Mga Sumasampalataya

Jul 30, 2009

A TOYS STORY

I really don't have anything in mind to write right now so I thought, why not revisit my childhood just like other bloggers have been doing the past few weeks/days. I'm an only child so sometimes, if I make lambing to my parents, I usually get what I ask for.

So I listed some of my favorite toy series, which until after I graduated from college I still played with. Usually having them wrestle each other.


DINO RIDERS
I loved the cartoons back then, but I loved the toy series even more. I didn't get the big dinosaurs like the T-Rex or Diplodocus or Brontosaurus no matter how big the tantrums I made back then. Good thing though, I have rich neighbors who had some of the dinos. So usually, we play with each other to have more Dinos and to create a story. This actually got me fascinated with dinosaurs for a time. These were the types of toys where you're cool in school if you own one.

TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES
What little boy who grew up back in the 90's didn't have at least one toy from this show. They're probably the coolest thing to come out of that era. I had four. I remember loving this because I liked seeing the toys that I had on tv. I often brag to my friends that my toys are often seen on tv (Wingnut and Leatherhead). I know I still have some of these toys, I just don't know where I placed it.
GI JOE
The other toy that no kid did not have during my time was GI Joe. I didn't have much of these because they easily get stolen. I don't know why I enjoyed playing these toys as most of them can't even hold the guns that come with the toy. When I had my 7th birthday, alot of the gifts I received were GI Joes. Unfortunately I only got to keep 2 of those. Like I said, most of it got stolen. I remember having Bazooka, Duke and Destro.
VISIONARIES
This was one of my favorite cartoons back when I was in 4th grade. So when I saw these action figures being sold on one of the stalls in our school's plaza, I sort of freaked out. It was one of the things I wanted to have right away. You see, during those times holograms were cool. Pictures are different when you point it at the sun, sort of like 3D as well. It was one of those toys that aren't really that expensive, but you'll have to work really hard so your parents will be forced to give it to you as a reward.
PLAY DOH
I was not really creative as a child. But these were the toys back then that were in. Your classmates usually bring one can of these things every Friday to play with after or during classes. It's clay, so you can form literally anything that you could imagine. I had the burger shop set, so I was able to form cabbage leaves, tomatoes, pickles and whatever it is that you put on a sandwich bun. The funny thing about it is that it's the best way for everyone to know who among our classmates are circumcised and who's not.
LEGO
These things made me realize how much I needed to learn about following instructions. The first time I got a box of Lego when I was a kid, it took me one whole month to form the robot that it was supposed to have been modeled from. I didn't know which block to put on top of the other. Although, I was good at creating a human head, complete with a mouth that opens. My parents hated these toys mostly because I don't clean up after my mess and they usually step on those blocks.
GHOSTBUSTERS
I only had Egon Spengler for a toy back in grade school. But I think, that this was one of the most creative action figures that I've ever seen even til now. Monsters would transform from ordinary people. A ghostbuster action figure can change from a normal guy to what he'd look like when he sees a ghost. It's just a fun toy. Oh yeah, and the cartoon was great too. I remember crying when ABS-CBN showed the last episode of the original series. They even showed other kids saying goodbye to the beloved tv show.
HE-MAN
I liked He-Man. I think when I was a kid, I had most of what the franchise was selling. The coloring books, the story books, the action figures, his sword. I think Grayskull was one of my ultimate wishlist to Santa Clause. I envied my neighbor who had He-Man's tiger, while I only have Man-o-War (or is it Man-of-arms?). My rich kid neighbor had He-Man and I so wanted to steal it and keep it somewhere only I could play with it (which I almost did). Only thing that kept me from doing so was the fact that if I get caught, I won't be able to play with his family computer forever. But I really wanted to keep it for myself.
Yeah, being a kid back in those days is really cool.

Jul 28, 2009

KWENTONG KUNG ANU-ANO LANG

Sa tingin ko, nagbalik nanaman sa available ang status ko mula sa dating. Simula nang huli kaming nagkita ni Singer, hindi pa kami nagkakatext o nagkakausap. Sigurado akong wala akong nasabing mali noong huli kaming nagkita, kasi hindi naman kami talaga masyado nag-usap nun.

Marahil nga walang spark.

Minsan tuloy naiisip ko, katawan ko lang ang hanap ng mga ito.

Yak!!!

**********
Noong weekend, naranasan kong maglaba sa unang pagkakataon sa buong buhay ko. Mahirap. Masakit sa likod. Hindi maganda sa pakiramdam ng sabong panlaba, nakakangilo. Inabot ako ng dalawang oras sa paglalaba ng limang pirasong underwear (alam ko too much info).

Mayroon pa akong ilang piraso ng t-shirt, shorts at polo na nakababad. Hindi ko pa alam kung ano mga dapat kusutin sa mga iyon. Kailangan ba yung buong damit? O pwede ba na kahit yung mga gilid lang, kwelyo at manggas?

Malapit ko nang sukuan yang paglalaba na yan. Leche.

**********
Noong Biyernes ngapala, nagpadentista ako. After almost two years, nahawakan ulit ng dentista ang mga ngipin ko. Natrauma kasi ako noong halos dalawang taon na ang nakakaraan nang imarder ng dati kong dentista yung wisdom tooth ko.

Abnormal kasi yung tubo noong dalawang wisdom teeth ko, pagilid imbis na pataas. Yung isa, dahil nakakasakit na ng bibig, eh kailangan kong ipabunot. At dahil medyo aanga-anga yung dentista ko, at dahil na rin ayaw iwan ni wisdom tooth yung gilagid ko, nasira yung katabing ngipin nito. Kaya yung dapat na isang ngipin lang ang tatanggalin, naging dalawa.

Pero di naman ako nagalit, naiintindihan ko, dahil kita naman sa ebidensya (ngipin ko) na ayaw niya talagang iwan yung mga gilagid ko. Yung korte ng ngipin eh parang hook. Tsaka nung tinanggal yun, kita ko pawis na pawis siya. Kaya matagal-tagal din akong nawalan ng lakas ng loob na bumalik sa mga dentista.

