Mga Sumasampalataya

Jan 22, 2010

ILAN PANG KWENTONG CALL CENTER

Dahil nainggit ako kay Glentot, at matagal-tagal na ring hindi nadadagdagan ng entry ang aking kwento series kaya't naisipan kong magkwento ng mga karanasan ko... ng mga katrabaho ko at mga kaibigan ng katrabaho ko noon na hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin sa call center.

Gusto ko rin magsulat ulit sa Tagalog, medyo sumusunud-sunod ang mga ingles na post ko.. di ako sanay.. hahaha

O siya, kwentuhan na...

CALL NAME
Sa una kong trabaho, dahil outbound sales ako noon, at medyo may pagkascammer ako mahilig ako gumamit ng call name.

Syempre pa, dahil may kahabaan at pinoy na pinoy ang tunay kong pangalan, kelangan ko noong maging kapani-paniwalang Kano. Madalas kong gamitin ang mga sumusunod: Sam Fisher (isang video game character), Peter Parker (Spider-man), Bruce Kent (Superman at Batman) at Richard Gomez (pag pinoy ang kausap ko).

Naalala ko one time, sobrang bwiset nako sa trabaho dahil patapos na ang shift at wala pa akong benta. Napagdesisyunan ko na lang pagtripan ang mga nakakausap ko.

Rrrrrrriiiiingggg..
Bata: Hello?
Ako: Hi, good afternoon, this is Peter Parker, may I please speak with Mr. Smith?
Bata: Whoa!!!
Ako: Hi is Mr. Smith home?
Bata: (sumisigaw sa background) mommy mommy, it's Spider-man on the phone!!!

MR. RAPPORT
Ang isa kong agent dati, sobra sobra kung rumapport sa kanyang mga customer sa telepono. Syempre kelangan yun para mauto ang mga customers na Canadian.

May pagkabibo rin etong kaibigan kong ito minsan. Lalo na pag ganado yun bumenta. Makakarinig ka ng mga kung anu-anong linyang di mo alam kung saan napulot para lang mang-uto.

Isang beses, habang nag-iikot-ikot ako, narinig ko medyo excited etong batang ito at malapit na niyang maclose yung sale. Kelangan na lang niya ng password para sa bubuksang account...

Ahente: And Mr. Customer, for security purposes, we use your Mother's Maiden Name. May I have your Mother's Maiden Name please?
...
Ahente: Ma'am it's okay if you don't want to use your mother's maiden name. Any word will do.
...
Ahente: Cheese?
...
Ahente: Okay, cheese it is then. May I ask what cheese, mocharella or cheddar?
...

Hindi na kelangan itanong sa customer kung anong klaseng cheese ang password.

ABILIDAD
Ito'y kwento lang sakin ng isa kong trabaho.

Isa sa mga mahigpit na ipinagbabawal sa kahit anong call center ay ang mahuli kang natutulog.

Pero syempre hindi naman maiiwasan na ikaw ay antukin, mantakin mong tulog ka ba naman sa umaga at gising sa gabi. Ang hirap kaya, lalo na kung sanay kang natutulog sa gabi.

So itong si ahente, tutal dun sa kanilang opisina ay medyo petiks, naisipang magnakaw lang ng kaunting idlip. Nagkataong yun ay araw ng pagdalaw ng isa nilang boss.

So habang nag-iikot ikot ang mga bisita, ay nakita itong si ahente na natutulog... Biglang lumapit yung Team Leader nung ahente sa kanya para ito gisingin.

Akalain mo ba namang itong si ahente....

biglang nag sign of the cross.

Hindi raw siya natutulog... nagdadasal daw siya para makabenta.

Lusot!!!!

20 comments:

Chyng said...

Basta pag pipikit, mag-ipit na din ng rosaryo sa kamay. Ü

Kosa said...

hahaha.
kakaiba talaga ang mundo ng mga call center puta..
hehehe. pero tingin ko naman nage-enjoy kayo kaya GO lang!!!

Herbs D. said...

lol @ Chyng. i think that's brilliant.

The Gasoline Dude™ said...

Haha bakit ba hindi ko naisipang mag-call center dati? Mukhang masaya nga.

Anonymous said...

dati ng try akong mag colcener kaso naisip ko mukhang hindi ko kaya ang puyatang trabaho. ang ending halos lahat ng naging trabaho ko e shifting din. :/

Anonymous said...

yung teamate ko dati natutulog.. natutumba tumba pa yun ulo. nakita ng teamleader namin, nung kinalabit na siya bigla shang pumadjak padjak ng paa with mathcing tap sa legs. wala naman siyang call kya kumakanta daw sha ng rock at npheadbang! hehe lusot!!

Badong said...

haha! may dahilan na ko ngayon pag nahuling natutulog. labet

glentot said...

Bastos na ahente ginamit pa ang Diyos sa alibi! hahaha. Thanks, mabuti at nainspire ka sa aking call center post at napatawa mo ako sa post mong ito.

Dhianz said...

haha.. salamat sa libreng tawa kuyah.. ingatz.. Godbless! -di

Dhianz said...

ang tipid nang komentz koh noh?.. ganyan talagah pag walang own laffy taffy... yeah dispoable laptop koh eh... kelangan nang bago.. wehe..ang yabang eh noh... biro lang.. pero i really do need a new one... nag-explain lang.. haha... laterz kuyah!

DRAKE said...

Nice! Meron rin akong kwentong call center (PLDT ako OJT) at walang ibang sinabi ang customer namin kundi puro....... MURA!!

Ingat

Moyie G said...

Lam mo naman siguro ung kwento ko ,na brownies na binabanggit ko sa Canadian na customer sa sobrang antok kung anu-ano na sinasabi ko..LOL (Unionbank days)

Yj said...

ang saya ng post... pero ang hindi ko maintindihan bakit kailangan mong mainggit kay Glentot eh napaka walang kwenta niyang tao... hahahaha

charot lang... i love you glentot... muahchupz...

hmmmmm canadian account? hindi kaya Telus itey?

Dhianz said...

mukhang bz kah masyado kuya Gilbert ahh... feel koh lang maggala... eh 'la kang cbox kah d2 na lang... morning dyan devah.. kaya pa-good morning! ingatz po.. Godbless! =)

/iambrew said...

Hahaha. natawa ako dun sa last agent... nagSign of the cross talaga... astig!
paLInk po ah!

maelfatalis said...

Haha! Marami na rin akong experience na ganyan sa call center. Lalo na sa outbound.

Meron akong coworker na kapag tinanong kung kamusta na siya, ang sagot niya: Oh I'm fine! I'm getting married next week!

Ayos.

Pero ang totoo niyan, in shambles na ang buhay may asawa niya.

Ang sarap maging call center agent, we can be who we wanna be. Lalo na kung sa outbound ka. :)

Death Mark said...

ahaha, ayos yung last na lusot ah. masubukan nga yan hahaha.

Raft3r said...

nyahaha
masaya pala talaga ang mundo nyo, ah
hehe

7a'faR said...

great post....


abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~

Anonymous said...

I'm not sleeping..
I'm praying..:)