Hindi ako masyadong napapaikot sa mundo ng blogosperyo, pero minsan
may manaka-nakang mga post na nagpapaalala sa akin kung bakit ko minahal
ang mundong ito.
Nakakatuwang magbasa ng mga blog ng kabataan, dahil naaalala mo kung paano ka rin dati. Ewan ko kung dahil ba ito sa edad ko, o dahil iba na ang kalagayan ko ngayon.
Medyo matagal na rin akong di nakakapagsulat ng mga napapansin ko sa mga makabagong manunulat. Pero gaya ng sabi ko noon, parang cycle lang ang blogging. Umiikot. Umuulit. Iba nga lang ang nagsusulat.
Naaalala mo pa ba noong nagsusulat ka.
ANG LUNGKOT NG BUHAY DAHIL SINGLE AKO
Nalulungkot ka tuwing umuulan. Nalulungkot tuwing Pasko. Umiiyak kapag araw ng mga puso. Nagsummer vacation ka mag-isa kaya depressed ka. Nagbibirthday ka at ang nag-iisang hiling mo ay ang magka girlfriend o boyfriend. Ang goal mo tuwing bagong taon ay magkasyota. Ang buong mundo mo ay hindi iikot hangga't single ka. Magpapakaplastic ka minsan, at sasabihin mo masaya ang single blessedness, pero ilang linggo matapos, ay magmumukmok ka dahil mag-isa ka.
ANG SAYA NG BUHAY DAHIL MAY SYOTA/ASAWA AKO.
Ipopost mo ang anniversary ninyo. Ipopost niyo ang monthsary ninyo. Ipopost mo ang weeksary niyo. Ipopost mo ang daysary ninyo. Ipopost mo pag nag-away kayo. Ipopost mo kapag nagkabati kayo. Ipopost mo kapag namimiss mo siya. Ipopost mo ang dates ninyo. Ipopost mo yung pagmamahal mo sa kanya. Medyo nakakasuka. Pero mahal mo, bakit ba. Oo. Ako yan.
WALA NANG NANGYAYARING MAGANDA SA BUHAY KO.
Magkukwento ka ng kwentong masalimuot tungkol sa buhay mo. Kung ano ang hirap na dinanas ninyo. Kung paano ka niloko at iniwan ng minamahal mo. Magkukwento ka kung paanong sinira ang buhay mo ng bulok na sistema ng bahay niyo, eskwela, trabaho o pamahalaang Arroyo at Aquino. Hindi ka nakikinig sa mga nagsasabing maganda ang buhay. Ikaw lang ang may karapatang magdrama sa mundo. At kapag may nagbibigay ng payo na hindi mo gusto, gigyerahin mo ito.
IKAW NA ANG TAMA. IKAW LANG.
Ikaw na ang nagbibigay ng tips kung paano maghandle ng pag-ibig. Kung anong klaseng girlfriend/boyfriend ang dapat hanapin ng mga mambabasa mo. Nagbibigay ka ng payo kung paano maghandle ng hiwalayan. Ng away ng mag-asawa. Minsan pa nga, gumagawa ka ng post para sagutin lahat ng tanong ng mga mambabasa mo. Ikaw na si Charo Santos Concio ng blogging. Pero sa totoo, disi-otso ka lang at di pa nagkakasyota.
IKAW NA ANG GUSTONG SUMIKAT.
Aktibo kang magkumento sa mga tahanan ng mga sikat na blogger hoping na yung mga nagbabasa doon ay mapapadaan din sa bahay mo ang mga mambabasa nito. Gumagawa ka ng kung anu-anong pautot masabi lang na in ka. Makikijoin sa mga tag na post ng iba. Gagawa ng kung anu-anong badge para sa kanila. Mamimigay ng award. Ililink mo lahat lahat sila kahit hindi mo binabasa. Magsusulat ka ng kung ano ang in. Makikisawsaw sa isyu o sa mga nagbablog war. At araw araw kang nagsusulat para ikaw ay sumikat.
IKAW NA MAHILIG UMINOM NG SPRITE.
Ikaw yung nagpapakatotoo. Yung isusulat ang tunay na damdamin mo. Wala kang pakialam kung may nagbabasa o wala ng mga sinusulat mo. Minsan isang sentence lang ang ipapublish mo. Hindi mo hangad na magkaroon ng bagong kaibigan. Ng syota. Ng kung ano pa man. Basta nagsusulat ka dahil dun ka masaya. Minsan ikaw lang nakakaintindi sa mga sinusulat mo. Pero ikaw yung gustong kaibiganin ng mga tao. Mayroong kokontra sa mga paniniwala mo, pero dedma ka lang dahil nirerespeto mo ang opinyon ng ibang tao.
