Mga Sumasampalataya

Sep 2, 2011

SAME SHIT, DIFFERENT DAY

LUNES
Isang hilera ang team namin kung saan ako nagtatrabaho. Nag-iisang lalake lang ako. Ang tanging tinik sa mga rosas.

Tuwing umaga pagdating ko sa opisina, lahat sila  binabati ko.

"Good morning Carol, ganda mo ngayon ah. Mommy Rose, payakap naman! Missy, lalo kang sumesexy ah! Leah, smile naman dyan. Nona, good morning! Tet, mukhang blooming ang lovelife natin ah!"

Pero may isang teammate akong paboritong binibiro.

"Hi Chen, may nakapagsabi na ba sa'yong ang panget mo ngayon?" 

"Hmp. Leche ka!! Lunes na Lunes mambubuwisit ka!!"

"Concerned lang ako. Mukha ka kasing pokpok ngayon. Ang kapal ng make-up mo," sagot ko.

Walkout ang drama lagi ni Chen tuwing nakikita ako. Score one for me.

MARTES
"Naks naman, nakasleeveless tayo ngayon Chen ah! May date?!"

"Hoy ikaw ha, wag mo akong sisimulan ngayon. Umagang-umaga maninira ka nanaman ng araw!" bati sakin ni Chen.

"Eto naman, pinupuri ka na nga, pikon pa rin," sabay ngiti. "Buti naman at wala ka masyadong kolorete sa mukha ngayon, di ka na mukhang bakla."

Binato ni Chen ang hawak niyang tissue sabay alis.

"Psst, huy. Prumeno ka naman. Babae pa rin si Chen," paalala ni Missy.

Kindat lang ang aking sagot.

"Pag ikaw nireklamo niyan," dugtong naman ni Nona.

Ngiti lang ang sagot ko sa kanila.

Ilang saglit pa ay bumalik na si Chen. Namumula ang mukha. Parang napipikon na. Kinurot ko ang kanyang braso.

"Nakakagigil braso mo Chen. Parang liempo lang. Ang sarap kagatin."

"Teeeeeeee Elllllllll!!!" sigaw niya.

Tiningnan ako ng masama ni boss. "Nagbibiruan lang boss," ang sagot ko.

MIYERKULES
Dahil naubos na ang mga kasabayan kong pumasok sa opisina, ang team ko na lang ang palagi kong nakakasama. Sa tanghalian man o sa gimikan.

"Alam mo, worried ako sa magiging girlfriend mo hijo," may pag-aalalang banggit sakin ni Mommy Rose habang kami'y kumakain.

"Bakit naman po Mommy?" tanong ko.

"Malamang natatakot siya kasi di ka marunong gumalang sa babae," sagot ni Chen.

Tiningnan ko lang si Missy, at parang isang switch automatic itong sumagot para sakin. "Mommy, in fairness naman dyan, nung sila pa ng ate ko, sobrang sweet naman niyan. As in perfect gentleman. Lagi nga kami may pasalubong dyan."

"Asuuuuus. Kung perfect gentleman yan bakit wala na sila ng ate mo?" paghahamon ni Chen.

"Ate ko yung problema. Loka-loka talaga yun. Playgirl. Tatlo silang pinagsabay nun."

Naalala ko yung nangyari samin ng kapatid ni Missy. Masakit yun. Minahal ko talaga siya pero niloko ako. Naloko ako.

Ngiti ng pagpapasalamat ang binigay ko sa kanya. Kindat ang sagot sa akin.

"Mommy, wag kayo sakin mag-alala. Dyan kayo kay Chen mag-worry. Yan yung mukhang tatandang dalaga. Kahit minsan mukhang pokpok yan, feeling ko virgin pa yan. Takot ata sa lalake. Tapos linggo-linggo may dala kang mga Cosmo magazines, feeling mo naman makakatulong yan sa'yo"

Tumayo siya at umarteng parang sasaksakin ako ng hawak niyang tinidor.

"Ikaw, sumusobra ka na ha!!! Ang bastos talaga ng bunganga mo!!  Kalalake mong tao, ganyan ka magsalita! Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo?! Para kang bakla!"

Inawat si Chen ng aming mga kasamahan.

Kinabahan ako sa nangyari, pero okay lang.

HUWEBES
"Pssst. Lagot ka. Absent si Chen ngayon." bati sakin ni Tet.

"Ano bang nangyari sa inyo kahapon?" unang tanong sakin ni boss pagkakita sa akin.

"Wala po. Nagbibiro lang ako. Napikon na yata."

"Mag-sorry ka ha." paalala niya. Akala ko papagalitan ako. Buti na lang, hindi.

BIYERNES
Hindi ko na muna binati si Chen pagdating ko. Tahimik akong naupo sa kanyang tabi at nag-ayos ng gamit ko.

Buong araw, hindi niya ako kinikibo. Kakausapin niya ang lahat sa grupo namin. Pero pagdating sakin ay hindi niya kayang magbigay ng kahit isang tingin.

Hinabol ko si Chen nung papauwi na kami. Susundin ko na yung inutos sakin ni boss.

"Ano nangyari sa'yo kahapon? Bakit ka absent?"

Naglakad lang siya parang walang narinig.

"Hoy, napuno ka na ba sakin?" tanong ko.

Huminto si Chen. Nagpipigil ng luha. Ng galit. Nagsimulang mamula ang kanyang mga mata.

"Alam mo, fuck you ka!" simula niya."Ang lakas ng loob mong itanong yan. Fuck you ka! For six months, araw-araw mo akong binabastos. Araw-araw mong sinisira yung araw ko. And you have the nerve to ask me, napupuno na ba ako sa'yo! Fuck you!"

