Mga Sumasampalataya

Jun 22, 2011

NAAALALA MO PA BA NOONG NAGSUSULAT KA

Hindi ako masyadong napapaikot sa mundo ng blogosperyo, pero minsan may manaka-nakang mga post na nagpapaalala sa akin kung bakit ko minahal ang mundong ito.

Nakakatuwang magbasa ng mga blog ng kabataan, dahil naaalala mo kung paano ka rin dati. Ewan ko kung dahil ba ito sa edad ko, o dahil iba na ang kalagayan ko ngayon.

Medyo matagal na rin akong di nakakapagsulat ng mga napapansin ko sa mga makabagong manunulat. Pero gaya ng sabi ko noon, parang cycle lang ang blogging. Umiikot. Umuulit. Iba nga lang ang nagsusulat.

Naaalala mo pa ba noong nagsusulat ka.

ANG LUNGKOT NG BUHAY DAHIL SINGLE AKO
Nalulungkot ka tuwing umuulan. Nalulungkot tuwing Pasko. Umiiyak kapag araw ng mga puso. Nagsummer vacation ka mag-isa kaya depressed ka. Nagbibirthday ka at ang nag-iisang hiling mo ay ang magka girlfriend o boyfriend. Ang goal mo tuwing bagong taon ay magkasyota. Ang buong mundo mo ay hindi iikot hangga't single ka. Magpapakaplastic ka minsan, at sasabihin mo masaya ang single blessedness, pero ilang linggo matapos, ay magmumukmok ka dahil mag-isa ka.

ANG SAYA NG BUHAY DAHIL MAY SYOTA/ASAWA AKO.
Ipopost mo ang anniversary ninyo. Ipopost niyo ang monthsary ninyo. Ipopost mo ang weeksary niyo. Ipopost mo ang daysary ninyo. Ipopost mo pag nag-away kayo. Ipopost mo kapag nagkabati kayo. Ipopost mo kapag namimiss mo siya. Ipopost mo ang dates ninyo. Ipopost mo yung pagmamahal mo sa kanya. Medyo nakakasuka. Pero mahal mo, bakit ba. Oo. Ako yan.

WALA NANG NANGYAYARING MAGANDA SA BUHAY KO.
Magkukwento ka ng kwentong masalimuot tungkol sa buhay mo. Kung ano ang hirap na dinanas ninyo. Kung paano ka niloko at iniwan ng minamahal mo. Magkukwento ka kung paanong sinira ang buhay mo ng bulok na sistema ng bahay niyo, eskwela, trabaho o pamahalaang Arroyo at Aquino. Hindi ka nakikinig sa mga nagsasabing maganda ang buhay. Ikaw lang ang may karapatang magdrama sa mundo. At kapag may nagbibigay ng payo na hindi mo gusto, gigyerahin mo ito.

IKAW NA ANG TAMA. IKAW LANG.
Ikaw na ang nagbibigay ng tips kung paano maghandle ng pag-ibig. Kung anong klaseng girlfriend/boyfriend ang dapat hanapin ng mga mambabasa mo. Nagbibigay ka ng payo kung paano maghandle ng hiwalayan. Ng away ng mag-asawa. Minsan pa nga, gumagawa ka ng post para sagutin lahat ng tanong ng mga mambabasa mo. Ikaw na si Charo Santos Concio ng blogging. Pero sa totoo, disi-otso ka lang at di pa nagkakasyota.

IKAW NA ANG GUSTONG SUMIKAT.
Aktibo kang magkumento sa mga tahanan ng mga sikat na blogger hoping na yung mga nagbabasa doon ay mapapadaan din sa bahay mo ang mga mambabasa nito. Gumagawa ka ng kung anu-anong pautot masabi lang na in ka. Makikijoin sa mga tag na post ng iba. Gagawa ng kung anu-anong badge para sa kanila. Mamimigay ng award. Ililink mo lahat lahat sila kahit hindi mo binabasa. Magsusulat ka ng kung ano ang in. Makikisawsaw sa isyu o sa mga nagbablog war. At araw araw kang nagsusulat para ikaw ay sumikat.