**********
Ang kwento ko talaga ay tungkol kay Monday. Kanina kasi, nakasabay ko siya sa FX papuntang Baclaran nung papasok ako. Nakatabi ko siya sa harapan. Noong una, hindi ko siya namukhaan, kasi hindi naman talaga ako tumitingin sa mga nakakatabi ko sa fx. Matagal na rin kasi nung huli kong makasabay sa sasakyan si Lunes. Kung di ko nga siya nakasabay ngayon, malamang nakalimutan ko na siya.

Napansin ko lang na si Monday nga yun, kasi nakita ko yung cellphone na gamit niya. Naaalala ko na yun din yung gamit niya noong huli ko siyang nakasabay, nung nagbabay lang ako sa kanya.

At dahil maysa pagkachismoso ako, sinisilip ko kung sino yung katext niya sa ganitong oras. Mukhang hindi naman boypren dahil walang bahid ng kaswitan sa mga text. Kasi nga, katabi ko siya, mahirap siyang masilip, dahil obvious kung titingnan ko siya, so sa sidemirror na lang ng fx ko siya sinisilip. Alam ko tinitingnan din niya ako. Kahit nakaharap yung ulo niya, nakikita ko ang mga mata niya na gumigilid sa may side ko.

Ewan ko ba, kinikilig ako.

Jul 25, 2009

ANGAS

Gabi. Alas dose. Pagod akong sumakay sa fx galing sa gimik na hindi ako masyadong nag-enjoy. Napagastos nanaman ako. Ayokong gumagastos ng malaki sa mga bagay na hindi ko naman talaga gustong gawin. Mainit ang ulo ko. Gusto kong matulog.

Tididudut Tidududuuut... Tididudut Tididududuuut...

May nagtext sa katabi ko. Ang ingay ng cellphone niya.

Nilingon ko ang katabi ko. Parang sekyu lang sa tabi tabi. May angas ang mukha. Mukhang mayabang tong ugok na to ah.

Nilabas ko ang cellphone ko. Pumunta sa applications, at nag-internet gamit ang phone ko. Gago ka, ang angas mo... may ganyan ba ang 3210 mo? sa isip-isip ko.

Itinago ng katabi ko ang telepono niya. Yan... matuto ka.

Tama na pagyayabang, nanalo na ako. Itinago ko na ang telepono ko. Sa wakas pwede nako bumalik sa pag-idlip.

Ilang saglit lang, nagising muli ako, di dahil sa ingay ng telepono pero dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking tagiliran.

"Putang-ina mo ka, pag nagsalita at gumawa ka ng hindi ko gusto, ibabaon ko sa'yo tong icepick ko." bulong ng katabi ko. "Gawin mo lahat ng sasabihin ko puta ka at makakababa ka dito sa fx na 'to ng walang butas sa katawan. Naiintindihan mo?!"

"O-o-opo." nanginginig kong sinabi.

"Akin na ang wallet mo, cellphone tsaka yang bracelet mo. BILIS!!!"

"Kunin niyo na po yung pera, iwan niyo na lang sakin yung mga id ko. Kailangan ko po yun." Tiningnan ko ang paligid ko. Walang nakakaalam sa nangyayari samin dito sa likod. Malakas ang radyo ng drayber na nakikinig ng mga kwentong kabastusan ng mga tagapakinig nito. Mahimbing naman ang tulog ng nag-iisang pasahero sa gitna ng sasakyan.

"Tarantado ka, sinabi ko bang pwede kang magsalita?!" Idiniin ng mama ang nakatusok sa tagiliran ko.

Gustuhin ko mang sumigaw, hindi ko magawa dahil sa takot na tuluyan ako nito. Ginawa ko ang gusto niya. Kinapkapan ako ng mama, tila naghahanap pa ng mga makukuha sakin. Pati bayag ko kinapkapan.

"'Ina mo, nakita mo mukha ko... pag nagsumbong ka sa pulis, alam ko kung saan ka nakatira. Hahantingin kita putang ina ka!!!" binulong niya sa akin. Tuluyan niyang idiniin yung ice pick sa gilid ko. Naramdaman ko ang dugo na tumutulo na palabas ng katawan ko. Pero hindi ako pwede masaktan. Gusto ko pang mabuhay.

Hinugot ng lalaki ang patalim at sinaksak akong muli sa tagiliran. Mas malakas ang pagtusok sa ikalawang pagkakataon at ramdam kong mas malalim ang baon. Hindi ko gustong mamatay ng ganito. Diyos ko tulungan niyo ako, tanging dasal ko.

BANG.

Naramdaman kong huminto ang sasakyan. Naririnig ko ang mga sigawan. Maraming tao ang nakita kong nagkukumpulan sa sasakyan. Pero nagdidilim na ang paligid. Wala na akong nararamdaman.

Gumising ako sa kwartong hindi ko kilala. Biglang nagsisigaw ang isang pamilyar na boses. Ang nanay ko, natatarantang tinatawag ang tatay ko.

Wala na ako masyadong naalala noong gabing iyon. Pero sabi nila, pulis daw yung isang pasahero ng fx. Nung nakita na daw niyang sinaksak ka na, binunot na niya yung baril at pinaputukan ito sa mukha.

Hindi na ako mag-aangas ulit.

***********
Wala ako makwento... maglalaba pa ako... magsasaing at bibili ng kakainin namin ng mga aso ko. Next week pa ako liliban sa opisina ng isang linggo. Sigh.

Jul 22, 2009

LONELY BOY CHRONICLES

Nang unang malaman ko na iiwan ako ng mga magulang ko sa bahay namin na mag-isa, ang unang pumasok sa utak ko eh: mabubuhay ang sex life ko!!! May dinedate ako ngayon... may 5-day weekend ako... wala sa Pilipinas ang mga pakialamerong kapitbahay namin... lahat ng puntos para magkaroon ako ng maligayang weekend eh nasa sakin kaya nagbunyi ako.

