Mga Sumasampalataya

Dec 12, 2011

2011 REPORT CARD

Dahil ayoko sumabay sa mga year-end posts ng mga bloggers, mauuna na ako.

Third year ko nang i-grade ang buhay ko. Sa mga baguhan sa blog ko, ito ay isang narcissistic post. Tungkol ito sa kung paano ko gagraduhan ang ilang aspeto ng buhay ko sa taong 2011.

Papasa ba ako o hindi?

CAREER 88% (2010 - 85%)
Hindi ko alam kung mayroong perpektong trabaho. Sa lahat na lang ng pinasukan ko, hindi ako nawalan ng reklamo. Hindi ako nawawalan ng dahilan para ma-stress at uminit ng ulo. Lahat ng trabahong pinasok ko (iilan pa lang naman iyon) meron at meron akong nagiging puna. At ito ay hindi exception.

Pero hindi ko maitatanggi na itong posisyon ko ngayon, i-english ko na: I gained much more appreciation for my job this year. Oo, dahil sa tax, mas lalong lumiit ang sweldo ko kahit dalawang beses ako nagka-increase ngayong taon. Pero kahit ganun mas mahal ko pa rin ang trabaho.

Ngayong taon, ako'y naging Senior Lead at naging Super User (Subject Matter Expert), at dahil sa mga naging posisyon ko, mas naintindihan ko kung ano ba talaga ang trabaho ko. Oo, ngayon ko lang naintindihan ang trabaho ko. Hindi ko pa rin maipapaliwanag kung ano ba talaga ang trabaho ko, pero kung tatanungin mo ako ngayon mas maikli na lang ang paliwanag ko.


SOCIAL LIFE 73% (2010 - 79%)
Promising ang naging umpisa ng Social Life ko ngayong taon, pero hindi ko alam kung saan nag-umpisa bumagsak. Hindi ako masyadong nakasama sa mga lakad ng mga barkada  ko. Nakakalimutan na akong yayain sa mga birthday celebration ng mga close friends ko. Hindi na ako nakakapag house party sa bahay namin.

Ano na nga ulit ang lasa ng alcohol? Etong taon na yata tuluyang nagkaroon na ng sari-sariling buhay ang barkada namin. Nagsimula yan nung naghiwalay yung isang pares ng mga bff namin.

Pero ang totoong dahilan kung bakit bagsak ang Social Life ko ay dahil sa isa pang aspeto ng mamarkahan ko sa baba.

LOVE LIFE 95% (2010 - 100%)
Hindi dahil bumaba ang marka ko sa buhay pag-ibig ay ibig sabihin na di ko na mahal si Kasintahan. Noong isang taon mataas talaga ang marka niyan. Syempre yan yung mga panahon na nasa Honeymoon phase pa yung relasyon. Andun syempre yung kilig (lalo pa sakin dahil ito yung unang pagkakataon na lumampas ng isang buwan ang naging relationship status ko).

Well, hindi pa naman natatapos ang Honeymoon Phase. Marami ring magagandang nangyayari samin, katulad na lang nung weekend, di nakatuloy sa amin si Kasintahan (hinanap siya ng tatay ko). Di na yata sanay si Tatay na wala si Kasintahan sa bahay pag weekend.

Pero kakabit nito, syempre meron din kaming naging problema. Sa mga sumusubaybay sa isang tahanan ko, alam niyong nagkaroon ako ng isyu sa pagtitiwala pagdating sa mga nakikilala naming kaibigan. Gaya ng trabaho, wala naman yatang perpektong relationship. Pero ang mahalaga ay mahal ninyo ang isa't-isa. Kaya kahit ano pa man yung pinagdaanan naming dalawa ngayong taon, kami pa rin ang magkasama. Yiiiiii. Keso.


BLOG LIFE 85% (2010 - 96%)
Hindi man ako naghiatus ngayong taon, sobrang dumalang naman ang aking pagsusulat. Tinamaan ako ng sinasabi nilang writer's block.  Hindi man lang umabot ng 100 ang mga nailathala ko ngayong taon.

2011 ay hindi rin naging maganda para sa isa ko pang tahanan na tuluyan ko nang nilisan kamakailan.

Ang maganda lang, kahit hindi marami ang mga nakilala (actually, wala pang sampu ata ang mga bagong nakilala ko ngayong taon) ko, yung alam ko at yung tunay kong nakilala, alam kong kaibigan ko talaga. May sumablay lang talagang isa, pero okay na rin.

