Mga Sumasampalataya

Sep 4, 2009

CLASS OF '99

Maalala ko, ngayong taon pala dapat icelebrate ng klase ko ang aming ika-sampung taong anibersaryo mula nang kami'y magtapos nang hayskul. Matagal na akong nagsabi sa mga kaklase ko noon na magkaroon kami ng kahit na munting pagtitipon man lang para sa okasyong ito. Pero mukhang malabong mangyari ito ngayong 2009. Kunsabagay, hindi pa naman tapos ang taon. Malay natin bago magpasko mangyari ito.

Noong isang buwan ata, eh naitag ako ni Pareng Drake para magsulat ng mga kwentong mag-aaral. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako gumagawa ng tag, at hindi ito ang sagot ko sa tag na iyon. Ngalang, naisip ko kasi marami pa rin pala akong hindi naikukwento tungkol sa buhay ko noong hayskul ako. At marami pa akong hindi naikukwento tungkol sa mga kaklase ko. So dito, ilalaglag ko sila. Isa lang naman kasi ang kilala kong kaklase kong nagbabasa nito.

**********
Noong hayskul ako, ang pinakaayaw ko na class activity ang reporting. Paganapin niyo na ako ng babae sa mga role playing activity pero ayaw ko talaga na magreport sa harap ng klase. Sa totoo lang sa buong paglalagi ko sa hayskul isang beses lang ako nagreport sa klase. Parepareho kaming natrauma ng mga kaklase ko sa ginawa ko noon.

Sa Biology class kasi namin, nirequire ng guro namin na magkaroon kami ng individual report tungkol sa mga rock formation. Ako, bilang aanga-anga talaga sa science, hindi pinaghandaan yung report ko. Actually, pinaghandaan ko siya, nakahighlight yung mga importante kong dapat sabihin, at nakabullet yung mga topics ko. Pero pagdating nung araw ng reporting, binasa ko yung 4-page na research ko tungkol sa coke on rock formation (hindi coke na inumin). 40 minutes akong nagbasa ng research ko, na hindi naming lahat naintindihan (kahit yung guro ko). Anim kami sa grupo, pero ako lang yung nagsalita.

**********
Pero di lang naman ako yung nag-iisang ganun. Oo, aaminin ko ako yung pinakamalala, pero di lang ako yung may problema pagdating sa mga reporting. Meron akong kaklase, si Marc Anthony, mahusay siya talaga. Ang galing niya magreport, ang galing niya mag-english. Pero ang hilig niya sa 'uhm.' Parang every other word, uhm. Pag tinally mo yung uhms niya, 2:3. Sa bawat 3 salita may isang uhm. Meron pa, si John Michael, matatas din magsalita. Matalino. Kaya lang kapag nagrereport, ang hand gesture eh parang nagja... jabongga mag-isa. Talagang yung korte ng kamay eh parang hawak yung ano niya at nagmamaryang palad.

**********
Syempre di rin mawawala ang mga barka-barkada. Dahil all-boys school kami, malamang hindi mawawala ang mga hindi tunay na lalake. Sa klase namin, halos 1/3 sa amin eh tumitingin din sa mga kapwa lalake. Walang problema dun, actually ang klase namin ang sa tingin ko ang pinakamasayang klase noon. Ang ingay kase. Puros tawanan. Madaming rape rapean na nagaganap habang naghihintay ng guro. Tapos nabuo ng klase namin ang cast ng Gimik dahil sa kanila. Gusto ko sana isa-isahin, kaya lang di ko maalala kung sinu-sino yung mga artista sa palabas na yun (woooh, di daw!!!).

**********
Meron ding mga kontrabida syempre di mawawala yan. Unang-una na dyan ang kupal sa klase syempre. Yung kagaya ni Raymond (daw) na alam ng lahat na notorious na sipsip. Yung tipong ayaw mong ifriend kasi hindi ka rin naman pakokopyahin sa mga test. Andyan din ang mga kontrabidang mga guro gaya ni Mrs. Santos, na walang ibang alam gawin kundi pag-initan ang kanyang klase. Aawit muna kayo ng "Halina Espiritu Santo" pagkatapos aawayin kami.

**********
Syempre, ilalaglag ko na rin lahat ng mga personalidad sa klase. Si Dudoy, yung token chismosa. Si Ricardo, yung mahaderang bakla. Si Russell, yung pinakamatalino sa klase. Si Mikko, yung crush ng bayan at ng mga bakla. Si John Roben, yung sundalo ng klase. Si Zaldy yung notorious na sanggano. Si Angel, yung batang di mo alam kung may kulang na turnilyo sa ulo o talagang may pagkahenyo. Si Gian, yung batang may sariling mundo ng anime. Si Alex yung mahusay magdrawing. Si RJ, yung magaling maggitara. Si Marlon, yung laging pinagtitripan o class clown. At sina Bb. Wong, de Leon at lahat ng mga magagandang guro na dahilan mo para pumasok sa eskwela.

