Mga Sumasampalataya
Apr 29, 2009
NAUNSYAMI
Tawagin natin siyang Naunsyami...Itong si Naunsyami, matagal ko nang textmate at phone friend. Siguro, mga dalawang taon na. Pero sa buong panahon na kami eh magkakilala, ni minsan hindi pa kami nagkikita. Busy siya. Wala akong pera. Out-of-town siya. Naghihikahos ako sa hirap. Namatayan sila. May pera ako, pero tinatamad. Pwede na siya. May sakit ako. Malelate ako dumating. Nadukutan siya at di na matutuloy ang pagkikita. Wala siyang pasok sa trabaho. May iba ako kadate. Basta lahat na lang ng dahilan, para hindi lang kami magkita, nasabi na.
Iniisip ko din yung iniisip niyo. Senyales na yun na hindi talaga kami para sa isa't-isa kaya dapat tigilan na namin ang kahibangan namin na may pag-asa pa. Nakakasawa naman talaga. Pero kasi pag nag-uusap kami, nagkakagaanan kami ng loob. Marami kaming pagkakahalintulad. Mga pananaw sa buhay. Interes sa pelikula. Sa libro. Sa pagbablog. So kahit papaano, hindi mawala yung spark kumbaga.
Ayun, so hindi nga kami natuloy nung Sabado. Kaya nung Linggo, nag-usap kami. Siguro last ditch effort na. Kasi pareho naman kaming nakakahalata na na lagi na lang hindi natutuloy ang pagkikita namin. Nauubusan na rin ata kaming dalawa ng excuse para hindi magkita. Ayoko namang patayin pa yung mga nabubuhay kong kamag-anak magkaexcuse lang para di makipagkita. Karma ko na lang yun diba.
Hindi ko alam kung saan nagsimula yung usapan, pero nakarating kami sa topic ng kanyang ex. Apparently, meron siyang ex na mayaman. Gwapo. Mabait. Generous. Pinagpala. Anak ng Diyos. Kaperpektohan, ika nga. Ako naman, sige, mukhang gusto niyang pag-usapan so tahimik lang na nakikinig. Kinuwento niya kung paano sila nagkakilala. Paano niya sinagot si damuho. Ano tawagan nila sa isa't isa. Ano lagi nila pinag-aawayan. Bakit siya iniwan ng lalake. Kung paano nanuyo ulit yung gago. Buong history nila sa loob ng 45 minuto.
Okay lang sakin nung unang 5 minuto. Sa totoo lang. Nagtatanong pa nga ako eh. Pero parang suka na hindi mapigilan, kailangan niya talagang ilabas lahat. Sa isip-isip ko, hindi pa nakakamove-on itong si Naunsyami.
Kaya habang nagtatatalak siya, ako naman, nag-isip ng kung ano ang gagawin ko sa natitirang pera sa wallet ko. Bibili ba ako ng pizza? Idadagdag ko ba sa Emergency/Singapore fund ko? Yung cable bill ko ata di pa nababayaran? Napakain na ba yung aso? Bakit hindi na Linggo ang Private Practice sa Studio 23? In short ulit... hindi na ako interesado.
Gusto pa yata niya magkwento, pero nagutom ako. Kaya nagpaalam na ako. Iyon na yung sagot ko sa tanong ko sa loob ng dalawang taon. May pag-asa ba kaya na merong mas malalim na pagsasamahan kaming dalawa ni Naunsyami? Wala.
Mahirap makisiksik sa isang formula, kung kasali si x. Mahina pa naman ako sa Math. May punto sa relasyon na papasok talaga yon. Pero kung wala naman kayong relasyon, hindi worth ipaglaban, lalo na kung hindi pa kayo nagkikita, at alam mo nang wala kang laban.Matapos naming mag-usap ng gabing iyon. Binura ko yung numero niya. At nung huling nagtext siya, reply ko... "hu u?"
******
Emo ako ngayon... actually more like nababaliw. Minsan nakangiti. Minsan nakasimangot. Minsan naaasar. Ayos lang naman ako. Nothing to worry about... mental health ko lang siguro. Bilog ba ang buwan? Ewan ko, parang mas malala pa pakiramdam ko sa babaeng may tagos. Adik lang ako siguro. O dahil walang tulog.
Pagpasensyahan niyo na po. Pinanganak ako ng Pebrero. May kasabihan ang mga matatanda, ang mga taong pinanganak sa buwan na yon eh "kulang-kulang."
Iiwanan ko na lang kayo ng lyrics sa kantang Please Don't Stop The Rain ni James Morrison. Gusto ko sana ipost yung kanta. Wala lang ako mahanap online. Maganda yung message ng kanta. Basahin niyo na lang yung lyrics.
PLEASE DON'T STOP THE RAIN
James Morrison
I don't know where I crossed the line
Was it something that I said
Or didn't say this time
And I don't know if it's me or you
But I can see the skies are changing
In all the shades of blue
And I don't know which way it's gonna go
If it's gonna be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain
Feeling like you got no place to run
I can be your shelter 'til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
I thought that time was on our side
I've put in far too many years
To let this pass us by
You see life is a crazy thing
There'll be good time and there'll be bad times
And everything in between
And I don't know which way it's gonna go
If it's gonna be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain
Feeling like you got no place to run
I can be your shelter 'til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
Oh we're a little closer now
And finding what life's all about
Yeah I know you just can't stand it
When things don't go your way
But we've got no control over what happens anyway
If it's gonna be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain
Feeling like you got no place to run
I can be your shelter 'til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Please don't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Can't stop it no, you can't stop it, just can't stop the rain
(Let it fall, let it fall, let it fall)
Let it fall, please don't stop the rain
Apr 27, 2009
BY THE NUMBERS
1 - bilang ng gintong medalyang napanalunan ni Gillboard sa contest noong kolehiyo
2 - bilang ng mga contestant na sumali dun sa contest kung saan nanalo ng medalya si Gil.
3 - mga kalaro niya sa bahay pag walang magawa... bilang ng mga aso niya...
4 - round sa The Weakest Link nang natanggal ako sa game... tarantadong Strongest Link yan.. threatened!!!
5 - bilang ng kras ni Gillboard sa kasalukuyan...
6 - bilang ng araw na tinagal niya sa isa sa naging trabaho niya.
8 - slice ng pizza na kayang ubusin ni Berto pag sobrang gutom na siya.
15 - bilang ng oras ng tulog ni Gil ngayong iniinsomnia siya... sa isang linggo!!!
16 - ang ranking ni Gilbert na may pinakamataas na IQ sa kanyang graduating class.
18 - bilang ng oras na kayang itagal ni Gilbert sa telepono pag gusto niya kausap niya.
27 - ang edad ni Gillboard ngayon
68 - bilang ng kaibigan niya sa Multiply
69 - ang paboritong numero ni Gillboard... joke lang
96 - pinakamataas na score na nakuha ni Gillboard sa Magic Sing (Goodnight Girl ng Wetwetwet)
99 - bilang ng kaibigan ni Gillboard sa Myspace.
100 -bilang ng oras na ng paglalaro ni Gil ng Grand Theft Auto IV at Elder Scrolls IV.
160 - ang binabayaran ni Gil sa taxi mula labasan nila hanggang opisina.
188 - bilang ng kaibigan ni Gill sa Facebook.
329 - bilang ng post ni Gillboard sa blog niya.
394 - bilang ng friends ni Gilbert sa Friendster.
1489 - bilang ng mga naisulat ni Gil sa kanyang journal bago naisip magblog na lang.
1982 - taon kung kailan pinanganak si Gillboard
2000 - nilalagay ni Gilbert sa kanyang Singapore fund buwan-buwan.
2000 - ang budget ni Berto sa isang buwan pambili ng comics.
16000 - ang budget ni Gil noong bisor pa siya pambili ng pabango.
50 - ang budget ni Gil ngayon pambili ng isang bote ng Green Cross Rain na cologne.
Apr 25, 2009
PAANO BUKAS?
26 na si Chris. Matipuno. Matalino. Natural na masayahin, at mabait. Maraming kaibigan ang binata, at maraming nagmamahal sa kanya. Matagumpay na arkitekto ang binata, at isa sa mga hinahanap-hanap ng mga mayayamang nagnanais na magpatayo ng bagong tahanan. Nagdidisenyo siya para sa mga mararangya, at kumikita ng malaki. Maaari nating sabihin na isa ngang "perfect catch" ang lalake. Ngunit isa lang ang napili nitong mahalin, si Row.
Maganda, sexy at matalino ang 25-anyos na si Row. Mula sa angkan ng mga mayayaman sa Cebu. Pinag-aral siya ng mga magulang sa Maynila, at dito na siya nagdesisyon na manirahan. Isang manunulat ang dalaga para sa isang sikat na pahayagan. Tungkol sa pagiging empowered na kababaihan ang karaniwang isinusulat ng kolumnista.
Magkasundo ang magkasintahan dahil pareho silang matalino. Nagkakasundo sila sa maraming bagay, at hindi sila nauubusan ng pag-uusapan. Masaya sila sa isa't-isa. At pag magkasama, nailalabas ang mga katangiang mas nagpapahusay sa kanila.
"Okay ka lang?" tanong ni Row sa kasintahan.