Kung tutuusin hindi naman ito ang unang pagkakataon na iniwan ako dito mag-isa. Noong isang taon nagbakasyon sa Amerika yung dalawa sa loob ng anim na buwan na dahilan kung bakit iniwan ko ang dati kong trabaho. Sanay na ako.

Yun nga... dapat masaya ako ngayon... pero hindi masyado.

Pagod ako. Di gaya ng dati, na andito ang mga pinsan ko, wala talaga akong kasama na tutulong sakin. Ako ang naghuhugas ng mga plato. Ako ang nagpapakain sa mga aso. Walang magluluto para sa akin. Nauubos ang pera ko kakabili ng ipapakain sa sarili ko at sa mga aso naming maarte sa pagkain. Ako ang magpapalaba sa lahat ng damit ko. Pagkatapos ng linggong ito, wala na akong malinis na underwear!!!

Hindi rin alam ng mga magulang ko kung kailan sila babalik. Malamang sa August daw. Balak nilang pumunta ng Cebu at Samar. Parang andami nilang pera!!! Sigurado rin akong pagbalik nila kung kailan man yun, eh wala akong makukuhang pasalubong. Baka isang balot ng otap.

Anyway, lonely boy chronicles ako ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit, pero mas gusto ko ngayong mapag-isa. Noong linggo, andaming gustong iinvade ang bahay namin para magparty, pero di ko pinatulan. Kagabi, gusto ng date ko na magkita kami, pero mas ginusto kong matulog. Masaya ako ngayong nagtatanim ng mga prutas at gulay sa Barn Buddy. Siguro wag na kayong magtaka kung bakit hanggang ngayon single pa rin ako.

Naghahanap ng sosyotain, pero kapag may dumarating, mas ginugusto kong mag-isa.

May kulang yata ang turnilyo ko. Ano ba problema ko?

***********

Si Date... tatawagin kong si Singer. Yan na lang muna... Nasa stage kami ng getting to know each other pa lang naman. Text text... Tawag tawag... Hanging out lang...

Nagkiss na kami. Kaya lang... Wala pang spark... Kunsabagay smack sa lips lang naman yun.

Ang problema... mas gusto kong mapag-isa ngayon... Oo na... asal loser na ako.

Jul 20, 2009

ANG HANAP NG MGA BABAE

Dahil nasa gitna ako nga aking bakasyon, naisip kong magrepost ulit. Vacation mode din ang utak ko ngayon.

Hindi ako eksperto pagdating sa mga kababaihan. Siguro, kung ganun nga ako, eh malamang hindi ako single ngayon. Pero dahil, medyo naaliw ako sa pag-aanalisa ng mga gusto ng mga lalake sa mga babae, eh ngayon gusto ko namang isulat kung ano sa tingin ko ang hinahanap ng mga babae sa ating mga lalake.


Ang inyo pong mababasa eh pawang mga opinyon ko lamang, mga sagot ng ilang babaeng katabi ko at mga isinumbat sa akin ng ex ko noong hiniwalayan niya ako. Nasabi ko na ba sa inyo na minsan na akong nasabihan na hindi marunong magmahal? Wala lang, gusto ko lang sabihin. May kwento yun, pero saka na lang.

Gaya ng nakaraan kong post, alisin na natin ang mga obvious na hinahanap ng mga babae, mga pisikal at materyal na bagay. So out na ang guwapo, maganda ang katawan at mayaman.

Gusto ko sana ilagay ito sa 'battle of the sexes' na label, kaya lang wala naman atang papatol. So anyway, ayun... simulan na natin to...

PERSONALIDAD: Mas naniniwala ako kapag babae ang nagsasabi na hindi importante ang looks para sa kanila, kesa sa lalake na nagsasabi nun. Pansin ko ang mga babae eh mahilig sa mga lalakeng malakas ang personalidad. Mapakomedyante, bad boy, o kahit nerdox basta kaya nilang dalhin ang sarili nila, eh ok sa mga babae yun. Maglakad lakad ka sa mall, makikita mo, andaming mahuhusay na mga kababaihan nakikipag holding hands sa mga lalaking mataba, pandak, nakakalbo o panget. Siguro, yung ibang lalake eh ubod ng yaman, pero kadalasan, kapag nakikita mo sila, ang mga babae eh masayang masaya, kahit di kaguwapuhan ang kasama nila. Ang mahalaga kasi, eh napapatawa sila. In short, hindi boring.

SPONTANEOUS: Minsan may mga magsing-irog na matagal na ang relasyon, yung tipong higit sa limang taon nang nagsasama, kulang na lang yung papel para sabihing talagang mag-asawa na sila, pero nagkakahiwalay pa rin. Ang madalas na sinasabing dahilan ng babae eh nagsasawa na sila sa isa't isa. Wala kasing bago. Masyado nang nasanay sa isa't-isa na nakakalimutang minsan kelangan lagyan ng anghang ang kanilang pagsasama. Yung tipo bang, minsan sa isang taon eh lumabas ng Maynila, o kaya nama'y gumawa ng activities kapag may date. Dagdag pogi points sa lalake ang marunong manurpresa ng kanilang girlfriend. Na kahit sampung taon na kayong nagsasama, eh may mga bagay pa rin na noon niyo pa lang magagawa.

MAY EFFORT: Siguro kahanay na ito ng pagiging spontaneous, hanap ng mga babae ang mga lalakeng marunong mag-effort. Ang kaibigan ko, kapag nag-aaway sila ng boyfriend niya, kadalasan ang dahilan ng away na iyon eh wala siyang nakikitang effort sa kanya na iparamdam na mahal niya yung babae. Yung simpleng bigyan siya ng pasalubong kapag may lakad ito sa labas ng Manila o kaya'y paminsan gastusan naman ang mga date nila (yung tipong di na sa Chowking at SM Cinema ang lakad nila). Yung kapag may tampuhan sila, yung lalake yung manunuyo kahit minsan yung babae ang may kasalanan. Siguro, pwede nating isulat dito eh yung lalakeng responsable.

