Mga Sumasampalataya

Apr 4, 2011

DUKOT

Feeling ko kinarma ako noong nag April Fools Day joke ako noong Biyernes. Paano ba naman pag-uwi ko nung Sabado, naranasan ko ang pinakanakakatakot na Bus Ride sa tanang buhay ko.


Wala naman nangyari sa aking masama. Pero the fact na sobrang muntik na may nangyari eh nagpapasalamat ako at sa akin ay may nagbabantay pa rin.


Ngayong Abril kasi, 730pm to 430am na ang schedule ng inyong lingkod. At dahil weekend na, inisip kong wag sayangin ang oras sa opisina at umuwi na lang para matulog. Kaya on the dot ang alis ko. Dahil maarte ang lolo niyo nag-abang talaga ako ng aircon na bus. Di naman kasi ako talaga sumasakay sa hindi aircon.


Nung una may kasabay ako na tsinitsismis sa akin ang kanyang buhay pag-ibig na hindi ako nakakarelate.


Nagbibigay lang ako ng opinyon kasi kailangan niya ang opinyon ng lalake. So wala lang di ko muna pinapansin ang mga kaganapan sa loob ng bus.


Pero nung ako na lang mag-isa, dun na nagsimula akong makakita ng hindi ko dapat makita. ANG DAMING MANDURUKOT AKONG KASABAY!!!


Mga lima o anim yata sila. Noong una yung isa lang yung napansin ko. Nasa harap ko kasi. Tingin siya ng tingin dun sa katabi niya na natutulog. Nung una, iniisip ko baka bading yun na chinachansingan yung katabi niya, pero mukhang sanggano yung lalake. Tapos nakita ko yung nasa tapat nila nakatingin din. Parang lookout. Shet, sabi ko dinudukutan nito yung mamang natutulog. Shet kakasweldo lang pala ng ibang manggagawa ngayon!!!


At dun ko na napansin yung iba nilang kasama. Palipat lipat sila ng upuan. At palaging tumatabi sa mga mukhang natutulog. Gusto kong dutdutin yung mama sa harap ko pero natatakot ako na baka ako naman yung pagdiskitahan nila.


Meron isa na mukhang ako yung natripan dahil may bag ako. Pero tinitingnan ko sila. Hindi ko siya pinatabi sa akin at kumapit ako ng mahigpit sa aking bag. Kabadong-kabado ako nung mga panahon na iyon. Buti na lang mabilis yung bus at nakarating kami agad ng Baclaran.


Grabe nung tumayo ako at sinilip yung mamang natutulog, bukas na bukas yung bag at binulatlat talaga. Tapos yung mama na muntik tumabi sakin, kitang kita kong binubuksan yung bag nung binata na natutulog.


Shet, sa isip ko alam ko na kung paano dumiskarte ang mga mandurukot, pwede ko nang gawin yun sa susunod!!!


Lumayo ako sa kanila pagbaba. Nakakatakot. P150 lang ang pera ko nun pero ayoko mawala pa yun.


Nagpapasalamat ako na kahit sinungaling ako at masama ang ugali ko ay nilalayo pa rin ako sa kapahamakan. It’s either that or mukha din akong mandurukot kaya di nila ako tinalo.

25 comments:

Unknown said...

Buti na lang, hindi ka natulog sa bus! Nakakatakot talaga ang panahon ngayon.

Klet Makulet said...

una dito ko na icocomment yung kwento mo nung paril 1. yes, isa ako sa naloko mo at napa OMG ako ng hindi oras pero thank God di pala totoo...

at naku may kasalanan ka pa din ngayon kasi di mo tinulungan yung mga dinudukutan hala!!! hahaha joke lang. nakakatakot naman talaga eh. mabuti na lang at malaki kang tao hindi ka nila pinatos hahahaha saka buti you are safe. :)

goyo said...

Shet! Buti hindi pa ako nakakaranas ng ganyan. Hindi pa din ako nakakasaksi. Ayoko ding maranasan. Hehe.

