Mga Sumasampalataya

Mar 4, 2009

HOW TO HAVE A SEX LIFE

So napatingin kayo ngayon. Mapaghahalata kung sino ang mga malilibog dito sa blogosperyo. Sa totoo lang hindi talaga ito tungkol sa sex. Ito'y tungkol talaga sa relihiyong Muslim. Biro lang ulit. Wala lang talaga ako maisip na titulo para sa post na ito. Wala nga akong maisip na maisulat ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagsusulat ngayon.

***********
Ah, ikukuwento ko na lang yung nangyari samin ni Date. Kung napapansin niyo, huli kong sulat tungkol sa kanya eh noon pang balentayms. Lately ko lang narealize na meron palang nangyari dun na sa tingin ko eh hindi maganda para sa kanya.

Noong huli kasi naming date, bago kami makipagkita sa mga kaibigan niya, nakapagbonding kami na kaming dalawa lang. Hindi sex ha!!! Nakapag-usap ng masinsinan. Di ko na maalala yung mga salita ver batim pero may pagkaganito yung takbo ng aming usapan...

DATE: Gillboard, feeling ko nagtrip ikaw sakin.
AKO: Huh?
DATE: Lam mo kasi, I feel na I'm talking to 2 different people. Iba yung Gillboard na nakakausap ko sa phone or sa text, and iba rin yung nakakaharap ko.
AKO: Dahil ba tahimik ako pag kasama kita, ganun ba yun?
DATE: Exactly! Sa phone, ang kulit kulit mo, and sa text ang bilis mo magjoke. Pero ngayon, I don't know, you seem aloof. Yun nga, you're like a totally different person.
AKO: Mas boring ba? (awkward na ngiti)
DATE: I'm not saying that... I guess I'm just not used to it. Alam mo yun?
AKO: Sobrang polar opposite ba?
DATE: Yeah, di naman kaya may split personality ka?
AKO: Uy, hindi ah!!! Last time I checked, matino pa naman katauhan ko...
DATE: (ngiti lang)

Nuod lang kaming dalawa ng mga nagdedate sa Harbour Square. Yung mga ayaw makisali sa mga taong lumalabas kapag Balentayms.

DATE: You know, I really don't feel yung mga couples na PDA masyado. Parang they should just get a room or something...
AKO: Yeah? Ako din, tapos ayaw ko pa na pumupunta dun sa mga hang-outan ng mga magsyota. Pwede namang sa bahay lang. Pinoproblema ko pa kung san ko ilalabas yung date ko. Tapos gagastos pa ako. Hay.
DATE: (nakatingin lang sakin)
AKO: (narealize na date nga pala yung labas namin)
DATE: So you can say at this point in your life, you're not ready for a relationship?
AKO: (matagal na nag-iisiip... sa totoo lang gusto ko sabihin na hindi.. pero) Yes.
DATE: Yes... you're ready or -
AKO: Yes dun sa tanong mo - na di pa ako ready for that. I mean ngayon pa lang ako talaga nag-eenjoy. Alam mo yun? The last three or four years, puros trabaho lang inaatupag ko. No social life, work at bahay lang. Tapos ngayon lang ako nakakalabas-labas. Gusto ko muna ienjoy yun before magpatali ulit... sa isang tao.
DATE: Mmmmmm... okay.. If you say so (sabay higop sa lemonade)

Tingin-tingin ulit sa mga nagdedate. Ilang minuto after nagtext na yung friends niya na imimeet namin. Umalis kami agad.

**********

Ngayong binabalikan ko yung nangyari, sa tingin ko may nasabi akong di maganda kaya't medyo naging busy sa trabaho si date. Di sa nagiging assumptive ako, pero baka nagpaparamdam na siya nun, tapos binara ko agad with my statement.

In my defense, usapan naman namin talaga eh friends lang. Di naman ako nagpapasweet pag nag-uusap or text kami... nangungulit lang. Malay ko ba, na nakakahulog ng loob yun diba? May balak ba akong habulin siya? Hindi ko alam. Nagtetext pa rin naman ako. Pero sa totoo lang, kung di ako nag-iisip ng maisusulat kanina, di ko siguro siya maaalala. Ang sama ko ba?

Pakisapak na lang ako pag may mababasa kayo dito na naghahanap ako ng love life.

Dapat palang title nito... HOW TO NOT HAVE A SEX LIFE!!!

34 comments:

The Scud said...

akala ko kung ano na! hehe. di pala relationship hanap mo. companionship. tama ba? ayos lang yan. enoy life. enjoy your bachelorhood. enjoy your hard-earned money. :-D

The Gasoline Dude said...

