Mga Sumasampalataya

Apr 25, 2009

PAANO BUKAS?

Mag-aalas onse nang isara ni Row ang pintuan. Umuwi na rin ang huling bisita ni Chris sa kanyang birthday party. Lasing lahat ng tao. Silang dalawa na lang ang naiwan sa bahay ng kasintahan at ang kaibigan nito mula pagkabata na si Maya.

26 na si Chris. Matipuno. Matalino. Natural na masayahin, at mabait. Maraming kaibigan ang binata, at maraming nagmamahal sa kanya. Matagumpay na arkitekto ang binata, at isa sa mga hinahanap-hanap ng mga mayayamang nagnanais na magpatayo ng bagong tahanan. Nagdidisenyo siya para sa mga mararangya, at kumikita ng malaki. Maaari nating sabihin na isa ngang "perfect catch" ang lalake. Ngunit isa lang ang napili nitong mahalin, si Row.

Maganda, sexy at matalino ang 25-anyos na si Row. Mula sa angkan ng mga mayayaman sa Cebu. Pinag-aral siya ng mga magulang sa Maynila, at dito na siya nagdesisyon na manirahan. Isang manunulat ang dalaga para sa isang sikat na pahayagan. Tungkol sa pagiging empowered na kababaihan ang karaniwang isinusulat ng kolumnista.

Magkasundo ang magkasintahan dahil pareho silang matalino. Nagkakasundo sila sa maraming bagay, at hindi sila nauubusan ng pag-uusapan. Masaya sila sa isa't-isa. At pag magkasama, nailalabas ang mga katangiang mas nagpapahusay sa kanila.

"Okay ka lang?" tanong ni Row sa kasintahan.
"Yeah. Tinitingnan lang namin ni Maya yung mga pictures namin nung College. Halika dito, tingnan mo, ang payat ko nun.."

Si Maya ang isa sa pinakamatagal nang kaibigan ni Chris. Pareho silang arkitekto, pero mas pinili ng dalaga maging isang interior designer. Ang mata ng dalaga ay para sa pagpapaganda ng tahanan. Anung bagay na kulay ng dingding, ano ang dapat na furniture sa ganitong istraktura ng kwarto. Iba ang talento ng dalaga, at madalas ay kumukumplemento sa mga ginagawa ng kaibigang arkitekto.

"Kayo ha, nagseselos na ako sa inyo." sabi ni Row.
"Suuus... naglalambing nanaman ang baby ko. Halika nga dito." hinila ni Chris ang girlfriend sa kanyang tabi at hinalikan. Medyo may tama pa ang lalake.
"Kaya mo pa ba, Chris? Kanina ka pang tanghali umiinom," sambit ng kaibigan.
"Oo naman. Hindi naman ako nalalasing. Alam mo yan."
"Kayong dalawa ha. Nagdududa nako sa inyo. Parang mas concerned ka pa Maya kay Chris." biro ni Row.

Ni minsan hindi sumagi sa isip ng magkaibigan ang magkaroon pa ng pagsasamang mas malalim pa sa pagkakaibigan. Nagtangka noon ang binata, pero pareho nilang napagdesisyunan na mas komportable sila sa kung anuman ang mayroon sila, at wag nang gawing kumplikado ang samahan nila. Kahit magkasundo, marami pa ring pagkakaiba ang magkaibigan.

"Curious lang ako..." biglang sambit ni Row.
"About what?" ani Chris.
"You two have been friends for a long time, right? Hindi niyo ba dalawa naisip na..."
"Si Maya? Row, we're just friends. Yeah, there was a time na niligawan ko siya, pero we decided it's not going to work out anyway."
"At di ko type si Chris no!" singit ni Maya. "Gusto ko sa lalake yung Pinoy na Pinoy yung hitsura. Di yung mukhang Amerikanong hilaw." Nagtawanan silang tatlo.
"Okay, prove it..." biglang nasabi ni Row.

Natulala ang dalawa. Mahilig paglaruan ang dalawa ng kasintahan ng binata. Pinaliwanag ni Row ang gusto niyang mangyari at kung bakit.

"You want us to kiss?" tanong ng lalaki.
"Yeah, I mean friends lang naman kayo diba? I just want to make sure na hanggang ngayon ganun pa rin."
"Believe me, Row... I want nothing more to be just friends dito kay Crisostomo!" sabi ni Maya.
"Then, it shouldn't be an issue. Kung wala lang talaga, eh di wala."
"Sigurado ka sa gusto mo?" tanong ni Chris.
"Oo."

Pumayag ang dalawa nang matahimik si Row.

Humarap si Chris kay Maya, tiningnan ito, at tinanong kung ayus lang ba sa kanya. Hindi kumportable ang babae, sa gagawin, pero para sa katahimikan ng kaibigan, pumayag siya.

