Mga Sumasampalataya

Apr 18, 2010

CELEBRITY SIGHTING

Masaya ako ngayong araw dahil kahit wala akong tulog ay nadagdagan nanaman ang minarkahan ko sa wishlist ko noong kaarawan ko.

Pero hindi tungkol dyan ang kwento ko.

Noong Biyernes, ako'y nagmalling para sa aking weekly comics purchase. Syempre, bagong sweldo kaya excited gumastos.

Sa aking paglalakad papunta ng opisina galing Planet X Comics, ay nakasalubong ko si Marc (o Mark) Abaya ng Kjwan. Artista,

Hindi ako taong gubat na ilap na makakita ng artista. Noong grade school ako, naging kalaro ko si Gio Alvarez (kung di mo kilala yun, igoogle mo... sa Ang TV siya sumikat). Marami na akong nakitang celebrities. Ang post na ito ay tungkol sa aking impression nang makita ko ang mga artistang nakita ko na.

MARC ABAYA: Akalain mo yun, mas matangkad ako sa kanya. Pero maganda ang girlfriend niya.

ANNE CURTIS: Hindi siya maganda sa personal... Dyosa siya!!! Saksakan ng ganda!!!

JOHN LLOYD CRUZ: Nakasalubong ko siya sa elevator noong nagaapply ako sa trabaho at siya'y nagshoshooting ng A Very Special Love. Nabakla ata ako sa kanya. Pre-man-boobs pa yun ha!!!

CHRISTINE REYES: Hindi mo maiiwasang lingunin siya kasi SOBRANG ganda niya sa personal. Whoooh... ang init!!!

DINGDONG DANTES: Pre-manboobs din ito... nag-aaral pa siya noon sa San Beda... wala lang... pangkaraniwan... mukha siyang bugnutin noon.

KC CONCEPCION: Crush na crush ko siya noong hindi ko pa siya nakikita sa personal... pero noong nangyari na... parang... ay ganun lang... pangkaraniwan... maganda siya... pero yun lang...

SNOOKY SERNA: Batang-bata pa ako noon... Kakahulog mula sa bangin... at dun ko nalamang peke ang ulan sa mga pelikula... mukha siyang basang sisiw.

MARC NELSON: Galing ata siyang gym noon, ewan ko... pero may naamoy akong kakaiba nung nakasalubong ko na siya.

RIZZA SANTOS: Kung di niyo siya kilala... kasali siya sa PBB Celebrity Edition 2 dati... ang payat at ang tangkad niya in person... nagmukha akong dwende sa tabi niya. Pero ang ganda niya!!!

DINKY DOO JR: Suki siya ng SM Sucat... wala lang... kilala ko lang siya... ang jologs ko talaga!!!

DINO GUEVARRA: Kapitbahay namin siya... di ko lang alam kung hanggang ngayon... hindi ko nakita yung balahibo niya sa leeg... yun lang.

BATISTA: Ang LAKI niya!!! Kung may mas maliit pa sa dwende.. yun ako sa tabi niya!

Kayo, sino na ang mga nakita ninyong celebrity at ano impression niyo sa kanila?

28 comments:

The Scud said...

marami na. baka ma mahaba pa sa post mo. haha. pero anne curtis and mylene dizon are standouts.

Stone-Cold Angel said...

Nice post!

Siguro ang mga nakita ko na ay sina Erich Gonzales, Jake Cuenca at Marc Nelson.

Nakapagpa-autograph naman ako kina Aubrey Miles, Diana Zubiri, Francine Prieto, Andrea Del Rosario, Maui Taylor, Julianna Palermo and Myles Hernandez.

=)

Random Student said...

i used to work in a publishing company kaya darating silang walang kadating-dating tapos aayusan at kablam -- artista na on cam. sabihin na lang nating ang most difficult transformation eh yung kay Nina. Akala ko taga deliver ng ulam for lunch when she came in.

vonfire said...

Dati akong dj sa isang radio station kaya most of the time mga banda at ilang soloista din ang mga nakita at 'nakahalubilo' ko. Pero ang pinaka-unforgetable na experience ko when i got d chance 2 nterview top cagers that time na sina asaytono (bobong kausap), locsin (may pagkasuplado) at vince hizon (pinakagame, pinakayummy sa tatlo!).

caloy said...

ikaw na! ikaw na maraming nakitang artista! hahahaha! magsama kayo ni dinky doo! whahaha!

HalfCrazy said...

Kahit sa TV, sobrang ganda nyang si Cristine Reyes! Hindi ko pa sya nakikita sa personal pero kahit sa TV lang, okay na siguro. Ang ganda kasi saka sobrang lakas ng sex appeal.

Si Dino Guevarra, ex-wife nya yung kapitbahay namin dito. Pumupunta punta pa yan dito. Eh kalaro ko yung kapatid ng ex-wife nya kaya kilala nya rin ako. LOL.