"Hey, sorry. Alam mo naman nagbibiro lang ako diba?"

Sinampal ako ni Chen.

"Tangina mo. Nagbibiro?! Araw-araw napapahiya ako sa mga ginagawa mo. Sa mga sinasabi mo. Alam mo ba na babae ako?! At alam mo kung ano ang nakapagpapainit ng ulo ko? Ang bait mo sa lahat. Bakit sa akin, hindi?! Tangina mo, isaksak mo sa baga mo yang mga biro mo!"

Ngumiti lang ako.

"Chen," simula ko. "you don't understand."

Isang sampal ulit. Nakatayo lang ako.

"Kung binigay ko sa'yo yung parehong trato na binibigay ko sa team, you wouldn't know na nasa iyo ang atensyon ko. Sorry, I know I'm being foul sometimes sa mga sinasabi ko sa'yo. Pero that's how I know you'll listen to what I say. Ang ganda mo kaya na walang make-up. I know you feel na you're medyo chubby, pero para sakin you're sexy.

"I'm sorry I've been giving you the same shit everyday. But the truth is, hindi ko alam kung paano ko ipaparamdam sa'yo na I like you."

Tumawa siya ng malakas.

"Feeling mo sasagutin kita after all that you did to me?! Ha!"

Ngumiti ako.

"Chen, nagpapapansin pa lang ako. But now I've got your attention. You'll change your mind."

Tinaasan niya ako ng kilay at nagsimulang lumakad palayo.

"Chen, manliligaw pa ako!" pahabol kong sabi sa kanya.

Sabi ko sa sarili ko, magbabago din ang isip nito.

*************
Hindi ko alam kung qualified pa ako, pero para ito sa patimpalak ni L na may temang Same Shit, Different Day.

Alam ko medyo napahaba ito, kaya kung di niyo binasa ito ng buo, i-wish niyo na lang ako ng good luck.

27 comments:

Anonymous said...

NAKAKAINIS!!!!

The Gasoline Dude™ said...

HAHAHAHAHA! Sa simula pa lang napapangiti na ako sa post mo. In a way alam ko na ang mangyayari. Panalo sa damoves! Mala-David DeAngelo! :))

One of my favorite posts so far. Sana manalo ka. :)

charles. said...

Kaya pala! Haha, although I was half-expecting it. Napsobra lang siguro, hehe, good luck!

Jepoy said...

ang galing! Champion ka na! ang sweet parang yung mga indie film na malulupet na story line!

I like et!

zeke said...

haha, may vibe na rin ako sa umpisa. uhm, dalawang beses pa lang ako nagpakyut ng ganyan pero narealize ko na di effective sakin ang manginis. haha

Rome Diwa said...

wow! i like your stories. Na-addict na ako, hahaha, galing! keep it up!

Rah said...

Maganda na ang story, siguro dagdagan mo nalang ng konting description sa simula kung gaano kaganda si Chen, and kung bakit siya ang perfect nalove interest ng bida. Ang impression ko kasi medyo parang loser si Miss Chen eh. I don't know kung yon talaga ang effect na gusto ng author. Nonetheless, a great story. :D

Good luck. :)

saM said...

ang ganda! :)

khantotantra said...

may twist sa dulo, akala ko trip nia lang alaskahin si chen. goodluck sir

Madz said...

medyo nahulaan ko na yung ending pero grabe sa pagpapapansin ha! pambihira yan pero pwede
namang bumawi si girl kapag nililigawan na siya :))

nomadicmillionmonks said...

ako binasa ko! kala ko naman kayo na sa ending :P kilig hahaha

an_indecent_mind said...

nakita ko na ang ending... may nangyaring ganyan dati sa k... kakilala ko! LOL

maganda! nakarelate ako! sana manalo ka! goodluck ng marami!

Jam Santos said...

hahaha! natawa ako sa ending. lakas ng fighting spirit!

jam
http://diaryofamodernmariaclara.blogspot.com/

SunnyToast said...

Ganda ng twist ng story! galing:)

egG. said...

love hate relationship... grabe ah... ang mga nang iinis talaga sila pa yung me gusto....

o well gud lak!!!! ganda!!!!

Little Nikki said...

haha. cute story. :P

YOW said...

Kakaiba ka talaga babanat ng fiction kuya Gibo. Ikaw na! Haha. Kacute ng story at for me pasok naman siya sa theme. Kaporma nga eh. Haha. Not the usual storya ng sarili. May laban to kay Dude. God bless.

Ka-Swak said...

galing!
sana manalo...

Raft3r said...

you do know your way around women
=)
hehe

caloy said...

like button. hahahaha! ang lakas maka-teenybopper. LOL

kaye said...

I knew it! nice story :-) di mo naman mapapansing mahaba kasi hooked ka na from the first few lines pa lang :-)

joeyvelunta said...

Pang Cinemalaya na 'to.
Ang sarap rin palang kiligin ulit ano? Ibang-iba sa kilig kapag umuiihi hahaha.

Anonymous said...

bakit nga kaya minsan, kailangan pang itago yung nararamdaman sa anyong kabaligtaran ng tunay nating nararamdaman. napaka-gandang lahok po nito.

magandang araw!

Karl said...

teka. fiction ba? okay na rin natapos kong basahin. nakakaaliw hehe

Anonymous said...

hahah kahit nga ako akala ko totoo na.. hahaha... gud luck naman jan.. hahah

Blakrabit said...

ay! kala ko totoo na haha! kala ko ginto na, tanso pala. chos!

gasti said...

ayos ang mga banat. hahaha! sana manalo ka. at sana mapalambot mo ulit ang puso ng chen na yan. deep inside kinilig din siguro yun.