Kaming dalawa paiba-iba ang kanta dahil pareho kami mahilig sa musika. Pero malaki ang aming pagkakaiba. Mahilig siya sa melody, habang ako naman ay sa lyrics. Isa pang pagkakaiba namin, sobrang paborito niya si Mariah Carey, habang ayaw ko naman sa kanya. Minsan nag-aaway pa kami dahil dyan.
Pero hindi ito tungkol sa mga pinag-aawayan namin, so simulan na natin. Babala, medyo cheesy ang mga kanta namin... and jologs.
AT LAST
Theme song ko 'to para sa kanya. Sa mga hindi pa nakakaalam ng kwento namin, bago naging kami pitong buwan kaming magkaibigan lang. As in alam mong may feelings kayo sa isa't-isa pero hindi masabi sa kanya. Kaya sobrang nakakarelate ako sa kanta. Sa wakas, naging akin din siya.
PANGAKO SA'YO
No judgements, i find the song sweet. Kanta niya ito para sakin kasi noong bago pa lang kami, meron kaming mga pagdududa kung magtatagal ba kaming dalawa. Ang sweet lang.
NGAYON AT KAILANMAN
Isa pang awit na pinili niya para sa amin. Naaalala ko nung tinext niya sa akin yung lyrics. Akala ko pa naman compose niya kasi ang ganda ganda ng mga salita. Yun pala galing sa kanta. Alam ko lang noon pangkasal siya, pero yun pala pag mahal mo talaga yung tao, tatamaan ka sa mensahe ng awit.
BEST DAYS
Matagal ko nang paborito itong awit na ito ni Matt White. Upbeat. Light. Sa totoo lang, pareho kaming mahilig sa musika, pero ang taste namin medyo magkaiba. Si Kasintahan paborito si Mariah Carey, Muse, Radiohead at Justin Bieber habang ako naman ay James Morrison at Jon Mclaughlin. Pero nung pinarinig ko itong kanta sa kanya nagkaroon na kami agad ng something in common.
SO CLOSE
Noong nanuod kaming dalawa ng dvd ng Enchanted minsan, nainlove siya sa kantang ito. Tamang-tama dahil matagal ko nang gusto itong kantang ito ni Jon Mclaughlin. Sa totoo lang medyo malungkot yung kanta at hindi pang magsyota pero itong kanta kasing ito eh merong significance saming dalawa kaya mahal namin ito.
SMACK INTO YOU
Isa pa naming paboritong kanta. Well, mostly sakin dahil ito talaga yung pinakapaborito kong awitin. At sobrang naaappreciate ko sobra na gusto niya yung kanta. Maganda naman talaga kasi siya.
SIGNALFIRE
Pinag-awayan namin ito kanina lang. Hindi dahil sa di kami nagkasundo, pero basta mababaw lang. Anyway, isa ito sa mga paborito kong kanta at isa ito sa mga pinakamagandang wedding songs para sakin. Hindi naman sa umaasa akong ikakasal ako sa kanya (malabo naman mangyari yun), pero kung sakali man mangyari yun, itong awit na ito ng Snow Patrol yung nakikita ko na patutugtugin sa kasal namin.
VCR
Isa sa mga paboritong klase ng mga awit na gusto ni Kasintahan ay mga indie music. At itong kanta ng The XX ang pinakapaborito niya. Sa sobrang paborito niya pinadownload niya agad sa akin yung kanta. At dun ako natutong magdownload ng kanta gamit ang blackberry ko. Maganda yung kanta, di ko pa lang gets masyado yung lyrics, pero masarap siya sa tenga.
THERE FOR ME
Ito lang ang awit ni Mariah Carey ngayon na sobrang pinilit niyang ipakinig sa akin. As in nag-away kami dahil sa kantang ito. Pero noong napakinggan ko, nagets ko kung bakit gustung-gusto niyang maging theme song namin ito. Dahil nakakarelate siya sa kantang ito. Ako daw yung taong pinatutukuyan ng kanta para sa kanya. Ito lang yung kanta ni Mariah na natotolerate ko.
IT MIGHT BE YOU
So cheesy and so 90's high school, I know. Pero ganun talaga siguro. Una naming awitin ito dahil nga nakakarelate siya sa kwento ng kanta. Dahil noong umpisa mayroon kaming pagdududa kung para kami sa isa't-isa. Pero gaya ng sabi sa kanta... "something's telling me it might be you." Kaya ayun na. "Maybe it's you I've been waiting for all of my life." Siya na nga.
Kayo ano ang awitin niyo sa Kasintahan ninyo?
21 comments:
gaganda ng theme songs nio ser. :D lalo na yung sa enchanted.
hi ser! ni-DL ko yung mga kanta. pampa-inlove. :P
karamihan di ako familiar unless marinig ko yung tunog.
pero maganda nga ang best days.
naks! it might be you....parang minsan ko na din tong naging theme song dun sa crush kong hanggang ngayon e di pa din nya alam na crush ko sya.hehehe:)
I like most of the songs. Ang romantic lang ng mga Tagalog songs na yun no? Buti walang S&M by Rihanna.
So Close!!!!!!!!! :D
ang dami nyong theme song sir! pwede nyo na gawing cd para sa inyong wedding giveaway!
Mariah fanatic here, too! bwahahaha. maganda ang mga lyrics talaga ni Mariah. :D
wala ako nyan!!!
pero I like Mariah. she writes her songs! yan ang artist!
wow sweet naman XD pareho pala tayo, marame din kaming theme songs hehe
Ang theme song ko para sa aking Kasintahan ay Better That We Break by Maroon 5.
favorite ko din yung so close...napapaluha nga ako sa tuwing naririnig yan..iwna..parang magical eh....nahahalungkat ang pait sa kailalimlaliman (korek ba to)...
nag dejavu ako sa post mo na to....napaginipan ko kasi ang SIGNALFIRE na binabasa ko daw...blog mo pala.ma iresearch nga,
oh shit!!! ang ganda ng signalfire!!!!!!!!!!!!!!!!!!!bumalik talaga ako para sa ganito lang...salamat kuya jao mapa!
try listening to this ring by t carter!! ahehe
Mula 3rd year highschool hanggang ngayon, may mp3 pa rin ako ng So Close! Grabe talaga ang goosebumps ko when we watched the movie. o.o
PASS. Haha. Wala akong kasintahan. Cheesy nga pag may syota, pero wala akong naging theme song ata? Haha. Paborito ko lang na lagi kinakanta sa kanya, magtiis siya sa boses ko. Ayoko pa ishare ang title at cheesy nga. Hahha.
Well, who would have thought you're the type to have theme songs? Hahahaa. I enjoyed reading this honey =)
It is a good feeling no?
Kane
waw. ganda ng selection=). eto ang akin ....baby now that i found i wont let u go. i build my world around u. i need u so, baby even though you dont need me now....
-legaspijuly
I love it when he sang these songs:
The Last Time by Eric Benet
You're Still You by Josh Groban
Hero by Enrique Iglesias
May pagkaboyband kasi siya dati. Hahaha. Seryoso.
Tapos one time, nung nirequest niya kay Thor (yung pinoy R&B singer) na kantahin ung Just One Dance, natunaw ako. Hahaha.
ang cheesy lang.. pero parang ang lua ng iba.. heheh joke...
Ayos yun list mo...
try mo visit yun sa akin... click.
nice set of themesong sir
favorite din namin dalawa yung so close. as in. wala lang nakarelate lang ako. katulad nyo mahilig din kami sa music kaso more on oldies siya ako naman rock at alternative.
paki sabi sa kanya corny si mariah carey
hehe
Post a Comment