"Yeah. Tinitingnan lang namin ni Maya yung mga pictures namin nung College. Halika dito, tingnan mo, ang payat ko nun.."
Si Maya ang isa sa pinakamatagal nang kaibigan ni Chris. Pareho silang arkitekto, pero mas pinili ng dalaga maging isang interior designer. Ang mata ng dalaga ay para sa pagpapaganda ng tahanan. Anung bagay na kulay ng dingding, ano ang dapat na furniture sa ganitong istraktura ng kwarto. Iba ang talento ng dalaga, at madalas ay kumukumplemento sa mga ginagawa ng kaibigang arkitekto.
"Kayo ha, nagseselos na ako sa inyo." sabi ni Row.
"Suuus... naglalambing nanaman ang baby ko. Halika nga dito." hinila ni Chris ang girlfriend sa kanyang tabi at hinalikan. Medyo may tama pa ang lalake.
"Kaya mo pa ba, Chris? Kanina ka pang tanghali umiinom," sambit ng kaibigan.
"Oo naman. Hindi naman ako nalalasing. Alam mo yan."
"Kayong dalawa ha. Nagdududa nako sa inyo. Parang mas concerned ka pa Maya kay Chris." biro ni Row.
Ni minsan hindi sumagi sa isip ng magkaibigan ang magkaroon pa ng pagsasamang mas malalim pa sa pagkakaibigan. Nagtangka noon ang binata, pero pareho nilang napagdesisyunan na mas komportable sila sa kung anuman ang mayroon sila, at wag nang gawing kumplikado ang samahan nila. Kahit magkasundo, marami pa ring pagkakaiba ang magkaibigan.
"Curious lang ako..." biglang sambit ni Row.
"About what?" ani Chris.
"You two have been friends for a long time, right? Hindi niyo ba dalawa naisip na..."
"Si Maya? Row, we're just friends. Yeah, there was a time na niligawan ko siya, pero we decided it's not going to work out anyway."
"At di ko type si Chris no!" singit ni Maya. "Gusto ko sa lalake yung Pinoy na Pinoy yung hitsura. Di yung mukhang Amerikanong hilaw." Nagtawanan silang tatlo.
"Okay, prove it..." biglang nasabi ni Row.
Natulala ang dalawa. Mahilig paglaruan ang dalawa ng kasintahan ng binata. Pinaliwanag ni Row ang gusto niyang mangyari at kung bakit.
"You want us to kiss?" tanong ng lalaki.
"Yeah, I mean friends lang naman kayo diba? I just want to make sure na hanggang ngayon ganun pa rin."
"Believe me, Row... I want nothing more to be just friends dito kay Crisostomo!" sabi ni Maya.
"Then, it shouldn't be an issue. Kung wala lang talaga, eh di wala."
"Sigurado ka sa gusto mo?" tanong ni Chris.
"Oo."
Pumayag ang dalawa nang matahimik si Row.
Humarap si Chris kay Maya, tiningnan ito, at tinanong kung ayus lang ba sa kanya. Hindi kumportable ang babae, sa gagawin, pero para sa katahimikan ng kaibigan, pumayag siya.
Nagdampi ang mga labi nila nang una. Wala lang. Smack lang. Pero dala na siguro ng espiritu ng kanilang nainom, hinalikan ni Maya si Chris. Napahinto ang dalaga at pilit na inilayo ang ulo niya ngunit nilapat ni Chris ang kamay sa likod ng kanyang leeg at tinulak pabalik ang labi sa binata.
Isang mainit na halikan ang naganap. Matagal. Parang inilabas lahat na naitatago na emosyon na nararamdaman nila simula nang mapagdesisyunan nila na sila'y magkaibigan lang talaga. Matapos ng ilang segundo, natauhan si Chris. Nakaharap pala sa kanila ang girlfriend nito.
Pagharap ni Chris sa kanyang nobya, nakita nitong tinatago ang kanyang luha. Pinunasan ang mata at biglang tumayo.
"I remember, may- may-... I have to finish my column tomorrow... I have to go..." dagling umalis ang dalaga.
Hinabol ni Chris ang kasintahan ngunit sinarahan ito ng pinto. Bumalik si Chris sa kaibigan.
"I'm sorry, I didn't know what happened." sabi ni Chris.
"I think it's the beer." wika ni Maya.
"Could be..."
"So anong mangyayari satin bukas?"
Apr 22, 2009
UMAAPAW SA KA BOB ONG -AN
Ang keso no? Pero bago kayo mag-isip ng kung ano pa man... hindi po ako inlove... wala akong inspiration ngayon. Natanggap ko lang na nasa sistema ko na talaga na may pagkakeso talaga ang pagkatao ko. Wala naman masama, sabi nga ni Ate Utakmunggo, mas gusto ng mga babae ang mga taong keso sa mga taong emo.
Wala nanaman akong tulog. Dala lang lahat ito ng pagiging insomniac ko. Pero ayus na rin yun, at least kahit papaano eh bumabalik ang mojo ko sa pagsusulat.
Anyway, balik sa topic. Hindi naman, dahil sa nag-eenjoy ako sa pagiging single ko, eh ayaw ko na maging kalahati ng 2 pusong nagmamahalan. Time will come na iibig din ako, at may magmamahal din sa akin, might as well start na ipakita kung paano ako magmahal diba.
Again... sisihin ninyo ang pagiging insomniac ko.
- Pag nagmamahal ka hindi ka tatamarin magtrabaho. Instead, mas lalo kang magsisipag kasi nagpaplano ka na para sa kinabukasan niyo.
- Hindi kailangan na alam mo kung ano ginagawa niya sa kasalukuyan, kung kumain na siya o nasaan siya ngayon. Ang importante, malaman mo kung naging maganda ba ang araw niya. At kung hindi, eh ano ang magagawa mo para mapagaan ito.
- Tanggap mo na pango ang ilong niya, pike ang mga paa, mataba, kulot, bungi at wala kang hihilingin na baguhin sa kanya. Kasi hindi naman sa pisikal mo siya nagustuhan kundi sa maganda niyang kalooban.
- Pag may darating na pagsubok, hindi mo iisipin na bumigay kaagad. Siya ay lalo mo pang sasamahan at dadamayan. Hindi magbabago pagtingin mo sa kanya, bagkus pagkatapos ng lahat, lalo pa kayong magiging malapit sa isa't-isa.
- Kahit wala sa sistema mo ang mga hilig niya, aalamin mo, kasi alam mong iyon ang gusto niya. At mapapaligaya mo siya kapag magkasama kayong gagawin yung mga hilig niya.
- Alam mong hindi ka marunong magsayaw, pero pag magkasama kayo, makakapagsayaw ka, kahit walang musika kasi kasama mo siya.
- Kahit di kayo nag-uusap, basta magkahawak lang kayo ng kamay, kumpleto na ang araw mo, at sa gabi pipikit ka ng may ngiti sa'yong mukha.
Apr 20, 2009
WALANG PAHINGA
BIYERNES
Pagkagaling ko sa 13-hour na shift ko sa trabaho nitong araw na ito, eh naisipan kong sumama sa aking kaibigan sa trabaho na kumain sa Sakura sa Glorietta nung hapon. Kung hindi lang medyo ginto ang pagkain dun, siguro sobra akong matutuwa. Masarap yung pagkain nila. Di ako mahilig kumain sa mga Japanese restaurants, pero yung lugar na yon, panalo ang pagkain. Hindi ako adventurous pagdating sa pagkain, kaya Katsudon lang kinain ko, pero masarap naman siya. Pero yung talagang masarap eh yung tuna sashimi nila. Maanghang siya, pero mmmmmm... sarap!!!
Gabi na ako umuwi noon, napadaan ako sa tindahan ng dibidi, naghahanap ako ng Season 3 ng Ghost Whisperer, kasi naadik ako sa palabas na yun, at yun na lang yung hindi ko pa pinapanuod. At dahil wala yung hinahanap ko na series, naisipan kong bumili ng piratang dibidi (wag niyo akong gagayahin... di ko to gawain). Bumili ako ng Marley & Me, dahil mahilig ako sa mga pelikulang tungkol sa mga hayop (animals ha).
Putang-ina!!! Comedy yung pelikula, pero nung huli umiiyak talaga ako. As in!!! Yung tipong parang gripo yung mata ko sa luhang umaagos, sabay may hikbi-hikbi pa!!! Hindi ko gawain yun sa mga pelikula, pinagtatawanan ko pa yung mga taong ganun, pero shet!!! Umiiyak talaga ako. Matatanggap ko yung maluluha, yun pwede pa, pero hindi eh. Iyak talaga. Bwiset!! Ayaw ko siyang panuorin ulit... nakakadepress!!! Pero in fairness, maganda naman siya.
SABADO
Umaga ng Sabado lang ata talaga ako nakapagpahinga nitong lumipas na dalawang araw. Wala lang tunganga lang. Naghahanda para sa get-together na inorganize ko para sa isang katrabaho na galing sa Japan sa gabi. Text brigade... ganun.
Kinagabihan, pumunta kami sa Metrowalk sa Ortigas, nagdinner sa Yoohoos, nakipagkita sa mga dating kaibigan. Hindi kami sinipot ng taong pinag-organizan namin ng get-together, pero hindi namin yun inalintana. Bakit ba, pwede naman kami mag-enjoy ng wala siya.
