Noong 2009 gumawa ako ng listahan ng mga bagay na aking dapat na maachieve sa taong iyon. At dahil bagong taon na. At may nagawa na akong bagong listahan, eh siguro tama lang na ireview ko kung nagawa ko ba yung mga goals ko noon. Eto yung nakasulat noong isang taon...
- ako ay magsisimula na talagang mag-ipon.
- bibisitahin ko ang mga lugar dito sa Pilipinas na di ko pa napupuntahan (Boracay!!!)
- papayat na talaga ako... promise!!!
- magiging masaya ang love life ko...
- mareregular ako sa trabaho ko. At pagbubutihan ko ang ginagawa ko.
- makikipagkita ako sa mga blogger friends ko!!!
- magsusulat ako ng mas maraming posts na may katuturan.
- di na ako magiging suplado.
- matututo akong tumanggi sa mga gastos na di ko naman kailangan.
Mukhang doable naman, diba? Sige tingnan natin kung ano nga ba ang nangyari?
- impernes sa akin, limang buwan kong nasunod yang goal na yan. Nasira lang nung bumili ako ng bagong phone, at nagsunud-sunod na yung mga gastos ko pagkatapos nun... FAIL!!!
- hindi man ako nakapag-Boracay, eh nakalabas naman ako ng syudad noong nakaraang taon. Napadalas ako sa Tagaytay, at narating ko ang Quezon... SEMI-SUCCESSFUL!!!
- no comment. FAIL!!!
- Eto success na success ito. Naregular ako. Nalipat ng Operating Unit. At hopefully, ngayong taon ay mapropromote... SUCCESS!!!
- Eto success din ito. Marami akong nakilalang bloggers last year. Sana magtuluy-tuloy ito ngayong taon... SUCCESS!!!
- Marami naman akong naisulat na medyo may katuturan noong isang taon. Binabase ko ito sa mga kumentong nakukuha ko mula sa mga mambabasa ko. Salamat, at kahit pa utaw ang utak ko, eh naaappreciate ninyo ang mga sinusulat ko... SUCCESS!!!
- Madami nga akong nakilala diba. Wag lang kayong maging weirdo. Ayaw ko lang naman yung ichachat ako sa opisina tapos nagkukwento ng kabastusan. Weird. Lalo na kung lalake din kayo!!! Pero hindi ako suplado... SUCCESS!!!
- 6 ang nabili kong pabango. Bumili ako ng xbox ulit ngayong taon. Bumili din ako ng isa pang cellphone na di ko naman ginagamit. Dumami pa lalo ang mga comics na kinokolekta ko. Pati mp3 player na ngayo'y sira na... EPIC FAIL!!!
Tatlo lang sa siyam ang Fail noong 2009. Sigurado ako mag-iimprove yan ngayong taon. Naniniwala akong maswerte ako ngayon. Kahit pa ninakawan ako ng earphones sa opisina. Mababaog kung sino man yung dumekwat nung hinayupak na bleep bleep bleep bleep bleeeeeeeeep!!!
2010 will be a good year!!!
ERRATUM:
Napansin ni Gasul na may namiss out akong isa.. hahaha.. Salamat nga pala.. unconsciously iniskip siya kasi single nanaman daw ako ngayon... lolz
- Nagkalovelife naman ako noong 2009. Di man nagtagal, eh lablayp pa rin. Masaya nako dun... SEMI-SUCCESS!!!
20 comments:
sigurado akong mas marami pa rin ang success this year. ikaw pa. ipagpatuloy mo lang. tuluy-tuloy ang success sa buhay mo hanggat naniniwala ka sa kakayahan mo.
Meet more bloggers din ang goal namin!!!
Mukhang meron kang na-missed out. Ang lovelife! Haha PHAIL din ba 'yan? LOL
gasul: ayan inedit ko na!!! hahahaha
glentot: yep yep... iniisip ko sa bday ko mag-aya ng kapwa blogero.. hehehe
andrei: totoo yan... ika nga ni binoe, think positive!!!
Wow ang daming success,yung dalawang Semi-Successful ay malamang maging Success na green font narin yan sa lalong madaling panahon...
Happy new Year!
hehe
goodluck nalang para sa 2010!
so yung ginawa mo nuong 2009, gagawin mo pa rin ngayung 2010?
turo ng isang kaibigang financial analyst. kuwentahin lang daw kung magkano ang alloted amount na gagastusin per day, tapos multiply ng 15..yun ang magiging budget mo sa kinsenas..tapos yung matitira, dun mo kukunin ang bayad sa bahay (kung nagrerent ka).pero kung hindi,. diretso dapat deposit sa iba mong bank account.magugulat ka na lang sa end of the year
Doable and realistic. Good luck to you! Ü
congrats dami mo na achieve.goodluck sau this year.
hapi new year parekoy!
kuri: happy new year din sayo!!!
angel: ganun naman dapat talaga, para di ka madidisappoint in the end.. hehehe
anteros: salamat!
kosa: yung mga fail, tingnan ko kung magagawa ko.. tapos meron din akong ibang goals ngayon... di lang dito nakasulat... hehehe
jepoy: sana ngayong taon maging green yun...
75% success! pasado! congrats.
cant beliv nakakaubos ka ng 6 na pabango.. hehe
takot akong gumawa ng version ko nyan. baka next year pag nag recall ako, puro RED MARK. hahaha!
ayus ka naman gumawa ng resolution. majority nagagawa mo. good luck sa ating lahat this year :D
pag ako nakilala mo, kota ka na agad... sa daldal ko eh parang sampung blogger na katumbas ko... hihihihihi
joke lang poh....
yeah, 2010 will definitely be a better, more prosperous and a happier year para sa ating lahat.... sundin lang ang feng shui, laging dalhin ang lucky stone: batong panghilod hehehehehe
naks makikipag-eb na sya
napansin ko rin ang lablayp. ano yun selective amnesia? lol.
isa din sa goals ko ang mag-ipon. baka sa 1st month lang. summer getaways na next month. hehe.
congrats sa mga success at semi success. dun sa mga failed, pwede pang habulin yan!
yun pa man din itatanung ko na kala ko na skip mo haha!
so may bago ka list ngyon year?
dehinz pa bah akoh nagkomentz d2?.. nbasa koh na tong entry moh na toh ahh... uhm... dehinz na akoh kokomenz dyan sa sinabi moh... sasabihin koh lang uhm... sige na nga kokomentz akoh.. hanggulo koh noh... lolz.. kinda nice kc u got lists of goals... at nakita moh alin ang nagawa moh or nde... kakatuwa... inspiring... yan ang gagawink oh this year... da year juz started kaya ok lang na dehinz koh pa nalilist ang goals koh.. pero soon.. i'll make some list... so yeah... ingatz kuya Gilbert.. Godbless! -di
4 na success
at isang semi
pwede na
hehe
tungkol sa unan, ganyan din ako matulog. Sabi sa sikolohiya, you feel secured daw kasi kapag may mga unan sa palibot mo. :)
Saka mas ok yun, kasi artificial ang warmt. Therefore hindi nakakabuntis. :p
Post a Comment