Mga Sumasampalataya

Dec 31, 2009

BISITA

Dumating kami sa bahay tatlong oras bago magpalit ng taon. Nagulat ako't meron nang mga bisita. Yung mga karaniwan nang nakikikain sa amin tuwing mayroong okasyon. At isang pamilyang ngayon ko lang nakita.

Maingay ang mga bata. Malilikot. Takbo ng takbo. Makukulit.

Naisip ko tuloy wala talaga akong balak magkaroon ng anak sa ngayon.

Para mapalayo sa mga makukulit na mga kamag-anak naisip kong magkulong muna sa kwarto. Manuod ng telebisyon para naman di masayang ang oras habang hinihintay magputukan sa labas.

Hindi rin naman ako sasama sa kanilang lahat mamaya pag nagsimba sila. Mas gugustuhin kong mag-isa muna sa bahay. Titikman ang mga inihandang pagkain.

Isa't kalahating oras bago magbagong taon, naisip kong wala na lahat ng tao sa bahay. Nagsimba na silang lahat. Tahimik na ulit maliban na lang sa mga tambay sa labas na nagsisindi ng trayanggulo para takutin ang mga baklang dumadaan sa kalye namin.

Medyo nakakatulog nako nang makarinig ako ng mga sigawan.

Yung mga batang maiingay kanina. Bumalik na sila agad?

Sunog!!!

Sigawan ng mga bata. Nataranta akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto.

Inaasahan kong makakapal na usok ang bubulaga sa akin dahil nga may sumisigaw ng sunog.

Walang sunog hijo. Narinig kong bulong sa akin ng nanay.

"Naglalaro lang pala yung mga bata," kinakabahan kong sagot sa babae.

Malungkot ang mag-asawa. Siguro dahil hindi nila kayang pigilan ang mga makukulit na bata.

"Happy New Year po." bati ko sa mag-asawa.

Ngumiti lamang ang mga ito. Naisip kong bumalik na lang muna sa kwarto. Mukhang mabait naman yung pamilya at wala rin naman silang mananakaw sa bahay namin ang inisip ko.

Naalala lang nila yung nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Noong nasunog ang bahay namin. Kasama kami.

Biglang nanlamig ang aking katawan. Parang isang bato, hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Kaya pala walang pumapansin sa aming mga bisita.

Ako lang ang nakakakita sa kanila.

**************
Happy New Year sa lahat!!!

14 comments:

thecurioscat said...

Happy New Year!

lee said...

takutan sa bagong taon =D a happy 2010! :)

gege said...

ang kulit...
kainis!
haha.
matatakutin pa naman ako...
buti na lang nakikita ako ng lahat ng bisita namin!
o baka naman ako ang may hindi nakikita na bisita namin...
woOoooOOh!
nice one!
happy new year!!!
:p

Mokong™ said...

Happy New Year pareng Gilbert!
Halloween sa New Year?!!!
Hahaha

♥superjaid♥ said...

happy new year!happy new year!

glentot said...

The Others!!! hehehe akala ko pa naman magsusuplado ka yun pala pag multo na eh mabait ka rin hahaha

Raft3r said...

akala ko episode ng shake rattle and roll na
hehe

happy 2010, gillboard!

Kosa said...

kakaiba!

Iba ka talaga parekoy!

aNU NA naman ba ang nahithit mo at kakaibang trip na naman ang lumabas sa isip mo..lols

pero astig talaga parekoy.

Happy New Year!

Chyng said...

iskeri! haha

apinuyir Gibs! Ü

engel said...
This comment has been removed by the author.
gillboard said...

moks: la lang... la maisulat eh.. hehehe Happy new year!!!

gege: sino yung katabi mo?

lee: para maiba naman.. di laging putukan...

cat: happy new year!!!

gillboard said...

chyng: maiba lang!!! happy new year!!

kosa: salamat parekoy. glue lang katapat niyan... o kaya paste!!!

raft3r: takbo talon tili o kaya regal shocker lang... hehehe

glentot: di naman ako suplado... hehehe

jaid: happy new year happy new year din!!

- A n g e l - said...

My first scare of the year. Haha. Happy New Year!

7a'faR said...

thanks for share...

abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~