At nag-enjoy talaga kami. Hindi sila yung karaniwang kasama ko kapag lumalabas ako, kaya enjoy. Kumustahan, inuman, mahaba-habang kwentuhan. May nakilala kaming mga bagong kaibigan mula sa mundong ginagalawan ng dati kong katrabaho. Nanghila ng mga kaibigang kaladkarin.
Dun lang kami tumambay sa Bargos sa Julia Vargas. Hanggang alas-kwatro ng madaling araw. Sobrang ang saya nung gabing yun. Ang kulit!!!
LINGGO
Hindi ako normally lumalabas kapag Linggo, dahil araw ng pahinga ko yun. Dapat nakahiga lang ako buong araw, lalo pa't alas-singko na ako umuwi kanina. At medyo may hang-over pa rin ako't nasobrahan ako sa quota ko sa beer nung gabi.
Pero tinawagan ako ng kaibigan ko't gusto niyang tumambay lang. So ayun, nagpasundo ako sa kanya't tumambay kami sa Starbucks sa SM Sucat. Mula alas-tres ng hapon hanggang alas-otso ng gabi andun lang kami. Nagkukwentuhan.
Enlightening yung pagkikitang iyon. Medyo matagal-tagal na rin nung huli kaming nagkita. Dalawang taon siguro. Mas lalo kong nakilala yung tao, at natutuwa ako na ang laki na ng pinagbago niya. Dati kasi, noong nagkikita kami, puros problema lang niya yung napag-uusapan namin. Pero ngayon, nakakatuwa na malalaman mo yung ibang side ng pagkatao niya. May pagkapraning din pala. Wise na. Naisip ko, dapat lang at matanda na 'tong taong to.
Pero naappreciate ko yun. Taga Pasig yung tao, pero dinayo niya ang Parañaque para lang tumambay. Considering na merong tampuhan samin noon dahil na rin sa kagaguhan ko. At tsaka, yun ngang reto ko sa kanya ngayon, eh medyo sumablay. Pag magkaibigan talaga ang dalawang tao, kahit ano pang mangyari sa inyo dati, mas malakas pa rin yung pagsasamahan kesa mga kababawang di pinagkasunduan noong nakaraan.
Pinahiram ko sa kanya yung dibidi ng Marley and Me, dahil alam ko mas mababaw ang luha nun. Tingnan ko mamaya kung humagulgol ba yun.
**********
Natutuwa ako sa weekend na 'to. Kung matatandaan niyo, nasabi ko na isa sa dahilan ng pagkalungkot ko, eh iisa lang ang set of friends ko. Well, hindi naman talaga totoo yun, pero kasi minsan naiisip ko, iisa lang yung palagi kong sinasamahan madalas. Hindi sa nagsasawa ako, pero maganda ring malaman na kapag hindi sila available, meron kang ibang mayayaya.
Malamang, tumaba nanaman ako nitong weekend na 'to. Pero para sakin sulit naman kasi kasama ko mga taong gusto kong kasama. Yung tipong walang dinadalang mabigat na problema. Nakakagaan ng loob.
Wala man akong pahinga, nitong nakalipas na mga araw, pero hindi ko nararamdaman na napapagod ako. Ganyan talaga pag nag-eenjoy ka.
Apr 17, 2009
I LOVE YOU, MAN

That's the premise of the movie I Love You, Man. My second favorite film of 2009 (Slumdog's first). Anyway, just like the title, I love this movie. It's funny, touching and it's the male equivalent of a chick flick. Yeah it's kinda mushy when it comes to the scenes between Peter and his girlfriend Zooey, but you get alot of insights about being a man as well during scenes where Peter hangs out with Sidney (Jason Segel). I know it kinda sounds like a gay film, but it's not. It may be awkward if you're going to watch this movie with a guy because of the title, but it's kinda like Fight Club only it's not an action film... it's a comedy. And guy-on-guy kissing aside, it's really a macho film.
I really liked this movie, first of all because I kind of can relate to Peter's character wherein I'm closer to women than men. I'm not sporty, more like geeky in a way and I don't have a best friend. Well, that's voluntary. I mean I have a lot of close friends, but I don't want to brand just one person as a best friend. It's kind of unfair to the others who in one point or another shared a good/awesome memory with me. The point is, I see myself in some of the characters in the movie.
It's a very relatable movie because I know everyone goes through this at one point or another wherein a friendship affects the relationship between a guy and his girlfriend. It rings true to a lot of us. Doing some research on the film, I found out that this is from the writer of some of my favorite movies like Meet The Parents and Meet the Fockers. So it kind of is a quality movie.
And one more thing, it's not really boring. It's not a slapstick comedy type of film, and I'd say that this is the type of movie that not everyone will appreciate or like, but it's really funny. It's a guy film but it's not offensive to women. And it stars Paul Rudd and Jason Segel, two really likeable comedians. And then of course there's Rashida Jones and Jaime Pressly which are both eye candies.
I like movies that made me realize things. And this movie made me realize that just like Peter, I don't have that many guy friends. Maybe I need to start going on man-dates to find my BFF (Shet, that's so gay!!!).
Yeah... I love this movie.
Rating: 9/10
Apr 14, 2009
DOWNER
The truth is, hindi ko talaga alam. Di ko mapinpoint kung ano yung problema. HIndi ako lonely. Di rin ako longing na magkasyota. My job is all fine. Marami nang ginagawa, pero ayos lang.. it's work.
I spoke with a friend the other day, tapos may nasabi siya sa akin that made me realize something. It could be the reason. Actually, marami akong naisip na dahilan kung bakit hindi tama pakiramdam ko ngayon... Bare with me...
- Mainit masyado. Naaapektuhan katinuan ng pag-iisip ko ng sobrang init.
- Nalulungkot ako't patapos na ang 5-day vacation ko, at wala akong masyadong nagawang exciting.
- Bored na bored ako sa buhay ko...
- Sabi ng kaibigan ko, I'm a nice guy... it might mean that I'm a doormat.
- Nahawahan ako ng depression ng nabanggit na kaibigan dahil hindi sila nagkatuluyan nung babaeng inireto ko sa kanya.
- Isa lang ang set of friends ko.
- 17 episodes lang yung binili kong DVD ng season 2 ng Gossip Girl.
- 3 araw na akong hindi nakakapaglaro ng Pet Society at Restaurant City.
- Babalik na ako sa trabaho mamaya.
- Tumataba ako.
- Nanuod ako ng T2 at hindi ako masyadong natakot dun sa pelikula.
- Hindi ako nakapag-out-of-town noong long weekend.
- Maaaring dahil wala akong masyadong ginagawa nung nakalipas na mga araw, kaya nakapag-isip ako.
Apr 10, 2009
REPLEKSYON
Pero, totoong nakapag-isip ako. Mayroong nagsasabing maganda ang paningin ko sa buhay. Optimistic. Maaaring totoo. Pero mayroon din kasing mga araw na nabubuwisit ako sa buhay ko. Hindi ako perpekto. At hindi ko lahat kinukwento dito.
Hindi ito madramang post. Promise. Gusto ko lang magsulat ng something na reflective. Bakit nga ba ako positibo sa pagtingin ko sa buhay? Dahil ba mahilig ako sa mga pelikula, na baka sakali magkakaroon din ako ng sarili kong happy ending. Maaari ngang keso ako. Pero, matanda na ako para malaman na ang kwento sa pelikula, ay hindi sa lahat ng tao nangyayari.
Pero ang di nawawala sa akin eh pag-asa. Kaya hindi ko nakakalimutan ang St. Jude, kasi kahit gaano ako kasuwail na anak, kagago na tao, at katarantadong Pilipino, binibless pa rin ako. Maganda ang trabaho ko. Mababait ang mga kaibigan ko. Hindi ako naghihirap. Hindi ako malungkot, at wala akong dahilan para malungkot.
May panahon na emo ako, at ang mga kasaama ko eh mga taong depressing kasama. Yung tipong walang ibang ikukwento sayo eh mga problema nila sa buhay. Hindi sila matutuwa sayo kung wala kang kinukuwentong nakakadepress. Hindi ka "in" kung hindi ka malungkot. Hindi ko na nakakausap ang mga taong iyon.
Ngayon, sumusunod na lang ako sa ihip ng hangin. Kung may problema, harapin. Ang mga yan dumarating para tayo ay matuto. At para tayo ay maging mas mabuting tao. May mga bagay na kahit siguro hanggang huli, eh uulit-ulitin ko. At merong mga taong darating na gagawin akong tanga. Pero ayus lang, dahil ang importante, sa huli pag babalikan ko na yung mga nangyari sa buhay ko... masasabi ko na naging makabuluhan ito.
Masaya ako.
Apr 7, 2009
DID YOU MISS ME?!
So kumusta naman ako? Eto, ayus lang, tumataba ulit. Napapasarap ang kain madalas, pero sabi ko dahil Holy Week ngayon, eh diet muna ako. Medyo matagal-tagal na rin akong natigil sa paggym. Lagi kasing puyat, kakagaling ko nga lang sa sakit, tama na muna yung pagurin yung sarili ko. Tsaka mainit... Dami ko excuses. Basta balik ehersisyo ako, paglipat namin ng building, kasi mas malaki gym dun.
