Mga Sumasampalataya

Feb 24, 2013

31

1. Naaadik na ako sa mga consoles. At some point, nagkaroon ako ng PS1, PS2, PSP, Gameboy Advance, PS3, tatlong XBox 360 at ang huli ay PSP Vita. Sana, ngayong taon ay magkaroon ako 3DS at PS4 o yung bagong XBox.

2. Adik din ako sa mga aso. Mayroon kami ngayong 2 beagle,  2 shih tzu, 1 dachshund at 1 yorkie. Hindi sakin yung yorkie. Pero samin nakatira.

3. Ngayong buwan ay mayroon akong increase. Akala ko malaki, kasi medyo mataas ang sweldo ko. Tas naalala ko, ang sweldo ko ay may kasamang bonus na nakuha ko bilang isang modelong empleyado. Ngayon ko lang narealize, mas lumiit pala ang sahod ko dahil sa tax. huhuhu

4. Sobrang laki ng crush ko kay Georgina Wilson na handa akong maging lalaki para sa kanya.

5. Tatlong taon na po akong in a relationship. Di man ako nagkukwento, pero kami pa rin ni Kasintahan.

6. Hindi ako artistic. Pero medyo marunong ako ng kaunti magdrawing. Ngalang, yung mga artwork ko, walang awang nilapa ng mga tuta ko.

7. Hindi ako magaling sumayaw, pero may mga kanta sa Dance Central 3 na kinakaya kaya ko lang. Pero hindi ako talaga magaling.

8. Sa edad na trenta, tumigil na ako sa pagbili ng mga comics. Natuto na kasi akong magdownload ng mga comics. Namimiss ko bumili nito, pero wala na talaga sa budget ko ang comic books.

9. Ang paborito kong laruing video games ay mga Role Playing Games. Isa akong malaking geek. Pero ni minsan, hindi sumagi sa isip ko ang sumali sa mga Cosplay. May katiting na kahihiyan pa rin ang nananalaytay sa katawan ko.

10. Marami akong kwentong commute dahil mahilig akong magbus. Sa sampung taon kong pagcocommute papasok at pauwi sa trabaho, marami na akong naranasan. Pero nagpapasalamat  ako dahil ni minsan ay hindi pa ako nananakawan.

11. Noong isang taon, nangarap akong maging isang manunulat sa pelikula. Hindi ako natanggap.

12. Nagtatago ako sa mga kaibigan ko ngayong taon, dahil umiiwas ako sa gastos. Ipapagawa ko kasi ngayong taon yung bahay namin.

13. Ang pangarap ko ngayon sa buhay ay maging isang dog breeder. Sa totoo lang ang gastos nitong karerang ito. Halos tatlo hanggang limang libo kada buwan ang gastos ko sa mga alaga ko.

14. Proud akong sabihin na hindi nako maarte sa pagkain. Kumakain na ako ng gulay. Pero allergic pa rin ak sa seafood... except sa tahong... sa baked tahong. Hindi tahong na babae ha... yung tahong talaga.

15. Madalas akong titigan ng mga kasabay ko sa fx dahil mahilig akong magconcert habang bumibiyahe. Dati maganda ang boses ko, pero ngayon medyo sira na siya. Di ko na kayang bumirit gaya noon.

16. Huling taon ko na sa kalendaryo ngayong 2013. Next year laglag nako.

17. Ito na yata ang pinakatahimik kong birthday. Walang party. Walang meetups. Walang pakulo. Ako lang at ang pamilya ko tsaka si Kasintahan. Kaya ko pala. I like this.

18. Opo ngayon po ang aking ika-31 kaarawan.

19. Malandi akong lalaki. Hindi ako kagwapuhan, pero nakakatuwa na meron paminsan minsan na nagsasabi sakin na crush nila ako. Well, obviously now hindi ko pinapatulan. Pero nakakataas lang ng ego. Hehehe

20. Slow akong tao. Madalas hindi ko nagegets kapag kunwari nagbibiro ang mga kaibigan ko. Ako palagi ang nambubuko kung may pinagtitripan sila dahil shunga ako.

21. Ngayon ko lang narealize, pati DVD at blu ray disc, ay hindi na rin pala ako bumibili. Kaya taimtim ang aking pagdarasal na sana ay hindi mawala ang mga torrent sites ng mga pinagkukunan kong mga pelikula.

