Mga Sumasampalataya

Sep 7, 2011

ANG MGA TAONG HINDI KO MALILIMUTAN 1

Alam naman nating lahat na mayroong mga tao sa buhay natin na kahit sa maliit na paraan ay mag-iiwan ng tatak sa ating puso na kahit hanggang pagtanda natin ay hindi natin makakalimutan. Mga taong naging malaking bahagi ng buhay natin. Maaaring nakasakit sa atin, o nakapagpatibok ng puso natin. Madalas, itong mga taong ito ay matatagal nating nakilala kaya hindi natin sila malilimot.

Pero hindi tungkol sa kanila ang post na ito. Para ito sa mga taong dumaan ng sobrang saglit lang, pero nag-iwan ng malaking tatak sa aking isipan.

MICRO MINISKIRT GIRL
May nakakaalala pa ba sa kanya? Sa totoo lang, siya ang dahilan kaya ko isinulat itong post na ito. Dahil nakasabay ko nanaman siya sa fx kanina. Si MMG ay yung dalagang sobrang ang ikli ng palda, pero gustung-gustong umupo sa likod ng fx. Hindi ko talaga siya makakalimutan, kasi unang-una maganda siya. Sexy. Kamukha ni Maja. Hindi mukhang pokpok. Pero parang. Tatlo kami kanina sa fx, at dun siya sa tapat ko umupo ulit. Sa tabi ni manong na mukhang manyak. Alam kong mukha siyang manya kasi nakikita ko ang tingin niya sa legs ni MMG. Alam kong balak niyang umupo sa aking tabi, kundi ko lang pinaupo yung bag ko sa tabi ko, malamang lumipat na siya. Paano ba naman, kanina ang ikli na nga ng suot niya, ang hilig pa niya bumukaka. Cream ang panty niya (oo sinilip ko, wala akong choice nakikita ko). Parang namamagnet ang mata ko. Yung tipong parang sinasadya niyang ipakita.

Pero sorry, kung alam niya lang... taken na ako. :P

SI PEKTO
Legend ito sa paaralan namin. Isa siyang taong grasa. Na  bakla. Tambayan niya ang eskwelahan namin dahil maraming pogi dun. Madami siyang namamanyak. Ang modus operandi niya ay manggulat ng estudyante, at hipuan ang mga ito. Take note, pag hinipuan ka niya pipigain niya ang bayag mo ng matagal. Pag babae naman, hinahabol niya o kinakagat ang mga ito. Parang allergic ba. Basta ang lahat ng tao, pag nakakasalubong ito ay dagling tumatakbo palayo.

Isang hapon, galing ako ng Mcdo pabalik sa eskwela, tahimik akong naglalakad. Nagpapantasya ng pinagnanasahan ko noong panahon na iyon. Hindi ko napansin na wala na palang mga tao sa paligid ko. Lahat kumaripas na ng takbo.

Ilang sandali pa ay may narinig akong parang umuungol. Alam niyo yung sa Resident Evil na mga laro pag may zombie sa likod mo. May ganung tunog kang maririnig pag malapit na si Pekto. At ayun na nga, pagtingin ko sa likod ko nakatayo sa likod ko si Pekto. Agad niyang sinunggaban ang bayag ko at pinisil pisil. Napaluhod ako, kasi ang sakit.

Looking back, nakakatakot yung experience ko sa kanya. Pero ngayong inaalala ko, nakakatuwa pala. Di ko kasi nasabi, ang mga tinatarget niya mga pogi sa school namin. Pag panget, kinakagat din niya.

Kaya di ko siya malilimutan ay dahil sa kanya, narealize kong pogi din pala ako.

Choz (Di talaga bagay sakin mag gay lingo).

22 comments:

khantotantra said...

hahaha. katakot si pekto. Pano pag madurog niya itlog? deads

rah said...

