Mga Sumasampalataya

Aug 13, 2012

KWENTONG PETS

Dahil may bago akong puppy, naisip kong magkwento naman tungkol sa aking mga alaga.

Over the years, marami na akong naging alaga. Minsan nang naging parang zoo ang bahay namin sa dami ng pets namin.

Marami sa kanila, sumakabilang buhay na. Ito na lang siguro ang aking paggunita sa kanilang mga alaala.

LEONARDO / DONATELLA
Obviously sila ay mga pagong. Natuwa ako noong bata ako, dahil ang tawag sa kanila sa petshop ay "Red Eared Ninja Turtle" At dahil mura lang naman sila noon ay napilit ko ang nanay ko na bilhan ako ng alaga. Aaminin ko, noong bata ako, maikli ang attention span ko sa mga hayop. At dahil wala naman talagang ginagawa yung mga pagong, nanay ko na lang ang nagpatuloy sa pag-alaga sa kanila

MICKEY / TIM
Sila ang pinakaunang naaalala kong alaga namin na hindi aso. Mag-asawang kuneho sila. At sobrang mahal ko yung dalawang yun kasi binigyan nila kami ng napakaraming baby kuneho. Kaya lang napatay ko ang isang baby dahil katabi ko itong natulog at nadaganan ko ito noon. Yung ilan naman ay minassacre ng pusa ng kapitbahay namin. Pati ang nanay pinatay. Doon nagsimula ang malalim na galit ko sa mga pusa noon.

MICKEY / MINNIE
Sila naman ang unang aso namin na may lahi. Poodles. Mag-asawa sila, kaya lang maaga kaming iniwan ni Minnie. Nabaril siya ng tito ko. Si Mickey naman, sampung taon din nanatili sa amin. Sobrang iniyakan siya ng nanay ko nang ito'y mamatay dahil sobrang mahal kami ng asong iyon. Tuwing nilalapitan ako ng Tita ko para yakapin ay tinatahol ang Tita ko nito. Akala siguro sinasakal ako kaya pinuprotektahan ako. At dahil maliit, sinisipa lang siya ng Tita ko. Pero naappreciate ko ang effort ni Mickey.

KIYAW
Ang regalong myna ng Tito ko. Sobrang talino ng ibon, ang dali niyang maka pickup ng mga salita. Taho. Panget. Kumain ka na. Tunog ng motorsiklo ng tatay ko. Yung mga sipol ko. Lahat nagagaya niya. May tatlong taon din syang namalagi sa amin. Madrama ang pagkamatay nito. Mahal na mahal itong ibong ito ng nanay ko dahil sa sobrang bibo. May ilang buwan na hindi sila nagkita, at dun siya simulang nanghina. Nung sinabi ng kasambahay namin na malapit na itong mamatay, pinakuha si Kiyaw ng nanay ko sa isang bahay namin. Nailalabas namin siya sa kanyang kulungan, kaya ng pagdating niya sa bahay ay kinuha namin siya. Nagpaalam kami, at doon siya namatay sa dibdib ng nanay ko.

WOWIE
Mahal ko tong asong ito dahil siya yung unang aso namin na nanganak. Sobrang bait nitong asong ito na kahit noong habang nanganganak siya ay hinahayaan niya lang kami sa tabi nito. Mayroon kasing ibang aso na OA sa pagkaprotective sa kanilang tuta na lalapit ka pa lang nagwawala na. Si Wowie hindi. Sobrang gusto niya na lumalapit kami. At kahit nasa labas siya noon, hinahayaan niya akong matulog sa tabi niya para bantayan din yung tuta niya. Ngalang, isang gabi meron ata siyang nakita at nagwala siya hanggang sa mabitay siya dun sa leash niya. Dahil wala ring ina, sunod-sunod ding kinuha samin lahat ng tuta niya.

NEMO
Minsan na rin kaming nagkaroon ng clown fish. Nakakatuwa siya kasi ang ganda ng kulay. Kaya lang, hindi napapalitan yung tubig sa tirahan niya. Natakot ako na baka mamatay ito sa dumi ng tubig niya kaya naisip kong palitan ito. Naalala kong tubig alat pala ang kailangan nila  para mabuhay, at dahil wala naman akong alam na makukunan ng malinis na tubig alat, nilagyan ko na lang ng asin yung tubig sa gripo namin. Ayun, wala pang limang minuto patay na si Nemo.

Madami pa kaming naging alaga. Pero saka ko na lang ikukwento. Baka kasi lalo ninyo akong kamuhian.

13 comments:

rudeboy said...

"Ayun, wala pang limang minuto patay na si Nemo."

I'm sorry, sobrang natawa ako dito.

Ah.

Aha.

AHAHAHAHAHAHAHHAHAHA!!!!!!!!

ZaiZai said...

kawawa naman ang pets! si nemo dapat pala hinayaan mo na lang mabuhay sa maduming tubig haha :)

Teacher Pogi said...

nakakatawa ang mga pangalan. :P

kawawa yung nemo, naimagine ko kung pano siya nagka- bacteria at na- suffocate dahil sa maduming tubig.

mahilig ako sa turtle pero di ako mahilig sa kuneho at sa ibon.

yey sa mga pet! :)

khantotantra said...

aso, pusa at lovebirds lang naalagaan ko, pati yung lucky mini lobster.

noon pinangarap ko magkaroon ng pagong at kuneho pero ayaw ng parents ko. Tapos gusto ko magka-myna para may gaya-gaya kaso di rin kami nagkaroon.

At sosyal, may clown fish kayo.... sayang at nadeds, choosy pala sa tubig yun.

Rah said...

kawawa naman si nemo, he wasn't able to get to know his father. :( masarap magkapet, very therapeutic. sort of develops the nurturing side of us din.

k0tz said...

touch and go lang talaga ang buhay ng mga pets. hehehe.. Marami rin akong pets. at marami na rin ang namatay.. at pinatay at.. kinain? hehehe

Dorm Boy said...

Madami din akong pet noon pero more on pusa at mga aso lang. Now wala na kaming aso puro pusa na lang. Isa lang legitimate the rest puro ampon na! hehehe!

Jay said...

Nakakatuwa naman, ang hilig mo sa pets..hehehe...at ang pinaka natawa ako ng husto ay kay NEMO hahaha...in five minutes naglaho siya dahil sa asin hahahaha..kawawang nemo.

Raft3r said...

What took you so long to come up with a new post?!?

Superjaid said...

nalungkot ako kwento ng lahat ng naging alaga mo pero napatawa ako ng malakas sa kinahinatnan ni nemo. wahaha

glentot said...

nalungkot naman ako kay Kiyaw...

hash purcia said...

kawawang Nemo... di manlang nagtagal ang buhay... hehehe

nakakatuwa ka naman kasi napaka pet lover mo...gusto ko mga ganyang tao...marami din kaso akong nging pet eh...

Anonymous said...

natuwa ako s akwento nung ibon niyo, :)