22. Nag-iisip ako ng negosyo na maaari kong itayo kung sakali mang dumating ang panahon na ayaw ko nang maging taong grasa. Mayroon na akong kapartner, pero wala lang kaming maisip kung saan namin gagamitin ang pera niya.

23. Nag-iisa akong anak at simula nang napanuod ko ang Shameless, minsan napapanaginipan kong kapatid ko sina Fiona, Lip, Ian, at lahat ng mga Gallagher siblings. Ganun ata pag only child ka.

24. Nasubukan ko nang mag marijuana. Wala siyang epekto sakin. As in wala!!! Disappointing.

25. Hindi ako mapaboritong tatay sa mga aso ko, pero paborito ko yung mga shih tzu ko. Sila kasi yung malalambing sakin. Kaya lang yung isa ang hilig markahan ng teritoryo yung Xbox ko.

26. Naranasan ko nang mahulog sa bangin. Masakit siya.

27. Kung sakaling may mabait na nilalang dito sa blogosperyo, ang nais ko pong regalo sakin ngayong kaarawan ko ay isang Nintendo 3DS XL. Nagbabakasakali lang naman. Sana meron.

28. Sa tanang buhay ko, tatlong beses akong nabigyan ng surprise (party). Una, noong 9th birthday party ko. Ikalawa, noong 1st year college salamat sa mga kaklase ko. Ikatlo, noong isang taon, salamat sa mga katrabaho ko.

29. Namimiss ko na ang blogging.

30. Minsan iniisip kong mag-out sa facebook. Tutal marami na naman ang nakakaalam kung ano ako. Pero naiisip kong, marami akong kamag-anak dun. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nila.

31. Natutuwa ako nung binuksan ko ang Google page ngayon, ang Google Doodle ay isang pagbati para sa kaarawan ko ngayon.

13 comments:

Overthinker Palaboy said...

2. Yey! dog lover ka rin! :)))
3. Nalulungkot ako sa tax shiz na yan. Ganyan din yung saken e.
5. Happy three years sa inyo ni Kasintahan :)
10. Magsulat ka ng kwentong commute. Gusto ko mabasa :)
12. Mukhang kelangan ko na rin magtago sa mga kaibigan. May pag iipunan din ako. Bahay ba yan ng magulang mo?
14. natawa naman ako na kelangan mong iexplain ang tahong :D
16. Excited na rin akong lumampas ng kalendaryo kaya lang matagal pa yata!
18. MALIGAYANG KAARAWAN SAYO GINOO!!!!!
26. Nasgma-mounting climbing ka rin?
29. At namiss ko nang magbasa ng post galing sayo :)

khantotantra said...

haypibertdei!

Malalaglag ka man sa kalendaryo.... sasaluhin ka ng BINGO! :D

Naaliw naman ako sa baked tahong... talagang specific na baked lang at specific na hindi tahong ng babae. nyahahahah :p

khantotantra said...

pahabol pala.... pede kayang magcross breeds yung mga aso sa bahay nio? hehehehe.

Mugen said...

Happy Birthday Gibo!! Magkasing-edad na tayo. Hehe. :)

Cyron Agustin said...

happy birthday.

Superjaid said...

Happy birthday. Buti bumalik ka na. :-D

ZaiZai said...

Belated Happy 31st!

Ako this year laglag na, so..ayun. Wala lang. Haha nalungkot bigla.

Dami mong dogs! Ang saya!

Gustong gusto ko din si Georgina Wilson pero mas gusto kong maging sya kesa magpaka lalaki para sa kanya :)


Hope you had a great 31st! :)

glentot said...

Posts like this never get old, dami natutunan about the person. Happy 31st birthday!!!

Knoxxy said...

Happy Belated Birthday!

bagotilyo said...

super duper belated happy birthday po. Napangiti ako du nsa dog na hindi sa iyo pero sa inyo nakatira. :)

Denoy Eusebio said...

hwag tumangkilik ng pirata.

L said...

better late than absent! happy beerday, pre. namiss ko tumambay dito. hehe. wish ko sa'yo eternal bliss and peace with kasintahan and your family!

you had me at baked tahong. lol! >>>

Pero allergic pa rin ak sa seafood... except sa tahong... sa baked tahong. Hindi tahong na babae ha... yung tahong talaga.

p.s. hacked ba 'yung vita mo? pag sawa ka na at gusto mo nang ibenta, sakin mo na lang ibenta. at sana may discount. hehe.

Guyrony said...

Such cute facts Gillboard.

It has been a while since I visited here. You still humor me in a god way.