Mga Sumasampalataya

Dec 9, 2011

ISANG DEKADA NG PAGSUSULAT

Isang dekada na pala akong nagsusulat.

Nakita ko kanina yung journal ko noong college. Binasa ko ito, at nagpapasalamat ako na tapos na ang phase na iyon ng buhay ko.

Nakakahiyang ipost ang mga pinagsusulat ko noong bata pa ako. Ang babaw babaw ko. Ang bratty ko. Pasaway. Walang kasubstance substance. Ang jologs lang.

Wala akong balak na ipost dito ang mga nakaraang sinulat ko, pero bibigyan ko kayo ng patikim ng mga naging laman ng 12 journal ko na naging hingahan ko sa loob ng limang taon.
  • Masyado ako noon affected sa mga kaganapan sa mga pinapanuod kong tv series. Kung mababasa niyo lang ang mga violent reaction ko sa mga cliffhanger na eksena sa Dawson's Creek, Alias, 24 at 7th Heaven.
  • 2001: ang goal ko para sa taon ay makahanap ng kopya ng pornographic magazine.
  • Naisulat ko ang bawat minuto ng byahe ko kasabay ang noong kras ko na si Thursday. Gaya ni Monday, si Thursday ay di ko nakilala (kasabay ko lang siya talaga sa FX tuwing Thursday).
  • Naisulat ko kung paano ko inistalk si Thursday (kavillage ko kasi siya). Sinulat ko yung suot niya tuwing nakikita ko siya, yung plate number ng sasakyan at scooter niya, kung nasaan nakalagay yung nunal niya. 
  • May isang araw, nagsulat ako sa journal ko na kunwari isa akong pirata. Wag niyo nang alamin.
  • Lahat ng sexual encounters ko mula 01-05 ay nakasulat sa journal ko. 
  • May isang buwan na emo lahat ng sinulat ko dahil nabasted ako nung isang nakaniig ko (Si Obsession... kung nibackread mo).
  • Sa isang buwan na iyon ay nakasaad din ang mga plano ko kung paano ko malalaman kung saan nakatira itong si Obsession. Oo creepy ako.
  • Parang national headline na sakin ang bagong title ng Astonishing X-Men, ang Avengers/JLA Crossover.
  • Suicidal ako noong kolehiyo tuwing Valentine's Day. 
  • Naging saksi ang journal ko sa pag-ibig ko sa isang nakilala sa text na eventually ay iniwan ako sa gitna ng aming "date".
Nakakatuwa na nakakasuka kapag binabalikan ko lahat ng pinagdaanan ko sa sampung taon na nagsusulat ako.

Nakakadiri mang balikan pero kung wala ang mga iyon, malamang wala akong maikukwento.

Hindi ko marerealize na hindi boring ang buhay ko.

20 comments:

khantotantra said...

heavy writer ka pala sir. imagine... pati sexperience naka-journal. wahiahiahihih. pati stalking prowess antindi.

itsyu olredi.

btw, nagsubmit na pala me ng entry sa contest you. haha

the geek said...

meron akong little black book noong college pero mga poems nakasulat - mga erotika. hahaha pero hiningi ng isang malapit na kaibigan, remembrance daw.

McRICH said...

naks dyumu-journal, yan siguro ang dahilan kung bakit ka naging magaling na blogger!

Unknown said...

Happy 1oth aniv. Mag sstart na nga rin akong mag journal. Tama hindi nga Boring naging uhay mo!

Caloy said...

Lol @ the porno mag! was it successful? hehehe. Merry Christmas bossing!

Rah said...

I guess all of these past experience add up to make u a better person that you are now.

Mugen said...

Kung alam ko lang, naging supplier mo sana ako ng Porn Videos noon. Haha.

Sendo said...

nakakatuwa talaga magbasa ng old journals noh.....kakaiba rin yung mga journal entries mo ah...ansaya lang...ilang porn magZ na nakolek mo? haha...i agree with rah...everything u wrote about has made u the better person u are now ^^ nung binabasa ko rin ung mga blog entries ko sa high school, super laugh trip din ako mag-isa haha...di ka makapaniwala nakapagsulat ka pala ng ganun haha

YOW said...

You love writing talaga Koya. Haha. Lagi ko sinusubukan yan tapos lagi din ako hindi nagtatagumpay. Haha. Panggap panggap lang na sumusulat.

At solid na nang-stalk ka nga nung kabataan mo. Hahaha.

Anonymous said...

Ahken feel et! In 10 yrs from now, pakiramdam ko magiging ikaw ako. Nasa stalking phase pa ako ngayon e. Hihihihih.

Repost ang sexperience! Makibaka! Wag matakot! :D

Anonymous said...

kuya gillboard

mag bigay ka naman ng tips sa paano ang effective stalking...hehe :D

Traveliztera said...

Grabe andaming journals! sa bagay... ganyan din ako pero nung HS na ako, naging online na journals ko... and tulad mo-- minsan puro kajologsan pinaglalagay ko wahahhahahaha

ikaw na affected sa tv shows :P ... at emo... kelangan talagang daanan yung phase na yun e noh haha

Anonymous said...

hinding hindi magiging boring ang buhay mo, lalo na kung suicidal ka tuwing valentines day.

:)) :)) :))

Superjaid said...

Wow pati sexcapades nice..=D

L said...

hindi kaya nakasulat din sa journal mo ang tunay na pagkatao ni mara? hehe. nice. pag wala ka nang maikwento dito sa crib mo, pwede mo sigurong gawing source material 'yung kung anu-anong shit na sinulat mo sa journal. XD

Rence said...

Here is something to write about =)

http://rencelee.blogspot.com/2011/12/one-lovely-blog-award.html

Anonymous said...

isang dekada. grabe hindi biro yun ah. pero alam mo sa lahat ng sinabi mo isa lang ang nagstick... yung nagsulat ka na parang pirata! hahaha!

Dorm Boy said...

Isang DEKADA! Lufet!!!

ibig sabihin 10 years? (inulit pa)

Now we know ano feeling pag gurang na tayong mga bloggers tapos babasahin ng mga apo natin ang mga pinagsusulat natin hahahah!

Raft3r said...

Ang babaw babaw ko. Ang bratty ko. Pasaway. Walang kasubstance substance. Ang jologs lang.

Si Raft3r ba yan?

Nyahaha

Adrian said...

I can relate. Tinago ko rin ang mga journals ko noong elementary pa ako. (Diary pa nga ang tawag ko). It's amazing how one changes through the years. I like getting older. I'm glad I'm not the same person anymore. When are you turning 30?