Mga Sumasampalataya

Apr 20, 2009

WALANG PAHINGA

Walang pahinga itong weekend na lumipas.

BIYERNES
Pagkagaling ko sa 13-hour na shift ko sa trabaho nitong araw na ito, eh naisipan kong sumama sa aking kaibigan sa trabaho na kumain sa Sakura sa Glorietta nung hapon. Kung hindi lang medyo ginto ang pagkain dun, siguro sobra akong matutuwa. Masarap yung pagkain nila. Di ako mahilig kumain sa mga Japanese restaurants, pero yung lugar na yon, panalo ang pagkain. Hindi ako adventurous pagdating sa pagkain, kaya Katsudon lang kinain ko, pero masarap naman siya. Pero yung talagang masarap eh yung tuna sashimi nila. Maanghang siya, pero mmmmmm... sarap!!!

Gabi na ako umuwi noon, napadaan ako sa tindahan ng dibidi, naghahanap ako ng Season 3 ng Ghost Whisperer, kasi naadik ako sa palabas na yun, at yun na lang yung hindi ko pa pinapanuod. At dahil wala yung hinahanap ko na series, naisipan kong bumili ng piratang dibidi (wag niyo akong gagayahin... di ko to gawain). Bumili ako ng Marley & Me, dahil mahilig ako sa mga pelikulang tungkol sa mga hayop (animals ha).

Putang-ina!!! Comedy yung pelikula, pero nung huli umiiyak talaga ako. As in!!! Yung tipong parang gripo yung mata ko sa luhang umaagos, sabay may hikbi-hikbi pa!!! Hindi ko gawain yun sa mga pelikula, pinagtatawanan ko pa yung mga taong ganun, pero shet!!! Umiiyak talaga ako. Matatanggap ko yung maluluha, yun pwede pa, pero hindi eh. Iyak talaga. Bwiset!! Ayaw ko siyang panuorin ulit... nakakadepress!!! Pero in fairness, maganda naman siya.

SABADO
Umaga ng Sabado lang ata talaga ako nakapagpahinga nitong lumipas na dalawang araw. Wala lang tunganga lang. Naghahanda para sa get-together na inorganize ko para sa isang katrabaho na galing sa Japan sa gabi. Text brigade... ganun.

Kinagabihan, pumunta kami sa Metrowalk sa Ortigas, nagdinner sa Yoohoos, nakipagkita sa mga dating kaibigan. Hindi kami sinipot ng taong pinag-organizan namin ng get-together, pero hindi namin yun inalintana. Bakit ba, pwede naman kami mag-enjoy ng wala siya.

At nag-enjoy talaga kami. Hindi sila yung karaniwang kasama ko kapag lumalabas ako, kaya enjoy. Kumustahan, inuman, mahaba-habang kwentuhan. May nakilala kaming mga bagong kaibigan mula sa mundong ginagalawan ng dati kong katrabaho. Nanghila ng mga kaibigang kaladkarin.

Dun lang kami tumambay sa Bargos sa Julia Vargas. Hanggang alas-kwatro ng madaling araw. Sobrang ang saya nung gabing yun. Ang kulit!!!

LINGGO
Hindi ako normally lumalabas kapag Linggo, dahil araw ng pahinga ko yun. Dapat nakahiga lang ako buong araw, lalo pa't alas-singko na ako umuwi kanina. At medyo may hang-over pa rin ako't nasobrahan ako sa quota ko sa beer nung gabi.

Pero tinawagan ako ng kaibigan ko't gusto niyang tumambay lang. So ayun, nagpasundo ako sa kanya't tumambay kami sa Starbucks sa SM Sucat. Mula alas-tres ng hapon hanggang alas-otso ng gabi andun lang kami. Nagkukwentuhan.

Enlightening yung pagkikitang iyon. Medyo matagal-tagal na rin nung huli kaming nagkita. Dalawang taon siguro. Mas lalo kong nakilala yung tao, at natutuwa ako na ang laki na ng pinagbago niya. Dati kasi, noong nagkikita kami, puros problema lang niya yung napag-uusapan namin. Pero ngayon, nakakatuwa na malalaman mo yung ibang side ng pagkatao niya. May pagkapraning din pala. Wise na. Naisip ko, dapat lang at matanda na 'tong taong to.

