Madalas, nabubuo ang first impression ng isang tao sa kapwa niya sa unang tingin o kaya sa unang limang minuto ng pagkakakilala. Sa akin, sa mga pinagsusulat ko dito, marahil marami na kayong nabubuong impression sa kung anong klase ng tao ako. Siguro may nag-iisip na ako'y gwapo, matalino, makulit, promiscuous, makwento, cool, cheesy, senti, emo, bakla at kung anu-ano pa.
Dalawa pa lang dito sa mundong ito ang nakakakita sa akin sa personal ata. Di sa nagpapakamisteryoso ako, pero wala lang panahon pa talaga para gumala ako at makihalubilo sa mga kapwa ko blogero. Sabi ko nga, gustung-gusto ko na makilala halos lahat ng mga taong palagi kong binabasa ang mga lathala, kaya lang walang time o kaya resources. Yung iba naman maliban sa pagbasa sa blog nila, wala na talaga ibang paraan para makilala sila.
Mabalik tayo sa usapan. Nang tanungin ko ang ilang mga kakilala kung ano ang ilan sa kanilang mga first impression nila sa akin nang una nila akong makilala, eto ang mga nasabi nila. Karamihan dun, eh hindi totoo, actually halos lahat hindi totoo, ang akala kasi ng mga tao pagkakilala sa akin eh napakasama kong tao. Hindi po ako ang nawawalang anak ni Satanas!!! Mabait kaya ako...
SUPLADO
Hindi sa hindi ako palangiti. Marunong akong gawin yun. At gawain ko yun. Pero ako yung tipo ng tao na ngingiti kapag nginitian mo. Di ako yung ngumingiti kahit kanino, dahil natatakot akong baka isipin ng tao na may sayad ako. Solong anak ako, at hindi gaano sanay na makihalubilo sa mga tao. Pero kapag kakausapin mo ako, sumasagot naman ako. Hindi ako suplado. Siguro unless mukha kang manggagancho, o magnanakaw, pag kinausap mo ako, agad naman kitang sasagutin. Friendly po ako.
MADALDAL
Madami akong kwento sa blog. Makulit akong katext. Marami-rami rin ang nasasabi ko pag kausap ako sa ym, pero sa personal... sa totoo lang... tahimik ako. Gaya ng sinabi ko, mas mahusay ako magsulat kesa magsalita. Kaya maraming nagugulat, at nadidisappoint pag nakikilala ako, dahil feeling nila iba yung kausap nila kesa dun sa nakilala nila. Gaya ng sinabi ko, solong anak ako, at sanay akong kausapin ang sarili ko. Kaya kapag ibang tao na ang kaharap ko, di ko na alam ang sasabihin ko.
MASUNGIT / SERYOSO
Halos lahat ng kaibigan ko ngayon, ang unang pagkakakilala sakin eh yung tipong hindi nila makakasundo. Mukha daw akong sobrang seryoso dahil di masyadong palangiti. Tapos nakilala nila ako noong boss pa ako, na tipong parang laging madaming problema sa mundo. Actually, ganun ako noon. Pero sa totoo lang, makulit talaga ako. Yung maypagkabrat na makulit na cute. Hindi yung nakakaoffend. Marunong ako makisali sa mga knock knock jokes, o use in a sentence joke, o kung anumang kakornihan na trip ng barkada ko. Di ako killjoy!!!
SPOILED BRAT
Dahil nga only child ako, merong mga tao na feeling na spoiled brat ako. Ok lang, naiintindihan ko kasi madalas may talas ang dila ko, lalo na pag di ko gusto ang nakikita ko. Pero hindi naman ganun kasama ang ugali ko. Yung pagiging only child ko nga ang dahilan kung bakit gusto ko magkaroon ng mga kaibigan. Nakakalungkot kaya ang walang kausap sa bahay, kaya kung may nakikilala ako na nakakasundo ko, ginagawa ko ang lahat para ikeep yung pagkakaibigan. Madali nga ako mauto para manlibre.
MAYAMAN
Hindi kami mayaman. Mayabang lang talaga ako. Marahil nabibili ko ang mga luho ko, pero madalas dyan, kapalit nun pawis at pagod ko, dahil pinagtatrabahuan ko talaga lahat ng binibili ko. And by that, I mean, nagtatantrums ako sa harap ng magulang ko para bilhan ako ng gusto ko!!! Biro lang. Di ko gawain yun, edi nasampal ako ng bonggang bongga ng nanay ko. Pero seryoso, kung anuman ang kaya kong bilhin, pinag-iipunan ko yun o kaya'y inuutang ko. Kung may panlibre ako, nakabudget yun. At kung ngayon kayo magpapalibre, hanggang ngayong weekend lang ako may pera, pagkatapos nun, tipid mode ulit. Hindi ako mayaman.
Wala lang. Wala ako maisulat.
29 comments:
o cge alang alang sau ako na ang pupunta sa office mo para makilala kita.
sige.. la na ako sa rcbc.. lumipat na kami... sa solaris... sa kabilang kanto.. hehe
the one and only ka pala na anak.....ako din hindi gaano sanay makihalubilo sa mga tao kaya sinasabhan ako na suplado
marami talagang namamaty sa maling akala..
