Mga Sumasampalataya

Nov 2, 2006

ENTRY 75: PAANO NASISIRA ANG PAGKAKAIBIGAN

Maraming dahilan upang ang matibay na pagsasamahan ay malalamatan at masisira. Marami na ring mga tao na nagdaan sa buhay ko at biglang nawala dahil sa iba-ibang dahilan. Minsan kasalanan ko, minsan sa ibang tao, at minsan din ay dahilan sa paglipas ng panahon. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilan kung paano nasisira ang pagkakaibigan...

-PRIDE wala na akong maisusulat pa...
-PANAHON pagkatapos ninyo magtapos sa pag-aaral, minsan ay hindi niyo na nababalitaan kung ano ang nangyari sa matalik ninyong kaibigan noong kolehiyo o high school.
-PAGSISINUNGALING kung lolokohin ninyo kaibigan ninyo, at nahulin kayo... patay na
-BAGONG FRIENDS minsan may mga bago na kayong sasamahan, kaya ang kaibigan ninyo dati, medyo makakalimutan ninyo... hanggang sa mawala na yung dating matibay na samahan.
-BABAE/LALAKE minsan ang pag-ibig ay sisira sa pagiging malapit ng dalawang magkaibigan.
-PERA kaya ayokong magpautang o mangutang sa kaibigan, dahil ito ay isang matinding dahilan para bigyan ng lamat ang mabuting pagsasamahan.
-TSISMIS

Ano man ang dahilan, masakit talaga ang mawalan ng kaibigan. Minsan ito ay pagsubok lang para talagang mapatunayan na matibay ang pagsasamahan. Pero kahit ano man ang pagsubok, kung ito ay iyong ipaglalaban, kahit ano pa yan hindi kayo mag-iiwanan.

5 comments:

Nonoy said...

Ito lang Masasabi ko!!!


Ang Pagkakaibigan
(A Long Journey without an End)
(Agosto 4,2009)

Lumipas na ang mga araw sa ating matagal na pagsasamahan. Tila mga alaala na lamang ang nanatiling basihan na minsan tayo’y nagkasama at pinagsaluhan at lungkot at saya na dala ng isang pagkakaibaigan.
Sa bawat araw ginugunita ko at kung minsa’y isinasabuhay ang lahat ng natutunan ko sa paglalakbay na iyon. Di man kita kasama ngayon subali’t alam mo na walang tulad ko kung ika’y di na buhay sa mundo. May ilang sigundo man o oras na tayoy di na nagkikita o kaya’y nagkakasama batid kung may dahilan ang lahat ng iyon.
Masarap ngang gunitain ang lahat ng pangyayari noong tayo’y nakikibaka sa mundo ng pagtuklas ng kaalaman. Sabay nating tinukoy ang kasagutan sa mga tanong na dati’y kinalilituhan natin, nagsunog tayo ng kilay upang madaliin ang tagumpay na ang kalakip ay magandang kinabukasan. Walang takot nating hinarap ang unos na para bang iyon na ang tunay na mundo ng buhay. Umiiyak tayo kung minsan dahil sa tayo’y nabibigo at maipagmamalaki kung sa lahat ng luhang ating ibinuhos di tayo inanod nito upang isuko ang nagsisimula pa lamang nating pagsibol. Makulay ang ating sinuong na pangarap, bawat kinang nito’y hudyat na tayo’y na sa tamang landas at tunay na tagumpay. Doon ko nabatid na mahalaga ang isang kaibigan lalo na sa panahon ng tagumpay. Doon ko pinamalas na may puwang din ang ngiti sa bawat hibla ng pakikibaka. Lahat nga’y may dahilan hindi lamang sa iyon ang ating tadhana kundi iyon ang ating gantimpala sa kakayanang ipinamalas natin.
Malugod kung aalalahanin ang bawat pangyayaring nagbuo sa aking pagkatao.Kahit na ako’y may sarili na ngayong buhay at paglalakbay alam kung katuwang pa rin kita sa baybaying ito. Sana’y palagi mo ding iniisip ang ating masasayang alaala . Naroon lamang iyon sa gitna ng tagumpay na ating tinamasa, matatagpuan mo din ito sa loob ng aking puso at bahagi ng aking utak na nagtulak upang ituring kung kaibigan ang tulad mo. Walang pagsisi at walang puwang ang sandali sa aking paglimot.. Sapat na ang mga ngiti at pagmamahal na iyong pinamalas. Ikaw na sana ang bahalang umunawa sa kakulanagn ko bilang tao. Ngayong pareho na tayong masaya kapiling ang kanya kanya nating piniling makasama. Ikaw na sana ang bahalang wag makalimot. Sana’y may puwang palagi ang tulad kung naging kasangga mo at kakampi sa panahong wala pang lakas ang bawat isa sa atin. Ang ating pagkakaibigan sana’y diman palaging nariyan ay manatili sanang buo at matatag sa lahat ng unos. Masaya kang kasama kaya’t sana’y andon ka sa mga araw na mahalaga sa buhay ko. Ibinibigay ko na sayo ang karapatang ako’y subukin mo at doon ko sana maipakita na totoo ang nasa puso ko, kaibigan kita kahit na anu pang maganap sa mundo. Idadalangin ko na kamtin mo ang pangarap na nakadulog sa puso mo, at sa huli sanay gabayan ng Poong Maykapal ang ating walang katapusang pagkakaibigan.

Unknown said...

The article that you wrote a very nice, easy to see and very useful, we are waiting for further information, thank you very much
Cara Mengobati Kista Endometriosis Tanpa Operasi

Unknown said...

Obat Herbal Kista Ovarium Yang Sudah Parah

Unknown said...

Articles submitted its contents provide a solution to cure diseases that are natural and effective. Thank you for the information
Cara Membersihkan Rahim Pasca Keguguran

Unknown said...

information that is very helpful, thanks for sharing information gan
Cara Mengeluarkan Sisa Janin Pasca Keguguran