Pero naappreciate ko yun. Taga Pasig yung tao, pero dinayo niya ang Parañaque para lang tumambay. Considering na merong tampuhan samin noon dahil na rin sa kagaguhan ko. At tsaka, yun ngang reto ko sa kanya ngayon, eh medyo sumablay. Pag magkaibigan talaga ang dalawang tao, kahit ano pang mangyari sa inyo dati, mas malakas pa rin yung pagsasamahan kesa mga kababawang di pinagkasunduan noong nakaraan.

Pinahiram ko sa kanya yung dibidi ng Marley and Me, dahil alam ko mas mababaw ang luha nun. Tingnan ko mamaya kung humagulgol ba yun.

**********

Natutuwa ako sa weekend na 'to. Kung matatandaan niyo, nasabi ko na isa sa dahilan ng pagkalungkot ko, eh iisa lang ang set of friends ko. Well, hindi naman talaga totoo yun, pero kasi minsan naiisip ko, iisa lang yung palagi kong sinasamahan madalas. Hindi sa nagsasawa ako, pero maganda ring malaman na kapag hindi sila available, meron kang ibang mayayaya.

Malamang, tumaba nanaman ako nitong weekend na 'to. Pero para sakin sulit naman kasi kasama ko mga taong gusto kong kasama. Yung tipong walang dinadalang mabigat na problema. Nakakagaan ng loob.

Wala man akong pahinga, nitong nakalipas na mga araw, pero hindi ko nararamdaman na napapagod ako. Ganyan talaga pag nag-eenjoy ka.

27 comments:

Badong said...

Nice words. Hindi mo na talaga iniintindi yung pagod at ka-busyhan basta nag-eenjoy at natututo ka. Hindi mo na nga maiisip na busy ka e. glad that you’re out of your depress-depress mode. hehe

aajao said...

tear jerker yung Marley & Me ano? nai-plurk ko yata yun nung holy week...

gillboard said...

badong: yeah.. friends can do that!!!

kuya jon: sobra... ayoko siyang ulitin!!! hehehe

bampiraako said...

magpahinga ka naman. Sa panahon ng krisis, bawal magkasakit! hehehe

eMPi said...

Wow... walang pahinga nga hmm sabagay kailangan natin na ienjoy ang buhay... meet new friends and old friends.

Tama ka! Kahit anong tampuhan sa pagitan ng dalawang magkakaibigan... maaayos din yon lalo kung matagal na ang samahan niyo.

Kosa said...

ang kaibigan magkatampuhan man, kaibigan pa rin...

nakz, mapanood nga rin yang pelikula na yan... isa pa naman ako sa pinakamanhid na tao sa balat ng mundo...tignan ko kung tatablan ako..hehe

gillboard said...

bampira: ok lang.. gaya ng sabi ko... wala man akong pahinga, di naman ako pagod...

marco: totoo yan... or wala lang siyang choice, kasi la siya iba makausap tungkol sa problema niya... hehehe..

kosa: maghanda ka ng panyo... hahaha

EngrMoks said...

Na curious ako sa movie na iyon ah... hindi kita gagayahin na bumili ng pirated dvd...dahil san damakmak na collection ko nyan..hahaha..try ko nga hanapin yang movie na yan.
Sarap ng gimik pare..kakainggit.
Sana makagimik naman tayo minsan tayong magkakablog...hahaha

Anonymous said...

Ako rin nacurious sa movie na yun.. Hahaha! Mahanap nga yan. ;)

Sarap gumimik paminsan-minsan.. Pag palagi kasi nkakasawa din tska nakakaubos ng pera.. Ahahah!

Hinay lang sa pag-inom kung ayaw mong lumobo tyan mo..