Ilagay mo kasi address mo para kami na pupunta sa'yo. wehe.. Same thing marami rin akong gustong makita sa mga blogger na nasa list ko.
About dun sa maling akala nila sa'yo, well, may mga nasasabi tayong hindi natin nakikita sa sarili natin na nakikita ng iba.. ;)
Ako rin naman madaldal ang utak, pero naka silent mode sa personal.
ilocano: yep.. only children rules!!! hahaha
dylan: taga pque ako... game ka?! hehehe
"Madali nga ako mauto para manlibre..."
ows?! dnga! cge nga... prove it! Ahahaha! Joke lang parekoi! Nice! Pareho tayo mostly sa lahat ng sinabi mo about yourself...
How they see you...
How you see yourself...
and The Real you...
It's a mixture of the three.
Tatlong tao, ngunit tunay na iisa.
Perspectives... :)
halos mgkaperaho lang tayo ng ugali.suplado din ako at mdyo seryoso.gnyan lang ata tlaga mga celebrity,lols
..ako naman nang una kita mabasa, ang sabi ko: ANG KULIT NITO! kaya ayun, lagi na rin ako nangungulit sa blogsite mo. Lagi na kita binabalikan. hehe
Ingat lagi.
my First impression of you as a blogger... BLOGGER CRITICS... pero okay naman pala ikaw ka-blog... sarap basahin ng mga comments mo...
ako rin madalas napagkakamalang seryoso. kala lang nila... hehe!
Only child ka? APIR! = P
Weeh hindi ka naman masungit ah. Yun ang impression na nababasa ko sa blog ha.
Pero yun nga lang, suggestion dude, choose your words carefully. Lalo na kapag kausap mo ay chick. Medyo matindi pa rin impact sa akin nung huling kuwento mo.
Sayang wala ka sa philips event. Nakalibre ka sana ng bagong mp3 player.
solaris bldg? sa likod? malayo ba un? ang arte mo ah pupunta pa talaga ako para makausap ka! bagay na bagay kang organizer ng blogger's eb dahil sa mga connection mo!
oracle: tama yang sinabi mo.. baka nga suplado, spoiled, madaldal, masungit at mayaman ako.. hahaha
hari ng sablay: di naman ako ganun.. celebrity ako pero di masungit at seryoso... lolz!!!
bampira: ako makulit?! ang seryoso kaya ng mga post ko... di kaya ako nagpapatawa!!! hehehe
mokong: di naman ako ganun...pero salamat at naaaliw ka sa mga alang kwentang kumento ko.. hehehe
rej: honga.. mga taong ganun, judgemental!!!
gasdude: yep, mabuhay ang mga only child!!!
knox galen: sana di mo na lang nikwento... naiiyak naman ako dun!!! waaaaaaaah!!! sayang!!!
jin: at talagang nisearch mo pa sa wikimapia yung building namen ah.. hehehe.. tats naman ako sa eport.. nyak!!!
hehe. paguwi mamaya mag fren request na ako sau sa facebook at plurk.
In short, only child ka. Hehe. pero honestly, nung una akong mapadpad sa blog mo at mabasa yung mga psot mo, kala ko talaga masungit ka. Hehe. peace
jin: sure... add away!!! hehe
badong: di naman ako nagsusungit.. naglalabas ng frustrations oo.. pero never naman ata ako nagsunget... hmmm.. let me backtrack.. hahahaha
hahaha..
parang defensive ahhhhh
pero sa MAYAMAN, apiiiir tayo dyan parekoy!
first impression ko sa yo: makwento! hmm.. at dahil very short time lang ang pagkikita natin, hindi ko napatunayan yun nung mga panahong yun. haha! may kofi session pa pala tayong hindi natuloy. :p
kosa: honga no... parang defensive.. di naman.. nagpapaliwanag lang.. hehehe
kuya jon: di na mapapatunayan yun.. di talaga ako makwento.. hehehe... sige set a date sa coffee session.. habang may budget pa ako!! lolz
ayos sa alright ang result ah!
naalala ko din noong ako ay masipag pang makipag-usap sa tao, nag-survey ako sa kung ano ang tingin o impression nila sa akin. Tulad mo, karamihan ay mali o malamang di ko lang talaga matanggap hehehehe
hahaha...
sayang di ka kasi tumuloy sa event ng nahusgahan! hehehe
klet: bakit naman noon ka lang masipag makipagusap sa tao? di na ba ngayon? hehe
ewwik: buti na lang pala di ako pumunta... huhusgahan mo lang ako dun.. hehehe
gillboard,
oo. noon lang. kasi ngayon nakikipagsulatan na lang ako o kaya nagtatype. di ko na ginagamit ang boses ko. saka minsan di tao ang kausap ko. robot. hehehe joke lang :P
Gusto ko yung nai-quote ni Oracle sa sinabi mo.. Wahahahaha! Palibre naman!
Paranaque lang pala eh.. Hayz, ang lapit mo lang. Ubo! Madalas naman akongmapadpad sa MAnila.
.,ganito dn ang personality ko.. hehe! napagkakamaln akong masungit lalo na kpg umpisa pa lng sa trabaho. I feel sad. :(
Post a Comment