Anyway, marami-rami rin akong ikukwento sa inyo, pero ayokong isang bagsakan lang syang isulat dito, dahil baka maubusan nanaman ako ng maibablog. Uunti-untiin natin. Sa ngayon, siguro ikukwento ko na lang ang mga pinaggagagawa ko habang ako'y naka break. Medyo marami rin kasi yun. Di mo aakalain na ako'y magiging productive na tao kapag walang pinoproblemang blog. Di ko kailangan mag multi-task. Mas focused sa trabaho. Masaya. May kulang, pero ayus naman.
So ano nga ba ang ginagawa ng mga taong naghahiatus? Isa-isahin natin:
- Nagtatrabaho.
- Isang buong araw na nagmovie-marathon.
- Nagpakaadik sa Pet Society sa Facebook.
- Nagreconnect sa mga dating kaibigan.
- Nagtatrabaho.
- Di sinipot ang paanyaya na makipag-inuman sa kaibigang matagal na di nakita.
- Sumakit ang ulo kakapayo sa mga nagliligawan.
- Nakakita ng bagong pagpapantasyahan... yiii kilig... hehehe
- Telebabad.
- Nagtatrabaho.
- Buong araw nag Facebook.
- Kumain ng kumain... ang sarap kumain.
- Nag-iisip ng dahilan para hindi makasama sa company outing.
- Gumawa ng paraan para maging aktibo ang sex life.
- Naglaro ng Xbox.
- Nagplano para sa Singapore trip next year.
- Nagbabasa pa rin ng blog ng ibang mga tao.
- Kinilala ang ilang mga kablog sa pamamagitan ng IM.
- Nagtatrabaho.
Kitams, napakaproductive ko nitong nakaraang linggo. Pero syempre, dahil siguro naging parte ng sistema ko ang pagsusulat, medyo naramdaman kong parang may kulang. Kung alam niyo lang kung ilang beses ko ninais na magsulat ulit dito... Mahirap siya alisin eh. Therapy ko na ito. Pantanggal ng stress. Medyo masaya nga lang, kasi nitong linggo, nalaman kong meron din naman palang ibang magandang paraan para maglabas ng mga problema, di lang sa blog.
Mar 31, 2009
MIGRAINE

Sa kakabloghop ko kanina, nalaman kong meron palang pelikulang I Love You, Man... Ito'y kwento ni Paul Rudd, na ikakasal sa gelpren niya. Pero wala siyang best man, kaya ayun, naghahanap siya ng kanyang bebesprenin na lalake. At dahil comedy yung pelikula, riot yung mga mangyayari.
Dahil nga may sakit ako, medyo depress-depressan ang drama ng lolo niyo. Don't get me wrong, madami akong kaibigan, wala akong reklamo sa kanila. Kasama ko lang sila noong Biyernes. Maituturing ko sila na mga best friend ko. Pero, yung tipong bestest friend, na tipong araw-araw nakakausap mo. Kapag nabuburaot ka sa bahay mo, pupunta ka lang sa kanila, magvivideo games lang kayo buong araw. Tapos kasama mo maghanap ng makakana kapag weekend.
Yung tipong marami talaga kayong kapareho. Hindi syota ha. Kaibigan lang. Wala ata akong ganun.
Dala lang ito ng Tylenol siguro at Biogesic. Itutulog ko na lang ito. Mabuti na lang at matatapos na ang buwan ng Marso. Ang buwan ng pagpapakakeso. Pagpapakaemo. Pagiging sentimental.
Isip ko, baka kelangan ko muna ngayong mag reading mode... Andami kong gustong isulat na di ko magawa dahil walang inspirasyon... Hay.
Mar 28, 2009
TO MOMMY ROSE
***********
Rosemarie Cervantes an agent of Team Carlson was on her way to Philippine Charity Sweepstakes office last Monday, March 23 2009 to ask for financial assistance for her husbands’ scheduled exploratory colon surgery. The balance in his Prudential Life Card is not enough to cover the total cost of the surgery because it has already been used for a series of expensive laboratory tests and check ups. On her way to the PCSO office, she took a cab and found a pouch containing P 104,000 and $230 CAN. A total of P144,000.00 pesos more or less the amount she needs to fill the balance of her husbands health card. Her personal needs did not even hinder her from doing a good deed. She directly went to one of the most popular radio stations (DZMM) to ask for assistance in locating the owner since there is no contact number nor local address in the passports and IDs inside the pouch. DZMM then sought assistance from police and The National Press Club. The owner was located, and to cut the long story short, yesterday, Mar 25 2009 the lost pouch was returned to the owner with every penny intact.
The owner is Mr. Dexter Pablo Pasion a nurse and a naturalized Canadian Citizen, from Maple, Ontario . He is very grateful to our own Mommy Rose, as we call her in Carlson. The owner also returned monetary reward for her honesty and integrity.
**********I have known Mommy Rose since she started working with us in ICT, and ever since, I have not seen bad blood run through her vains. She has been a mother not only to me, but to everyone of the people in our little program. It's really not that hard to believe that she could do something as noble as what she did.
The thing is though, her husband, Joselito "Bobot" Cervantes, had colon surgery this morning. He has stage 4 colon cancer. The good thing is that it hasn't spread yet. He needs continuous chemo therapy, and that's where they need the support from PCSO. I know the internet is a powerful media, and that's why I wanted to post this.
I ask you now, my fellow bloggers to please pray with me that he will pull through this ordeal. I believe in good karma, but it would greatly help as well if you give Mommy Rose and her family your support, even if it's just by a simple prayer. One good deed deserves another. Help me out. I rarely do this, and it's not only because it is the right thing, but because I love our Mommy Rose.
Mar 25, 2009
KWENTONG BISOR
Uso kasi sa mga kaibigan ko sa facebook yung magreminisce tungkol sa kumpanyang pinagtatrabahuan namin dati. Halos lahat kami ay matagal nang wala duon, pero ika nga hanggang ngayon hindi pa rin sila makamove on. Kaya ito, ikukwento ko ngayon ang buhay boss ko...
KWENTONG TL
Tarantado akong TL noon. Pasaway. Nauso ang sakit na UTI sa opisina dahil ata sa akin. Paano ba naman kasi, ang mga naglalakas loob noon na pumunta ng banyo eh pagbalik eh laging nagugulat... pagbalik nila, yung headset nila nakasawsaw na sa pulbos o sa tubig, yung tubig nila lasang C2 na... yung upuan nila nakabaligtad, tapos yung laman ng bag nila nakakalat sa floor. Tapos minsan yung sapatos nila nakatago sa ibabaw ng mga locker o kaya naman yung monitor nila di na nakakabit sa pc. Oo isa akong malaking brat!!!
Marami na rin akong napaiyak noon. Madalas naman hindi sinasadya. Nadadala lang sila madalas sa pressure, lalo na pag serious mode ako. Lagi ko hinihingan ng benta. Ayun, nagsisimula tumulo ang luha, pag di nakakayanan. At isa sa mga dahilan na hindi ako lumalapit sa mga buntis eh dahil nga muntik nako mapahamak dahil dun. Pano ba kasi, may nagpaalam sakin na magcr, eh nung nagsabi sakin halfway na siya mula sa station at banyo, nasabihan ko lang ng 'ano pa ba, andyan ka na' hayun, humagulgol. Simula nun, di na ko masyado nakikipag-usap sa buntis.
Madalas naman mga babae ang napapaiyak ko. Isa pa lang ata yung lalakeng umiyak sakin. Kinukwento niya kasi yung drama sa buhay niya. Nung mga panahong yon... naisip ko, wala ang Wowowee sa drama nitong batang ito.
EXCUSES EXCUSES
Bilang bisor naman, dami rin ako naging pasakit dun. Lahat na ata ng excuse para umabsent eh natanggap ko na...
"Sup Gil, di po ako papasok kasi naglayas yung pinsan ko."
Feb: di daw papasok kasi bday ng nanay... Abril: bday naman ng tatay... Hulyo: bertdey ulit ng nanay. Ilan ba ang magulang ng batang ito?
Meron ding mayroon ding nagsasakit sakitan... tapos biglang makakasalubong mo sa Glorietta.
Lahat yan, napagdaanan ko na... kasi nagamit ko na rin yan nung agent pa ako.
Nasabi ko na ba kung saan nanggaling ang pangalan ng blog na ito? Ang Gillboard kasi ang tawag sa board ng team ko noon. Opo, kahit ako na yung Operations Supervisor, may panahon na may hinawakan din akong mga tao. Tapos sa board na yun nakalagay yung mga benta ng mga tao ko. Kung absent sila... kawawa sila... dahil nakapost dun kung bakit sila nakaliban noong araw na yun. Nagmotmot mag-isa... Nabasted - hindi kinaya... Nirarayuma...
Pero wala namang na-offend. Alam naman nila na it's all for fun lang. Hindi naman ako sineseryoso ng mga tao dun. Kaya kapag may inaannounce akong importante, minsan hindi nila alam kung paniniwalaan ba nila ako o hindi. Ang maganda lang siguro, eh pag sobrang seryoso na ang usapan eh nakikinig naman sila.