Awww... haha wawa naman siya. You broke her heart. Siguro kumakanta na siya ngayon ng "So Close". Jowk. = P

Ron Centeno said...

Ok sa title , that's why nga bilib ako sa yo! May pina-iyak ka nanaman.

gillboard said...

the scud: companionship... kagimik... sex life... hahaha

gas dude: siguro nga... shet feeling gwapo naman ako!!! lolz

ron: uy, di ko siya pinaiyak... takot ko lang sa karma...

Kosa said...

hehehe ako din madalas pinoproblema ko yung title ng mga post kong walang kwenta..

teka, oo nga siguro.. nadisappoint? kase nagpapalipad hangin na eh binarado agad? lols kawawa nman... o baka naman narealize nya na wala syang mapapalang yakap at halik sayo.. kaya binaling na sa iba ang atensyo..

teka, sobrang kakaiba ang ruta ng aking komento.. sige sige kitakits

gillboard said...

nagpapakapositibo na nga eh... gagatungan pa... hahaha

Mys Lyke Meeh said...

Hmnn...maybe, u havent seen the right one yet! And maybe, she's not the one...just maybe...

MarcoPaolo said...

hmm... aabangan na lang ang susunod na date... :)

Mugen said...

Pasensya na bro, pero kung chick ako nasabihan kita na ang dense mo.

AKO: Yeah? Ako din, tapos ayaw ko pa na pumupunta dun sa mga hang-outan ng mga magsyota. Pwede namang sa bahay lang. Pinoproblema ko pa kung san ko ilalabas yung date ko. Tapos gagastos pa ako. Hay.
DATE: (nakatingin lang sakin)
AKO: (narealize na date nga pala yung labas namin)
DATE: So you can say at this point in your life, you're not ready for a relationship?
AKO: (matagal na nag-iisiip... sa totoo lang gusto ko sabihin na hindi.. pero) Yes.
DATE: Yes... you're ready or -
AKO: Yes dun sa tanong mo - na di pa ako ready for that. I mean ngayon pa lang ako talaga nag-eenjoy. Alam mo yun? The last three or four years, puros trabaho lang inaatupag ko. No social life, work at bahay lang. Tapos ngayon lang ako nakakalabas-labas. Gusto ko muna ienjoy yun before magpatali ulit... sa isang tao.
DATE: Mmmmmm... okay.. If you say so (sabay higop sa lemonade)

Sabihan mo ako kung kelan mo gusto magpaturo sa double-meaning language ng mga tsiks. Bago ko tinalikuran ang pagiging straight eh naging expertise ko yan.

gillboard said...

lyk meeh: maybe... can be...

marco paolo: sa iba naman!! hahaha

joms: yaan mo... one of these days... hahaha.... matalino naman ako... ewan ko ba. minsan kasi di talaga mapigilan bibig ko pagsabi ng mga alang kwentang bagay...

ORACLE said...

Hahaha! Natuwa naman ako dito!

pero dude! grabe! talagang walang preno ha? lolz! I mean okay yung straighforward and pagiging honest mo...

pero ano ba talaga hanap mo nung day na yun? kasi bat parang nagsisisi ka? hehehe! auz lang yan. at least alam mo na ang HOW NOT TO, sa susunod expert ka na. =)

Mugen said...

Ayus lang yan nu. Maaring hindi mo talaga siya gusto kaya ganun ang mga banat mo...

Hehehehe.

JedMeister said...

my gawsh! grabe! di ko kaya ang directo-to-the-point na statement mo...

alam mo, nangyari din yan sakin... na-shock ang date ko kasi ang silent ko daw nung 1st kami nagmeet unlike sa txt etc... bsta, magsasalita n tlga ako f mabigyan p ako ng chance... hehe!

awkward b tlga ang mga first dates??

A-Z-E-L said...

aw! foul! as in!

kung ako ung chick na un... iisipin kong ikaw ung sinasabi ni Bob Ong na.. "may mga tao lang talagang mahilig magpa-asa"

haaaayyy... pabatok nga!(toinkz!)

Andy Briones said...

Ay, kala ko pa naman tungkol sa seks; kaka-disappoint naman, ehehehe.

angel said...

hmmmmm...wawa nman yung girl cguro umaasa pa man din yon, pero ok naman yung ginawa mo at least nalaman nya agad na your not ready into a relationship :)

jEn said...

mabuti na lang hindi taklesa yung naka-date mo..dahil kung hindi, alam mo na..hehe

was that your first date with her? based on her words kasi parang she feels something for you, yung line na :

DATE: So you can say at this point in your life, you're not ready for a relationship?