MAGALING SA KAMA: Ang mga babae, tahimik man ang mga yan, sa totoo eh malilibog din yan. Nasa loob ang kulo. Naku, kung naririnig niyo lang ang mga girl talk ng mga yan, kapag hindi sila nasatisfy... kawawang lalake. Dahil nga inherent sa mga babae ang pagiging chismosa, eh kelangan mo talagang magperform sa kama. May kakilala ako na nakipaghiwalay sa asawa at sumama sa tibo dahil yung asawa niya ay hindi siya nasatisfy sa kama (of course, hindi lang yun yung dahilan). Pero mahalaga talaga na kaya mong paligayahin ang isang babae sa kwarto. Guys, minsan hindi masama makinig sa mga girl talk, kasi minsan, tuturuan ka pa ng mga niyan ng technique na ginagawa sa kanila ng partner nila.

MAHABA ANG PASENSYA: Siguro jackpot ang mga babae kung ang nahanap nilang boyfriend eh kaya silang samahan na mag-ikot ikot sa mall ng walang naririnig na reklamo. Bibihira kang makakakita ng lalakeng papayag na magspend ng tatlo hanggang limang oras para samahan ang gelpren na mamili ng damit at sapatos. Tapos wala namang bibilhin. Feeling ko nga ang mga lalakeng kayang gawin yun eh nawiwili ring magsukat ng damit ng babae sa sarili nila. Biro lang po. Ang punto ko, ang lalakeng mga ganito eh mahahaba ang pasensya. Hindi lang naman sa pamimili, makikita ito. Alam naman nating lahat na minsan sa isang buwan, ang mga babae ay
nagiging aswang. So sa mga panahon na sila'y may sungay, dapat kami'y makakapagkumbaba. O kaya naman kapag hormonal. Actually, kahit sa paghingi ng mga desisyon (pabagobago kasi ng isip ang mga babae) kailangan din mahaba ang pisi namin, para walang away.

Alam ko madami pa. Si Bridget Jones nga, ang haba ng listahan. Dagdagan niyo na lang, kapag may naisip kayong bago.

Jul 17, 2009

FILM REVIEW: HARRY POTTER AND THE HALF BLOOD PRINCE

The long weekend is finally upon me. After today's shift, I have a 5-day break to cover for my not being able to file another leave during the next couple of months that I'll be training for our new business unit, which I'll be joining next month. This is not in any way related to the movie, and I'm too tired to erase all of the words I've already typed so just bear with me with this paragraph. I just wanted to say that I have a 5-day weekend. Alone at home. Without my parents. And without annoying neighbors to monitor everything I'm doing (cue horns and devilish grin).

Alright, enough about that. I'm writing this post assuming that since all of you are reading my blog, that you've already read the book... so spoilers abound. So if you haven't and don't want to know what happens in the movie. Just scroll down and read my previous posts. Don't click on the X button.

EDIT: I just reread the review and realized that I didn't spoil anything major that happened in the film. So it's kinda safe to read it... but if you don't want to risk anything just scroll to my other previous posts.



You're still reading this so I guess that means you want to be spoiled. Let's get it on.

I'll start with this: Among all of the Harry Potter books, The Half-Blood Prince is one of my least favorite books in the series. And it doesn't help that it references events that happened from my least favorite book of the series: The Chamber of Secrets. But having said that, I still find the movie really good.

It's been over a year since I last read the book, so I'm not really sure how faithful this adaptation is. But in any case I do remember having read most if not all of the things that happened in the movie. Clocking at two and a half hours, this movie is really long, and despite the length you'd find that it isn't action heavy unlike the last two films. I've heard some of the people who saw the film yesterday say that it's kinda boring. But one thing that's very noticeable about this flick is that it's visually stunning.

So, the kids are now grown up. Problems arise because of their lovelife and not because of kid stuff like ogres in the girl's bathrooms, werewolves for teachers or triwizard tournaments. Harry, Ron and Hermione are back at Hogwarts on history's darkest days. Voldemort's confirmed to be alive and the Death Eaters are bringing chaos all over the muggle and magic communities. Dumbledore's tasked Harry to find out the secret to defeating Voldemort by watching people's memories of the young Tom Riddle. While love is in the air for alot of the main characters of the series.

Just like the book, the film's not really action-oriented. Fight scenes are few and far between. That's basically the reason people tend to say that it's boring. I think there's a total of three fight scenes in this movie and not one of them lasted longer than five minutes. But if you're into cinematography and artsy fartsy stuff, you'd appreciate this movie. I love the shots in the cornfield fight scenes, the island fight scenes. And this is the movie where I realized that Hogwarts really IS a beautiful place. The movie is really visually stunning. To be fair, not once did I look at my watch during the entirety of the film (unlike the Transformers running scene which lasted about 45 minutes... I think... I still love T2:ROTF)

Prior to watching the movie, I saw all five of the previous films so it's nice to see how everyone grew up and improved over the course of the six films. Eight years and six films Rowling's series still makes me believe in MAGIC.

In any case, now I'm really looking forward to seeing the last two films based on Harry Potter and the Deathly Hollows.


RATING: 8.5 out of 10 stars

Jul 16, 2009

REPOST: ANG HANAP NG MGA LALAKE

Medyo naghahibernate ata ang utak ko nitong mga nakaraang araw. Puros Harry Potter na lang ang laman ng utak ko ngayon tsaka yung pinost kong status update sa Facebook (wag kayo mag-alala ikukwento ko yun one of these days). Medyo may kinalaman rin naman kasi ito dun sa mga nangyayari sa buhay ko nitong linggong nagdaan.

Anyway, naisip kong irepost ito, dahil napansin ko na isa ito sa madalas na hinahanap sa google ng mga babaeng clueless yata sa mga hinahanap ng mga lalake.

Habang nag-iisip ako kanina ng magandang topic, nabanggit ng aking katabi na si Denise na magsulat ng mga bagay na nagugustuhan ng mga lalake sa mga babae. Ano bang dapat meron sila para masabi namin na sila ay attractive?

