Medyo matagal-tagal bago ako nakakapag-update ngayon dahil walang laman ang utak. Puros pilit na post lang. Umaandar lang ang pagiging mediocre blogger natin. Wala lang talagang maisulat. Pasensya na rin kung di ako masyadong nakakablog hop. Bawal na kasi sa opisina ang mag-internet. Kaya patakas na lang ako gumamit nito. Masunuring empleyado lang. Sa bahay naman, tulog lang ang inaatupag ko madalas.
Kaya eto muna. Mabilisang Komentaryo muli. Dahil mahilig akong magbigay ng mga kumentong hindi naman hinihingi.
AMERICAN IDOL
Nagbago ang isip ko mula ng nagkaroon ng Top 40. Dati nabanggit ko na nakakaantok ang palabas na ito. Pero binabawi ko na ang sinabi ko. Ang gagaling ng mga talento ngayong taon. Walang patapon. Well, meron pero kaunti lang. Natutuwa ako’t may nakapasok na Pilipino. Mas natuwa ako nang matanggal si Clint. Nakakairita lang yung boses niya. At mas nakakairita yung ugali. Ang mga gusto ko ngayon sina Thia, Casey, Pia at Scotty.
**********
MOMMY
Kaarawan niya ngayon. Unfortunately, wala na akong pera. Nangutang na ako last week sa tatay ko. Kaya yung hinihingi niyang regalong cake sa akin ay hindi ko maibibigay L Sabi ko sa kanya bili na lang siya tapos irereimburse ko sa sweldo. Pero di ko kinaya ang gusto niyang cake… Mango Bravo ng Conti’s.
**********
EFBEE
At dahil birthday ng nanay ko… ibig sabihin birthday din ngayon ng isa kong blog friend. HAPPY BIRTHDAY EFBEE aka Ferbert Bautista aka Kokeymonster!!!
**********
SUMMER
Umiinit nanaman. Gumising ako kanina na pinapawisan. Kulang nanaman sakin ang isang electric fan. Ibig sabihin niyan summer na!!! Pero kanina nalate ako pumasok. Kasi ang lakas ng ulan, bigla sa amin bumaha. Something tells me it’s gonna be one wet summer. I like.
**********
PIMPLES
Nagpapasalamat ako’t hindi masyadong tigyawatin ang mukha ko. Kung meron lumalabas ay paisa-isa lang. Kaya lang lately dumarami ang nagiging tagyawat ko. Ang problema kung saan saang parte ng mukha ko siya lumalabas. Sa likod. Sa dibdib. Sa pwe—likod. Masyado na ba talaga ako mataba at buong katawan ko ay naglalangis at naglalangib? Bwiset!!!
**********
TRABAHO
Dahil sa naganap na rigodon sa amin ngayong buwan, ay nagkaroon nanaman ako ng bagong team. Bagong boss. At bagong titulo. Napaisip ako kung handa na ba ako para dito. Syempre dahil sa bagong titulo, ibig sabihin na magkakaroon na ako ng mas maraming responsibilidad. Nagpapasalamat ako na kahit minsan ay pepetiks petiks ako, ay nabibigyan pa rin ng pansin ang aking trabaho. Wish ko lang na kaakibat ng bagong titulo ay isa pang pagtaas sa aking sweldo (Malabo!!!).
**********
OUTSOURCED
I just want to promote this show to you guys. I want to spread the word on how hilarious this show is and a bit relatable to a lot of Filipinos. Outsourced is a show about a Specialty Items Company Manager who was transferred to India to run their company’s outsourced call center. This is funny because watching the show, I remember a lot of my experiences when I was working for the industry. The customers, other agents, upselling, spiels. Just about everything that made working in a call center fun. Plus we get to learn a little about the Indian culture too. I love Gupta. And Mardri. I think 2nd Avenue will start showing the sitcom this month (if it hasn’t started already).
(Kailangan talagang English yung post na yan nang malpractice naman ang English ko. Tagal ko nang di nakakapagsulat sa ingles.)
**********
BLIND ITEM
May nasagap akong tsismis na may dalawa akong kaibigang blogger na nagdate. Nakakatuwa lang dahil pareho ko sila kaibigan. Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ng kanilang paglabas labas. Pero masaya ako para sa kanila. Two less lonely people in the world. Good luck sa inyong dalawa!!!
Wag niyo na rin akong tanungin kung sino sila, dahil hindi ko sasabihin. Basta naexcite lang ako. Hopefully mabawasan na ang mga emo post sa blogosperyo ngayon.
**********
SIGNS…
Na tumataba na ang kaibigan ko. Hindi na siya makatingin sa salamin. Ayaw na niya masyado magpapicture. Kailangan na raw niyang bumili ng mga bagong pantalon. Nahihirapan na siyang huminga minsan. Lumulubog na yung isang parte ng kama niya. Natutulog na bukas ang ilaw dahil hindi na nakakabangon sa gabi para patayin ito dahil sa bigat ng katawan. At nakasimangot na ang mga katabi niya sa fx pag sa gitna siya umuupo.
Ang totoo, wala talaga akong kaibigang ganyan. Ako yan.
**********
Yan na muna. Saka na ang cohesive na post. Pag nagka-inspirasyon na ako ulit.