Ewan ko, pero ako kasi pag nagtatanong ako ng ganyan sa guy, it seems na parang nagugustuhan ko na yung guy. And lalu na kung bigla xang umiwas at naging bisi sa workalush? Alam na..hanap na lang ulit ng ibang date bro!:D

gillboard said...

oracle: ewan ko ba kung bat di mapigilan ang bibig ko magsabi ng totoo sa mga ganyang instances... ika ni John Mayer... My Stupid Mouth

joms: ganun nga siguro... nagfifeeling na prepared sa relationship, tapos pag lumalapit na... tumitiklop

jedmeister: medyo.. pero third date na namin yun eh...

Dylan Dimaubusan said...

Mas dapat ngang title ng post mo yung last statement mo..;)

Di ka pa naman kasapak sapak dito eh, haha, kasi okay lang maghanap ng love life, yun nga lang parang taliwas sa nasabi mo sa date mo.

Baka kasi isipin ng date mo eh nag aasume lang sya.. Girls are sensitive to those matter. Remember, di mag aaksaya ng panahon ang isang tao sa taong di interesado sa kanya..or should I say, gusto nya. Gets?

gillboard said...

azel: uy... ni minsan di ko siya pinaasa... clear yun from the start hanggang friends lang kami.

andy: yaan mo... minsan magsusulat ako tungkol sa sex!!! hahaha di rin... nababasa ng mga pinsan!!!

gillboard said...

angel: i hope di siya umasa... itext ko kaya... la lang... mang-aasar lang.

jen: third date na namin yun. i think it might be the last... hehehe

dylan: oo nga eh... kaya nga pinapalamig ko muna yung lahat. feeling ko medyo naoffend siya dun sa ginawa ko... either that or may nahanap siyang iba =(

aajao said...

ay oo. meron ka ngang nasabi na hindi nya nagustuhan. i-kape na lang natin yan ;)

gravity said...

oh my. sensitive pa naman ang mga girls. at mahilig sila mag-overanalyze. but i dont want to judge her. in fairness sayo, malinaw naman na dating friends lang naman kayo. pero nahuhulog ka na rin ba sa kanya? as in hulog, hulog?

jeszieBoy said...

haha. kala ko nmn yun tlga. lols.

nakakapagtaka lang..
akala ko kasi sa ganyang edad eh gusto na ag partner na pangmatagalan. un bang hanggang kamatayan na. hehe. hindi pa rin pla. :]

MkSurf8 said...

binasted mo naman kaagad!

tingin ko di mo sya type talaga. hanap ka na lang ulit ng ibang date.

happy hunting! enjoy lang!

poging (ilo)CANO said...

kala ko may matututunan ako dito about sex...tzk..tsk..un pala date..

wawa naman ung girl..sabagay kung hindi mo type bat mo pagtiyatoyagaan d b! saka marami p naman ang mapagpipiliin eh..lolz..

iba tlga ang pogi!hmmf..

gillboard said...

aajao: oo, kwento ko sayo yan sa friday... hehehe

gravity: good question. la ako answer dahil hindi ko pa naman siya lubusang nakikilala... 3 dates at ilang calls at text pa lang kami, although matagal na, i don't think that's enough to say na nahulog ako sa kanya.

jeszieboy: para namang ginawa mo akong matanda... 27 lang ako... and gaya nga ng sabi ko... nung mas bata ako, di ako dumaan sa stage na lumalabas at nag-eenjoy. ngayon lang...

gillboard said...

mksurf8: di naman sa binasted... wala namang ligawan na nangyari..

ilocano: good luck sa pogi... hehehe... madami nga pagpipilian... ang tanong, pipiliin din ba ako?!

abe mulong caracas said...

wow artistahin nyahaha! taas kamay ako sa iyo parekoy! nambasted hehehe

gillboard said...

for the record, hindi ako nambasted!!! ako pa nga yung hindi pinapansin ngayon eh...

sabihin nating naging tactless lang siguro ako.

di rin ako feeling gwapo... hay...

ced said...

code DD: i smell Date Disaster! haha. kaw tlaga, pero at least naging honest ka. oks na rin ung nasabi mo. kesa naman lokohin mo sya diba?

teresa said...

awww!

haha! prang may series ata ng failed dates dito,lol!

atleast ur honest,di gaya ng iba na "pa-fall" o paasa.

gudluck na lang sa mga susunod na dates,hehe.

JoShMaRie said...

AWWWWW....!!! Nkow... parang... hehe. wag na lang. :)

PaJAY said...

Sex pala ang usapan dito..bawal ako...lolz..

dumaan lang pre..nasa pahina ko na nga pala ang drowing mo...pasensya na...wala akong mahanap na pityur mo kaya pagtyagaan mo na muna ang drowing ko...hehehe..