Katakot naman yong pekto na yon. Sana mameet niya yung exhibitionist na nakikita ko sa Recto araw araw na baliw din.

rainbow box said...

cream ba talaga ang panty nya? baka walang panty kuya, shaved lang. lolz

natatawa ako sa tunog ng resident evil. naiimagine ko kase. parang naririnig ko tuloy habang nagbabasa ako. talaga nga namang nakakahawi ng tao pag nakarinig ka ng ganun. walangyang pekto, hindi pa nakaka-tyansing umuungol na. haha!

an_indecent_mind said...

ikaw na ang pogi tas ikaw pa ang nakakita ng cream na panty!

sorry na lang kasi.... taken ka na! :p

Skron said...

Pag nag bakasyon ako sa Pinas. Pwede bang makisakay sa FX nyo. Gusto ko rin makita si MMG.

xallthethird said...

Gusto kong makita picture ni MMG na hindi mukhang pokpok... pero parang. And panalo and nakakatakot si Pekto! Never pa kong nakakita ng taong grasang bading and what he did to you... nakaka trauma yun ah.

Stone-Cold Angel said...

sana makasakay ko din si MMG!

the green breaker said...

takte si pekto, ang sakit nun!

EngrMoks said...

LOL. Ikaw na ang taken at pogi...

Hahaha pansin ko nga nauuso gaylingo dito... Nahahawa ka na ba sa mga kaibigan mong babae? LOL

Ka-Swak said...

hahaha! si MMG talaga!

next time try mo na hindi magzipper, as if parang nakalimutan mo. tingan mo reaction nya hehehe

KikomaxXx said...

kaya nga masakit ang katutuhanan eh.. hahaha

Michael said...

Hindi pa ako taken, akin na lang si MMg ... Nakakatakot din iyang pekto na iyan, siguro kapag nakita ako nun didikdikin niya lang ang yagballs ko ... LOL! :D:D:D:D:D:D

gillboard said...

michael: kung taga-parañaque ka, masasabayan mo siya tuwing alas-sais y medya sa sakayan ng fx papuntang lawton. hehehe

kikomaxxx: yup.

ka-swak: lagi ko yan nagagawa. di sinasadya. lolz

gillboard said...

moks: di. nakapanuod lang ng zombadings. ikaw moks, napaghahalata na di ka nagbabasa ng mga luma kong post.

green breaker: sobra. mapapaluhod ka sa sakit.

stone-cold: yun nga, papuntang lawton na fx mula sa sucat. lolz

gillboard said...

xall: so far, si pekto pa lang naman yung nakita kong ganun. wag ka na din mangarap na makasalubong ang isang gaya niya. lolz

skron: tara. kelan ka uuwi?!

kuya AIM: onga... taken na ako. hahahaha

gillboard said...

rainbow box: ermmmm. wala naman akong napansin na guhit (at talagang pinatulan ko yung comment!!!) lolz

rah: meron na? di ko ata naabutan yun. sabagay di ako napapadpad sa recto. san ka pala nag-law?

khantotantra: wala ka nang pag-asang magpalaganap ng supling sa mundo.

shirt.quote.toh said...

san kaba nakatira? Parang gusto kong sumabay sa FX. kahit malayo pa yang lugar mo parang gusto kong bumyahe jan (ahihi).

Hindi para bosohan si MMG, kundi para damitan cya! Totoo eto, kung ayaw mong maniwala dumalaw ka sa tambayan ko...

Chyng said...

..kung alam lang nya..
mas maganda ang MM mo sa kanya? hihi bruha sya! =)

Kosa said...

kulay cream?
haha. naaaaaman! talagang kulay balat ahhh..hehe

gillboard said...

kosa: di naman kakulay ng balat niya. medyo may difference naman. unless... lolz

chyng: imagine mo ako nakaganun?! ewwwww!!! yak!!!

shirt: naks. iba ka din magpromote ng blog mo ha. lolz. welcome to gillboard! :D

shirt.quote.toh said...

Ayos! looking forward sa pag-angkat mo ng baro at sayang mula kay Damitan moh-koh.. hehehe Pwedeng pwede yung pang-pa-premyo!!

Raft3r said...

taga mendiola si pekto?
hehe