Since eto ang una kong post sa taong 2010, eh aking uulitin ang isa sa mga pinakapaborito at pinakamahirap na post na usually ginagawa ko. Sa totoo lang di ko alam kung bakit ko pinagpipilitang magsulat ng ganito eh Math ang pinakaayaw kong subject sa school noon. Pero dahil special itong post na ito... (400th post yay)... pagtiyagaan niyo na!!!
1 - naging syota ko last year.
1 - bilang ng buwan na naging kami. tagal noh?!
2 - bilang ng buntis na katabi ko sa opisina. Di ko lang alam kung bakit minamalas pa rin ako sa pag-ibig hanggang ngayon. hehehe
2 - ang bilang ng natitirang aktibong blog ko sa mundo ng blogosperyo.
7 - dating bilang ng mga kinakukutaan ni Gillboard sa blogosperyo (2 blogspot, xanga, myspace, friendster, livejournal at multiply)
4 - binili kong cd ng mga kanta ngayong taon (The Script, James Morrison, 2 I Love Acoustic... panregalo)
5 - bilang ng mga bloggers na nameet ko ng personal last 09.
5 - average na oras ng tulog ko simula nang lumipat ako ng Operating Unit sa opisina.
6 - bilang pabangong binili ko noong 2009.
6 - bilang ng tuta na iniluwal ng 2 aso namin last December.
8 - ang pangalang itinatawag sakin ng mga tao (ayaw kong isa-isahin dahil baka simulan niyo akong tawagin ng isang pangalan dun sa listahan na yun... kakaasiwa!!!)
15 - kasalukuyang bilang ng mga inaanak ko...
4 - lang ang nakatanggap ng regalo ngayong Pasko.
20 - bilang ng fiction posts dito sa blog na ito.
28 - ang magiging edad ko ngayong taon...
31 - bilang ng games sa aking Xbox collection...
3 - ang bilang ng games na natapos ko na (ang hirap kaya ng ibang mga laro... swear!!!).
33 - bilang ng ORIGINAL dvd sa aking collection.
39 - bilang ng fake na dvd sa aking collection (in fairness series yang mga yan at di movies)
52 - araw na lang bago ang aking kaarawan!!!
94.7 - radio station na pinakikinggan ko madalas.
124 - bilang ng posts na sinulat ko noong isang taon.
400 - bilang ng posts ko sa blog na ito!!! yahoo!!!
500 - Days of Summer (isa sa mga paborito kong pelikula ng 2009... la na maisip isulat dito)
2000 - ang dapat na budget ko sa comics sa isang buwan.
6000 - ang nagiging budget ko sa comics nitong mga nakalipas na mga buwan (huhuhu).
Yan na muna, maglilinis pa ako ng kwarto at maglalaro ng xbox nang madagdagan naman ang bilang ng mga larong natapos ko na..
Salamat nga pala sa lahat ng sumubaybay sa aking blog sa loob ng 4 na taon at 400 posts. Kung nabasa ninyo lahat ng sinulat ko dito mula umpisa... ang masasabi ko lang, ang tiyaga ninyo... Grabe!!!
Paano ba mag podcast?! Gusto ko kayong gumawa ng ganun ngayong taon. Hehehe
22 comments:
from 2000 to 6000. ayos yan. gawin ko man tong ganitong post puro 0 lang naman mailalagay ko.
grabe taas ng budget mo for comics. P2000 din budget ko for two weeks for my food and transpo na yun. yaman ni gilbert! Ü
hahaha.. pati bilang ng buntis sa katabi sinama. ayos 15 na inaanak. yaman ni ninong. 52 para sa birthday! imbitado kaya kami? hahaha..
happy new year gillboard at congrats sa 400th post. milestone yun. (clap, clap)
whoa 6K monthly for comics. para ka pala yung kilala ko na hilig mangolekta ng comics. gastos talaga yun hehe.
anyways, cheers to 2010.
wow... nakeep track mo yan lahat...
tyaga mo!!! lalo na yung perfume...
keep ur friends close and ur enemy(math) closer...
sabagay pag naglilinis ka ng kwarto... parang kang naglalakad sa memory lane...
sana makagawa ka ng podcast.. gud lak!!!
buti ka pa nakakalima nang meet na bloggers ako wala pa XD
dame namang pabango hehehe
wow magopodcast ka? gawin mo para marinig namin ang english accent mo :)
naks part 2!