NGUNIT!!! Obvious na ang magandang mukha, malaking boobs, at mahusay na katawan ay kasama na sa mga listahan, pagbigyan naman natin ang mga hindi pinalad. Ang mga ililista ko eh yung mga katangian ng pagkatao na gusto namin sa opposite sex. Yung mga dahilan kung bakit nasasabi nilang LOVE IS BLIND.

O siya sige, ang haba na ng opening ko, simulan na natin ito...

MAY PAGKAMISTERYOSA: Meron kasing mga taong, unang kilala mo pa lang, eh ikukuwento na sayo ang buong life story niya, ang history ng pangalan, ang buong kwento ng mga kanunu-nunuan, at kahit ang kwento ng alaga ng kapitbahay ng pinsan ng aleng nagtitinda ng yosi sa harap ng building ng dati niyang pinagtatrabahuan (whew)... in short chismosa at madaldal. Ayos lang naman ang makwento, pero gusto rin namin na minsan ay gumamit ng detective skills upang makilala ng mabuti ang isang babae. Yung tipong pwede mong gamitan ng Socratic Method para malaman ang mga sikreto nila. Pero siyempre, pagnalaman naming may pagka-serial killer type pala sila... ibang usapan na yan.

BABAENG GAME: Not necessarily sa kama. Ang ibig kong sabihin, eh yung madaling mayaya. Game siya mag-go kart, manuod ng sine, kumain sa labas, magbasketball, kumain sa karinderya, magfishball. Sa madaling-salita eh hindi maarte. Koboy ika nga. Yung pwedeng one of the boys. Ang isa sa hinahanap ng mga lalake sa kanilang magiging girlfriend, eh yung tipong makakasundo ng kanilang mga kabarkada. Kung jologs ang barkada ko, eh jologs din siya. Kung sosyal, eh sosyal din. Hindi yung tipong, kapag kasama ng mga kaibigan namin, eh uupo sa isang tabi. Tapos pag pauwi na kami, saka ako aawayin.

SYEMPRE MABAIT: Nauunawaan namin na once a month, nagbabago pagkatao ninyo, pero kung araw-araw ang ugali mo eh parang lagi kang may tagos, eh isa kang malaking turn-off!!! Masarap maging single, masarap din yung may kapartner ka. Pero, kung ang girlfriend namin, eh hahayaan kaming mamuhay na para bagang single kami, eh nakajackpot kami... Eto ay mga babaeng di dapat pakawalan. Pag sinabi kong, mamuhay parang single, hindi yung tipong mambababae. Ang ibig kong sabihin, yung tipong hahayaan akong sumama sa mga boys night out. Hindi maldita. Papatawarin ka, kung minsang makalimutan mo ang birthday niya o monthsary ninyo. Hindi naman martir o linta. Pero yung tipong bukas ang isipan baga.

APPRECIATIVE: Ang gusto ng lalake eh minsan, napapansin at inaappreciate yung mga magagandang ginagawa namin. Hindi yung puros talak na lang ng mga kabalbalan namin ang naririnig namin. Ang isa pang ayaw namin eh yung kapag nag-aaway, eh iuungkat pa lahat ng kasalanan na nagawa namin noong previous life namin. Yung tipong hindi ko na nga naaalala na nangyari, inuungkat pa rin.

HINDI INSECURE: Siguro, lahat ng away ng magkasintahan, eh nagmumula sa pagiging insecure ng mga kababaihan. Nagseselos kapag tumitingin kami sa mukha (o dede) ng ibang babae. Yung tipong palaging nagtatanong kung tumataba ba sila (hindi cute yun, kung hindi kayo maniniwala sa sagot namin!!!). Iba ang pacute, iba rin ang insecure. At nakakairita ang mga babaeng walang tiwala sa sarili, lalo na kung namimihasa na. Ang sinasabi ko lang, eh kung ikaw ay babaeng confident, mataas ang plus points mo sa amin. Yung tipong, kaya mo kaming pahabulin at kaya mo kaming paglaruan. Madalas, nagiging bobo kami sa mga babaeng ganito, pero okay lang. Gaya nga ng sabi ko, us guys welcome the challenge. Kaya uso ang mga cougar ay dahil sa mga babaeng ganito.

MATALINO: Eto, personal choice ko. Ang gusto ko, eh babaeng kaya makipagsabayan sa mga usapan namin. Yung tipong may laman ang mga sinasabi, at hindi puros hangin lang. Hindi halata, pero tahimik akong tao, pero kapag ang babae, ay napagkwento ako tungkol sa mga bagay-bagay, kung hindi man kami magkatuluyan, eh kinikeep ko siya bilang isang kaibigan. Ayaw ko talaga sa mga bobo, dahil maikli ang pasensya ko. Ayokong kausap yung mga tipong, ang habahaba ng kwento ko, tapos ok lang yung sagot nila tapos change topic agad. Nakakasira ng mood.

Alam kong hindi makikita ang lahat ng ito sa iisang babae lang, pero ang mahalaga eh meron sila kahit at least dalawa o tatlo man lang sa mga katangiang ito, okay na ako. Hindi ko na pakakawalan ang mga ganito.