At least nakilala ko yung isa sa mga kras ko sa blog na si Coldie. Ako'y isa sa iilan lang na nakakita ng  tunay niyang hitsura sa likod ng mga smiley na pinopost niya sa blog niya.

Medyo bumabalik na ang creative juices ko, so hopefully tataas ulit ang grado ko sa 2012.

SAVINGS 70% (2010 - 70%)
Bagsak pa rin ngayong taon. Hindi na rin akong sumubok na ipasa ito. Umpisa pa lang ng taon nabaon na ako sa utang.

Blackberry. XBox Kinect. DSLR. Sangkaterbang comics. Sangkaterbang original na video games. Boracay trip. Bohol trip. SSS Loan.

Ang importante lang sakin, sa ngayon, ay nag-enjoy ako.

Hopefully sa 2011 mas magiging maayos ang lahat. Nag-enroll na ako, at bumili ng shares sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko (kaya mas liliit nanaman ang sweldo ko). Tumigil na ako sa pagbili ng mga comics (maraming salamat sa torrent at nakakapagdload nako). Hindi na ako kailangang gumastos para sa Tablet dahil papadalhan ako ng pinsan ko ng Kindle Fire. At mas malaki na ang kinikita sakin ni Kasintahan.

HEALTH 75% (2010 - 70%)
Kung may highlight ako ngayong taon, ito ay ang pagpayat ko. Hindi na masyado halata ngayon dahil medyo malamig at mas napapakain ako.

Pasang-awa lang ako ngayon dahil hindi ko pa nakukuha yung minimithi kong timbang. Marami pang dapat trabahuin. Kelangan ko pang magsayaw ng Dance Central ng madalas.

Pero malaking achievement na sa akin ito dahil ngayong taon ako tumungtong sa pinakamabigat na timbang ko sa buong buhay ko. Ayoko nang balikan dahil nakakahiya. Basta ang mahalaga ay naibalik ko ito sa timbang ko sa timbang ko noong 2008.

Marami pang pawis na dapat tumulo. Ngayong magtetrenta na ako, mangyayari ito. Itataga ko yan sa bato.

AVERAGE 81% (2010 - 83.33%)

****************************

Bumaba ang grado ko, pero okay lang. At least alam ko na ngayon kung saan ako magfofocus sa 2012.

Hopefully, mag-iimprove next year.

Hopeful ako kasi maganda palagi ang dating sa akin ng mga "even" years.

Kayo, kung mamarkahan kayo sa mga nakatalang aspeto ng buhay niyo, ano ang magiging grado ninyo?

26 comments:

chingoy, the great chef wannabe said...

sa lahat ng ito, ang maganda ay masaya ka kaibigan...

mabuhay ka! yung entries ko lapit na ma(re)post hehehe

Tal said...

may report card pala kapag year-end...hehe! dumadalaw lang po! :)

Rah said...

mahirap mag grado ng life. pero i guess, it all depends on your perspective. yung health na 75% ay 100 na pala para sa iba. Parang chess ang buhay, may good moves at bad moves, pero depende parin yon sa kung anong mangyayari sa middle game at end game.

jeniffer said...

muka namang mataas ang grado mo sa buhay mo.. so ok na yan.. atleast masaya ka... yun naman ang importante... aanhin mo ang lahat kung di ka naman masaya diba?

khantotantra said...

naks... Atlist pasado. Ako siguro bagsak ako sa career (or almost there). ehehehe.

Sa lablife lalo... bagsak. :p

Ayos ang gantong post na pang year ender ah. :p

Stone-Cold Angel said...

Pasado pa din.

Gagawa din ako ng ganitong post later on. Nainggit ako eh.

Ingat!

Jayvie said...

pabonggahin muli ang social life sa pagpapahouse party ulit nang madalas! hehehe ;)

Chyng said...

inggit ako sa lovelife! haha!

Anonymous said...

hahah nakakamatay na 100% lang naman ang love life.. hahaha

Superjaid said...

kainggit naman ang lovelife tsk di ko ata kayang bigay ng grado ang mga aspeto ng buhay ko

YOW said...

Parang gusto ko din tong gawin, last year ko pa dapat gagayahin eh kaya lang nakakahiya. Hahaha. But I know, bagsak ako. Ikaw na ang may mayabong na lovelife Kuya. Mayabong?