Raymond said...

tsktsk. I remember nung nahold up ako.haha may ksama pang pagmuura sken at balisong.haha

khantotantra said...

grabe. katakot na experience. siguro ganyan nangyari sa akin noon ng nanakaw cp ko sa bus. hahaha. tulog kasi ako ng tulog dahil estudyante pa.

kakatakot naman magreact sa bus baka ikaw makuyog ng magnanakaw

Rio said...

kawawa naman yung nadukutan.
ingat lagi gillboard:)

Spiral Prince said...

i-expose mo yun sa xxx!



p.s.

ang bilis ng mini-karma! JOOOOOOOOOOOKE, gillboard! ahihihihi

egG. said...

jusme.. nakakatakot nga.... haayyyy....

ingats po sa susunod...

Jayvie said...

omg!! nakakita na rin ako ng ganyan. akala ko din tsinatsangsingan ng mandurukot yung babae, pero ayun, nahuli ko sya sa akto na binubuksan yung bag, kaya natigilan sya. sobrang kinabahan ako kasi baka ako ang pagbuntungan.

dyusme! scary noh! buti safe ka.

Chyng said...

(make sure) magtravel kayo bago kayo magbreak. hehe
tse ka! yan tuloy muntikan ka na. buti nalang P150 lang pera mo if ever. hehe

Anonymous said...

buti nalang ginising ka ung ateng nagkukwento ng lablayp nya! baka sya ang guardian angel mo!

Superjaid said...

katakot naman yung ganyan buti na lang kahit nakakatulog ako sa bus di pa ako nadukutan

escape said...

kawawa naman yung tulog at malamang pagod sa kakatrabaho. pero marami nga yata talagang magnanakaw pag gabi. may kakilala na rin akog nadukutan sa bus.

Vajarl said...

Winner ang mukhang mandurukot! Bwahahaha.

Recently lang na isnatchan ako ng iTouch. Putangena hanggang ngayon pumuputok paren buchi ko sa galit sa mga mahihirap people na yan. Di naman ako mukhang tulog ako pa ang nakursunada. Ampapanget nila. Hahaha.

beero said...

hay naku hirap talagang sumakay sa mga bus lalo na pag di aircon. haha. minsan na din akong nadukutan sa MRT eh. P600 din ang nawala sa kin. kaya ngayon todo ingat na ko sa mga mandurukot. hehe

YOW said...

Whoa! Ayus ah? Ako pa naman tong palatulog sa mga bus at jeep. Kaya pag gising ko, lagi ako kinakabahan kung nandun pa yung bag ko. Haha. Bakit di man lang nakikita ng conductor o driver? Baka kasabwat din? Mga hayop na yan. Totoo pala yung status mo. Haha

Rico De Buco said...

natawa naman ako ng sinabi mo na mukha ka ding mandurukot..sabi nga ni john llyod ingat hhehehe

Anonymous said...

hala chong ayan na nga ang karma... buti nalnag at akaiwas ka :)

Rah said...

Naranasan ko na ang madukuatan sa jeep. Hindi maganda ang feeling. Kaya galit ako sa mga mandurukot. gusto ko dukutin yung mga mata nila. May araw din sila.

Dorm Boy said...

Ingats pards! Pero good thing di ka nila nilapitan. Minsan kasi d natn alam kung kelan at kung sino tlga makakasama natin sa loob ng bus. pero pag ganu better give up ur personal prized possessions kesa masaktan ka pa... d namn sa takot tau pero isa lang ang buhay natn pagpapalit b natin un? Ingats always!

Dorm Boy said...

Ingats pards! Pero good thing di ka nila nilapitan. Minsan kasi d natn alam kung kelan at kung sino tlga makakasama natin sa loob ng bus. pero pag ganu better give up ur personal prized possessions kesa masaktan ka pa... d namn sa takot tau pero isa lang ang buhay natn pagpapalit b natin un? Ingats always!

PABLONG PABLING said...

ang mga mandurukot kaya nadudukutan din

Raft3r said...

mahirap na talaga ang buhay ngayon
=(
kaya ingat

Diamond R said...

wala man lang bang pulis kang nakita. ng maturuan ng lekson ang mga yan.harap harapan na kung magtrabaho ang mga yan.

McRICH said...

na-meet ko na rin ata sila, as in bulto sila sa isang bus, grabe natatandaan ko pa sa guadalupe nangyari yon, share ko lang naman, napadaan kasi ulit, nagba-back read.