EǝʞsuǝJ said...

ginutom ako dun pareng gilbert..
hehe..binabasa ko pa lang yun, nagutom na ko..panu na lang kung may pic ka pang nilagay..haiii...

mahanap nga yang Marley and Me na yan..prang ayus panoorin ah..wag ko nga lang sana makakatulugan..hehe

nakkamiss din makipag-get together sa mga kaibigan..hmm..

crisiboy said...

masarap magbakasyon..at tipong makakalimutan mo lahat ng pagod sa katawan

crisiboy said...

sir add nyo po ko sa link nyo..tnx

A-Z-3-L said...

ayun naglakwatsa na...
at ginawa mo pa talagang diary to.. detalyado.

im glad you treated yourself out. atleast ngayon, hindi ka na emoterong palaka dyan... asking "god, where are my friends!" (with matching tears over here and there!) lolz!

enjoy... and live ur life to the fullest!

pusangkalye said...

parang super hectic nun a ---13 hour shift then labas pa sa resto----

pareho tayo--minsan naguiguilty pag mahal yung food---pero parang mali ata yun----para maenjoy yung food 100%---ewan ko nga lang kung meron nga na ganun 100% enjoy---

iba trip u these days--movie and DVD trip ka ha----

sana malapit din ako sa mga fake dibidi para mabili ko yung mga gusto ko seriea....keke

Jez said...

shhhooottt..sashimi! tsarap tsarap tlga nyan...mapuntahan nga yan sa glorietta

Anonymous said...

sabi nga nila masarap kasama ang taong positibo ang tingin sa buhay kya pumili ng mga taong ganito..

mas magaan dalhin kesa sa mga taong puros negatibo ang pananaw sa mga bagay-bagay...

go go go marley and me!!!hehehe

The Scud said...

bilib ako sa yo. ang haba ng post. ayos ang shift mo ah. 13-hours. para ka rin nasa medical profession. hehe.

di ko masyado nagustuhan ang marley & me. yung pelikula. pero ang libro ang lupit. bili ka rin nun. i even gave a friend a copy of the book.

at miss ko na gumimik!

Jinjiruks said...

oi hindi ginagawa sa journal na yan ah. pero masaya rin ako kahit papano sa weekend na ito lalo na't naka-set na naman ang bonding ng mga ka-berks ko na naudlot lang nung hindi kami nakaakyat sa grotto nung holy week. musta ka na kuya. sorry hindi pa kita na-add sa ym. blogger's eb na. wahaha!

MkSurf8 said...

buti naman at okay ka na.

na-miss ko na rin gumimik until 4 am with da tropa ;-(

Chyng said...

wow, fruitful weekend! nakakapagod kasi humiga lang pag walang pasok. next week ulit?

gillboard said...

mokong: yang bloggers gimik na yan.. mangyayari din yan.. hehehe

anonymous: minsan lang naman uminom.. tsaka kahit di ko gawin yun... laki na talaga tyan ko... lolz

gillboard said...

jen: oo naman.. lalo na pag matagal mo nang hindi nakikita.

crisiboy: sige, add kita sa weekend.. sensya.. busy lang..

gillboard said...

azel: di pa detalyado yan... naku... kung alam mo lang... hehehe

anton: ganun talaga pag busy mga friends... kelangan mag activity mag-isa.. hehehe

jez: mas masarap yung sa bargos... hay.

gillboard said...

anonymous: totoo, pero may magnet ata ako sa mga taong ganun eh... ok lang.. at least kahit ganito ako.. may nagtitiwala sakin.. hehehe

scud: sabi nga nila mas maganda yung libro... di ba pwede ako din bigyan mo kopya nun? hehehe

gillboard said...

jin: ok naman ako... magulo utak, pero ayus naman... distracted na... hahaha

mksurf8: yeah.. kaya lang ngayon la nako pera... sa friday pa sweldo ko!!! waaaah!!!

chyng: di ko pa alam this weekend. have work sa sabado eh..

PaJAY said...

sarap siguro ng tambay nyo sa starbucks...takte!.5 hrs!...marami raming kwentuhan at kulitan din yun
...nakakamiss yung mga ganun...tsk..

gillboard said...

pajay: hindi rin!!! hehehe...