IKAW NA MAHILIG UMINOM NG SPRITE.
Ikaw yung nagpapakatotoo. Yung isusulat ang tunay na damdamin mo. Wala kang pakialam kung may nagbabasa o wala ng mga sinusulat mo. Minsan isang sentence lang ang ipapublish mo. Hindi mo hangad na magkaroon ng bagong kaibigan. Ng syota. Ng kung ano pa man. Basta nagsusulat ka dahil dun ka masaya. Minsan ikaw lang nakakaintindi sa mga sinusulat mo. Pero ikaw yung gustong kaibiganin ng mga tao. Mayroong kokontra sa mga paniniwala mo, pero dedma ka lang dahil nirerespeto mo ang opinyon ng ibang tao.

********************

Ang dami nang nagsusulat sa mundo. Nakakatuwa kadalasan. Nakakainis at nakakalungkot kung minsan. May mga pagkakataon na gusto mong ihinto pero nahihirapan kang tigilan.

Masaya eh. Nakakatanggal ng stress.

Ang hirap iwan.

Ikaw, naaalala mo ba noong nagsusulat ka? Sino ka sa kanila?

22 comments:

pmm012 said...

nakakatuwa ngang balikan.. at minsan hindi lang dahil nakakawala ng stress, kundi dahil minsan gusto ko ring alalahanin kung ano ako dati, kung ano ang mga pinaniniwalaan ko dati na nagbago na sa ngayon. Minsan sa bilis ng ikot ng buhay, sarili mo na ang nakakalimutan mo.. kung sino ka, kung ano ka... at kapag binabasa ko ang mga naisulat ko dati.. naaalala ko, at lalong nabubuo ang pananaw sko kung sino ba talaga ako..

Spiral Prince said...

Natawa ako dito:

IKAW NA ANG TAMA. IKAW LANG.

lalo na sa hirit sa huli. :P

Ako yung nagsusulat lang noon para makatanggal ng stress. Kasi pag nagsusulat ka, parang may ayos sa magulo mong buhay.

Namulat lang ako sa komunidad ng mga bloggers nung nag comment kayo ni ewik, at ni citybuoy sa mga post ko. Nakalimutan ko na pano ako napadpad sa mga blog niyo, basta, nagkokomento lang ako sa mga post na nakarelate ako, tapos yun, the rest is history na, ika-nga. Ang saya at napakamakulay ng blogging community. :) Di ako kilala, pero an dami kong nakilala! :)

NoBenta said...

naisipan kong magblog para mai-share ang mga walang kuwenta kong mga experiences noong dekada nobenta. parang "late diary" ko na rin itong maituturing. wala akong pakialam kung may mga gustong magbasa sa mga sinusulat ko, basta gusto kong magsulat. :)

YOW said...

Ayy. Wala yung NAGSUSULAT LANG DAHIL MAY OKASYON. Hahaha. O kaya, NAGSUSULAT PARA MAY MAGING POST LANG SA MONTH NA YUN.. At hindi ko alam kung sino yung ganyan ah? Hahahaha. Hindi ako!

The Gasoline Dude™ said...

HAHAHA! Napa-reminisce tuloy ako tungkol sa mga early blogging days ko. Sobrang EMO ko. Buti naman at nabawasan. Pero onti lang. LOL!

Ano nangyayari sa 'yo at hindi ka na masyadong nagba-blog?

daemonite said...

ako? nagsisimula palang sa mundo ng blogelya... sana makakilala ng mga frends... hays

Rah said...

I guess bloggers grows in me. Naalala ko pa yung mga una kong mga post, so immature. pero hindi ko binubura. parte na yon kung sino ako dati. Helps me remember the good times.

Raft3r said...