DI NAMAN AKO GANUN KATERROR
Kung sa tingin niyo, eh napakasama kong boss, hindi naman. Kagaya ng isang nagpupumilit na maging isang mahusay na bisor, naaappreciate ko naman yung paghihirap ng mga tao ko para sa programa namin. Minsan nga, kapag walang ibinigay na budget sa amin ang kliyente namin bumubunot ako sa sarili kong bulsa ng funds para may maibigay sa mga bentador ko.
At kung sa tingin niyo, eh walang gustong mapunta sa team ko noon, ang totoo niyan, maraming ahente dati ang lumalapit sakin at nagpapaampon. Kahit na may sira ang ulo ko, ako lang noon ang nagbibigay ng chocnut sa mga agents ko. Ang team ko lang ang may sariling pakontes. At kapag may kontes ang buong account, kadalasan team ko ang nananalo. Lahat ng taong humawak ng pinakamaraming benta sa buong programa ay nanggaling sa aking pangangalaga. At halos lahat ng napromote eh at one point or another eh naging agent ko.
Ang pinagmamalaki ko lang siguro aside dun sa mga naaccomplish ng account namin, eh ni minsan, hindi ako o ang support team ko naakusahan na namumulitika. Ewan ko, siguro dahil open ako sa lahat ng desisyon ko sa mga tao ko. Kung may mga hindi ako napagbibigyan, eh sinisigurado ko na naipapaliwanag ko kung bakit hindi ko maibibigay yung hinihingi nila. At sa kabila ng mga kagaguhan, kalokohan at katarantaduhan ko sa floor, sa totoo lang, mabait naman talaga ako.
MAGBUBUHAT LANG NG BANGKO
Alam ko na hindi ako perpektong boss. Alam kong marami akong pagkukulang at maraming dapat pang matutunan. Hanggang ngayon tanggap ko yon. Gayunpaman, hindi maitatanggi ninuman na may mga nagawa akong maganda para sa account na yon.
Nang magsimula kami ng back up ko na hawakan yung account na yon, 50 lang ang tao namin at 3 lang ang TL noon. Pero noong umalis ako, 113 ang bilang ng ahente ko, 8 ang TL ko. At lahat ng taong dumaan sa account ko, kilala ko.
Noong ilipat ang account namin mula Ortigas papuntang Marikina, nung unang buwan namin, isa lang ang nawala sa mga tao ko. Ang programa ko ang nagpauso ng mga fun days sa office. At kahit mukha kaming tanga kapag naka sports costume, prom night, hiphop vs metal, geeks and nerds, santacruzan, 70's, 80's o kaya crossdress ang theme namin, game lahat ng tao.
AT SA PAGTATAPOS...
Siguro kaya halos lahat kami ay nahihirapang makamove-on pag-alis namin sa kumpanya, dahil sobra kaming naattach sa programa at sa mga tao nito. Lalo na ako, andun nako simula pa lang ng account. Magkakasama kami ng mga tao ko para palakihin yung account.
Andun yung halos mamalimos kami sa mga TL namin, QA, at sa boss ko para lang may maibigay na papremyo sa mga ahente namin pag tumaas yung benta ng account. At dahil lahat ng mga ahente dito ay magkakakilala, para na talaga kaming isang pamilya. Lalo na nung nasa Marikina na ang lahat. Minsan hindi lang kami magkakatrabaho, yung iba magkakapitbahay pa.
Di ako iyaking tao, pero nung huling araw ko sa trabaho, napaiyak nila ako. Syempre wala na masyadong maraming tao nung nangyari yun. Pero natouch lang ako sobra sa ginawa nila. Binigyan nila ako ng dvd ng mga mensahe para sakin ng mga iniwan ko. Nang matapos ang despedida party sa apartment, at bumalik na ang lahat sa trabaho, isang oras akong ngumangawa mag-isa noong pinapanuod ko sa bahay yun. Alam ko kasi na nagtapos na yung isa sa pinakamagandang kabanata sa buhay ko.
Pero nakamove on na ako...
Mar 24, 2009
ANG BLOGOSPERYO... BOW
Malamang sa pagsusulat ko nito, mayroong mga taong tatamaan. Opinyon ko lang naman ito. Yung mga napapansin ko. Wala akong masamang ibig sabihin kung may babanggitin ako sa mga napapansin ko. Hindi ko naman kayo papangalanan. At bago pa ako magsalita, oo alam ko rin kung ano ang mga pagkukulang ko at ng blog ko. Hindi ko ito sinulat para laitin ang mga blog ninyo, dahil alam ko namang yung mga sinusulat ninyo ay kung ano ang nararamdaman ninyo sa puso ninyo...
**********
Kung iikot ka sa blogosperyo, mapapansin mong parang mga kabuteng nagsusulputan ang mga bagong manunulat dito. Mayroong mga bata, mga disgruntled na empleyado ng call center, OFW, mayroong mga nanay, aktibista, mga single na frustrated sa buhay, photographer, mga keso, emo, komedyante at mga totoong nabiyayaan ng talento sa pagsusulat.
Uso na nga ngayon itong hobby na 'to. Bakit naman hindi, isa itong paraan para mailabas mo lahat ng problema mo sa mundo. Dito mo maaaring ikwento kung paano mo pinasagot yung matagal mo nang nililigawan. Yung mga sexcapades mo, pwede mo ditong ilathala. At higit sa lahat may mga pagkakataon na dito mo rin makikilala yung mga taong maaari mong maging tunay na mga kaibigan.
Naaalala ko noong nagsisimula pa lang ako, inggit na inggit ako sa mga nababasa kong blog dahil ang huhusay nilang magsulat. Malalim. Nakakatawa. Makabayan. Tapos yung iba, sa mga celebrity pa. Pero ngayon, kahit sino na lang maaaring gumawa ng sarili niyang talaarawan.
Nagbago na nga ang mukha ng pinagkakaabalahan kong ito. At kagaya ng mundong araw-araw na binibisita ko, nagbago na rin ang mga taong nagsusulat dito.
BUSINESS
Marami-rami na rin akong tinanggal sa aking links dito dahil yung dating kinaaaliwan kong basahin eh ginawa ng pangunahing source ng pagkakakitaan ang kanilang blog. Wala namang masama dun, at one point in time, ninais ko ring gawin yun dito sa blog ko.
Ang naging problema lang naman kasi dun, eh feeling ko nang magsimula nang diktahan ng kung sinuman yung manunulat na yun para ipromote yung binebenta nila, eh nawalan na ng saysay yung tahanan nila. Kung yung dati, isang magandang humor blog yung nababasa ko, ngayon puros pagpopromote na lang ng mga serbisyong di ko naman kailangan.
Paano ka namang gaganahang magbasa ng isang post tungkol sa security locks diba?
Mayroon din namang hindi nga post yung binebenta, pero tinadtad naman ng ads yung page. Yung tipong sampung minuto nang nagloload yung page, puros ads pa rin ang nakikita mo't hindi yung nais mong basahin. Nakakawalang-gana bumisita.
YUNG IBA NAMAN
Medyo mahirap na rin ngayon magbloghop, dahil hindi naman lahat ng nabibisita mong magandang blog, eh sigurado kang magtatagal. Marahil kasi kahit sino na lang ang maaaring gumawa ng sarili niyang post, at medyo madali na nga lang ito, maraming tao ang naeengganyo.
Maraming mahuhusay magsulat, kaya lang pagkatapos ng isang linggo, pagsasawaan na at hindi na babalikan. Nakakahinayang kasi nga magagaling silang magsulat.
Mayroon din naman na nagpopost nga, kaya lang minsan sa isang buwan lang. Ewan ko, kung wala lang ba talaga akong life kaya halos every other day akong magsulat habang yung iba eh minsanan lang.
Kung mayroong hindi madalas magsulat, meron namang sobrang sipag na ewan ko ba kung paanong hindi nauubusan ng ideya para sa kanilang blog. Gustuhin ko mang gawin yung ganyan, natatakot ako na baka kinabukasan, wala na akong maisulat pa saking munting tahanan. Pero hanga ako sa mga taong ganito.
Karamihan sa mga bagong nagsusulputang mga blog eh mula sa mga kabataan. Mga teen-ager. Hindi ko madalas bisitahin yung mga ganun kasi hindi na ako makarelate sa kanila. Iba na ang lenggwahe nila. At minsan kaya ayaw ko eh dahil naiirita ako sa grammar nila. Hindi ako perpekto mag-inggles, pero medyo tama naman ang grammar ko. Kaya nga halos lahat na lang ng post ko ngayon ay sa Tagalog dahil ayakong nagkakamali sa inggles. Di nga lang ako mahusay sa grammar ng Pinoy. Tapos yung iba pa, kung paano sila magtext, ganun din sila magblog.
Alam mo rin kung sino yung nagboblog para lang sumikat. Bibisita sa blog mo, mag-iiwan ng mensaheng general ('nice blog.. visit me too' o kaya 'bloghopped'). Kaya ko tinanggal yung cbox ko, dahil naiinis ako sa mga ganung mensahe. Totoo na gawain ko yun noon. Pero sinisiguro ko naman na binabasa ko yung nakasulat sa blog nila bago ako mag-iwan ng mensahe. Tsaka ginagawa ko lang yun sa mga blog na totoong nag-eenjoy ako. Hindi para lang magpapansin.