Nabasa ko na yung part 1...
Happy New Year ulit!
Sana may part 3 ulit next year!
wow
statistician
hehe
congratulations, mr numbers man
yesss...
NUMBERS.
subukan ko nga ito...
sana ,di ako mahilo.
hehe.
500 days of summer, the best!
15 - kasalukuyang bilang ng mga inaanak ko...
Akala ko "anak" wahahahaha
di ka rin adik sa comics nyan kuya??hehehe
sinama mo pa talaga ang 500 days of summer. nyahaha. at bakit walang books sa listahan mo?
2000 to 6000! That's comics, it'll creep up on you if you don't trim it down. Mine's been staying at around 2500 for a long time now.
6000- budget pa Lang sa comics yun!
Eh budget sa foods parekoy? Haha
oo nga, ang tyaga nila!!!
Parang nagiging matyaga na rin ako ahhh... Yun yata ang isa sa mga natutunan ko nuong isang taon.
hahaha ang tyga mo din bilangin yan mga yan!
happy new year!
at cge mag podcast ka naman!exciting yan!
6000 para sa comics?! LOL
At pabango, bakit andami naman? Dahil sa post na 'to, nalaman ko kung gaano ka kayaman.
teka lang... kelangan ko ata magreact... hahaha
gasul: hindi ako mayaman... malaki lang ang sweldo buwan buwan... hahaha
mac: kung may makakapagturo sakin kung pano gawin yun... magpopost ako agad ng podcast...
kosa: ngayong taon babawasan ko ang budget sa food.. para pumayat.. hahaha
skron: how can you do it when stories get more and more interesting by the month.. but i'm going to drop some titles this month.
scud: ilan lang naman nabili kong libro ngayon.. yung kay dan brown tsaka kay neil gaiman... limot ko title... lolz
jaid: hindi.. hindi halata... hahaha
glentot: naku... laking tuwa ng magulang ko kung anak yan...
gege: di naman siya nakakahilo.. tamang migraine lang.. hehehe
raft3r: naku kung alam mo lang kung gano ko kaayaw ang math!!! hahaha
moks: pag may mabibilang ako ulit.. bakit hindi... hehehe
boris: naku... wala akong accent.. pero boses pogi ako... hahaha... joke!!!
ens: yung pabango naman nasa cabinet lang.. madali bilangin.. hehehe
lawstude: happy new year din sa'yo!!!
dong: kapag napagdesisyunan kong magcelebrate ng bday ko... sure... invited kayo!!!
chyng: yung comics... sa isang buwan na naman yun... tama lang.. hehehe
andrei: welcome sa blog ko... try mo lang minsan.. sigurado ako meron kang maisusulat dyan...
bigla tuloy ako napabilang ng akin. hahaha!
congrats!
ang galing! maligayang ika-apat na raang tala sa iyong web log! ;)
naaliw naman akoh dyan.... may aso ka palah.. katuwa naman... sabi nilah... sweet daw ang dog lover... hihhhee... hehe... yeah me too gusto koh ren ma-try pano mag-podcast.. parang kaaliw... pag na-try moh sabhin moh saken how... laterz kuyah... happy ano bah?.. teka.. ahh happy 400th post! yey!... ahehhe.... happy new year na ren... may u have a blessed new year! Godbless! -di
wow ang galing ng yearend review na to ah hehe
ako i got 50+ original dvd's last year!!! 4 pa lang dun ang napanood ko.
at buti ka pa nagka love life last year :)
Post a Comment