********************
Ang dami nang nagsusulat sa mundo. Nakakatuwa kadalasan. Nakakainis at nakakalungkot kung minsan. May mga pagkakataon na gusto mong ihinto pero nahihirapan kang tigilan.
Masaya eh. Nakakatanggal ng stress.
Ang hirap iwan.
Ikaw, naaalala mo ba noong nagsusulat ka? Sino ka sa kanila?

13 comments:
"IKAW NA ANG GUSTONG SUMIKAT"
-Hahahahaha! If only I'm a war freak, have balls and willing to take risk I would love to mention one. unfortunately that's not my purpose in blogging and essence in blogsphere. but this made me think of that particular keme ;)
I am guilty for some of these, pero definitely not the last one! :)
Honestly, nakakatuwa makakita ng maraming blogs. Ibig sabihin, marami pa din gusto magsulat, at mas madami ang hilig pa din ang pagbabasa. Pero like all good things, may counterpart lang din na masama. Andami kong nakikitang mga egocentric and insensitive posts. However, tinatanggap ko na lang kasi ganito din naman ang nasa Facebook.
To a certain degree, lately guilty ako sa “Wala ng nangyaring maganda sa buhay mo“. Hahha! Ang lungkot lang ng posts ko lately. Hahaha!
Totoo nga na paikot ikot lang ang posts ng mga blog. Nakakatuwang isipin na nakikilala mo na rin sila base sa mga isinulat nila. At nalulungkot ako kapag may sinusubaybayan akong blog na tila nagiging inactive na. Tila nawalang kaibigan na hindi nakpagbigay paalam.
hehe nakakatuwa naman. sa lahat ng nabanggit mo, meron akong naiisip na blogger.
I always try to be true with what I write, not really minding if others would agree or disagree. I write because I think somewhere out there, someone is experience the same thing and just needs to know that he is not alone.
Lagi na lang ito iniisip ko 'pag nagsusulat..
"write to express, not to impress."
Nakakarelate ako dito, dahil minsan isang araw ganyan din ako nung nagsimula ako wala nga lang sa mga nabanggit mo.. Pero partly naalala ko na minsan ganu. LOl
Siguro ako yung " mahilig uminom ng Sprite " .... pero mahjilig ako sa Coke at Sarsi and Mountain Dew he he he
natawa naman me sa pagkonek ng pag-inom ng sprite kasi nagpapakatotoo.
halo-halo ako sa mga nabanggits.
mdyo guilty ako sa isa sa mga naisulat mo...
pero ika nga ng karamihan write to express not to impress di ba?
madalas ko ikwento bloopers ng nanay ko dati. LOL
aminado ako, mahilig ako sa sprite..
hehe! ako lang naman talaga nakakaintindi ng mga sinulat ko, at wapakels ako kung ako lang din ang nakakaappreciate! bakit ba??? hahaha!
namiss ko dito GB, namiss ko din ang magsulat (slight) pero sa tagal e nakakatamad pano simulan ulit.. haha!
namiss ko ikaw at lahat ng mga nakadaupang palad natin sa mga gabi ng alkohol.. lapit na ako umuwi, alak na ulet!
an_indecent_mind
Ako yung bumili ng Sprite pero inabutan ako ng Sarsi. Choosy pa ba ako?
In a way nakakarelate ako sa 3rd at last. nung nagsimula ako mag blog parang diary lang ito sa akin ang kkwento sa hanggin wapakels kung may nakakabasa nga ba. Nagcocoment ako sa blog ang paborito kong bloger at naaaliw ako na nakikita po ang comment ko sa page na yun. Hindi ko inasam noon na may mag follow sa akin kasi hindi naman ako confident sa mga idea ng mga sinusulat ko hanggang sa may nag follow na sa akin.
Those were the days Gill!
sumikat at nalaos na si Aling dionisia, nakakailang talo na si Pacman--si Rostum nga babae na. andami nang nagbago--
tumatanda na ang mga masisipag na kalabaw. hahaha pero kalabaw pa rin:
magbago man ang lahat,
kapag may time, pasyal pasyal din! at isa ika sa mga lagi kong dinadaanan.
cheers!!
Post a Comment