Ganun din sa pagkumento. Alam mo kung sino ang hindi nagbabasa ng mga blog. Yung mga kumukumento for the sake of making a comment. Ganun din ako nyan pag minsan. Kapag di ko maintindihan yung post dahil sa sobrang lalim, binabasa ko yung mga kumento para mas maintindihan ko. Pero meron talagang mga tao, na magkukumento lang para ipromote yung blog nila. Madalas dyan mga Bumbay o Indonesian na ewan ko. Meron din namang mga tao dahil sa hindi ka sumasang-ayon sa opinyon nila, ay hindi na bumabalik sa blog mo. Masyadong maramdamin.
HAY BLOG
Mayroon din namang masasarap bisitahin. Lalo na kung yung nagsusulat eh kaedad mo, kasi talagang makakarelate ka sa mga sinusulat nila. Pare-pareho kayo ng problema.. sa trabaho.. sa babae.. sa lalake.. sa mga buhay pamilya.. tsaka kahit alam mong problemado, eh makukulit pa rin. Hindi nakakadepress. Nakakabawas ng stress, lalo na't madalas ginagawa ko ang bloghopping sa gitna ng trabaho.
Isa sa mga nakakatuwang bisitahin din eh ang mga blog ng mga babae. Mapapansin mo talaga na kung paano sila magkwento, eh ganun din sila magsulat. Siguro, bilang sa mga daliri ang mga blog ng babaeng nabibisita ko na nakakapagkwento o nakakapagpost ng maiikling mga kwento. Madalas talaga mahahaba ang mga sinusulat nila (lalo na kung lalake ang pinag-uusapan). Tapos may part 2 at part 3 pa yan. Wala lang... pansin ko lang.
Marami rin namang naglilipanang mga humor blog ngayon. Halos lahat nais na magpatawa. May nadapa sa MRT.. iboblog agad.. ganun din kung may narinig na chismis sa elevator.. may nahipuan sa jeep.. natalsikan ng laway sa restawran.. basta nakakatawa sulat agad. Kaya lang minsan ang problema dun eh, wala namang laman yung kwento nila. Wala lang... pagkatapos ng ilang minuto makakalimutan mo rin. Maganda sana kung kahit papaano, eh may marerealize ka na maganda mula sa mga kabulastugang nabasa mo.
Pero ang maganda sa mundong ito, kahit na hindi mo pa kilala ng personal ang may-ari ng mga binabasa mo, dahil sa mga nababasa mo eh parang matagal na kayong magkaibigan. Iba kasi yung koneksyong mabubuo mo pag may ibang taong nakakabasa ng mga bagay na mga kaibigan mong matalik lang ang nakakaalam. Masaya ring malaman mo na tuwing may problema ka, may mga taong handa kang tulungan, bigyan ng payo at pinagdarasal ka rin.
Kaya nga matapos ang halos apat na taon, eh hanggang ngayon buhay pa rin etong blog na ito. Nakakatuwa kasing isa-isang nakikilala ko rin ng personal yung mga bumibisita dito at binibisita ko.
Mar 22, 2009
MGA NATUTUNAN KO SA PAGTATRABAHO
Marami nanaman akong makikitang naglalakad sa kalsada ng Ayala na mga batang bitbit ang kanilang mga resume. Sama-sama ang kanilang mga ka-batch na makikipagkumpitensya para makuha ang trabahong inaasam nila.
Anim na taon na mula nang ako'y nagsimulang magtrabaho. Mangilan-ngilan na ring kumpanya ang napasukan ko. May nagtagal ng anim na araw. Meron din naman minahal ko't sinamahan ko ng tatlong taon. Etong huli, sana dito na talaga ako magtatagal, dahil ngayon, eh sobrang nag-eenjoy ako sa ginagawa ko.
Anim na taon na rin akong nagtatrabaho. Marami na rin akong natutunan dito.
- The best way na magkaroon ng isang malaking sakit sa ulo sa trabaho eh ang makahanap ng syotang katrabaho.
- Kapag workaholic ang drama mo sa buhay, darating ang panahon na makikita mo na lang ang sarili mong nag-iisa sa tuktok.
- Pinakamadaling paraan para masisante ang pagdadala ng problema sa bahay pagpasok mo sa trabaho.
- Isa sa pinakamabisang paraan para mapansin ka ng boss mo, eh ang pumasok sa trabaho ng maaga palagi.
- Nasabi ko na ito dati, pero uulitin ko. Kahit saang parte ng mundo ka magtrabaho, hindi mawawala ang pulitika sa opisina.
- Hindi sapat na mahusay ka sa ginagawa mo para makaangat ka sa trabaho. Kailangan marunong ka ring makibagay sa mga kinakasama mo.
- Kung boss ka, huwag mong pipigilan ang mga nagnanais na umalis sa kumpanya niyo. Manghahawa lang yan sa pagiging di mabuting empleyado.
- Huwag matakot sa mga pagbabago. Minsan mas nakakabuti ito para sa inyo.
- Sa mga job interview, kung sasagot ka ng oo siguraduhin mong mapapangatawanan mo ito. Magsasayang ka lang ng oras kung sasabihin mong kaya mo mag graveyard shift, kung hindi naman totoo.
- Masarap ang magtrabaho at pumasok kung gusto mo rin ang mga nakakasama mo.
- Pero hindi ibig sabihin na dahil gusto mo silang kasama, at nag-eenjoy kapag kasama mo sila, eh magkaibigan na kayo. Pagdating sa trabaho, ang mga yan sarili din ang iniisip.
- Hindi masama na alam mo ang gusto mo. Pero siguraduhin mo, kapag may hihingin ka sa iyong trabaho, eh nakakatiyak ka na karapag-dapat ka ngang pagbigyan nito.
- Sa mga empleyado, naiintindihan ng mga boss ninyo na may pangangailangan din kayo. Intindihin niyo lang, na meron ding pangangailangan sa inyo ang kumpanya ninyo.
- At totoo ang sinasabi nilang, gaano mo man kamahal ang kumpanya mo, minsan talaga hindi nila kayang suklian ito sa'yo.
Mar 20, 2009
MODERN COMIC BOOK CLASSICS
Plus, I've been wanting to write in English again. It's an itch I've been wanting to scratch for weeks now.
Going back to comic books, people immediately assume it's a kid thing... if not, a geek thing. Comic book collectors are usually stereotyped as nerds or people that bullies like to pick on. Well I don't think that it's entirely true. I've been buying comic books since I was a teen-ager, and I've never actually seen any kid in any of the comic book shops that I frequent. Not one child. Now as for the nerd thing... the late Francis Magalona is a comic book junkie. As well as Bobby Andrews. Do you actually think they'd be qualified as nerds? I don't think so.
I know collecting these things could be an expensive hobby, but believe it or not I'm willing to lend (NOT GIVE!!!) some of my collections to people who are interested in seeing what I see in these things.
Anyway, comics have matured alot these past few years. Gone are the black versus white, good versus evil ways of writing comic book heroes. Protagonists might step on the shades of gray. Villains have more complicated goals rather than just wanting to conquer the world. And heroism now isn't always perceived as it should be. Just like almost all of it's readers, comic books have grown up.
My intro's gone long enough. Here are some of the stories that I think could be considered Modern Classics.

This is an alternate universe version of Marvel's Avengers. It's about thirteen issues, half of which seems not to be connected to each other. It shows us the flaws in the characters of each of the members of the team. The setting is just like the real world, where superheroes are not a common thing. Thor's perceived as a psycho who fancies himself as a god. The Hulk is a brainless monster with a lust for destroying things. And Captain America might just be fake. As the story goes on, we find out that there's actually a plot to take out all these supers so that America can be invaded to by a superpowered terrorist group. And they actually succeeded. This is actually an awesome story coupled by fantastic art. Just imagine if Michael Bay is given unlimited budget to do this story, it'd be an awesome movie. The eight page spread by Hitch by the end of the series is a work of art. During the time of it's original release, this title was plagued by delays so it's really difficult to follow this story. But if you read all 13 issues in one sitting, the only word that'll come out of your mouth will be 'wow'.

The self-proclaimed God of all comics left a mark on X-Men when everyone thought that this title can't offer anymore new stories to tell. Gone are the colorful costumes and the superhero missions for the mutant team. You actually feel that Xavier's School for gifted youngsters is actually a school. Alot has happened in Morrison's run that made readers realize that this is not their father's X-Men. Cyclops is fooling around with Emma Frost when Jean Grey's not looking (or reading his thoughts). Beast turned from ape-like to catlike, Charles Xavier can walk again, a million mutants died in Genosha and the X-Men just became a great read again. The only thing that I didn't like is that the art in his whole run was inconsistent. There were issues with really gorgeous art (Phil Jimenez, Ethan Van Sciver), and there were really horrible ones(Igor Kordey). I think he had 6 artists throughout the entire run.

