Mga Sumasampalataya

Sep 17, 2011

ISANG ARAW NAGTWITTER AKO

Isa sa mga bagay na sinabi kong hinding-hindi ko gagawin sa buong buhay ko ay ang magbukas ng account sa Twitter.


Wala lang, hindi kasi ako isa sa mga naunang nagkaroon nito. Di ako kasali sa mga trendsetters kaya di ko na pinangarap na makiuso. Ayaw kong maturingan na nagpauto.

Ito at ang Twilight Saga ang mga bagay na sobrang sumikat na hanggang ngayon ay di ko pinagkakainteresan. Ngayon, Twilight Saga na lang.

Halos isang linggo pa lang naman ako nagkakaroon nito. Pero nakita ko na kung bakit naaadik ang mga tao dito. Halos isang linggo nakong may account at naaliw din naman ako. Wala naman akong balak iexpand ang Twitter life ko. Wala nga akong sinusundan na kakilala ko ng personal. Puros celebrities lang. Ayoko nga magtwit. Gusto ko lang may maisulat.

At dahil dyan. Eto ang mga napansin ko sa isang linggong pagbukas ng Twitter.
  • Malaking tulong siya (lalo na kung follower ka ng MMDA). Kanina P300 lang ang nagastos ko sa taxi dahil nabalitaan kong traffic sa may airport dahil sa welga. Kung di ko nalaman yun, siguro P600 ang binayad ko at sobrang nalate ako.
  • Microblogging nga siya. Effective pa. 140 characters lang alam mo na ang nasa isip nila. Di mo na kailangang basahin ang ga-nobelang post ng mga tunay na blog.
  • Ang hirap gumawa ng twit na 140 characters lang. Facebook stats na lang ako.
  • Ang kuleet ni Superstarmarian!!! Pero minsan medyo sablay yung mga jokes niya.
  • Nakakatuwa din sundan si Kuya Kim. Mayroon kang matututunan. Mga kalokohan. 
  • Wala akong naexperience pang twitter wars. Pero sabi nila, sundan ko lang daw sina Ogie Diaz at Mo Twister. 
  • Di mo na kailangan maghintay na iapprove ang follow request mo para mabasa ang nasa isip ng mga artista. Di gaya ng sa Facebook (oo ikaw yun Ginger Conejeros!!!).
  • Di ako adik. Di ako maaadik.
Di ako nagsasabi ng tapos. Sinabi ko nga noon di ako magtutwitter pero eto ako ngayon, nagsusulat tungkol dito.

Bigyan niyo nga ako ng dahilan kung bakit dapat kong ituloy ang kalokohang ito?

Kung gusto niyo akong sundan (kahit wala namang laman ang twit ko, hanapin niyo na lang ang pangalan ko).

17 comments:

khantotantra said...

ako din noon sabi ko di ako magtwitwitter... pero mali ako. hahaha

di na ako nagfollow ng celebrity much lalo na yung mga overspam ng timeline. ahahah :D

zeke said...

maaadik ka rin. hihi

Skron said...

my affair with twitter is like mountains and valleys. It goes up and down (more down). But I follow my fave bands and writers though, and deals!

I'm CheapskateSkron by the way

RHYCKZ said...

Chuwirrreeerrr daw kuya ang tamang pangpronounce dun...hahaha

ako rin di adik sa chwireerrr.

Stone-Cold Angel said...

sige mag follow-an tayo sa twitter...

hehehe!

The Gasoline Dude™ said...

FOLLOWED! Ako tinanggal ko almost lahat ng celebrities na ni-follow ko dati. Maaadik ka kapag ni-follow mo ibang bloggers tapos magkukulitan kayo sa Twitter.

Madz said...

ako din naadik kaya naman sa sobrang topak ko inunfollow ko lahat :)) ngayon na lang ulit ako nagdadagdag, yung madalas ko na lang makatweet

L said...

ahm...wala kasi akong twitter account kaya hindi ako maka-relate. loljoke!

wala rin pala 'kong facebook account.

ano lang, blog. ang loser ko! XD

Rah said...

sinubukan ko din ang twitter, naaddict, nagsawa, narealise ko na it invades my privacy, tapos binura ko.

Pati facebook binura ko narin.

Someday bubukasan ko din sila ulit lahat.

-=K=- said...

Ako rin mas masarap magbasa ng mga celebrities, news at mga MMDA traffic updates. Chaka pag minsan at walang magawa, ayan kakulitan sina gasul atbp. Hehe.

I-follow nga kita :)

Anonymous said...

Maaadik ka din diyan, promise! Dati sabi ko stay true blue fan lang ako ng plurk, pero ngayon nahatak na ako ng chwirrer,, masaya siya kapag ni-follow mo na fellow bloggers tapos magkukulitan lang kayo, nagpa-flood ng timeline ng isa't-isa ... Follow kita ha! :D:D:D

Anonymous said...

natawa ako sa emphasis kay Ginger. :P

rainbow box

aajao said...

ang gusto ko sa twitter ay ang pagka-random nito. random thought posting, bonus na lang ang followers na talagang sumusubaybay sa twits mo.

follow me, kahit di ako celebrity @aajao :P

Raft3r said...

magiging adik ka
pramis
hehe

FerBert said...

Bumalik ka na lang sa Plurk Kuya Gibo. Haha!

NoBenta said...

meron din akong twitter account. hindi ako naadik pero naku-curious ako sa twwets ng mga sinusubaybayan ko! follow-an tayo ha! \m/

jbq1520

Klet Makulet said...

kasinungalingan!! hahaha maaadik ka rin diyan promise! Kakanta ka din ng "nagsimula sa patingin-tingin(patikim-tikim)..pinilit kong gustuhin.. bisyo'y nagsimulang lumalim...kaya ngayon ang hirap tanggalin" yeah! lakas tama! hahaha good luck!