Wala akong natatandaang nakita ko nang artista na malapitan. Hindi rin kasi ako hayok pag may artista!

an_indecent_mind said...

may ilan ilan na din akong nakitang mga celebrities..

pero di ko pa rin malimutan ang pangarap ko na makita nang personal sila kuya bodjie, kikong matsing, pong pagong, manang bola, at arn-arn.

dati pangarap kong makita lang nang personal si ronald macdonald at jollibee, pero... sino ba talaga sa knila ang original? hehehe

Chingoy said...

Charlene Gonzales
Dina Bonnevie
Miriam Quiambao
Anne curtis

Sam Milby

... sila ang stand out among sa nakita ko.

ahmer said...

Sarah Geronimo ilang beses ko na nakita ng personal at nakapag autograph pa ko' hehe

DRAKE said...

Hindi naman ako mahilig sa artista.

Ganun pa rin naman sila, taong tao din naman ang dating!hhehehe

Ingat

ENS said...

wow.. crush ko si kc... nuong model pa lang siya at vj...
hindi ko pa nga siya nakikita...
ang unang una kong nakitang artista ay si connie reyes... wala lang... parang sumeryoso ang mood ko...

domjullian said...

AGOT ISIDRO!

the donG said...

i also saw some of the celebrity but who i want to meet in your list... rizza santos.

Chyng said...

wow lucky you to see Anne and Lloydie!

pero nung nakita ko sa Akihiro Sato at Marc Nelson sa GB3, solve na ko. hihi

No Benta said...

ka-batch ko si bernard palanca sa St. John's Academy sa San Juan. pati yung kapatid niyang si mico ay schoolmate din namin.

sa uste naman ay madalas kong makita si jao mapa at aiza sa engineering building. si charlene gonzales, beth tamayo, at joan quintas ay nakikita ko rin.

kapag sa salamin naman ay nakikita ko si ely buendia.

pero puwera biro, madalas namin makasabay ang eheads, yano, parokya, at iba pang alternative bands noong nineties kapag may tugtugan kami sa UP.

gillboard said...

no benta: dami celebrity friends ah!!! astig!!!

chyng: bakit naman lucky?

dong: ako din, gusto ko siya makilala... sayang nga eh, wala na kami sa RCBC, dun ko siya dati madalas makita... hay

gillboard said...

dom: pasalubong!!!

ens: natawa ako at si connie reyes talaga ang una mong nakitang artista!! hehehe... alala ko crush ko siya noong mga 6 years old ata ako... lolz

drake: oo naman... pero si anne... hindi eh... dyosa talaga!!! haay

gillboard said...

ahmer: may kakilala ako... vice president ng fans club ni sarah geronimo... hehehe

chingoy: iniisip ko kung nakita ko na ba sa personal si Charlene... ang ganda nun... hehehe

indecent mind: naikwento ko ba, katrabaho ko dati yung nagboboses kay Pong Pagong? wala lang.. hehehe

gillboard said...

half-crazy: hindi rin naman ako hayok sa kanila... lalo na kay dinky doo... hahahaha

caloy: laki ata talaga tampo mo sakin.. ayoko na.. huhuhu

vonfire: astig ng dati mong trabaho... dream job ko yan!!!

gillboard said...

random student: kapareho mo classmates ko nung college... sa fhm sila nag-ojt... inggit kami lahat!!! hay

angel: suki ng top 50 ng FHM yang mga nag-autograph sayo... hehehe

scud: si mylene dizon.. di ko pa nakikita sa personal... hay.

glentot said...

Nasalubong ko si KC sa elevator sa office building namin. Tama ka... pero mukha syang masayang kasama, kasi ang ingay nya at tawa nang tawa.

jayvie said...

ang sikat naman nina snooky, dino at dinky doo. hahaha.

cristine reyes... super kinis =)

Raft3r said...

bedista ka ba?

Random Student said...

domjullian: napaghahalata ang age

glentot: kaw ba ang pinagtatawanan?

jepoy: himala wala ka dito haha

The Gasoline Dude said...

Charlene Gonzales: Ka-course ko siya sa UST. Hong-gondoh! At ambango ng corridor kapag dumadaan siya. :)

Aiza Seguerra: Kung ano itsura niya sa TV, ganun din sa personal.

Geneva Cruz: Hmmm... OK lang. Mukhang mataray.

Hindi ko na matandaan 'yung iba. Pero nakita ko na din si Anne Curtis, Dingdong Dantes at Marc Nelson.

gillboard said...

alex: nakalimutan mo ata si Lea Salonga... may picture pa kayo nun, diba?! hehehe

random: kay dom ok lang naman ireveal age niyan... aminado yan... hehehe

jayvie: ay sinabi mo... hehehe

gillboard said...

raft3r: bedan bro!!!

glentot: ang saya naman nun...

kcatwoman said...

di ako payag,..! inlove ako kay marc nelson pero okay lang since nag-gym naman pala sya. ang swerte mo naman at ang dami mong artistang nakita! ako si jennifer sevilla lang yata.

yun lang. nice post!

bestpinay