After Grant left the X-Men in 2004, the question was how to make the title still readable. Enter Buffy The Vampire Slayer creator Joss Whedon who completely abandoned what Grant established and brought the X-Men back to their basics. Which was basically soap opera with alot of action. This is 25 issues of awesome characterization and great banter. With the death of Jean by the end of Morrison's run, Joss worked on Scott and Emma's relationship and actually made me like what they had over Scott and Jean's. At one point, he turned Wolverine into a sissy girl which was hilarious. He brought Colossus back to life, and unfortunately ended Shadowcat's in one of the best death(?) in comics ever... I loved this run because 1) I'm a fan of Buffy when it was still airing 2) it has sweet sweet art from Cassaday and 3) it's just good. Problem, again with this run is that it was plagued with delays, but if you read this in one sitting, specially the entire run, it's more than satisfying.

The thing I loved about Ed Brubaker's Cap is that it reads like a good spy/action story. Prior to this, I hated the character as I see him only as one sanctimonious SOB. He's actually a boring character in my opinion. But Brubaker changed my mind. Now, this is the only title that I religiously follow. You see, in the 1940's Cap had a teen-age sidekick named Bucky. He was lost back then trying to stop a madman (which was actually a trap). The Russians got hold of his body, and turned it into one of the world's most effective assassins... The Winter Soldier. Captain America saved him. And now that Steve Rogers (Cap) is dead, it falls on the hands of Bucky to continue the legacy of the fallen soldier. It's 40+ issues of just great read. If you're into shows like 24 or Alias, Captain America reads something like it, only with more action and the sexy Black Widow.

This is probably one of the best reads I've had in a long time. I just bought this 10 year old story a few weeks ago, and I remember not having slept because I can't stop turning the page until the end. You see, one night a woman gave Daredevil her baby because apparently, it was prophesied to eventually become the anti-christ. Of course, the forces of evil would want to get hold of the child, and it's up to the man without fear to protect it (regardless if she's the antichrist or not). What follows is one of the most tragic thing to happen in the life of our hero. It's really heart wrenching seeing the Daredevil tortured emotionally. I really liked the funeral in the end. Almost made me cry. The story and the art were fantastic in this 8-issue series that made the whole Daredevil franchise one of the most consistently acclaimed title in Marvel's roster.

One of DC's strongest suits is that it's heroes are some of the most powerful beings in the world. Unfortunately, that's also their crutch. Creating a problem for the heroes as powerful as Superman, as smart as Batman or as strong as Wonder Woman is something that's close to impossible to do. But what Brad Meltzer did with this 7-issue mini-series is something fans didn't expect to read in a DC comic. Ralph Dibny, The Elongated Man is a family man, his wife is one of the Justice League's best ally. She was loved by everyone. But she was killed by an unknown enemy. Her death not only crushed the league, it also opened some of the worst-kept secrets that the league kept from their own. A secret that will forever change the way the heroes see each other. I actually thought that this was a great story. Issues of rape, manipulation, and family were tackled and it all worked perfectly. I'm not a DC fan, but this story made me want to root for their lesser-known characters like Dibny.
I actually have more. Unfortunately, my job is getting in the way of my blogging. I'll post another one of these some other time. If it's only possible for me to upload the titles I mentioned above, I would've just so you'd see what makes me go crazy about comic books.
Mar 18, 2009
MASARAP DIN PALA ANG WALANG PERA
Para sa tatlong linggo na ako'y naghihintay na magkaroon ng sasahurin muli, kailangan kong pagkasyahin ang dalawang libo na natira sa bulsa ko. Sasabihin ko sa inyo, ANG HIRAP ng ganito!!! Para sa isang taong magastos na kagaya ko, ang hirap pigilan ang sarili na bumili ng mga bagay na gusto ko.
Pero napagtanto ko na kahit ganun ang buhay, meron din namang mga advantage ang hindi pagkakaroon ng pera sa mga panahong ganito...
UNA: INSTANT DIET
Dahil nga wala akong pera, hindi na ako nakakabili ng pagkain sa labas sa tuwing mapagdesisyunan ng mga magulang ko na kamote lang ang kakainin nila sa bahay. Wala naman akong pera para umorder ng pagkain sa labas. Madalas ngayon, pag-uwi ko, imbis na Jollibee ang dinadaanan ko para bumili ng isang order ng burger o kaya Jolly Hotdog, yung tindahan ni Aling Ebang ang dinadaanan ko para bumili ng dalawang stick ng banana-que. Tapos pag tiyempong hindi pa sila nakakapagluto pag daan ko, natutulog na lang akong gutom. O diba, 5 pounds gone agad... Hahaha
PANGALAWA: FAMILY BONDING
At dahil wala akong panggastos para makagimik tuwing Biyernes o Sabado, tambay lang ako sa bahay. At dahil nakatambay lang ako sa bahay, syempre wala nang ibang pwedeng gawin kundi makipagbonding sa mga kasama ko doon. Si nanay at tatay. Nalaman kong patay na pala si Dave sa Tayong Dalawa at lumabas si Claudine sa May Bukas Pa. Kinuwento nila na tinanggap na ulit ng kapitbahay namin yung foreman na pinalayas nila. At saka yung nanay ng kababayan ng tatay ko eh pumanaw na rin. Hindi nga lang ako naambunan ng biyaya ng nanay ko, nung nanalo siya sa casino noong isang araw kasi pambayad daw ng utang yun.
PANGATLO: YOU GET SMARTER
Ulit, dahil nakakulong ka lang sa bahay kapag wala akong trabaho, madalas sa harap ng internet lang ako nakaharap. At minsan, dahil nakakasawa nang basahin lahat ng balita tungkol sa comics dahil wala namang bago, at madalas natapos ko nang basahin lahat ng blogs sa listahan ko, minsan napapadpad ako sa BBC news. Lumalawak kahit papaano ang nalalaman ko. Nakakakita ng mga site kung saan matatagpuan ang mga gadget na aking pag-iipunan. At may mga nabibisita rin akong mas maraming site kung saan nagpapakita sila ng mga educational videos ng human anatomy. At kung hindi ako naghahanap ng porn este magagandang website, eh nakakapagbasa ako ng libro.
PANG-APAT: SAVE MORE
Dahil nga nagtitipid ka, mas natututo akong magbudget ng pera ko ngayon. Biruin niyo, nakaya kong mapagkasya ang natitira kong pera sa loob ng halos isang buwan. Partida, bumibili pa ako ng comics niyan. Nakakahanap ako ng mga kainan na masarap kahit di kasingmahal. Narerealize ko ang mga bagay na hindi ko naman kailangan, at nababawasan ang buwanang pinagkakagastusan. Marahil hindi ako nakakasama sa gimikan ng aking mga kaibigan, pero mabuti na ngayong mas nalalaman ko kung paano magprioritize pagdating sa pera. Di man nadagdagan ngayong buwan ang emergency fund ko, di ko naman ito nagalaw.
PANGLIMA: LONG TRAVEL APPRECIATION
Dahil wala akong pantaxi sa gabi, bus lang ang sinasakyan ko. Nakakatipid ka na nga, maaappreciate mo naman ang mahabang biyahe. Lalo na kung type mo ang iyong katabi. Mas napapansin mo ang maniningning na ilaw ng Buendia at ng Roxas Boulevard. Minsan pa nga, mapapanuod mo yung mga pelikulang di mo pa nakikita. Bawal na ata ngayon ang mga pirated na pelikula sa bus, pero nakakaaliw lang, kasi kahapon napanuod ko yung The Hills Have Eyes 2. Astig yun, kahit walang kwenta yung storya. Napakagory. Pero di yun yung point, ang point eh masaya rin pala ang magcommute papasok.
**********
Nitong mga nakaraang linggo, simple lang ang pamumuhay ko. Walang gastos. Masaya naman pala. Mas kaunti ang pinoproblema. Actually, kung wala siguro akong ginastos noong isang buwan, tapos ganito lang ang pamumuhay ko, malaki tiyak ang maidadagdag ko sa emergency fund ko. Kung ganito lang ako mamuhay noon pa, baka malaki na ang ipon ko ngayon. Kaya ko naman, kelangan lang makapagpigil.
Ang plastic ng post na to no? Sa totoo lang, wala pa ring tatalo pag may pera ka. Mas malaya ka na gawin ang gusto mo. Wala namang masama sa simpleng pamumuhay, mas marami ka nga lang magagawa kapag may budget ka.
Mar 16, 2009
BAKIT KESO SI GILLBOARD
Itong kaibigan kong ito, eh malamang attached na. 8 taon. Sabi niya, masaya naman sila. May anak na sila, pero hanggang ngayon ay hindi pa mag-asawa. Sa dinami-dami ng pinagkakagastusan sa kasalukuyan, ang kasal nila ay huli muna sa listahan. Ang mahalaga naman daw eh alam nilang mahal nila ang isa't-isa.
Nang malaman niyang hanggang ngayon eh wala pa rin akong natatagpuang kapareha sa buhay ko, siya ay nagtaka. Noong mga panahon kasi na madalas pa kaming nagkikita, alam niya na ako ay isang taong romantiko. Naniniwala sa pag-ibig, sa kakesohan, at sa lahat ng kakornihan na kakabit ng salitang l-o-v-e. Sabi niya, sa lahat ng mga nakilala niya't naging mga kaibigan, ako yung hulig taong ineexpect niya na magiging single pa rin hanggang ngayon.
