhan ang lahat ng ito.
Marami akong gastos, may dalawang aso akong binili ngayong taon. At buwan buwan ay medyo malaki ang aking nailalabas na gastusin para buhayin ang tatlo kong anak-anakan.
Ngayong taon, pagkatapos ng sampung taon, tumigil na ako sa pagbili ng comic books. 2000 to 4000 a month ang gastos ko sa mga ito, kaya nagkaroon na ako ng kaunting budget para sa mga dates at para sa sarili ko. Natuto din akong magbenta ng kung anu-ano ngayong taon. Ang huli ay ang Shell Lego Ferrari sets na medyo naging malakas ang kita ko.
Knowing this, confident ako na kaya kong tustusan ang pagpapaayos sa bahay namin sas susunod na taon.
HEALTH 72% (2011 - 75%)
Mababa talaga ang grado ko dito, kahit pa malaki ang pinayat ko noong unang kalahati ng taon, bumalik ako sa dati kong timbang. Opo tumaba ulit ako.
Pero hindi yun ang dahilan kung bakit mababa ang Health score ko. Ngayong taon, sa loob ng syam na taon kong pagtatrabaho, naubos ang Sick Leave ko.
Migraine, Pharingitis, Heart Burn, High Blood Pressure, Lagnat ang ilan lang sa dumapo sa akin na sakit ngayong taon. Kagabi nga lang absent ako dahil inatake nanaman ako ng migraine. Hindi ko alam kung ang sisisihin ko ba ay ang trabaho ko o yung pagtungtong ko ng 30.
Ewan ko ba. Stressed ako ngayong taon. Pero yun ang hula sa aming mga pinanganak ng Year of the Dog. Pinatunayan ko lang siguro na totoo yun.
AVERAGE 77.67%
**********************************
Mababa ako ngayong taon. Pero ganun talaga ang life, minsan nasa taas, minsan nasa baba.
Next year, kapag nagkatotoo ang lahat ng mga plano ko, I'm sure mas mataas na ulit ang magiging grado ko.
Kayo, kamusta naman ang naging 2012 ninyo?
12 comments:
Malay mo naman, magbgo lhat ng yan next year, there comes a time tlga :)
May next year pa naman to improve. Kaya sige lang ganyan talaga ang buhay. Ang importante after this year buhay pa din tayo..hehehe
may bumaba, may nasustain at may tumaas. okay lang yan ang mahalaga, at the end of the year, isang makabuluhang life ang nagawa mo. :D
Dapat mas mababa sa 50% ang iniskor mo sa 'Blog Life'. JOWK!
parang gusto ko gumawa nito ah ....hahaha :D
ang kyut nito ah. di pa tapos ang taon, pde pa mag-special project or makiusap sa propesor para tumaas ang grades :P
habang may buhay may pag-asa. (parang ang korni basahin sa Tagalog. haha)
just keep at it. hope it improves by 2013. :)
good read.... i feel the mood...hyyy...
i remembered creating mine last year, and when i saw this, i really feel frightened. 2012 was really not good. though mortified, i finished grading myself this year. Haist.
I also failed but like what you said, it is part of life. at least we are welcoming 2013 with a positive note.
thank you for your post, gillboard
Anong instrument gamit mo dito kuya?haha
good job - at least its way past the passing mark... here's to hitting the 80% average (or greater) next year.
This is really a cool post... Pasang awa man, at least we could always strive to improve our scores year after year. Gaya nga ng paulit ulit na sinasabi ng mga teachers natin nung nag aaral pa tayo. hinde sila ang gumagawa ng grades natin... tayo rin... tiga compute lang sila :)
Post a Comment