Mga Sumasampalataya

Jun 6, 2006

ENTRY 12: WTF?!

Hindi ako mabilis magalit, pero kapag nangyari yun, tiyak titiklop ang langit at lupa... May kasabihan nga tayo, iba magalit ang mga taong nasa loob ang kulo... Walang dahilan para magalit ako ngayon... Gusto ko lang ipaalam sa inyo ang mga bagay na nagpapainit ng ulo ko...
Gaya ng mga sumusunod:

MATABANG KUPAL SA FX:
Eto ang mga taong insensitibo na mahilig umupo sa gitna ng fx... Teka, wala namang masama na umupo doon sa gitna ng sasakyan diba? Mali!!! Lalo na kung naknakan ka ng taba... Alam nilang apatan sa gitna ngunit pilit pa rin nilang pinagsisiksikan ang sarili nila sa pwestong iyon. Mabuti sana kung ang binabayad nila e pangdalawahan!!! Good luck na lang lalo na sa iba na minsan sumasakto sa likuran nila yung bakal sa upuan... Nakakapanggigil!!!

DESPERADONG DRAYBER:
Naiintindihan ko na kailangang kumita ng mga drayber sa pasada nila... Pero kailangan bang hintuan lahat ng tao na madadaanan nila?! Kahit na yung mga HINDI PUMAPARA!!! Mamang dyipni drayber, alam niyo ba na iba sa mga pasahero ninyo ay nagmamadali?! Sa mga bus drayber, alam niyo ba na kayo ang dahilan ng trapiko sa Maynila?! Sana man lang, ang mga taong ito, eh iniisip na hindi lang sila ang espesyal na anak ng Panginoon!!!

MGA SOSYALERONG JOLOGS:
Nagtatrabaho ako sa isang call center, kaya napapaligiran ako ng mga taong ingglisero. Pero please lang, kung hindi ka marunong masyado ng ingles, eh wag ka ng sumubok. Kung ang nasasabi mo lang na ingles na matino ay ang script mo, wag mo na lang ako kausapin. Ako nga hindi ako ganun, kung hindi ko alam ang salita, nagtatagalog na lang ako, pano pa itong mga tao na ito na ahente lang?! Nakakaasar...

Marami pang taong nakakapang-init ng ulo... Wala lang akong maisip ngayon... Tumatakas lang kasi ako sa paggamit ng computer dito sa opisina. Sa uulitin, maaaring, magsulat ako ng ibang pinanggigigilan ko... o hindi... Abangan niyo na lang.

3 comments:

Ynon said...

you got a high tolerance level, just like me. i'm not sure if this should be a treasured value but in my case, i sometimes despise myself for not being an asshole sometimes to people who are insensitive and inconsiderate.

Sup said...

Oh my gosh..am I one of them? ouch!! :-) I'd be happy to listen to your rants...for a long long time I have composed myself and not talk about the jologs I see around me or the kapalpakan things I did...it would sure be a nice laugh and break from our stressful day!

Anonymous said...

Hallo I absolutely adore your site. You have beautiful graphics I have ever seen.
»