Mga Sumasampalataya

Sep 21, 2009

SUB-ZERO

Sub-zero ang tawag kay Katrina.

Palaban. Hindi nagpapakita ng nararamdaman. Pusong yelo. Malamig. Walang pakiramdam.

Tamang-tama sa trabaho niya. Abogada. Hindi siya dapat madaling madala ng emosyon. Mga talunan lang ang nadadala ng ganun. Bawal umiyak sa harap niya. Mahihina lang ang umiiyak. At walang puwang sa mundo niya ang mga mahihina. Ang mga talunan.

Pinalaki siya ng mga manhid na magulang. Sundalo ang ama. Doktora ang ina. Parehong hindi siya nakita habang lumalaki. Parehong kagalingan ang hinihingi sa kanya. Siya dapat ang pinakamataas ang grado. Ang pinakamahusay sa klase. Ang numero uno. Yun lang ang kailangan para iparamdam nila na mahal nila ang anak.

Dinala ni Katrina ang ugaling ito hanggang sa pagtanda. Hindi kuntento hangga't hindi siya ang pinaka. Kahit sa mga kapares nito, kailangan katulad niya. Pinakamagaling. Pinakamatalino. Malayo ang narating.

Isang araw nagising si Katrina na wala siyang makitang katulad niya. Kung meron man, iniiwan din siya. Hindi siya kayang tagalan. Hindi naiintindihan ang ugali niya.

Hindi niya malaman kung ano ang pagkukulang niya. Maganda siya. Matalino. Magaling sa kama. Pero bakit walang nagmamahal sa kanya?

Tatanda ba siya na mag-isa?

Isang gabi, sa gitna ng sayawan, hindi niya nakayanan. Walang nagnanais na isayaw siya.

Sa unang pagkakataon, nangilid ang luha ni Katrina. Mag-isa lang siya, habang ang lahat ay nagsasaya.

Sa unang pagkakataon, bumigay siya.

Sa unang pagkakataon, natunaw ang yelo.

Umiyak siya.

*****************
Para sa isang kaibigan. Walang masama na ipakita ang iyong kahinaan. Wala rin masama na humingi ng tulong sa iba. Hindi yun nakakahiya. Maging matapang ka lang. Madaming nagmamahal sa'yo.

Kaya mo yan.

18 comments:

Kosa said...

sinu si Katrina sa Buhay mo pareko?

hahaha..

oo nga! madalas kase,

kung alam nilang kaya mo----HINDI KA NA NILA TATANUNGIN KUNG OK KA LANG.

kapag sobrang taas mo na----PARANG SOBRANG LAYO MO NA PARA ABUTIN KA PA NG MGA TAONG HINDI NAMAN GANUN KATAAS.

ganun ang buhay.

siguro, tama yun!
ipakita mo rin na ikaw ay may kahinaan at GAYA nila TAO LANg.

RJ said...

sabihin mo kay katrina, add niya ko sa facebook.



hahahahaha! :D

Random Student said...

ayan na. marami nang fans si katrina. ang irony d'yan eh pinipilit ni kat na maging matapang, pero minsan nga, ang kailangan ay may matutunan sa kahinaan.

Superjaid said...

walang masama kung magpapakita din tayo ng kahinaan paminsan minsan at humingi ng tulong sa iba, no man is an island ika nga, lahat tayo konektado sa bawat isa, kailangan natin ang bawat isa.

Abou said...

di bale mayaman naman ata sya di ba?

ENS said...

sino nga ba si sub zero???
at parang ay hindi pala parang... kilalang kilala mo siya...
lalo ng alam mo pa na magaling sya sa kama...

DRAKE said...

maprotektahan ang malambot na puso mayroon tayong dibdib o chest na matigas at matibay subalit sa gaano mo man patigasin ang chest o dibdib mo ang puso ay malambot pa rin!

Kung minsan ang pagsuko ay hindi nangangahulugan ng kahinaan, ito'y nagsasalamin lang ng limitasyon natin sa buhay, kaya kailangan na nating tumigil muna at magpahinga para maging matatag sa susunod na laban.

Joel said...

akala ko buhay ni katrina halili yan. ahehe

naalala ko sabi ni bro kay santino, ang mga tao daw ay natatakot magpakita ng problema sa iba dahil malalaman ng iba na mahina sila, hindi lang nila alam na lalo lang silang manghihina kapag hindi nila shinare sa iba yung problema nila dahil wala sa kanilang dadamay..

naishare ko lang gill hehe

Mugen said...

Marami akong katrinang kilala sa aming mundo. Hehehe.

gillboard said...

joms: katrina ba talaga yan? di katrino? hehehe

kheed: salamat kay bro... may natutunan nanaman tayong bago.. hehe.. thanks kheed, welcome back!!!

drake: ipapabasa ko sa kaibigan ko yung comment mo.. thanks..

ens: si sub-zero ay kathang isip ko lamang. hehehe

abou: siguro, duktora nanay niya eh.. hehehe

jaid: tama ka. no man is an island.

random student: oo nga, feeling ko mas sisikat pa sakin si katrina... at meron pa siya talagang nickname ha... hahaha

ardyey: kelangan talaga iadd sa facebook... hahaha

kosa: si katrina ay isang karakter lang.. naisip ko lang, kasi problemado kaibigan ko... ginawan ko ng kwento...

pusangkalye said...

true to life ba to? hehe----me point ka dyan---at totoo din na kung me mga trabahong nakakabobo, me mga trabaho ding nakakamanhid. nakakatakot siguro---naisip ko sa mga doktor, panu kaya na araw araw kang nakakakita ng patay----so pag me namatay na tao para kanalang sigurong nakakita ng namatay na ipis no? katakot

eMPi said...

dapat ipakita kung ano ang tunay mong nararamdaman... hindi porket umiyak ka ay talunan ka na!

A-Z-3-L said...

oo nga naman kaibigan,,, lahat ng tao ay may kahinaan.. kelangan mong tanggapin at mahalin ang sarili mo sa kabila ng kahinaan mo...

dun ka lang maa-appreciate ng ibang tao... pag natutunan mong i-appreciate ang sarili mo!

ACRYLIQUE said...

Iyakin ako. Sana di ako maging sub-zero. :(

Anonymous said...

ui you are blogging again! hindi ka din pala umalis! akala ko natuluyan na talaga eh buti na lang hindi! i hope your friend gets better. kaya yan!

tomato cafe said...

ay, eto ang sablay na side ng mga alpha female. pero anyway. may option tayo para hindi maging miserable. hehe.

Chyng said...

sad but true. walang kwenta lahat ng accomplishments mo pag nilalayuan ka ng mga tao. lalo na sa babae, manliliit ka pa din kung wala kang lovelife pag valentines day! haha

Raft3r said...

sometimes people are afraid to show emotions
it makes them vulnerable, eh
ayaw nila yun
others might use that against them