Tama na muna 'to. Sa susunod ulit.

23 comments:

eMPi said...

Ang saya talaga ng hayskul layf!!!

Raft3r said...

man, i feel old reading this post!
nyahaha

happy weekend, buddy!

Kosa said...

hahaha
iba talaga ang all boys school.
ang masasabi ko lang eh, may kulang ang High School mo parekoy.

paano nga pala kapag JS prom nyo?
lols. curious lang ako.

Anonymous said...

hahaha high school.

The Gasoline Dude™ said...

Mas na-enjoy ko ang college ko kesa sa hayskul.

EngrMoks said...

Elementary Life... dyan musmos pa tayo...inosente at puro laro lang ang nasa isip
College Life..seryosohan na kasi... career mo na ang nakataya dito kung magseseryoso ka ba o hindi...

Yan ang dahilan bakit the best talaga ang high school life...dyan nagsisimula ang magka crush, magbinata o magdalaga, maging aware sa pangyayari at paninibago sa katawan...
Masaya talga ang high school life..the best yan!

EǝʞsuǝJ said...

naks..

balik tanaw sa hiskul layp...

^^,
ako din takot sa reporting ehh
nakakabobo kase yung mga follow-up questions ng mga kaklase ko...
(sarap batuhin ng eraser sa mga pagmumka nila)
hahahha

RJ said...

yup 10 years na. at alam mo bang si tedd ang aming presidente ng alumni? kaya naghihintay ako sa kanya ng date kung kailan. sabi nila is 2009, pero wala pa ko naririnig na ugong. o baka hindi lang talaga umaabot sakin ang balita. hehehe.

kapag iniisip ko rin ang HS days, kumpleto ang cast ng isang batch tulad ng mga binanggit mo. hindi pwedeng walang mga ganyan. kasama sa istorya iyan na nagpapakulay ng buhay. emen? emen! hehehe.

poging (ilo)CANO said...

tanong lang parekoy..sa class officers niyo, may muse din ba?nyaaha

sarap talaga ang hi-skul layf..the best.

Badong said...

pang-asar pa yung teacher na nanganganak yung tanong pag-nag-rereport ka!

DRAKE said...

Waaaaaaaaaaahhh!!!Talagang ispisyal minsyion pa ako dito!hehehhe!

Nga pala , bath 99 ka rin pala! Eh di ibig sabihin nun ay magsing-edad tayo, akala ko mas matanda ka sa akin (sa hitsura lang pala, hahahah, joke lang)

Naks mukhang bumabalik ang alala mo ah! ako kasi nakikita ko pa yung mga dating kong kaklase sa Facebook at Friendster kaya wala ng excitement!

Ingat pre

Mugen said...

Parang gusto kong ma-reincarnate ulit bilang isang binatilyo na nag-aaral sa isang all-boys school. Ano kaya ang istoryang ibabahagi ko...

Parang nakakatakot mag-speculate. Lol.

<*period*> said...

ano nga kaya ang buhay sa isang all boys school?

ahem.

ahehehe

word verification:ingeet

ahihihi

Dhianz said...

hahaha... naaliw akoh sa kwento mong reporting... haha... buti na lang nde nakatulog mga kaklase moh... natawa ren akoh sa kaklase mong puro uhmnsss... and 'ung isang dmeng hand gestures... 'la lang... aliw kah tlgah magkuwento... yan kakamiss sau kuya Gilbert.. ingatz lagi.. Godbless! -di

Random Student said...

Reporting? LOL I also disliked that for fear that I wouldn't be understood or baka ma-blanko ako in the middle of my talk. S'yempre uso pa noon ang manila paper.

NOAH said...

I remember someone from my HS days who used to say "uhms" a lot, like your batchmate Marc. And everytime she speaks in front, we will count how many "uhms" she'll blurt out.

^_^

taympers said...

buti naman at naalala mo pa ang hayskul memories mo? ako mukhang malabo na. hehehe

escape said...

Paganapin niyo na ako ng babae sa mga role playing activity pero ayaw ko talaga na magreport sa harap ng klase>>> hahaha.... ganun pala ka ayaw ang reporting.

The Scud said...

matanda pa pala ako sa yo. di ako makapaniwala. lol.

Moyie G said...

saw ur blogsite address in malou's FB
Asteeg blog nyo boss GIL!
care to exchange links?hehe

aajao said...

eh sino naman daw si Gilbert? :p

gemroy said...

Hi! Im new here! your blog is very interesting for me. Lets exchange link? I have added you already. thanks http://businessexplore.blogspot.com/

Raft3r said...

i am not a big fan of reunions
ewan ko nga ba kung bakit
hehe