ANO NGA BA ANG NANGYARI DUN SA KESONG TAONG YUN?
Sa buong buhay ko, dalawang beses ako nakapagsulat ng tula. Dala yun ng sakit na kakornihan na dumadaloy sa dugo ko noong panahon na may teen ang numero ng edad ko. Dalawa ang pinag-alayan ko ng tulang yun. Ngunit sa kamalasan, ni isa sa kanila ay hindi ako sinagot. Nakatago pa rin yung dalawang tulang iyon, at nang mabasa ko ulit kanina, habang naghahalungkat ako ng mga gamit ko sa aking kwarto, natulala ako.
Ang corny!!! Gusto kong sunugin yung dalawang tulang iyon. Pucha, rhyme kung rhyme!!! Ewan ko ba kung anong klaseng engkanto sumapi sakin noong mga panahon na iyon, at ganito ang naisulat ko? At hindi na rin ako nagtataka kung bakit ako nabasted noon. Ikaw ba naman makabasa ng isang tulang baklang-bakla, eh matuturn-off ka rin.
Yung dalawang pinag-alayan ko ng tulang iyon, eh yun yung unang dalawang taong nagbigay ng mga unang sugat sa puso ko. Ngayon, hindi na ako gumagawa ng tula... pero nagsusulat pa rin ako. Alam ko, isa sa mga strengths ko iyon. Kahit nung nasa college ako, ako pinagagawa ng mga kaklase ko ng mga liham nila para sa mga nililigawan nila. Marketing Management student ako eh, likas na sakin ang pambobola. Tsaka syempre, noong mga panahon na yun, naniniwala ako sa mga kwento ng pag-ibig. Na may soulmate. May love-at-first-sight. Na totoo ang destiny. Pero kahit na yung mga panahon na iyon, wala akong nagtagal na relasyon. Buwan-buwan pa rin ang tinagal ng mga iyon.
NAUNTOG?
More like natuto. Sa dinami-dami ba naman ng kabiguang nadanasan ko sa ngalan ng pag-ibig, eh siguro naman eh natuto na ako. Hindi lahat ng kilig na mararamdaman mo sa umpisa ng isang ligawan eh madarama mo kapag naging kayo na. Pagkatapos maging kayo, doon mo mas lalong makikilala ang sinisinta mo. Doon lalabas ang ilang ugali, na hindi mo nakita noong panahong bituin pa ang hugis ng iyong mga mata. At marahil, yung babaeng kasama mo ngayon, ay hindi na katulad ng nililigawan mo noon.
Hindi na ako nagmamadali. Natutunan kong kilalanin muna nga ng mas mabuti kung sino yung kasama ko. Dahil sa totoo lang, ngayon ang nais ko sana eh, kung ako ay magbalak nang hanapin ang nawawalang piraso ng puso ko, eh gusto ko sana eh yung sakto na mismo ang pagkakalapat nito. Para wala na akong hahanapin pang iba.
Hindi pa nawawala yung kakesohan sakin. Di naman siguro mawawala talaga yun. Kahit pa kasingsama mo si Bella Flores, kung tamaan ka ng pana ni kupido, lalambot at lalambot din talaga yang puso mo. Pero ang sigurado ako ngayon...
Hinding-hindi na ako gagawa ng tula buong buhay ko!!!
CLOSURE
Ano ba talaga ang dahilan ng post na ito? Noong isang linggo, sumulat ako ng liham para sa isang taong nasabihaan ko ng nararamdaman ko. Maraming mambabasa ang nagsabi na ipadala ko na. Binigyan pa ako ng ilan ng tips kung paano mapapaganda pa lalo yung sinulat ko. Kaya ko sinulat itong post na ito, ay para lang ipaalam sa inyo ang naisip kong gawin.
Napagdesisyunan ko na huwag na lang ipadala sa kanya ang liham. Binura ko na sa drafts ko yung kopya ng liham na iyon.
Bakit kamo? Wala naman talaga akong dahilan para humingi ng sorry. Granted na in a way, nabigyan ko siguro ng mga senyales na maaaring may pag-asa na balang-araw maging kami, alam naman niya, na sa ngayon, hanggang kaibigan lang muna ang kaya kong ialay. Umoo naman siya dun. At hindi sapat na dahilan ang pagsasabi ko ng totoo para hindi ako pansinin o dedmahin lahat ng tawag at text ko.
Sa tingin ko naman, isa akong mabuting kaibigan. Kung hindi niya nakita yon sa loob ng tatlong buwan na kami'y naghaharutan, eh hindi ko na kasalanan yun. Hindi ako ang nawalan.
Marahil tama yung ibang nagkumento noon, na baka hindi ko siya talaga gusto. Na ang hinahanap ko lang talaga eh yung may nakakausap o kaya'y nakakalandian paminsan-minsan. Totoo na 'to, ito na talaga ang huling post ko tungkol kay Date. Hindi ako bitter.
Parang blogger lang yan, once a corny lovesick puppy, always a corny lovesick puppy.
Mar 13, 2009
UP AND COMING







Mar 11, 2009
REPOST: TIL I GET MY MOJO BACK
Hindi sa nagiging mapanghusga ako, pero meron talagang mga tao na kahit anung gawin ko, eh alam kong hindi magiging malapit sa akin. Siguro naranasan niyo na rin yung sinasabi ko. Yung tipong sa unang tingin pa lang, kahit di niyo pa sila kilala eh kumukulo na ang dugo ninyo. Di ko alam kung dahil ba ito sa kanilang pananamit, o dahil matining ang boses nila, o talagang ang mga aura namin ay sadyang magkaiba kaya nahihirapan akong lumapit sa kanila.
SI PAPA JACK AT JAMES MORRISON
Ang sagot naman ng DJ sa kanya, eh isa siyang malaking TANGA. Madamot daw yung babae. Kasi parang ang sabi eh nagbibigay siya kasi nag-eexpect siya ng kapalit mula dun sa lalake. Tapos madamot nga, kasi parang pinapapili niya yung guy sa kanila ng pamilya niya, na hindi naman dapat sa isang relationship. Parang mali daw, na dahil lang dun eh magkakaroon na siya ng duda kung mahal nga ba ito ng boypren niya, at medyo handa na siyang sumuko. Kung ganun daw ang pag-iisip niya, eh hindi pa siya handang magmahal (not exactly his words, pero parang ganun yung gusto niyang iparating).
Naisip ko, may point dun si Papa Jack. Kapag nagmahal ka nga ng isang tao dapat give lang ng give, kahit wala kang makuha, basta ang mahalaga eh maiparamdam mo sa mahal mo yung pag-ibig mo sa kanya. Kasi nga naman, kung nag-eexpect ka ng kapalit, ang ginagawa mo ay parang kinokontrata mo ang isang tao na mahalin ka dahil may ibinibigay ka at di dahil mahal mo siya. Pero syempre, kelangan maging matalino ka rin, kailangan mo ring maramdaman kung kailan inaabuso na yung pagbibigay mo. Wag kang maging martir, ikanga.
Hmm... para sa isang palabas sa radyo na kadalasan eh kwentong kabastusan na PG-13 ang naririnig ko, di ko inaasahang may matututunan ako dito.
Iiwan ko na lang muna kayo ng isang awitin mula kay James Morrison. Dinagdag ko na siya sa player sa kaliwa ninyo. Hopefully, tumugtog ito... Sobrang nakakarelate kasi ako ngayon dito...
James Morrison
I’ve been a fool
I tripped and fell, there was nothing I could do
Forgot what I had, thought I had something to prove
Oh what a fool
I couldn’t change
Put my hand in the flame
That was the only way I ever see some light come back again
Whatever you’ve got for me, I take it completely
If it’s love if it’s hate give me more
I can take what you’re feeling
Oh what you’re feeling
Let me say it all over again
Give me fire give me rainI can take all the pain if I hurt you
I don’t wanna hurt you
Just wanna say it all over again
Oh and nowI think about the nights I let you down
I remember all the times you helped me out
I’m sorry now
You’re slipping away
as everything breaks
All I want to do is fix it up and hope it’s not too late
Whatever you got for me
If it’s love if it’s hate give me more
I can take what you’re feeling
Oh what you’re feeling
Let me say it all over again
Give me fire give me rain
I can take all the pain if I hurt you
I don’t wanna hurt you
Just let me say it all over again
Oh I couldn’t see it
No no no
That the only one I needed was there all along
Oh for the first time, I know it’s gonna be the last time
I’m gonna give you all I got to give and never hold it back
Oh if it’s love if it’s hate give me all
I can take what you’re feelingI know what you’re feeling
Just Let me say it all over again
Give me fire give me rain
I can take all the pain if I hurt you
I don’t wanna hurt youJust let me say it all over again
If it’s love if it’s hate give me moreI can take what you’re feeling
Oh what you’re feelingLet me say it all over again
If it’s fire if it’s rainI can take all the pain that you’re feeling
I don’t wanna hurt you
Just let me say it all over again and again and again
You gotta give me some love
You know give me some love
gimme some love
Know you've gotta me some love some love
gimme some love gimme some love gimme some love
gotta give me some love
I’m gonna give you all I got
Give you all I got to give
Give you all I got to give hmmmmm
You know I will