Jul 14, 2009

BUCKET LIST: THE FIRST 25

I'm not about to die. I think I still have until the age of 50 before I hit eternal slumber. Plenty of time to do some things that I would like to experience before the inevitable happens. I don't remember with whom I got this idea from, but it's from a fellow blogger. But in any case, whoever you are, thank you for giving me this idea.
  1. I'd like to get married at least once in my life.
  2. I would like to be able to go on a date outside of the city and be back by the end of the day.
  3. I'd like to get rid of my seafood allergy. People say I'm missing alot not eating those food.
  4. I want to go bungee jumping.
  5. Some mind blowing $3x with a foreigner would be nice.
  6. Ride a horse.
  7. Learn scuba diving.
  8. Master a different language (either Spanish, Italian or French or all three).
  9. Be inside the delivery room when someone delivers a baby (not necessarily my wife, but that would be ideal and appropriate).
  10. Visit a country in Europe or South America.
  11. Skinny dipping.
  12. Own a kick ass entertainment system (huge flat screen tv, awesome speakers, all next-gen consoles, and a lazy boy).
  13. Date a model (I think I've done it once, I'd like to do it again).
  14. Live in a condominium (I prefer a loft over anything).
  15. Be good in at least one sport.
  16. Watch a live show of WWE (I will only watch that show in Manila if Randy Orton is included in the list of wrestlers featured in a match).
  17. Organize something for my blogger friends.
  18. Have an adult surprise party on one of my birthdays.
  19. Donate blood.
  20. I know I'm too old to wear braces, but I need to have my teeth fixed.
  21. Shoplift (I really need to announce this!!!).
  22. Learn a really cool magic trick.
  23. Have a picture taken with a celebrity (local or international).
  24. Do something naughty in a public place (cinema's already done).
  25. Blog about all the things I'll be checking on my bucket list.

This has been a year when I've had alot of firsts. More than when I was 17, so in terms of achievements, 2009 is a good year so far. I'm at the prime of my life right now, and there's a lot of things that I would really like to do. I just need to have the motivation to do all of these things.

So this is a start.

Jul 11, 2009

THE INITIATIVE

Nakasabay ko nanaman kahapon si Monday. Unang-una hindi ko inaasahan na mangyayari yun kasi late na rin ng hapon nang umuwi ako. Magkatapat kami ng upuan dun sa likuran ng fx nakasakay. Kaming dalawa lang.

Iba yung naramdaman ko kahapon. Iba yung kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil kasabay ko siyang umuwi o dahil high blood nanaman ako. Pero sobrang sumikip yung dibdib ko.

Hindi kami nagkakatinginan masyado dahil busy siya sa kakatext kung kanino man. Iniisip ko lahat ng sinasabi ng mga nagbabasa dito. Na hindi siya engaged. Na kelangan ko na siyang makilala dahil malapit na rin naman magbago ang oras ko.

Ewan ko, kung nakita niyo siguro yung mukha ko kahapon.. mukha akong tanga. Contorted kasi mukha ko pag nag-iisip ako ng malalim. Di ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para ipakilala ang sarili ko sa kanya. Parang yung lakas ng loob kong mamik-up ng mga tipo ng mga kaklase ko noong nasa kolehiyo pa ako eh biglang nawala. Pinikit ko yung mata ko...

"Hi." nasabi ko.

Napatingin sa akin si Monday. Di siya sigurado kung siya nga ba yung kausap ko.

"Sorry, I don't do this, pero madalas kasi kitang nakakasabay pauwi. I just wanted to say hi. So hi!" sabay bigay ng awkward na ngiti.

"Okay? Uhmmm... Hello?" sumagot si Monday. Nakangiti.

"Mondays." kabado kong sinabi. "Actually, tuwing Monday, madalas tayo magkasabay."

"Yeah? Familiar ka nga." sabi niya.

"Not that I'm keeping tabs. Di ako stalker. Nagkakataon lang siguro na every Monday, nakakasabay kita. Weird nga kasi Friday ngayon."

Parang nagbago yung tingin niya. Natakot yata. Creepy ata yung pagkakasabi ko.

"I just notice. I'm good with faces kasi. Medyo hindi mabilis nakakalimot."

"Aaah. Okay."

"By the way, I'm Gil ngapala."

Napatigil siya. Nag-iisip kung ibibigay ba niya pangalan niya. "RC." sabi niya.

"Like yung cola?"

Tumawa siya. "Just like yung cola. Hahaha"

Ang ganda niya tumawa. Ang lalim ng dimple niya. In love na yata ako!!!

"Nice to meet you RC." sa isip ko finally may pangalan na rin yung mukhang nakakasabay ko halos linggo linggo.

Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba yung numero niya. Kasi parang hindi naman siya ganun ka interesado. At mukhang mabilis naman kung kukunin ko ngayon agad. Kakakuha ko pa lang ng pangalan niya. Baka isipin nun creepy stalker talaga ako.

"Uhmm.. RC.. okay lang ba.."

"Gatchalian lang po..." sabi ng isang pasahero.

If You See Kaye, will you tell her that I love her.
And if you see Kaye, let her know I want her back.
-sabi ng mp3 player ko.

Bumalik ako sa realidad. Nakatitig pala ako sa cellphone ni Monday.

Nakatingin siya sa akin. Alam niya na dito ako bababa, mukhang nagtataka bakit di pa rin ako gumagalaw.

Nagmamadali akong gumalaw sa kinauupuan ko para bumaba. Bago ko isara yung pinto, sinabi ko sa kanya "Bye."

Di ako gumalaw at tiningnan ko siya habang umalis yung fx palayo sakin. Tinaas niya mga daliri niya na parang nagpapaalam sakin. Naglakad ako kahapon mula labasan hanggang sa bahay na nakangiti. Kilala niya na nga ako.

************
Napansin ko lang... sa dinami daming beses naming nagkakasabay, ni minsan hindi ko pa naririnig ang boses ni Monday. Ni minsan nga, di ko pa siya nakikitang nagbabayad ng pamasahe. Siguro ginagawa niya yun bago siya bumaba o pagkasakay niya... o wina 1-2-3 niya yung mga fx. Hmmm...

Jul 9, 2009

PAGBABAGO

Simula Setyembre medyo may malaking pagbabagong magaganap sa buhay ko. Di naman siya ganun kalaking pagbabago. Pero matagal ko nang hindi nagagawa yung ganun, at hindi ako sanay. Dahil di na rin naman kayo iba sakin, at karamihan naman sa inyo wala namang pakialam, ikukwento ko na rin.

Ipinaalam na kasi sa programa namin na isa ako sa mga malilipat ng Operating Unit. At kasabay ng paglipat eh magbabago na rin ang schedule ko. Magiging ganap na bampira na ako. Tulog sa umaga at gising sa gabi. Shet, call center na call center.