23 comments:
Happy birthday sa Mommy mo... at masarap sa Conti's kahit isang beses pa lang ako nakatikim ng cake nila na bigay ng kuya ko.. lol...
at happy birthday din sa kaibigan mo.. gusto ko ng summer pero ayuko ng umuulan. Ayuko ng ulan. period.
lol...
at ganun ba talaga pag tumataba? nagkaka-pimples kung saan saan.. madame din ako sa ulo..sa ulo mismo hindi sa noo.
at natatamaan na din ako sa signs..may gad.
kakatawa yung outsourced, nasa episode 16 na ako. napanood ko na din yung movie nia :D
Kulit ni Maduri, lalo na yung 2nd episode :D
pareho tayo, di ko nagustuhan si clint.
Happy Bday sa mommy mo!
And yes asar din ako ke CLint haha, wlang bumoto sa kanya dahil sa gaspang ng ugali nya. Overacting din! I also like Casey & Scotty hehe :)
Wow napromote ka friend? CONGATSSS!!! :) Papizza ka naman dyan! Or Mango Bravo ng Conti's! Hehehe. And happy bertdey din kay mudrabels.
P.S. Sino yung nagdate? Dali na, ibulong mo nalang saken. Hehehe!
Kilala ko ba 'yang dalawang nag-date na 'yan?
Parang walang may gusto sa peyborit ko sa American Idol: si Ashthon Jones! :(
Happy birthday sa iyong mommy!!! MInsan lang naman daw sa isang taon magbirthday kaya kung magdemand dapat bongga na...hehe gusto ko ring matikman yang cake na yan, magaganda kasi nababasa kong review.
Hindi ako makarelate asa A.I.Mara Clara na lang kasi ang napapanood ko bago matulog.
Nga pala, season 1 ang umeere ngayon na Outsourced sa Universal Channel, every thursday. Di ko sure if umeere na sa 2nd Ave.
Hmmmm...kaibigan ko din ba ang dalawang blogger na ito?? Ayan ha ibang tanong yan, so dapat sumagot ka..LOL
ang gagaling nga ng contestant ng ai ngayon. hehehe.
happy bday efbee
kung ang pagtingin sa salamin ay makakabawas ng yung kompiyansa. bkit titingin? ^_^
Hindi na ko nanonod ng AI mula last season. Mula nung natanggal si Paula. Sya pinakagusto ko kase parang lageng naka shabu.
Naintriga me much sa Blind Item! Kinabog ang tsismis powers ko! Hahaha.
Gusto ko sanang makapasok si Tim, pero meh, no luck!
Happy New Year kay Nanay!
Good luck sa kaibigan mo!
mas cool at masarap manood ngayon ng AI compare mo last season... the best para sa akin ang seaosn 8. Cool si JLo at si Steven... ang bet ko sa top 13, Thia, Pia, Casey, James, Karen, Lauren, Paul at Scotty. Pero ang pinaka bet ko manalo at may dating na AI...sa Babae si Lauren at sa lalaki si James
naks! amoy promotion!
san ba celebration? sama ako jan! wahehe!
chismoso ako.. hahaha sino kaya yun.. sana kilala ko din..w aheheh...
pero yung sa American Idol... nako sana manalo si Casey or Scott.. hahah boto kaya ako sa dalawang yan.. hahaha
gusto kong malaman kung sino yung nagdedate. hahaha.
happy birthday kay madir!!! at kay Sir Ferbert!! yay!
short and wet summer daw nga for 2011! ammp!
nakita ko na teaser ng outsourced. funny nga!
salamat sa pagsabing magaling si scotty, natuwa ako crush ko siya. kamuka siya ni.. hehe. haberdey sayong mommy at congrats sa bagong titulo sa work!
congrats sa promotion pare :)
hanep sa update ah mabilisan hehehe
sino namang ung 2 blogger na un hehehe
congrats sa promotion!!!
let me help you sa vacation trip mo! finally!!! woot!!!!!
happy birthday kay mama mo:)
tag init na din dito sa gitnang silangan.
akala ko ako yun sinasabi mong mataba, eh
hehe
kamusta bday ni ermats
kakagaling ko lang ng contis
dumating kasi mga classmates ko sa baltimore
don ko dinala
Sna manalo sa American Idol ung bet ng Pinas. Makahanap nga ng DVD ng Outsourced.
Dapat pala me meet-up ang bloggers nung bday ni Efbee sa Jolibee! hehehe!
ayos lang 'yan. marami ka namang parang pambili ng mga bagong damit at pantalon. di ba TL? lol!
pibeerday sa ermats mo, pre. pati rin pala ang alien ng buladaspir eh nagbeerday. isang kampai para sa nag-iisang efbee! \m/
re: kwentong bad days
pumasa ako ng upcat dati pero sa kasamaang palad, hindi ako pinayagang mag-aral dun. long story. ang masaklap pa dun, quota course 'yung pinasa ko. tae lang talaga kasi salang-sala 'yung mga pinapayagang mag-quota course tapos hindi pa natuloy. emoshit to da max!
kung nasan man si joy ngayon, isipin mo na lang na hindi na siya makakakita ng titeng katulad ng sa'yo. at pagsisisihan niya 'yun habambuhay. loljoke!
Chismoso ka. Lagot ka daw. Hehe. "Nag-date". :-P.
Post a Comment