Nagdampi ang mga labi nila nang una. Wala lang. Smack lang. Pero dala na siguro ng espiritu ng kanilang nainom, hinalikan ni Maya si Chris. Napahinto ang dalaga at pilit na inilayo ang ulo niya ngunit nilapat ni Chris ang kamay sa likod ng kanyang leeg at tinulak pabalik ang labi sa binata.

Isang mainit na halikan ang naganap. Matagal. Parang inilabas lahat na naitatago na emosyon na nararamdaman nila simula nang mapagdesisyunan nila na sila'y magkaibigan lang talaga. Matapos ng ilang segundo, natauhan si Chris. Nakaharap pala sa kanila ang girlfriend nito.

Pagharap ni Chris sa kanyang nobya, nakita nitong tinatago ang kanyang luha. Pinunasan ang mata at biglang tumayo.

"I remember, may- may-... I have to finish my column tomorrow... I have to go..." dagling umalis ang dalaga.

Hinabol ni Chris ang kasintahan ngunit sinarahan ito ng pinto. Bumalik si Chris sa kaibigan.

"I'm sorry, I didn't know what happened." sabi ni Chris.
"I think it's the beer." wika ni Maya.
"Could be..."
"So anong mangyayari satin bukas?"

23 comments:

abe mulong caracas said...

pang valentines romance ha!

EǝʞsuǝJ said...

parang paketbuk ahh...
hehehe...
teka mmya ko basahin ang kabuuan..bisi bisi

A-Z-3-L said...

aba.. . anong mangyayari bukas?

aabangan ko gillboard...

keso ka talaga!!!

Enhenyero said...

hmmn kwentong pamilyar heheh sana iba ang ending neto kesa sa alam ko

gillboard said...

mulongkis: hindi... pang halloween yan!!! horror na horror nako eh... hahaha

jenskee: pwede na bako magsulat sa my precious romance? hahaha

gillboard said...

azel: hehehe... sige, pag naisipan ko gawan ng proper ending yan... as of now tapos na tong kwentong to...

enhenyero: open-ended yan... ayuko na isipin kung ano pa mangyayari... siguro pag sinipag ako in the future...

EǝʞsuǝJ said...

panalo..hehe..pwede mo na palitan yung mga writer dun..

hmmm...nakakainis nmn yung babae.naghahamon tapos iiyak iyak..(apekted)..haha..
wla lang nainis lang ako..hehe

teka, wag na antayin ang bukas! post na agad yung karugtong!hehe

Enhenyero said...

ops akala ko totoong nangyari to, galing ah.

gillboard said...

jenskee: hmm...pag-iisipan ko pa yun..

enhenyero: this is fiction... how i wish lang ako si Chris... hahaha

The Pope said...

Nabitin me, parang may aabangan pa bukas na karugtong na kwento hehehehe. I love it, parang mga Mills & Boons novels.

you have a great talent in writing romance stories bro, so keep on writing.

Nice post.

krisler said...

bitin na bitin..pero maganda nmn kung tayo nalang ang gagawa ng ending, db?..pero galing2...parang true to life..haha..

poging (ilo)CANO said...

beer nga naman eh noh!

iba talaga ang espiritu...hehehehe.

bampiraako said...

Precious hearts romance promo?? hehehe..

Ang alak nga naman!

The Scud said...

totoo ba ito? walang disclaimer eh. fact or fiction ayos ang pagkakasulat mo nito. astig. pwede mo pagkakitaan. gillboard, the romance novelist. :-D

enjoy said...

mukhang may karugtong pa ito ha... meron nga ba? hehehe...

babalik ulit ako dito. baka sa susunod, matagpuan ko ang karugtong ng love triangle :D

gillboard said...

the pope: salamat po.. minsan lang to.. mahirap gumawa ng kwento... hehehe

krisler: parang lang yun.. hehe.. dala to ng Para Kay B..

gillboard said...

ilocano: totoo... sisihin ang beer sa lahat ng katangahang ginagawa natin... lolz

bampira: di naman... di nga ako nagbabasa nun.. hehehe

gillboard said...

the scud: fiction... salamat...

enjoy: wala na for now.. unless dapuan ako ng topak at gawan ko ng karugtong ng kwento.. hehehe

Badong said...

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Sapul! Sapul na sapul! Bakit ka ganyan?!

P.S.
Pwede ka na sa precious hearts romance! Haha.

Anonymous said...

part two na!

Herbs D. said...

@abe- i know right im sooo loving it

Ron Centeno said...
This comment has been removed by the author.
Ron Centeno said...

Planning to be a novelist? Puede na pareng gilbert! Ang galing mo! tapos bitin pa!:-) You're sure aabangan ng marami ang part 2.