Mga Sumasampalataya

Jan 10, 2012

THE BREAK UP: DAY 10

Biyernes ng gabi.

Inisip kong lumiban na sa trabaho. Magdadalawang linggo na, nang ako'y iwan niya. Kailangan ko nang mag move on. Lalake ako. Madali lang 'to gawin.

Matanda na ako. Nabuhay ako ng mag-isa ng halos tatlumpung taon, sanay akong mag-isa. Hindi ako takot na mag move on.

Kaya ko ito.

Huminga ng malalim pagdating sa harap ng Republiq. Sinalubong ng matatamis na ngiti ng mga kaibigang matagal na ring hindi nakikita. Hindi nakakainuman. Hindi nakakasama.

"Promise, you'll have the time of your life!!!" ang bati nila.

Hindi nila ako binigo. Wala akong ginastos noong Biyernes. Alam nilang mabigat ang aking loob, kaya sinagot nila lahat. Pagkain. Inumin. Kwento. Dinala nila ako dun para malibang at makalimot. Nagtagumpay sila. Nakakamove on na ako.

Ang dali lang pala. Binusog nila, di lang ang tyan ko kundi pati mata. Ganito pala maging single ulit. Malayang makakatingin sa mga gusto mo. Malayang makipagtitigan. Makipagsayawan. Makipagharutan.

Alas dos ng madaling araw ng kami'y lumabas. Ayaw ko pa sana, pero pauwi na rin yung aking nakilala. Sumama daw ako sa kanya. Udyok ng aking mga kaibigan.

Sex lang.

Lamang tiyan.

Dahan-dahan lang, sabi ko. Marami naman pagkakataon, ngayong mag-isa na ako ulit.

Hinalikan ko siya sa labi nang kami'y magpaalam. Ngayon lang ata ako ulit nakatikim ng labi na hindi sa kanya. Iba ang pakiramdam. Napatagal ang aming halikan. Dinakma niya ako.

"Next time, titikman ko yan," anyaya niya habang turo ang nasa baba ng aking baywang.

Kinindatan ko siya. "Sige. Next time."

Binati ako ng barkada. Welcome back to the world of the singles daw, sabi nila. Gusto ko 'to. Masasanay akong ganito.

Pag-uwi ko sa bahay.

Pagdating ko sa kwarto.

Tiningnan ko ang cellphone. Wala pa rin text.

Mag-isa ulit ako.

Bumalik lahat ng naramdaman ko nung huling siyam na araw.

Mabigat ang loob. Masakit ang puso. Malungkot na malungkot.

Hindi siya madali.

Hindi.

********************************
Bago kayo magreact, napapadalas lang ang pakikinig ko ng kantang Easy ng Rascal Flatts.

25 comments:

McRICH said...

natakot naman ako, kala ko na-fed up sya sa kakabasa ng mga entries sa pakontes mo, im glad andyan pren si kasintahan!

Shenanigans said...

do some diversional activities

lilipas din yan mahirap talaga sa umpisa just hang on kapit lang

this too shall pass

khantotantra said...

buti hindi ako nag jump to conclusion na real story at nakita ang tagging mo.

nice.

Rah said...

Nobody said it was easy. Pero somewhere along, dapat din na siya mag move on.

Stone-Cold Angel said...

Sabi na, isa ito sa mga fictional stories mo...

nice story...

Chyng said...

nice. namiss ko nga ganitong kwento mo.

eMPi said...

akala ko sa totoong buhay ito. buti na lang fiction lang.

Jenny said...

yes moving on after a failed relationship is one of the most difficult things to do pero if you have the determination to get up after stumbling down, then you can move on for a brand new beginning.

Gaspard said...

kinabahan naman ako! hahaha :P

Anonymous said...

ewan ko lang ha, epekto ba to ng matagal ng hindi single o ano? parinig ba to? nyahaha

CNA Training Online said...

Muntik na akong naniwala dito ah.. hehe.. nice..

Superjaid said...

akala ko where in the same shoes but then mali pala ako hihi buti na lang mali ako hehehe =D

McRICH said...

haha andaming nagskip read, huli!!

escape said...

naapaisip ako dun. ano to? hehehe

Anonymous said...

Akala ko kung single ka na bro. Good to know that you're not. :-)

L said...

shet, na-victim ako dun ah. mabuti na lang nabasa ko 'yung label. lol!

isang gabing tayuan. laman-tiyan. big no-no para sa'kin 'yan. hehe.

Little Miss Pataki said...

Pag nababasa ko yang Republiq nangangati ako. Pang mayaman kasi, di sanay balat ko. Hahahaha. :p

Kagabi, magkakasama kame nung mga kaibigan ko. Broken hearted kasi yung isa. Alam mo yung feeling na advice ka ng advice tungkol sa relasyon nila ng boyfriend nya, kung anong ginagawa nilang mali, pero ikaw mismo walang boyfriend? Ganon. Ganon ako kagabi. Putres lang.

Pero ayan. Ayan ang ayoko. Ayan ang kinatatakutan ko sa pag boboyfriend. Yang masaktan ng ganyan. Nagmahal nga lang ako nasaktan na ko, pano pa kaya kung naging kame. Horhor.

Relaks Gillboard. Next time isama mo naman ako sa panlalalake mo. Lawl!

caloy said...

buti na lang nabasa ko yung dulo! hindi halatang nagskip read ako! LOL

Anonymous said...

GB i really, really need your mailing address. can you buzz me at pmblog@rocketmail? thank you :D i'll try to email you using the ad you use to leave comments on my litter box.

Little Miss Pataki said...

Puki. Hindi raw totoo to sabi ni Salbe? Oo pinagchichismisan ka namen. Hahahaha.

Anonymous said...

exactly... hahaha...

Raft3r said...

you listen to country music?
hehe

keko said...

Impernes ganyan din ako magreact sa mga gusto kong kanta.

minsan nga ang mood ko ay nakabase sa mga napapakinggan ko haha :)

maganda yung what hurts most nila.

haha diba? diba? sumangayon ka! haha XD

glentot said...

Di ko alam yung kantang Easy kya di ko masyadong gets. At least tumanggi ka sa tawag ng laman LOL

Adrian said...

Hey, thanks for visiting my blog. It's nice to know na may iba ring katulad ko na dumadaan sa ganito. Kakausap ko lang sa ex ko tonight. Hay. Will read your blog soon para buhay naman ng iba ang uusisain ko:)