Alam ko wala naman talagang nakakamiss sa akin. Alam ko wala naman talagang nagtatanong. Pero dahil natural na sa pagkatao ko ang maging defensive, magpapaliwanag ako.
Kung inyong matatandaan, mga ilang linggo pa lang ang nakakalipas, ay nabanggit ko na may tinanggap akong bagong posisyon. Lateral movement, nagbago lang ang aking titulo, pero di naman ako napromote. Isa na akong Super
Ibig sabihin natatambakan na ako ngayon ng trabaho. Ang dati kong petiks na buhay ay isa na lang alaala. Araw araw ay may testing ako, may mga meeting, may mga isyung kailangang tapusin. Kapag weekend naman ay magkasama kami ni Kasintahan o kaya naman ako'y nasa harap ng telebisyon, naglalaro ng PS3 o XBox. Wala na talagang panahon sa net. Kung binubuksan ko man ito sa bahay, yun ay para na lang magdownload ng mga palabas sa telebisyon.
Ganito pala ang feeling ng busy. Nakakastress!!!
********************
Madami akong nakatambak na kwento sa drafts ko. Di ko natutuloy dahil walang oras. Minsan nasimulan ko na, pero dahil naputol ang trail of thought (shet trail of thought) nakalimutan ko na yung karugtong.
Sayang may isa pa naman akong magandang kwento. Saka na lang, kapag naalala ko na kung ano yung detalye nung kwento.
Basta nagpapasalamat pa rin naman ako at busy ako ngayon, kahit wala na pera.
********************
Bumigay na din ako. Di ko na matiis. Nagtutwit na ako. Nakaprivate nga lang ang account ko. Ayaw ko magkaroon ng kaaway kaya para na lang sa mga kakilala ko ang nakapost doon.
Meron na rin pala akong Google Plus. Wala nga lang oras ibrowse ito. Yung Facebook ko naman, feeling ko going the way of friendster na. Ang dami na kasing kamag-anak akong dinedecline ang friend request.
********************
Maikling kwento lang.
Kanina, matapos ang pagkatagal-tagal na panahon, inispray ko yung Scent of a Man ng Body Shop. Itong cologne na 'to ang paboritong amoy sa akin ni Joy. Kaya biglang naalala ko siya. The one who got away.
Wala namang nanumbalik.
Wala lang naalala ko lang.
Nakangiti ako sa bus dahil dun. Ni-twit ko pa nga.
Kaya lang, ilang minuto lang pagkaupo ko sa bus, biglang sumakay si Kuyang Nigger. Obviously maitim siya. Malaki. Nakakatakot. Yung tipo bang sa airport, yung magpapasuksok ng droga sa puwet mo. Ganung hitsura. Oo panget siya.
Kaya lang hindi lang yun yung katangian ni KN. Tang-ina ang BAHO BAHO BAHO niya!!! Alam niyo yung amoy ng lumang bus? Yung iniipis? Parang ganun na may sakay na apat na bumbay na hindi naliligo. Ang sakit sa ilong. Kumakapit. Na-overpower yung amoy ng pabango ko.
Walang halong biro, mula Baclaran hanggang sa LRT sa Buendia naaamoy ko siya. Sa harap ako nakaupo, siya sa likod. Yung naamoy ko lang yung nung dumaan siya, pero shit naglinger ng pagkatagal-tagal ang amoy niya.
Ayun lang naman ang kwento ng buhay ko sa ngayon. Sana sa mga susunod na araw mabakante ang oras ko.
Pero hindi ako nagrereklamo. Gusto ko ang mga ginagawa ko.