Mga Sumasampalataya

Mar 14, 2011

SA MGA NAGTATANONG

Natutuwa ako dahil kahit nawawala ako ay marami pa rin ang nangangamusta at naghahanap sa akin.


Kahit nakikichismis lang kung sino ba yung dalawang blogger na nagdedate. Gaya ng sinabi ko wala akong sasabihin tungkol dito. Tikom ang aking bibig.



Anyway ang isa pang madalas na itanong sa akin ay tungkol kay Joy. Bakit daw ba madalas kong nababanggit ang taong ito sa mga blog ko. Parang di pa nakakamove-on ba. Hindi naman sa ganun. Matagal na akong nakamove on dun. May Kasintahan na nga ako.



Pero syempre, hindi naman na maikakaila na malaking bahagi rin yung taong iyon ng buhay ko. Hindi lang dahil sa minsan ko siyang pinagnasahan kundi dahil hanggang ngayon ay isa siyang mabuting kaibigan. Tsaka andami naming pinagdaanan niyan.



  • Ang paghihiwalay nila ng siyam na taon niyang syota.

  • Ang pagdala ng tanghalian para sa akin sa opisina.

  • Ang pag-amin ko sa kanya ng aking nararamdaman.

  • Ang hindi pagkikita ng mahigit dalawang taon.

  • Bankruptcy era.

  • Ang pagpapadate sa kanya sa isang kaibigan.

  • Ang epic fail ng kanilang date. As in EPIC!!!

  • Ang mga kalokohan niya sa kanyang relasyon ngayon.

  • Ang pakikiramay sa aking depression moments bago naging kami ni Kasintahan.

  • Mga Tagaytay at road trip moments.

  • At higit sa lahat ay ang mapagkatiwalaan ng masalimuot na kwento ng kanyang nakaraan.

Konti lang yung mga kaibigan ko na ganun ka-open sa akin kaya pinahahalagahan ko yun. May pagkaphobic yun sa mga taong katulad ko ang preference, pero sobrang tanggap niya pa rin ako. Kahit pa noon inamin ko na mahal ko yung tao. Malaking bagay na sa akin ito.



19 comments:

Jinjiruks said...

nice post. marami na pala kayong pinagdaanan ni Joy. good for you. hindi ka niya nilayuan nung sinabi mo nararamdaman mo sa kanya. buti ka pa at madali mong nasasabi yan. ako hirap na hirap dahil iniisip ko ang consequence pag ginawa ko iyon. sana tumagal pa ang inyong frenship and who knows dba. somewhere down the road. hehe! tc always gil.

Unknown said...

Siya pala si Joy. Hehe. He's cute. No wonder...

khantotantra said...

akala ko si joy ay babae based from name. maling akala. :D

Chyng said...

omg, weeklong in Boracay?! afford mo yun? panalo! ikaw na!!!

Kane said...

Sounds like you guys had a eventful history =) He's lucky to have someone like you.

Kane

emmanuelmateo said...

hello my dear frend..im here to visit u.pa follow naman po?and ill do the same..thanks po!

Jayvie said...

omg! di ko alam na sya pala yun! omg! hahaha

Anonymous said...

wee.. ang sweet sa kaibigan o... hehehe

Maldito said...

ang tanga tanga ko lang...all the while i thought joy is a girl..wahahhahaha

-ssf- said...

ehem ehem haha

Anonymous said...

pwede naman mahalin ang tao kahit hindi yung mahal as in mahal diba? sige lang go. hehe

Boris said...

wow kakaibang moments iyan ah buti at kahit papaano eh may nakilala kang ganyan :)

eh sino ba talaga mga yun =))

Boris said...

wow kakaibang moments iyan ah buti at kahit papaano eh may nakilala kang ganyan :)

eh sino ba talaga mga yun =))

escape said...

sa dadami pa.

David said...

I love you Joy! haha joke lang pre.

Good day folk.

http://arandomshit.blogspot.com/

Raft3r said...

nalilito ako sa pangalang joy
hehe

escape said...

konti nga lang talaga ang open kasi nasa pagtitiwala yan. pero sigurado dadami din kasi sa dami ng mga nagiging matitinong kaibigan.,

Dorm Boy said...

No comment actually, makikibasa lang hehehe!

L said...

ako rin, akala ko babae si joy. ang iniisip ko pa nga nung una, babae siya na nagkagusto sa isa pang babae kasi sabi mo nagka-gf siya. lol!