McRICH said...

oo walang perpektong work, lovelife, at buhay pero atlis twice kang na-increasan ha, now yun ang perfek!

gillboard said...

mcrich: hanggang papel lang yang increase. pag ibinawas mo ang tax at lahat ng bayarin, kulang pa rin yung kinikita ko sa isang buwan. :(

yow: di naman. meynteyn lang ang lablayp. hehehe. go lang post ng ganito, lapit na matapos ang taon.

superjaid: bakit naman?

gillboard said...

kikomaxx: nagskip read ka no?

chyng: magkakaroon ka din nyan ulit. prediction ko next year. :)

jayvie: tara kinect party ulit tayo!!!

gillboard said...

angel: mas mababa nga lang compared last year. Go lang!!!

khanto: yup. nakaktulong sakin para alam ko kung san ako magfocus sa susunod na taon.

jeniffer: tama! happy lang always. :)

gillboard said...

rah: yup. totoo. depende yan sa kung ano yung priority mo sa buhay.

talinggaw: salamat sa pagdalaw. :)

chingoy: sige, hihintayin ko yan. may dalawa't kalahating linggo pa. :)

an_indecent_mind said...

ang maganda nyan e positibo pa rin ang pananaw mo para sa 2012. yun naman ang mahalaga! all in all, hindi naman masama ang naging 2011 mo, aside sa less social life.. more work less play, bad habit!

kampai!

L said...

pasado pa rin pala. ayos 'yan!

'yung totoo? siguro bagsak ako pag binigyan ko ng report card ang sarili ko. isa-isahin natin:

career: 65% (marami na 'kong naibatong shit sa datnet patungkol dito. 'nuff said.)

social life: 10% (zero dapat ilalagay ko pero bilang nakainom naman ako nung nakaraang biyernes at masusundan pa netong sabado, binigyan ko ang sarili ko ng 10%)

love life: 100% (hihihi! dito na lang talaga 'ko bumabawi nang bonggang jabongga.)

blog life: 75% (ampanget na ng blog ko. pag nagba-backread ako sa mga kung anu-anong shit na naisalitype ko ngayong taon, hindi ko makita 'yung kakaibang angas at brilyo na una 'kong pinakita nung nagsisimula pa lang ako.)

savings: 0% (wala talaga. kung anuman ang sinasahod ko ngayon, saktong-sakto lang sa lahat ng gastusin sa bahay, konting pansarili, at maraming pampamilya. kaya nga gusto ko nang mag-abroad.)

health: 85% (okey naman ako. bukod sa mangilan-ngilang pagkakataon na sinisipon at inuubo ako, wala naman akong malubhang karamdaman ngayong taon. pero nabanggit ko na bang wala kaming health card? T_T )

average: 55.83%

bwahahaha! bagsak na bagsak! di bale, may next year pa naman. o_O

Skron said...

I don't know how to grade my life. But, if attempt to, it might look like this.

career: 80% - Still stuck at my work, which I enjoy. Because magaganda ang mga kasamahan ko.

social life: 90% - Parati akong lumalabas. Especially last summer.

love life: 75% - 0% in the last 5 years. But this year, pasang awa. Dahil nakipagdate (hindi na gustohan yung date) at na in-love din.

blog life: 85% - nag hiatus. But came back with an intense determination to blog.

savings: 0% - spent less on books, games and others. But I went out a lot this year. Also bought a camera and two lenses.

health: 70% - Started biking again and lost 10 lbs of weight. Pero uminom at nag yosi din nag todo.

Dorm Boy said...

It's really helpful gumawa ng assessment sa sarili gaya ng ginagawa mo. Last year nabasa ko rin ang rating mo and natuwa naman ako at me continuity.

Balak ko ring iassess sarili ko the way you did. Congrats for still passing the mark! Dun sa last criteria parang dun din ako magfofocus ang pagpapayata hahaha!

Orange said...

pagaya po... please please please... kahit na kinakabahan akong gawin siya, gagawin ko talaga ito.

Congrats on passing the mark. :)

bagotilyo said...

.. kakainggit ang post na ganito ..

talagang may grade .. na try ko na gumawa ng ganito sa notebook lang pero walng grade puro assessment lang..

at least line of 8 pa. ok pa yan.

hopefully tumaas pa ang grado mo next year para maging deans lister ka na.hehhe :)


sincerely,

ang iyong guro ( WAHAHAHA)

aajao said...

aga nga. hehe. ok lang yan. spices of life yang roller coaster ride sa buhay natin.

aabangan ko ang isa pang year-ender post mo. meron pa di ba? :D

Raft3r said...

naman!
pano talaga sa love life
hehe

teka
bakit wala kang score sheet para ke PNoy
hehe

kaloy said...

uy - have one heck of year ahead!

Earvs said...

Gillboard, naaliw ako sa post mong to. I hope okay lang na gayahin ko ang format mo for my blog. Monthly lang yung akin. Hope to meet yah! =)