Sigurado akong patay na patay na ang social life ko. Sigh. Weigh in natin ang pros at cons ng paglipat ko....

PROS:
  • Bagong programa ito. Ibig sabihin, ang opportunity na mapromote eh malaki, gayong alam ng lahat na talagang lalaki yung programa.
  • Marami akong mga bagong makikilala. Meron naman siguro ako ditong mauuto na magbasa ng blog ko.
  • Syempre dagdag pera din ito. Buo ang night differential!!!
  • Baka mabawasan ang petiks moments. Yay, less boredom at work for me!!!
  • Sa pagkakaalam ko hindi uso ang 6th day OT sa lilipatan ko. Hehehe.
  • Malamang papayat na ako ng tuluyan nito dahil ang hirap matulog sa umaga. Yay!!
  • Madadagdagan ang friends ko sa Facebook!!!
  • Maaaring kasabay ng paglipat ko ang paglevel up ko sa aking posisyon.
  • Makakapagblog nako sa oras na maraming online. Yay!!!

CONS:

  • Ang pinakamalaking con ay hindi ko na makikita at makakasabay si Monday sa FX.
  • Wala na nga akong social life dahil madaling araw na matatapos ang trabaho ko.
  • Mamimiss ko siyempre ang mga kaibigan ko dito sa programa ko ngayon, na nakasama ko rin ng isang taon.
  • Hindi ako ipapadala sa US, kagaya nang nung nagsimula ako dito. Namiss ko tuloy ang New Zealand.
  • Mahirap iadjust ang body clock. Tiyak sakit ang aabutin ko nito. What a great way to lose weight. O baka pro to? hmmmm...
  • May pasok kapag New Year!!! Shet!!! Magfifile nako ng leave!!!
  • Mahirap magcommute papasok kapag dapithapon na.
  • Hindi ko na makikita at makakasabay si Monday.

Maghahanap na lang siguro ako ng Tuesday kung sakali.

Jul 7, 2009

LIFE IN TECHNICOLOR

Si Epol op di Eye bibinyagan ko na ng Monday. Pansin ko kasi, lagi na lang Monday tuwing nakakasabay ko siya. Katulad kanina. Pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Hindi ako nahihiya. Kaya lang, wala talagang lumalabas sa bibig ko kahit gusto ko nang magtanong.

So ayun nga, kasabay ko nanaman si Monday kanina. Magkatapat ulit kami sa likod ng fx. At gaya ng dati, dahil madalas na kaming magkasabay noon, nagngingitian lang kami. Nag-uusap sa mata. Walang salita, flirting by way of the eyes sabi nila. Ang nakakatuwa, habang magkasabay kami, ang tumutugtog sa mp3 ko eh mga awiting ang sarap pakinggan habang may hinahalikan ka (Life In Technicolor ng Coldplay, Miracles at Love ni Matt White at Linger ng Cranberries).

Marami akong napansin sa kanya ngayon dahil medyo mahaba-haba ang biyahe, dahil sa traffic gawa ng malakas na buhos ng ulan. Medyo balbon pala siya. May kalusugan din ng kaunti pero tama lang. May pagkabumbay din yung hitsura niya. Malalim ang mata. May dimple sa kaliwang pisngi kapag ngumingiti at maganda ang mga ngipin.

Kaya lang napansin ko, meron siyang singsing sa kanyang middle finger. May ibig sabihin ba yun? Sabi nila engaged daw. Totoo ba yun?

Kung sakali, baka kailangan ko nang tigilan si Monday.

***********
At dahil wala akong masyadong maikwento ngayon, halo-halong ewan lang muna isusulat ko.

Noong weekend, dahil sa kakausi ko sa mga status updates ng mga kaibigan ko sa facebook, nakita ko ang isang katrabaho na nagkwento na dismayado siya sa kanyang trabaho. Dahil sa naawa naman ako, naisip kong pag-applyin siya sa gasolinahang tinatrabahuan ko.

Sinabi ko sa kanya na agad magpadala sa akin ng resume. Kinabukasan naman ay nagawa niya ito. Ngalang, pagbukas ko nagulat ako.

Bago ko isulat kung ano ang nakita ko, ipakikilala ko muna siya. Itago natin siya sa pangalang JLo. Di dahil kamukha niya si Jennifer Lopez, ngunit dahil dun nagsisimula pangalan niya. Anyway, wala na sa kalendaryo ang edad niya, at mas matagal pa sa akin yung nagtatrabaho.

Knowing that, sobrang nadismaya ako dahil nang buksan ko ang file ng resume nitong si JLo. Isang page lang ang nakita ko.

Usapan mula sa Facebook Inbox:

GILLBOARD: JLo, ayusin mo naman yung resume mo... hindi ka fresh grad... habaan mo naman... kahit kaunti lang...
JLO: Ganun? One page na lang ang uso ngayon... pero sige I'll fix it.
GILLBOARD: JLo, makikiuso ka nga, HINDI KA NAMAN TANGGAP!!! Maryosep!!!
JLO: hahaha! padalhan mo nga ako ng sample resume mo.. padala mo sa email ko. mwha

Naman kasi, sa panahon ngayon, san ka pa makakakita ng resume na dalawa lang ang skills. Tapos wala man lang background sa walong trabahong ginawa niya noon. Sumakit talaga ulo ko dun. Actually hanggang ngayon minamigraine pa rin ako.

Jul 4, 2009

FOOD TRIP PART DEUX

Pigging out is probably one of the best things to do when you're bonding with friends. Nothing makes bonding much better than when you have good food to share with.

Thanks to Louise (my officemate), I've been introduced to some really good places to dine in. So I thought, maybe it's about time I write again about some of the better places in the metro (or in Tagaytay) where you can enjoy some nice bonding moments at. If not the bonding, at least the food will make your visit there worthwhile.

MOM AND TINA'S BAKERY - I have a sweet tooth and I like what I tasted there. That's enough reason for me to start recommending this place. I'm not sure how many branches this little bakery has, but the one I've visited is the one at the back of Greenbelt. Man, they have the yummiest cupcakes and I loved the Silvanas from this shop. And I've only had a little taste, but their lasagna is the best. Just thinking about it makes me hungry... and I just ate.

