Hindi naman sa hindi ko gusto ang magmahal ng blogger. Kung alam niyo lang kung gaano karami ang kras kong mahuhusay na manunulat sa mundo ng blogosperyo, hindi mo aakalain na nagkaroon ako ng failed relationship sa isang kapwa blogero.
Pero marami ring dapat pagnilay-nilayan kung sakaling dumating ang panahon na magdesisyon ka na magmahal ng blogger. Maraming dapat paghandaan.
Masarap talagang magmahal. Sa blogger man o hindi.
Basta wala kang nasasaktan, at masaya ka, walang masama na magmahal.
Pero marami ring dapat pagnilay-nilayan kung sakaling dumating ang panahon na magdesisyon ka na magmahal ng blogger. Maraming dapat paghandaan.
- Hindi dahil lahat ng hinahanap mo sa isang tao ay nakita mo sa mga sinulat niya ay yun talaga ang personalidad niya. Lahat ng tao, blogger o hindi, kailangan ibenta ang sarili para magkainteres sa kanya ang mga taong gusto niya. Dapat bago ka pumasok sa relasyon sa isang manunulat ay kilalanin mo muna siya ng todo todo. Hindi yung dahil nagmeet na kayo ng isang beses, nagkatext o nagtatawagan araw-araw ay pwede nang maging kayo.
- Dapat maintindihan mo na hindi lang ikaw ang nagkakacrush sa crush mo. Kung ikaw ang maswerteng nilalang na napili ng blogger crush mo, kailangan handa kang sumailalim sa mapanghusgang mga mata ng "fans" ng kablog mo. Handa kang machismis. Handa kang malait. At kung sisiraan nila ang "mahal" mo, ay dapat tanggap mo kung ano ang mga maririnig mo.
- Siguraduhin mong hindi ka magiging kabit. Totoong, kung kabit ka, mas marami kang maisusulat na mga interesanteng bagay. Siguro mas sisikat ka. Siguro mas mahal ka niya. Pero at the end of the day, kabit ka. May sinasaktan ka. At maraming tao ang mag-iisip na medyo tanga ka. Tandaan, sa panahong ito, ang KARMA ay digital na.
- Kapag blogger ang mahal mo, masarap na mababasa mong sinusulat niya ay tungkol sa'yo. Pero pagdating ng panahon na wala na kayo, dapat handa ka na mabasa na kahit siya ang may kasalanan kung bakit kayo naghiwalay, ikaw pa rin ang magiging kontrabida. Na ang isusulat niya tungkol sa inyo, sa kanya mapupunta ang simpatya ng kanyang mga mambabasa. Dapat handa kang basahin sa blog niya lahat ng mga pagkukulang mo. Dahil blog niya yun, siya dapat ang bida... kahit siya ang may sala. Mayroon nga, aminadong plagiarist pero nagawa pa niyang paikutin ang kanyang mga salita at kahit papaano, siya pa rin ang kawawa.
- At higit sa lahat, kung sakaling hindi na kayo, darating ang panahon na ang isusulat niya ay tungkol sa bago niyang nakilala. Ang bagong nagpapatibok ng puso niya. Ang tunay na "the one" para sa kanya. Dapat handa kang basahin iyon, kahit ikaw hindi pa nakaka move on.
Masarap talagang magmahal. Sa blogger man o hindi.
Basta wala kang nasasaktan, at masaya ka, walang masama na magmahal.
17 comments:
Nakarelate ako. Nung di pa ako blogger at nagbabasa-basa lang ako, patay na patay ako sa isang blogger. But I never tried to know him better. I contented myself on just reading his life story. At kilig na kilig na ako nun. :)
Tama lahat ng sinabi mo. Mas maganda pa din yung kakilala mo sa personal, hindi yung nakilala mo lang sa blog. :)
At sa kaso ko, mahirap yung isumbat sa'yo yung nakaraan na naisulat mo sa blog mo. kaya noon pa iniisip ko na malayong maging blogger din ang magiging partner ko.
Gustong-gusto ko tong entry mo. May hinahangaan din akong mga blogger; nahuhumaling ako sa mga kwento nila at sa galing nila mag-compose. Kapag nagkakaroon ako ng crush sa isang blogger, usually binabasa ko lahat ng posts nila mula sa simula. Gaya nung kay McVie. :P
Mahirap magmahal ng isang blogger dahil lagi kang huhusgahan ng mga taong nakapalibot sa kanya.
CHREW. Ang showiz lang ng eksena.
Naka strike 2 nako. FAILED.
Iba yung nababasa mo kasi minsan sa totoong personality nila online. Anung tapang meron man sila sa pagsusulat, hindi mo naman nakikita in person.
Nakakahinayang lang, yung couple bloggers, minsan pareho na silang tumitigil magsulat?
Check na check lalo na sa number 4! Kailangan handa na makabasa ng kung ano ano tungkol sa sarili mo pag natapos ang relasyon sa blogger :)
Pero mas check ang final lines na binitiwan mo :) Stay safe and dry Gillboard :)
ika nga nila maraming maganda at di maganda pagdating sa pakikipagrelasyon sa isang blogero.
Pero syempre dapat handa kang harapin yung mga bagay na yun sa simula pa lamang...
:D parang may napansin akong kakaiba ahaha pero alam mo tama ka dyan.. Cheers!
Aray! Sapul na sapul simula umpisa hanggang tuldok. Charot!
Felt like I was reading "bakit hindi ka crush ng crush mo" Hehe.
That's why I keep another (and another) blog for myself.
For me, blogs are more like rooms: could be a sala, you're willing to share to all guests; dinning area, to invite close friends over for a get together; bedroom that you'd rather keep to yourself, except for those special intimate moments with a particular someone.
very family/home oriented ang previous comment ko. idagdag mo pa dyan, pano kung blogger din ang siblings mo. although in real-life hindi kayo chummy. pero sa anonymous blogs nyo you get to connect with each other. until you realize sometime later, he posted a picture that's very familiar to you.
a picture of home.
ooooh. well i agree na hindi lahat ng nababasa mo ay yun na ang pagkatao ng blogger na yun.
some people i guess are more comfortable on writing kaysa sa chikahan so baka sa date niyo nakanganga na lang kayo parehas sa katahimikan.
lol
shet wala pa akong crush na blogger. makahanap nga.
ooooh. well i agree na hindi lahat ng nababasa mo ay yun na ang pagkatao ng blogger na yun.
some people i guess are more comfortable on writing kaysa sa chikahan so baka sa date niyo nakanganga na lang kayo parehas sa katahimikan.
lol
shet wala pa akong crush na blogger. makahanap nga.
Nagmahal na ako ng isang blogger bfore deadma sia sa akin kaya hindi ko na din cya love hihihi
Mhirap mgmhal ng blogger lalo na pag nagvent out at mablind item sa knyang blog haha
Bongga sa final lines! Check!
I usually keep the most and most intimate part of our relationship to me and myself, it's locked up in a chest that beats.
Sweet and some intimate moments may be written but definitely not everything, that's what I learned from my boyfriend.
And yes I truly agree with you on your last bullet, in my situation it tears me inside just reading through his past relationships, his past kilig moments and those intimate moments as well, but what keeps me strong is what's "now".
It's only "now" that I get to enjoy the essence of joy and love in pure contentment, and it's just now that I've experienced again the truth that I once hold closely but got snatched away.
Post a Comment