Mga Sumasampalataya

Jan 15, 2012

REPOST PACONTEST WINNERS

Unang-una nais kong magpasalamat sa lahat ng sumali sa aking munting pakulo.

Aaminin ko, Fail yung unang attempt ko sa pacontest na ito, dahil hindi ko rin naman pinopromote. Pero dahil kay Lio na pinilit sumali kahit tapos na yung deadline kaya napilitan akong ipagpatuloy yung pacontest.

Dahil dito, marami akong nakilalang mga bloggers. Maaaring nabasa ko na sila noon sa tahanan ng ibang mga manunulat, pero ngayon ay nakaka-interact ko na. Nadagdagan din kahit papaano yung mga napapadpad sa aking mumunting tahanan. Nakakatuwa.

Itong aking pakulo ay isang paraan para magpasalamat sa lahat ng naligaw at nanatili sa aking .blogspot at bumabalik balik kahit wala naman kwenta ang mga sinusulat ko. Salamat sa 400+ na nag-follow sa blog ko. at sa higit 100 naglike sa blog page ko.

Salamat sa pagturing sa akin na isang kaibigan kahit na hindi ako nakikita sa tunay na buhay.

At sa lahat ng sumali, maraming maraming MARAMING salamat. Lio, Kuya Jon, Madz, Rosemarie, Homer, Inong, Ace, Gasul, Empi, Joey, Salbe, Vajarl, Ollie, Roanne, Joel, Richard Yvan, Khanto, Palakanton, Kiko, Zhurutang, Laarni, Klet, Bagotilyo, Lipadlaya, Rah, Chinggoy, Lyzius, Akoni, Jay Rulez, McRich, Diamond R, Ms. Chievous, Angel, Edgar, Taribong, Musingan, Xinoko at Skron. Salamat sa suporta, napataba ninyo ang puso ko.

Eto na, magdadrama na ako. Kaya eto na ang mga nanalo sa pakulo ko.

Paboritong Post ni Kasintahan (Morning Glories Volume 1 TPB)
Taribong

Paborito Post ni Gillboard (1 Book choices of: Life of Pi, Art of War, Graveyard Book or Love in the Time of Cholera)
Kuya Chingoy

Ang mga nabunot:

Fear Itself 1-7
Lipadlaya


Mighty Thor Volume 2 1-7
Homer

Jacket (3 Winners)
Kuya Jon (nakakadalawa ka na!!!)
Salbe
Rah

Congratulations sa inyo!!! Paki e-mail ako sa jao_224@yahoo.com para mapag-usapan kung paano ninyo makukuha ang inyong mga premyo.

Hopefully, this year may budget ulit ako para magpacontest ng ganito.

Thank you.

20 comments:

Akoni said...

fine hindi ako nanalo..wala bang consolation prizes? LOL kahit candy lng. haha

The Gasoline Dude™ said...

FINE! Naghangad pa mandin ako sa jacket. :(

Anonymous said...

Salamat sir gilboard :) rah

McRICH said...

nangarap din ako sa jacket hay bawi na lang sa susunod mong pakontes!

btw, ako meron ding pakulo, check it out baka sakaling magustuhan mo, sa 31 pa naman ang deadline :)

Lawstude said...

aw. sali na ko sa susunod :)

aajao said...

WOOHOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
I'm very, very happy!!!

kunin ko na agad BUKAS NG UMAGA yung jacket... for sure hindi yan mai-istock sa aparador. i'll flaunt it in the newsroom ;)

SALA-MUCH, Gibo! ;) :)

Si Inong ay ako said...

wala bang pa consolation dyan hahaha. Congrats sa mga nanalo.

chingoy, the great chef wannabe said...

hahahaha!!!! happiness!

thank you bro, for this great honor. salamat talaga :D

taribong said...

Wow! Happiness!! Maraming salamat!!!
Maraming salamat din kay Kasintahan!!!!
More power to you and you blog!!!
May your relationship with Kasintahan bloom even more!!! Yiiihaaaa!!!

Stone-Cold Angel said...

Congratulations sa lahat ng nanalo. Sabi na, hindi ako maswerte sa mga ganito eh...

Pero sa friendship, panalo na ako...

prinsesamusang said...

congrats! gb sa susunod kabuhayan showcase naman ang premyo ha nyahaha

Kol Me Empi said...

Ganda pa naman ng jacket.. COngrats sa mga nanalo!

bagotilyo said...

congrats sa mga nagwagi .. :)

YOW said...

Ang dami sumali nung na-extend. Kaya congratulations pa rin kasi successful ka. :) Congrats din sa nanalo. Di ako makasali, wala akong magandang gawa. :|

Little Miss Pataki said...

Kungreshemeleyshens winnurs! Puki neto ni Salbe. Walang jacket na kasya sa kanya kahit extra small ng kids. Trolololololol!

laarni said...

Sana sa susunod, appliances showcase o kaya trip for 2 sa timbuktu hehehehe!

salbehe said...

Hiyesss! Nanalo din! Thank you very much!!! Sabay daw kami ni Taribong kukuha ng prize!

L said...

hindi ako nanalo. hahaha! congrats kay kuya tarbs at kay salbe. at sa mga iba pang nabunot. sana may magpainom. lol! nomnomnom!

congrats sa pakonteshit, pareng gill! saksespul! \m/

Raft3r said...

congrats sa winners
jackpot kayo at makikita nyo ni person si gibo!
hehe

xinoko said...

kahit medyo pahuli-huli ako kahit sa pag-bati sayo ng "congrats" para sa isang successful na pa-kontes (buti hindi ako nanalo, medyo matagal na yata na announce mga winners, joke:) ) eh nagpapasalamat parin ako dahil nagkaroon ka ng ganung klaseng pakulo.,

magandang araw at maraming salamat