FAT MICHAEL'S - Located in Bangkal, Makati, upon arrival you'd easily assume that the place is just like a little home that sells food. It actually looks like some family's sala. But don't let the look fool you, this place has some of the best food I've tasted. I loved every dish that was served to us when our team ate there yesterday. I'm not sure if we were entertained by the owners, but they were really nice. Stuff like that will make you want to always visit the place. It might be a little difficult to find if you're not familiar with the metro, but just like with treasures... it's going to be worth it.

MARCIANO'S - If you're looking for some fine dining places in the city without paying for the real thing, I suggest you visit Marciano's in Greenbelt. I've been there only twice, and had the same order, just because I really liked it. An order of a salad and pizza was more than enough to share if you're on a date and it's not gonna cost you as much. The waiters are quick and not difficult to call unlike in every other place, and the food just tastes great.

CHILI'S - This was were I was last night. This is a great place to hang out with your friends. Food is served in large portions and the environment just really spells f-u-n!!! I actually celebrated my second birthday this year last night here. It wasn't really my birthday, but I just went along with it, for the free ice cream. I loved the pasta, it was really good, and while not really the best, I've been craving for hot wings for a very long time. It's a great place to just chill and bond with your friends.

BAG OF BEANS - This quaint little restaurant in the middle of Tagaytay has some of the best pies I've tasted. Bag of Beans just may be a nice place to go out on a date because of the ambience. It may not have the scenic view of the main spots beside the cliff, but it really is cozy. You can bring your family there, because it's the type of place where you could impress people with your taste in food.

*****
Chili's is a memorable to me because of two things: One, I wore an 80s costume during our account's Christmas Party and two, last night was the first time I celebrated a fake birthday party. I've only seen these things on tv, I realized that stuff like these do happen in real life too.

Jul 2, 2009

BATTLE OF THE SEXES ROUND 5: BLOGGERS

Ang tagal ko na ring hindi nagsusulat ng Battle of the Sexes na post. Naisip ko, siguro nararapat lang ngayon na ibalik itong segment na ito sa blog ko, kahit once a month lang. O kapag wala akong maisulat siguro.

Hindi nais ng post na ito na gumawa ng issue. Gaya ng mga nakaraang naisulat ko tungkol dito, ang mga mababasa ninyo ay opinyon ko lang. Maaaring may tatamaan, maaari din naman na ako'y nagmamagaling lang at hindi ko alam ang aking sinasabi. Nasa inyo po yan, aking minamahal na mga mambabasa para pagdesisyunan. Hindi ako naghahanap ng away kahit pa may Battle dun sa titulo. Gusto ko lang ng isang matinong diskusyunan. Okay?

So ang topic ko ngayon, bloggers. Sino nga ba ang mas mahusay pagdating sa paggawa ng blog, ang mga babae ba o ang mga lalake? Sino ang mas mahusay magsulat? Ang mas relevant? Ang mas masarap basahin? O kaya naman kanino ang nakakapagod basahin? Simulan natin ang diskusyunan:

LALAKENG BLOGGERS:

PROS
  • Maraming blog na sulat ng mga lalake ang masarap basahin kasi relevant. Maraming makabayan, pero magaan basahin, hindi nakakatamad.
  • Karamihan sa mga lalakeng blogger eh creative. Kanya-kanyang gimik sa pagsusulat na hindi nakakasawang balikan.
  • Kapag ang lalakeng blogger nagsulat ng post na may puso, talagang maaapektuhan ka. Rare lang ang lalakeng nagsusulat ng may puso.
  • Ang lalake kapag nagsusulat, madalas KISS (Keep It Short and Sweet).
  • Madalas ang mga blog ng mga lalake nakakatawa. Pantanggal stress.

CONS:

  • Ang kaso lang, ang daming blog na naglipana na clone ni Bob Ong.
  • Pag nakakahanap ka ng mga nag-aaway sa blogosperyo... madalas ito'y sa pagitan ng dalawang lalakeng bloggers.
  • Hindi mo alam kung sinong lalakeng blogger ang tunay na lalake.
  • Ang daming blog ng mga lalake, walang kwenta... ginagawa lang ang blog na business.
  • Mga lalakeng blogger ang nagkakalat ng mga tag na post. Minsan wala ring kwenta.

BABAENG BLOGERS:

PROS:

  • Ang mga babaeng blogger, pag nagsusulat nararamdaman mo talaga ang mga emosyon nila.
  • Napakacreative ng mga babaeng bloggers, lalo na sa paggawa ng mga tula.
  • Hindi man marami, pero kapag ang isang babaeng blogger nagpatawa. Iba. Kakaiba ang comedic timing ng babaeng blogger.
  • Marami kang matututunan sa paghandle ng mga relasyon mula sa mga babaeng blogger.
  • Generally, ang mga babae, pag nagbablog dahil alam mong matalino sila, at ang mga sinusulat nila, it makes sense. Naiintindihan mo ang punto nila.

CONS:

  • Kaya lang, ang mga babae pag nagsulat NOBELA!!! Ang haba.
  • Kung gusto mong madepress, magbasa ka ng blog ng babae, dahil madalas puros reklamo o problema ang sinusulat nila.
  • Kung lalakeng blogger ka, mahihirapan kang makarelate sa ibang blog ng babae, dahil puros kakikayan lang ang nakasulat sa mga blog nila.
  • Maraming nanay na blogger na ginagawang business ang blog nila. Magpopost ng mga picture ng anak nila, tapos yung sunod na post, yung binebenta nila.
  • Kung ang mga lalake ang nagkakalat ng mga tags, ang mga babae kadalasan ang gumagawa nito. Madalas yung sinasagutan sa friendster, icocopy sa blog nila at kinakalat.

O ayan, general observation ko lang yan. Agree kayo? Disagree? Ipaalam ninyo. Discuss.