Hindi ako blogger.
Hindi ako maka-relate.
Hehe

Unknown said...

Nakuha mo halos lahat at sapol na sapol ako. Haha.

echoserangssf said...

Ako na, ako na ang mahilig uminom ng Sprite wahaha. Namiss ko na dito ah, minsan kasi di ako makapagcomment ewan ko ba bakit.

Chyng said...

Magbasa ka ng Blog ko at tantanan nyo ko!!

- yan ako. ayoko kasi kinukulit ako ng iba tungkol sa ginastos ko sa isang trip ko. haha

khantotantra said...

at one point or another, naging isa ako sa mga nailista mo except dun sa nagkajowa/asawa. lol.

ako nasa kung-ano ano lang maipost blogger. wahahaha. kung ano ang trip ko, un lang :D

Kane said...

Puede namang magbago ka diba? Hehe.

Parang ikaw langgggggggg

an_indecent_mind said...

ako yung.....

o di ko na maalalala! kasi singdalas na ng patak ng ulan sa kinalalagyan ko ang pagsusulat ko ngayon..

musta na boss?

shyvixen said...

natuwa naman po ako dito... ako ay nagsisimula lang din magsulat... at ako ang palaging umiinom ng sprite... hahahahhaha.... ang galing namn ng post nio.. sana makapagpalitan tayo ng link... Keep it up..... :D

Anonymous said...

Indeed, it is very nostalgic to read posts that you can relate to. Not to mention, it is more nostalgic to read your old posts and be amazed of what you have become. We grow. We grow. We learn. That is best part of blogging. We learn as we grow.

Anonymous said...

hahha guess ko da katandaan talaga yan... heheh joke lang chong ha.. hehehe

Photo Cache said...

kumusta na? tagal kong di nadadaan dine ah. hope you're all fine. pag may time ako babasahin ko yung mga na miss kong posts mo.

Maldito said...

noong una? siguro nga nagsulat ako dahil alam ko kaya ko ring magsulat..pinatunayan ko at ginawa kong mahalin. sa katunayan nga, mas mahal ko pa ang blogging keysa sa work ko.lol.
pero totoo, dala sa katandaan yan.ahahhaa.joke

glentot said...

I'm glad wala ako sa kanila. Pero dun sa "IKAW NA ANG GUSTONG SUMIKAT" I have a specific person in mind bwahahahaha. Sya na talaga.

Anonymous said...

minsan nahihiya ako pag nababasa ko ang old posts ko, nyahaha. ito ang nagpaalala sakin nun.

mangpoldo said...

ako, san nga na ako nagsimula? sa maraming bagay. sa maraming paraan. pero napadpad sa blospot at ayun... nagsulat ng nagsulat.

blogger ba ako? hindi ko alam. blogger bang maitatawag ang magpopost lang minsan sa isang buwan, o dili kaya kung maisipan. blogger bang matatawag yun. napakadiverse kasi pag sinabi mong blogger ka. depende sa interes at depende sa panahon. panahon ng pagkagusto mo at sa interes na ginugusto mo.

siguro nagsusulat ang ilang 'blogger' para may mabasa sila. o kaya para may mailabas sa kukute nila. pero anut anupaman...strategically... lahat tayo nagsusulat regardless kung may magbasa man o wala, that is... kung yun nga.

meron isang blogger, na kinagigiliwan ko dati. si sibuyas at si holy kamote. kaso parehong nabulok yong dalawa. sayang naman... substantial kasi sila pareho.

"Hindi mo hangad na magkaroon ng bagong kaibigan. Ng syota. Ng kung ano pa man. Basta nagsusulat ka dahil dun ka masaya. Minsan ikaw lang nakakaintindi sa mga sinusulat mo." totoong totoo to. wala akong masasabing laban dyan sa talatang yan. nakuha mo. sakto.

hala napahaba ang komento ko, potah. blogpost na ata. haha. sige salamat.