Mga Sumasampalataya

Dec 21, 2011

KWENTONG BATANG PASLIT

Sana ang mga bata forever 4 years old na lang.

Yung edad na nag-eexplore sila at pilit iniintindi ang mga bagay na nakikita nila sa paligid. Nakakatuwa lang.

Kanina kasi, papasok may nakasabay akong maglola sa bus. Yung batang babae, feeling ko paglaki ay magiging isang napakahusay na komentarista. Kacute lang kasi. Eto ang mga eksena.

EKSENA 1:
Sa harap ng maglola ay magsyotang PDA. Naglalampungan sila sa bus at wala silang pakialam sa mga nakakakita sa kanila. Etong batang babae, nakatayo sa likod nila. Syempre nakikita niya ang mga kababalaghang ginagawa ng nasa harap niya.

Hindi niya siguro naiintindihan ang mga nangyayari sa harapan kaya hindi niya napigilan ang sarili, kinalabit niya yung lalake.

BATA: Pssst huy, anong ginagawa ninyo?

At hinila ni lola paupo ang apo.

EKSENA 2.
Dahil magpapasko na, nauuso nanaman yung mga taong nagpapanggap na pasahero ng bus pero ang totoo ay mangangaroling lang pala.

May ate na sumakay para mangaroling. Imperness kay Ate, may hitsura siya. May boses din kahit papaano. Pero may kasabihan nga, beauty is in the eye of the beholder.

ATE: Merry Christmas merry merry Christmas, Pasko'y anong saya... (di ko alam yung lyrics)

BATA: Lola wag mo bibigyan yung kumakanta ang panget ng boses!

Panalo yung bata. Gusto ko siyang kidnapin kanina.

*************
Dapat palitan ko na yung title ng blog ko. Napapadami ang kwentong commute ko.

Pipilitin kong magpost ulit bago magpasko, pero kung di ko na magawa, MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT SA BLOGOSPERYO!!!

10 comments:

McRICH said...

nakakaalis ng inip ang mga ganitong eksena sa araw-araw na commute.

merry christmas din syo!!

YOW said...

Hahaha. Napakacute nga nung bata, ganyan masarap alagaan. LOL. Dapat yang pagibayuhin. Hahaha.

Anonymous said...

Kyot nong boto, porong oko long! LOL. :D

khantotantra said...

hahahaha.

dapat kinidnap mo na. :p

Rah said...

Haha, ang cute :) may sitcom dati "children say the darnest things." I disagree, it's not darn. it's cute, and it's the truth. :D

L said...

kids say the darnedest things. haha! seryoso, natawa ako sa kwentong commute mo - bulilit edition.

merikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms, pareng gill! \m/

Boris said...

astig yung ikalawang kwento. Merry Christmas :D

Raft3r said...

bakit yun mga nangangaroling sa jeep sa rutang MOA iisa lang ang alam na kanta?

Anonymous said...

kidnapped time na.. hahaha ang sarap alagaan ng mga batang ganyan promise.. hehe

gillboard said...

Belated Merry Christmas sa inyong lahat!!!